Hindi maipako ni Elijah ang pag-iisip sa ginagawa niyang mga ulat. Nagtitipa siya sa laptop ngunit hindi pa rin nabubuo ang kanyang report kahit sampung beses na siyang naghahanay ng mga salita. Ito'y dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nabubura sa kanyang isipan ang madilim na ekpresyon ng mukha ni Stef nang ipabugbog niya si Greg sa harapan mismo ng dalaga. Pumikit man siya o dumilat, malinaw pa rin niyang nakikita ang mga huling titig ni Stef na puno ng pagkamuhi para sa kanya. "Damn it!" sigaw niya sabay hampas ng isang palad sa mesa. Maya-maya pa'y tumunog ang extension phone at agad itong sinagot ni Elijah. "What!" "Dr. White, Mr. Greg Grey is here. He wants to see you. He said it's urgent," magalang na pagpapabatid ni Apple. Nanigas ang mga panga ni Elijah nang marinig ang pang

