Alas-siyete na ng gabi at kakatapos pa lang nilang mag-dinner. Si Stef ay agad na pumasok sa kanyang kwarto upang mahiga. Gayumpaman, hindi naman siya natutulog. Masyado pang aktibo ang kanyang pag-iisip para dalawin ng antok. "Am I disturbing you?" Napatayo si Stef sa kama nang marinig ang banayad na boses matapos ang ilang mga pagkatok. "Elijah? No. Wait. Need something?" Hindi na niya hinintay ang isasagot ni Elijah. Marahan niyang tinungo ang balcony at sumunod naman doon ang binata. "I just wanna chat with you, Stef." "You must be so bored, huh." Tipid na napangiti si Elijah. "Of course not. How could that be when I'm with you." Napalunok na lang ang dalaga at hindi nakaimik. Naramdaman din niya na namula ang kanyang mga pisngi at kasabay bumilis ang t***k ng kanyang puso. "How

