Mysterious Piece

1184 Words
"Heto na naman ako! Kinakausap ko na naman si Elijah! As if na naririnig niya ako! Malapit na talaga akong maging psychotic, parang si Maya lang," ani Stef habang kinakalog ang ulo. One of these days, bibisita na talaga ako sa psychiatrist Dahil sa hindi pa inaantok, dumapa siya sa kama at binuklat ang nobela. Binasa niya ang libro sa parteng muling nagtagpuan ni Elijah si Maya: Elijah was driving so fast when suddenly the monstrous howling wind pushed his car away from the road. He strongly kicked the pedal under his foot and quickly pulled the metal stick beside his right arm. "Come on buddy, move!" he cried huskily. His car was stuck in the muddy side of the road because of his furious driving. Suddenly, he noticed someone from the side mirror. It's an slovenly auburn-head woman in a pink straight dress. She was wrapping her shivering self by her own arms as she passed across the road. The woman collapsed before reaching the other end of the road so Elijah immediately went out and wrapped his lab coat around her body. "Miss! Are you ok-" His blue eyes grew wide upon looking at the unconscious pretty face of the lady. "M-Maya?" --- Naputol ang pagbabasa ni Stef nang biglang tumunog ang phone niya. Tiningnan niya ito at napangiti nang makita sa screen ang mukha ng isang matandang babae, bilugan na pasingkit ang mga mata at makinis ang kutis. "Hi Ninang! Ano na?" masiglang bati ni Stef. "Oh, Stef. Sunduin mo na ako rito sa airport! Ayokong mag-taxi kasi ang aarte ng mga driver!" sigaw ng nagngingitngit na ninang niya. "Really, nasa airport ka na? Sige kahit midnight na, susunduin pa rin kita," natatawang sabi ni Stef. Mabilis siyang nagbihis at namili ng isusuot na damit. Sa kasamaang palad, natagalan siya sa paghahanap ng car keys. Nasaan na ba 'yon? Kung puwede lang i-miss call ang susi, ginawa ko na! Nang mapaupo siya sa kama, naramdaman niya sa kaliwang kamay ang susi. Agad itong dinakma at tinitigan nang masama. You're such a delay! Hinawakan niya ito nang mahigpit at halos madapa-dapang tumakbo palabas ng silid. Nang bubuksan na niya ang main door, muntik na siyang matalisod nang humarang muli si Lala.  "Lala naman!" humahangos na bulong ni Stef habang nakahawak sa dibdib niya. "Ginulat mo ako. Akala ko multo ka!" Kinapa ni Lala ang mukha na kulay itim dahil sa facial mask at napangiwi. "Ay, sorry Ma'am Stef. Hindi ko pa pala natatanggal 'to. Nakatulugan ko pala." "Bakit ba kasi gising ka pa? Hindi ko naman kayo inu-obligang magpuyat, 'di ba?" ani Stef na nagti-text. "Akala ko kasi bumaba kayo para kumain. Saka gusto ko ring sabihin na tumawag po kanina si Sir-" "Hindi ako kakain, Lala. May pupuntahan lang ako. Sige na. Paki-lock na lang ang pinto pag-alis ko, okay? Bye!" Nilagpasan na ni Stef ang nagtatakang katulong at muli, umaalingawngaw na katahimikan ang bumalot sa madilim na sala. Mabuti na lang at walang masyadong sasakyan sa highway. Dahil sanay na siyang dumaan dito'y parang magkatabing lugar na lamang ang Laguna at Manila para sa kanya. Minsan nga'y madali niyang nilalagpasan ang mas malalaking sasakyan na kasabay niya rito, lalo na kapag nagmamadali kagaya ngayon. Nang nasa airport lounge na'y kaliwa't kanan ang tingin ni Stef. Matiyaga siyang naghahanap kay Tamara habang walang tigil ang pagkalikot sa phone. Hanggang sa napangiti siy nang may tumapik sa balikat niya. "Hey!" sigaw ng mataray na boses sa likod. "Ninang! Oh my gosh, ang ganda-ganda mo naman ngayon. Isang buwan ka lang na nagbakasyon sa South Africa pero nagkakulay ka na agad!" papuri ni Stef habang nakayakap kay Tamara. Naka-abaca fiber hat ito na kulay itim at may feathers pa. Maluwag ang black blouse at may kwintas na malalaking brown Swarovski, ka-terno ng white leggings na may belt na tiger skin. "Sa totoo lang, dapat next month pa ako uuwi. Hinahabol ko kasi ang awarding mo. Unfortunately, hindi pa rin ako nakaabot. Kasalanan 'to ng weather, eh. Kung bakit nagkaroon pa ng turbulence. 'Yan tuloy, na-delay ang flight ko nang kalahating araw," reklamo ni Tamara habang kinikilatis ang mukha at mga balikat ng inaanak. "Teka, parang pumayat ka yata. Kumakain ka pa ba?" "Oo naman," may bahagyang pagtaas ng tono sa boses ni Stef. Nayayamot siya na isiping hanggang sa airport ay hinahabol siya ng ideyang kumain gayong hindi pa rin siya dinadalaw ng gana. "Anyway, okay lang naman sa'kin na hindi ka nakaabot. At least, nandito ka na. So... tara na," pag-aaya ni Stef at sinenyasan ang isang staff na hilain ang malalaking bag ng ninang. --- Inihatid ni Stef ang ninang niya sa bahay nito sa QC at doon pa lang niya napansin na halos mapuno na ang loob ng kanyang kotse dahil sa dami ng dala ni Tamara. "Ninang, kahit kailan talaga ang dami mong dala. Hindi ka na talaga nadala. Alam mo bang puwede nang maging museum ang house mo?" Maingat na inilalabas ni Stef ang mga kahon na may laman na mga antigong bagay. Mahilig si Tamara na mangolekta ng mga kakaibang bagay - vase, painting, at sculpture. May galing sa auction house, kagubatan, tribo, at kung saan-saan pang kakaibang lugar. Regular kasi siyang bumi-byahe upang magkaroon ng inspirasyon sa pagsusulat. Minsan nga'y naisama na niya si Stef sa Kiribati Island at Maldives. "Stef, nagrereklamo ka pa talaga? Eh, alam kong may kukunin ka na naman sa mga dala ko. Halos lahat na kaya ng mga malalaking vase sa bahay mo ay galing sa 'kin," natatawang sabi ni Tamara. "'Nang, what's this?" tanong ni Stef habang iwinawagayway sa ere ang isang maliit at lumang libro. Napaubo pa siya nang sumabog ang alikabok nito. "Malinis ba 'to? Baka may dala 'tong SARS, ah!" Tumaas ang isang kilay ni Tamara. "Excuse me? It's from a tribe in South Africa. Binili ko sa auction. Don't ask the price please. Your ears will hate your brain 'pag sinabi ko kung magkano 'yan." "But it's just a simple book. Oh, blanko pa," Marahang binuklat ni Stef ang mga pahina nito.. "No Honey, It's not just an ordinary book. That's a wishing book called Wunsken. Nagkakatotoo ang anumang isinusulat d'yan. Take note, anything. If you want, sa 'yo na 'yan." Natahimik si Stef at nag-isip nang malalim. Mahigpit niyang hinawakan ang libro at niyakap malapit sa dibdib niya. Ngunit nagulat na lang si Tamara nang bigla itong tumawa nang malakas. "Oh my God, Ninang! Bakit ka naman naniniwala rito. Yeah, I'm a mystery/thriller writer too like you, but I don't think na totoo ang mga 'yan. Kaya nga fiction 'di ba? You just wasted your money for this." Inihinto ni Tamara ang pagpupunas ng mga vase at nagpamewang. Ngayo'y lumalabas na naman ang mataray nitong awra na siyang kinatatakutan ng mga empleyado nito sa OneWord Publishing House - ang kasalukuyang pinapasukan ni Stef. Ngunit nagretiro na si Tamara at mas piniling maging freelance writer ngayon. Pinagmasdan niya ang maluha-luhang pagtawa ni Stef at nang tumigil na ito'y saka siya nagsalita. "Okay, then why don't you try it," paghahamon ni Tamara. note: Cheerful_Writer , THANK YOU!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD