The Awards Night

1328 Words
Maingay at punung-puno ng mga tagahanga ang gusali ng The Summit Palace, ang pinakamataas na gusali na nakatayo sa gitna ng Aura City. Kaliwa't kanan ang kislap ng mga kamera at halos magkabungguan na ang mga reporter, makakuha lamang ng magandang puwesto para salubungin ang sasakyan ng paparangalang manunulat. "Congrats, Stef! Best-selling novel na naman ang book mo this year." Gumuhit ang magandang ngiti sa mukha ni Stef habang maiging nakatuon sa pagmamaneho. "Thanks, Couz. You know what, special sa 'kin ang novel na 'to." "Bakit naman? Pa'no 'yong mga dati mong libro? Hindi ba sila special sa 'yo?" "It's not like that, Gael. Magsusulat ba naman ako ng 2-5 hours a day kung hindi special ang mga previous books ko? You know, ngayon lang kasi ako nagsulat ng romance story. Three years ago nang tapos 'yon pero hanggang ngayon hindi pa rin ako..." Nagkunot ng noo si Gael na bumaling sa pinsan. "Hindi ka pa rin ano?" "Nevermind," ani Stef na napailing. Makalipas ang isang oras, nakarating sila sa paanan ng gusali at halos lumuwa ang mga mata ng magpinsan nang makita kung gaano karami ang mga tao. "Oh my God! Sino ang special guest? Ang presidente ba?" namamanghang tanong ni Stef. Hindi pa niya binubuksan ang pinto ng kotse dahil kabi-kabila ang pagkatok ng mga tao sa sasakyan niya. "Oo nga! Para silang zombies sa The Walking Dead!" "Gael, you're exaggerated," ani Stef sabay tapik sa pinsan. "Pero paano nga tayo makakalabas dito?" "Heto suot mo! Hiniram ko kay Harry Potter. 'Pag sinuot mo ang coat na 'yan, invisible ka na!" bulalas ni Gael sabay hampas kay Stef ng Dulce coat niya. "Seryoso? Kahit maging invisible ako useless din. Kasi walang daraanan. Teleport ang kailangan natin Gael!" Hindi nagtagal, dumating ang mga security guard at hinawi ang mga reporter at mga tagahanga na nakapalibot sa kotse. Nang payapa na ang mga ito'y lumabas na si Stef sa kanyang sasakyan suot ang sopistikadong navy metallic floral long dress. Buong kompiyansa niya itong inirampa sa asul na carpet papuntang main hall kung saan tatanggapin niya ang ika-sampung parangal niya bilang nobelista. Nang makapasok na sila'y pinaupo sa nakareserbang puwesto sa harapan, habang sa stage naman ay nagtatanghal ang mga guest singer na sina Hailee Steinfeld at Anna Kendrick ng Pitch Perfect. Matapos ang performance, sina Hailee at Anna rin ang nagbigay ng plaque kay Stef. "And now... the 2016 Novel of the Year award goes to Ms. Stefanie Martinez for Sanely In love with You!" Nanlaki ang mga mata ni Stef sa pananabik. Huminga siya nang malalim upang bumagal ang rumaragasang t***k ng puso. Hindi tuloy niya naiwasan na alalahanin ang mga sandaling binubuo niya ang Sanely In Love with You. Kabisado pa rin niya ang hapdi ng pagkakasulat nito, at matapos ng mahabang paghihintay, papalamutian na ang obra-maestrang bukod tangi niyang minamahal. Akmang tatayo na si Stef nang biglang lumapit sa kanyang upuan ang isang pamilyar na pigurang nakaitim na suit at bowtie - ang aktor na si Greg. "Hi, Stef. I'm your escort," sabi ni Greg na maginoong inalok ang sariling kamay. Ang mga mata niya'y ubod ng sigla. Ang pabango niya'y langit ang halimuyak. Ang perpektong ngiti niya'y nakakahulog ng damdamin kahit sa biglang tingin lang. Gayumpaman, kabaligtaran ang naging reaksyon ni Stef. Namutla siya na parang nakakita ng multo. Ang ngiti sa mga labi niya'y dahan-dahang nalusaw na parang yelo. Dahil sa hindi makagalaw, kinuha ni Gael ang kamay ng pinsan at iniabot ito kay Greg. Agad namang pinisil ni Greg ang malambot na kamay ni Stef at marahan siyang inalalayang tumayo. Kaya wala nang nagawa si Stef kun'di ang ngumiti nang sapilitan. "You're strikingly pretty, Stef. Wala na yatang makakapantay sa kagandahan mo," humahangang bulong ni Greg habang inihahatid ang dalaga sa stage. "Thanks but I don't need any praises from you, Mr. Grey," malamig at mahinang tugon ni Stef. Hindi ininda ni Greg ang malabnaw na pakikitungo