Implant

1333 Words
Nang umagang 'yon, bumiyahe ang dalawa patungo sa bahay ni Tamara. Hindi mapakali si Stef at pasulyap-sulyap pa kay Elijah habang ang isa nama'y nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan ang magagandang tanawin na dinaraanan ng kanilang kotse. Dahil sa walang ibang damit bukod sa boxer shorts, ipinabihis ni Stef kay Elijah ang isang pares ng damit ni Greg na naiwan nito tatlong taon na ang nakararaan. Suot ni Elijah ang sky blue na V-neck shirt at straight cut jeans. Saktong-sakto ito sa katawan ng binata na parang isinukat. Kung hindi lang blonde ang buhok nito at asul ang mga mata, mapagkakamalan ng ibang tao na si Greg Grey ang kasama niya. Matapos ng napakahabang biyahe, nakarating na sila sa QC. Pinindot ni Stef ang doorbell at sa pang-limang tunog ay binuksan ito ni Tamara. "At last, kagabi pa kita hindi makontak ha. Wait, si Greg ba 'yang kasama mo?" tanong ni Tamara. May hawak pa itong chopsticks at isang parisukat na plato ng sushi. "No. Ninang he is... well he's Elijah. Dr. Elijah Grey," tugon ni Stef na nag-aalangan sa pagsasalita. Kinagat niya ang sariling labi habang hinihintay ang reaksyon ni Tamara. Ngunit hindi nagsalita ang ninang niya at natulala na lang na 'di namamalayang wala na sa kamay niya ang mga sushi. Nasa sahig na ito at humalo na sa mga bubog ng plato. --- Nasa living room si Elijah habang nanonood. Nakakunot ang noo nito dahil hindi naiintindihan ang pinapanood kaya palipat-lipat siya ng channel. Samantalang si Tamara at Stef ay nasa kusina at nagluluto ng pananghalian. "Stef, ano 'to? Bakit kasama mo si Elijah? Bakit buhay siya? Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili ko kung matatakot ba ako o kikiligin sa kanya! Ang gwapo niya sa personal!" bulalas ni Tamara habang pasilip-silip sa binata na nasa living room. "Ninang, hindi ko naman kasi iniisip na magkakatotoo 'yong isusulat ko sa Wunsken. I'm so sorry," sabi ni Stef habang naghihiwa ng carrots. "What did I tell you? 'Di ba sabi ko... lahat... as in lahat ng isinusulat d'yan ay nagkakatotoo! Pa'no ngayon 'yan?" Umiiling na umupo si Tamara sa tapat ni Stef. "Oh well, nangyari na 'yan. Wala na tayong magagawa. So, anong sabi ni Elijah?" "Ayon, until now confused pa rin. Kaya nga isinama ko na rito kasi baka kung anong gawin niya kung mag-isa lang siya." Natigilan si Stef sa paghihiwa ng carrots. Naghugas siya ng kamay at siya naman itong pasilip-silip kay Elijah. "Stef?" tawag ni Tamara. Hinawakan pa niya ang inaanak sa balikat. "Anong problema?" "Wala naman Ninang, nagtataka lang kasi ako. Nang umiiyak siya kanina, niyakap ko siya. Tapos niyakap din niya ako. Then, tinawag niya akong Maya." Pinagmasdan ni Tamara ang naguguluhang ekspresyon ni Stef at iniangat ang mukha ng inaanak gamit ang palad niya. "Why, Ninang?" "Stef, naalala ko ang unang beses na binasa ko ang manuscript mo sa Sanely In love with You." "So, what about that?" tanong ni Stef na nagkibit-balikat. "I know your characters, Stef. You made them base on existing people." "I just invented them, Ninang," ani Stef sa depensibong tono. "No. You planted your personality in Maya's character. And about Elijah... he's your beloved Greg, right?" Halata sa boses ni Tamara na sigurado siya sa sariling pahayag. Sabagay sanggol pa lamang si Stef ay nakikita na niya ito kaya kabisado niya ang takbo ng utak ng inaanak. Nagbuntong hininga si Stef habang naghahanda ng mga plato sa mesa. "Kilala mo ako Ninang since birth. Kaya useless lang kung ikakaila ko pa 'yan." Iniyuko ni Stef ang ulo niya at umupo sa dining table. "Ano nang gagawin ko sa kanya ngayon?" "Don't worry, Honey. I'll help you with this mess. Pero wala kang pagsasabihan nito. Lahat ng tungkol kay Elijah ay mananatiling sikreto nating dalawa. For now, bahala ka na muna sa kanya. Just be carefull. Kahit na galing siya sa libro mo, lalaki pa rin siya," babala ni Tamara. "Ninang naman. Ang suplado naman ni Elijah sa personal. Talo pa 'yong mga artista. Wait, what if magsulat ulit ako sa book na ibalik si Elijah sa story ko." Nagkunot ng noo si Tamara ngunit bahagya siyang natawa. "Impossible, Stef. You can only use the book once." Sumimangot si Stef ngunit kalauna'y nagliwanag din ang mukha. "Eh kung ikaw ang magsulat na ibalik siya sa book?" "It's useless. Hindi puwedeng kontrahin ng ibang tao ang isinulat ng humiling." "Eh Ninang, what if sunugin natin ang Wunsken?" mungkahi ni Stef na may malapad na ngiti. Dahil dito'y nagpamewang si Tamara at napailing. "Stef, as long as hindi pa natin alam ang solusyon, it's better na 'wag muna nating galawin ang Wunsken. Eh pa'no kung ma-stuck siya sa mundo natin?" "Then, dito na siya titira! I'll take care of him," nakangiting sabi ni Stef. "For how long, Stef? He's not a natural human," paliwanag ni Tamara habang ang mga paningin ay nasa sala. "Hindi nga natin alam kung may soul siya o wala." "You're right. He's too perfect to be real human. In fact, he's inhumanly handsome." Hindi makapaniwalang ibinalik ni Tamara ang mapanuring paningin sa inaanak. "Goodness..." "What Ninang, may masama ba sa sinabi ko?" "'Yan and dahilan kaya tayo may problema ngayon. Your obsession brought Elijah to life!" Biglang nalungkot si Stef. Tinanggal niya ang apron at umupo na sa hapag. "I think that's true, Ninang. And I don't know kung magugustuhan din niya ako." "What? Tandaan mo Stef, we are planning to send him back. Bakit parang may iba kang plano?" tanong ni Tamara na biglang nag-alala. "Fine! Okay sige, Ninang. Ipapatago ko na muna sa 'yo ang Wunsken para 'pag may solusyon ka na, nand'yan lang sayo." "Sure Iha," nakangiting sabi ni Tamara. "Tawagin mo na nga si Elijah sa sala. Halata sa kanya na kanina pa tuliro..." --- Dalawang oras na ang nakararaan... Kung gaano kalito ang isipan ni Elijah, sa tingin ni Stef ay mas nalilito siya. Kalalabas pa lang nila sa bahay ni Tamara at naglalakad papuntang garahe na malayo sa isa't isa at hindi nag-iimikan. Nang makasakay na sila sa kotse, sinubukan ni Stef na siya ang maunang magsalita. "What are you thinking Elijah?" tanong niya habang pasulyap-sulyap sa binata. Marahang ibinaling ni Elijah ang mukha kay Stef at umiling. "Nothing. Just a bit confused." Bumaba ang mga mata niya sa stereo ng kotse at nakangiting binuksan ito. Kahit sa totoong buhay, ganyan pa rin ang ginagawa niya? ani Stef sa sarli. Pinaandar niya ang sasakyan at mabilis na lumabas sa subdivision ni Tamara. Kapwa tahimik ang dalawa habang binabaybay ng kotse ang EDSA. Minsa'y sinusulyapan ni Stef ang binata na nakadungaw sa mga naglalakihang gusali't billboard. Pansin niyang napapatango ito sa bawat tanawing nakikita. Ngunit kapag natatagalan sila sa traffic, napapasimangot naman ang binata. "Yeah, I know California is faraway better than this city," natatawang sabi ni Stef. "That's not what I think, Stef," ani Elijah at iniyuko ang mukha sa suot na damit. "By the way, whose shirt is this?" Napakagat si Stef sa labi at bumaling kay Elijah at bumaba ang tingin niya sa damit na suot nito. Ngunit ang mas nakaagaw ng atensyon niya ay ang magandang hubog ng mga kalamnan nito na bumabakat sa makapal na tela ng tshirt. "That? Well, that belongs to... to..." "To your boyfriend?" dugtong ni Elijah na nakakunot ang noo. "Yes. What? I mean no!" Nalilitong umiling-iling si Elijah sa tugon ni Stef. "You're not making any sense ..." "Okay. That belongs to my... to my... ex." Matamlay na ipinahayag ni Stef ang huling salita. "You came out from the book with nothing but a boxer so sorry if you needed to wear that..." TO BE CONTINUED PLEASE VOTE AND COMMENT ORIGIN OF THE NAMES: 1. Stephanie Martinez: derived from my favorite author, Stephenie Meyer. 2. Greg Grey (Greg) from the TV series Dharma & Greg. (Grey) is from the TV series, Grey's Anatomy. 3. Elijah Since I want a mysterious, catchy, and masculine name for Stef's fictional character, I picked from the Bible.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD