Unti-unting idinilat ni Stef ang mga mata nang maramdaman niyang may humahaplos sa kanyang mukha. "E-Elijah?" bulong niya habang namumungay pa ang mga mata. Agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ng binata. "Good morning, Stef." Ngayo'y ibinaling niya ang paningin sa katawan nito. "It's nice seeing you in pajamas this time." Walang itinugon si Stef sa narinig dahil mas napapansin niya ang kasalukuyang anyo ni Elijah. Ang guwapo pa rin niya kahit pawisan... "You got a fresh place here, Stef. Perfect site to jog," puna ni Elijah habang nagpupunas ng kanyang leeg. Suot niya'y puting sando at navy blue na jogging pants. "Well it's nice to know you're enjoying," tugon ni Stef. Ngunit ang namumungay niyang mga mata'y biglang nanlaki nang makita ang orasan. "It's eight already? s**t