ng dalaga. Bagama't bahagyang kumurot ang dibdib, hindi ito ipinahalata. Kumaway na lamang siya sa audience. Matapos ang nakapaagod at masayang gabi, tinungo na ng magpinsan ang parking area kung saan dinala ng isang crew ang kanilang kotse. Nang malapit na sila rito, napansin nilang may lalaking naghihintay doon. Kahit na nakasandal ito sa kotse ay napakatikas pa rin ng tindig. Idagdag pa ang suot nitong tuxedo kaya ang imahen nito'y tila isang modelong kinukuhanan ng litrato. "Oh, my God! Couz, si Greg 'yon 'di ba!" Sa lakas ng pagkakasabi ni Gael ay napatingin si Greg at nakangiting lumapit sa kanila. "Stef, can I talk to you for a while?" Halata sa boses ni Greg ang bahagyang nerbiyos. "Oo naman, you can talk to her. Ah Stef, mauuna na ako sa car ha! Don't worry, you can take your time." Hindi na nakatanggi si Stef dahil inagaw na ni Gael ang susi sa kamay niya. Nang makapasok si Gael sa kotse, sumiryoso na ang mukha ni Greg at hinawakan sa kamay si Stef. "Kumusta ka na?" malungkot nitong tanong. "Bakit mo ako tinatanong nang ganiyan? As if na may pakialam ka pa sa 'kin." "I still care. Puwede ba kitang ihatid? Let's talk, please." "No! Kaya kong umuwi nang wala ka at ayoko ring makipag-usap sa'yo!" Tumalikod na si Stef at sumakay sa kotse. Bakas ang kabiguan sa magandang mukha ng aktor habang hinahatid niya ng paningin ang papalayong sasakyan ni Stef. Habang nagmamaneho'y tahimik lang si Stef at diretso ang mga mata sa highway. Alam ni Gael na dahil ito kay Greg ngunit hindi na niya inusisa ang tungkol d'on. Bagkus ay pinilit na lamang niya na magbukas ng ibang pag-uusapan. "Uy Stef, matanong ko lang. Saan pala galing 'yong idea mo about sa novel? I mean, Sanely In love with You." "Gael naman, parang 'di mo pa nabasa 'yon. Ikaw pa nga 'di ba ang pangalawang nakabasa n'on kasi si Ninang ang nauna," natatawang sagot ni Stef. "Siyempre alam ko 'yong istorya n'on. Tungkol sa binatang psychiatrist na na-in love sa pasyente niyang krung-krung!" ani Gael. Ang hintuturo pa niya'y pinapaikot sa kanyang sentido. "Actually 'di ko na alam kung paano ko naisulat 'yon, eh. Basta naisip ko na lang," pagsisinungaling ni Stef. "Wow..." patulala na bulong ni Gael. "Dahil sa nobelang 'yon binigyan ka ng award ngayon. Bakit nakalimutan mo kung bakit mo sinulat 'yon? Sige ka... baka magalit si Elijah n'yan at dalawin ka mamayang gabi!" dagdag niya at napahalakhak. Palihim na ngumiti si Stef. Well, sana nga. Hinatid muna ni Stef ang pinsan sa dormitory nito sa Alabang kaya alas-onse na ng gabi nang makauwi siya sa kanyang three-storey house sa Laguna. Ito ang naging katas ng limang taon niya sa pagiging writer. Marangya man ang kasalukuyang pamumuhay, mag-isa naman siya rito at mga katulong lamang ang mga kasama. Ang mommy niya ay nasa Australia at kapiling ang pangalawang asawa nito. Nang pumasok siya sa bahay, sumalubong ang kasambahay niyang dalagita. "Good evening, Ma'am Stef. San po kayo maghahapunan? Sa dining room po ba o iaakyat ko sa kwarto?" "Hindi ako kakain, Lala. Busog pa naman ako," ani Stef na tuloy-tuloy sa hagdan at hindi man lang binigyan ng sulyap ang dalagitang naka-apron pa. May sasabihin pa sana ang katulong ngunit nawala na sa paningin niya ang amo at pawang mahinang pagsara ng pinto na lamang ang narinig niya. Agad na humilata si Stef nang makarating sa kwarto. Rinig niya ang pagkalam ng sariling sikmura ngunit himdi ito iniinda. Ang isip niya'y masyadong okupado ng mga imahen ni Greg, dahilan kaya wala siyang ganang kumain. "Buti ka pa, Elijah. Hindi mo sinasaktan si Maya," bulong niya habang nakatitig sa nobelang dahilan ng parangal kanina. Masyado kang perpekto. Hindi tulad ng mga lalaki dito sa mundo ko. Ano kaya kung totoo ka na lang? Ano kaya kung hilain kita d'yan sa loob ng libro at itabi sa kama ko? Ang suwerte-swerte talaga ni Maya sa 'yo..." Hindi niya namalayan na sa gilid ng kanyang mga mata'y sumisibol na ang mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD