"What have I done?" Tila wala sa sariling diwa si Stef bagama't malinaw niyang nabasa ang sinulat sa Wunsken. Iniangat niya ang mukha ngunit tagus-tagusan naman ang paningin niya sa pader.
"What's that?" Itinuro ni Elijah ang namataang libro na nakapatong sa mga hita ni Stef.
Nang marinig ng dalaga ang malalim ngunit buo na boses ni Elijah, dito lamang siya bumalik sa kasalukuyang kalagayan. Tumayo siya at itinago sa likod niya ang Wunsken. "I'm so sorry, Elijah. It's my fault." Pasimple niyang inilalagay ito sa loob ng drawer.
Napailing na lamang ang binata at muling iginala ang paningin. "I need to pee. But you have to give back my clothes so I could leave immediately, okay?" Pagkasabi nito'y tumalikod na siya at tinungo ang banyo.
"Wait, Elijah!"
Lumingon si Elijah kay Stef nang marinig ang pagtawag ng dalaga. "What? You're coming with me?" Seryoso ang mukha nito habang magkasalubong ang makakapal na kilay.
Kailangan kong malaman kung totoo siyang talaga. Kailangan ko siyang maramdaman.
Dahan-dahang iniangat ni Stef ang dalawa niyang kamay at inabot ang mukha ng binata. Matangkad si Stef ngunit hanggang ilong lamang siya ng binata.
Bago pa man maidampi ang mga palad, dinakma ni Elijah ang mga braso si Stef. "Wait, what are you doing?"
Napasinghap ang dalaga sa reaksyon ni Elijah, gayumpama'y hindi ito naging hadlang upang gawin ang inaasam na bagay. "Please...just let me touch you. I won't do anything crazy. I just have to feel you."
Nagpakawala ng mahinang pagtawa si Elijah. "And why do you wanna touch me? Is this your first time to see a man's body?" Lalong lumapit ang binata sa kanya hanggang sa halos wala ng espasyo ang kanilang mga ilong.
Napalunok si Stef at nanlaki ang mga mata. "What are you saying?" aniya habang umaatras. "Of course, it's not my first-" Tinakpan ni Stef ang sariling bibig at kasabay nito'y agad siyang namula.
Muling umiling si Elijah. Huminga siya nang malalim. "Fine." Tila nayayamot siya, gayumpama'y siya na mismo ang gumabay sa mga palad ng dalaga.
Napasinghap si Stef nang dumapo ang mga kamay niya sa mamahaling balat ng binata. Ang kakaibang init nito'y nagpalalim ng kanyang kuryisidad kaya hinayaan niyang maglakbay ang mga kamay.
Una niyang pinag-aralan ang mukha ni Elijah. Thick brows, prominent nose, masculine jaws, thin lips...
Pagbaba ng mga panga, hinaplos niya ang malapad at makinis na balikat nito. So broad. so flawless.
Kasunod nito'y pinagtagpo niya ang mga palad sa matigas na dibdib ng binata. "Oh, my God. Your heart is beating?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Elijah. "What kind of question is that?"
Hindi pinansin ni Stef ang malalamig na tugon ni Elijah. Ipinagpatuloy lamang niya ang pagkapa sa katawan nito. Pinadulas pa niya ang mga palad pababa ng tiyan ng binata hanggang sa masalat niya ang matigas na kalamnan nito.
"Two... Four...Six..."
"What the hell are you counting there!"
Nangingiti si Stef habang nakapako ang mata sa magandang tanawin. "I'm counting your abs."
"Seriously?"
Ibinaba pa ni Stef ang mga palad hanggang sa puson, at bago pa man makaabot sa pribadong parte, saka niya itinaas sa ere ang sariling mga kamay. "Oops! I'm so sorry."
Nagbuntong hininga si Elijah at nagpamewang. "Are you done?" Ngunit dahil nakatulala lamang si Stef, agad din siyang tumalikod at tinungo na ang banyo.
Kinagat ni Stef ang sariling labi habang gumagawa ng konklusyon sa kanyang isipan. He's real. And he's so perfect.
---
Samantala, habang nasa banyo'y pinagmamasdan ni Elijah ang sarili sa tapat ng salamin habang naghuhugas ng mga kamay. "She's pretty huh, though kinda weird." Bahagya siyang napangiti. "And her voice... it's sweet and familiar," bulong ni Elijah sa sarili habang naghihilamos. "But I really need to leave now. I don't wanna skip my morning shift."
Nang lumabas si Elijah galing banyo, nakaupo na si Stef sa gilid ng kama habang hawak-hawak ang nobelang Sanely In love with You.
Tumayo si Stef at iniabot ang libro sa binata. "You have to see this, Elijah."
Habang kinukuha ang nobela'y direktang nakatitig si Elijah sa dalaga. Ibinaba lamang niya ang mga mata nang isa-isa nang binubuklat ang mga pahina. "What's this?" tanong ni Elijah habang binabasa nang pahapyaw ang libro.
"I wrote that book..."
Katahimikan ang itinugon ng binata. Hanggang sa mabasa niya sa libro ang sariling pangalan at ni Maya. Hindi rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang deskripsyon ng kanyang mga pinagdaanan mula sa pinakamasaya hanggang sa pinakamalungkot na pangyayari sa kanyang buhay.
"Then why's this so about me? You're a stalker?"
"What? No!" depensa ni Stef.
"Then what's this? A f*****g coincidence?"
Nanatiling walang imik si Stef habang sa kanyang isipan ay tila may isang bagyo ng kalituhan. Ano ba yan? Paano ko 'to ipapaliwanag?
"Tell me!"
"Fine! The character in my book... that's... that's you, Elijah!" sigaw ni Stef habang tinuturo ang libro.
"Are you crazy?"
"You're from my book, Elijah. I created you and your wife, Maya. I designed your world!"
"No. No, that's f*****g impossible!" Lumalim ang paghinga ni Elijah. Pati ang sariling bibig ay ginagamit na rin niya upang lumanghap ng dagdag na hangin. Sinuklay niya ang buhok gamit ang nanginginig na kamay habang ang kabila'y nakatukod sa kanyang bewang. Sumilip siya sa bintana na nababalutan ng makakapal na kurtina. Pagkatapos ay lumapit siya sa malaking kalendaryo na nakadikit sa tabi ng Flat screened TV.
"Elijah, It's 2016 now."
"You're kidding, right? It's 2013!" Mariing protesta ni Elijah.
Biglang lumapit si Stef kay Elijah, hinawakan ang magkabilaang pisngi nito at tumitig sa mga asul na mata niya. "I wrote your story exactly three years ago!"
Inalis ni Elijah ang mga kamay ni Stef na nasa mukha niya at marahan siyang umatras. Muli siyang huminga nang malalim habang ang dalawang kamay naman niya ang nasa kanyang ulo. "No. No! You're lying!" sigaw ni Elijah habang palibot-libot sa kabuuan ng kuwarto.
Ramdam ni Stef ang pagkataranta at kalituhan ng binata. Naipaliwanag na niya ang lahat ngunit tila hindi ito nakatulong.
What should I do now? ani Stef sa sarili. Bahala na!
"I'm so sorry, Elijah..." Mula sa likod, ibinalot ni Stef ang mga braso niya sa palibot ng baywang ni Elijah. "I brought you to my world. I'm so sorry but I did't mean to do it. I just wanted to-"
"Your scent..." Unti-unting kumalma si Elijah at hinawakan ang mga kamay ni Stef na nakadiin sa matigas niyang puson. "Your scent... your voice... and the way you hug are so familiar."
"Familiar? What do you mean?"
Humarap si Elijah at hinawakan ang mga pisngi ni Stef. "M-Maya?"
"What? Wait.. I think you're confused." Bahagyang umatras si Stef habang umiiling.
"I know. But I can feel her inside you." Lalong lumapit si Elijah sa dalaga. Hinawakan niya ang mga pisngi nito at hinaplos ang buhok niyang hanggang balikat.
"No, Elijah. I'm not Maya!" Tumalikod si Stef at napailing. Bakit si Maya pa rin ang iniisip mo? Great! Ngayon pinagseselosan ko ang fictional character ko.