Kagaya ng ipinangako ni Stef, bumisita siya sa shooting ng pelikulang Sanely In Love with You na tatlong buwan nang ginagawa. Sa isang kwarto'y naghahanda na si Francia - ang aktres na gaganap bilang Maya na mentally unstable na pasyente ni Dr. Elijah Grey. Nasa kabilang dressing room naman si Greg at kaliwa't kanan ang nag-aasikaso sa kanya. Ilang sandali pa'y lumabas na siya at hinanap ang kinaroroonan ni Stef. Nakita niya ito dahil napansin niya ang pagkaway ni Gael sa kanya. "Oh, there's Greg! Wow, ibang-iba ang dating niya ha! Parang si Dr. Elijah lang. Nag-blonde pa talaga ng buhok para lang sa movie na 'to! Mamaya makikipag-selfie ako sa kanya." Nakangiting bumaling si Gael sa pinsan at sinabing, "Sama ka, Couz?" "Tigilan mo ako, Gael, okay?" Ang layo-layo niya kay Elijah. Kung

