Ibinuka ni Stef ang gunting at itinapat ito sa pulsuhan ng kaliwang kamay niya. Dahan-dahan niyang idiniin ang talim sa manipis na balat hanggang sa tumulo ang kaunting dugo. Ididiin na sana niyang muli ang talim nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nag-flash sa screen ang numero ni Greg kasama ng imahen nilang dalawa. Magkaakbay pa sila sa kuha na iyon at ang mga labi ni Greg ay nakadikit sa kanang pisngi ni Stef. "s**t! Ahhh!" Saka niya naramdaman ang hapdi ng sugat na dulot ng bahagyang pagkakahiwa. Agad niyang binitiwan ang gunting at dinampot ang phone. Pinahid niya ang dugo na pumatak dito at saka sinagot. "G-Greg?" "You okay, Stef? Bakit ganyan ang boses mo?" "Ah, kagigising ko lang Greg. Oh, kamusta ka na?" Muli nang bumabalik ang buhay sa boses ni Stef. "Eto, ngayon l

