CHAPTER:1
AIDAN SHO CULLEN P.O.V
Habang nagmamaneho ay hindi ko na napigilan ang maiyak dahil sa pang-babasted sa akin ni Ava.
Ayaw ko lamang na ipakita sa kaniya na ang sakit para sa akin ng ginawa niyang pambabasted sa akin.Pero wala akong magagawa dahili ito na ang naging desisyon niya.At kailangan ko ito na tanggapin.Hanggang sa naisipan ko na pumasok muna sa club na aking nadaanan.Pinarada ko ang aking kotse sa parking area ng club.Pagpasok ko lamang dito ay maingay na tugtog at mga nagsasayaw sa taas ng stage na halos wala ng suot sa katawan.Dumiretso ako sa counter at doon ay nag-order agad ng alak.
"Si'r ano po ang drinks na gusto mo?" Tanong sa akin ng bartender.
"Kahit ano po!" Basta iyong makakalimutan ko muna ang sakit na nararamdaman ko ngayon!" Sagot ko sa tanong nito sa akin na ikinangiti na lamang nito.
"Brokenhearted po tayo Si'r !" Biro nito sa akin na nginitian ko lamang at tinanguan saka niya ibinigay ang alak na hinihingi ko.Nakakailang baso na ako ng aking iniinom ng may lumapit sa aking babae na nakamaskara at napakasexy sa suot nito na halos wala na din damit kung titingnan dahil sa iksi ng suot nito.
Tinawag pa ako nito na Mr.Lonely Boy dahil siguro sa nakikita nitong mag-isa lamang Ako.Kaya ng tinanong ko ito kung gusto ba akong samahan at agad itong sumagot na sasamahan niya daw Ako kahit pa kami magpunta,Kaya naman pinagpatuloy ko na ang pag-inom na sinasabayan niya na din.Kinakausap Ako nito na tila nakikisimpatiya sa aking nararamdaman ngayon.Nakikinig naman ito habang sinasabi ko ang nangyari sa amin ni Ava na hindi binabanggit ang pangalan nito.Hindi ko din maintindihan ang aking sarili dahil nasasabi ko sa babaeng ito ang aking mga problema na tila ba matagal ko na siyang kilala.Hanggang sa tingnan ko siya na umiinom ngayon at ng ibaba niya ang baso ay hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isipan na bigla ko lamang siyang sinaklit sa braso at pinaharap sa akin sabay hinalikan ko siya sa kaniyang mga labi.
Nang una ay tila nagulat pa siya pero kalaunan ay tumugon na din ito sa mapusok na halik ko sa kaniya.
Kaya naman ng tumagal ang aming halikan ay naglalakbay na din ang aking mga kamay sa kaniyang katawan na napakaganda na kahit sinong lalaki ang makakasama ay titig*s*n agad dahil sa kakaibang alindog nito.Kilala ko ang aking sarili na hindi basta-basta nililib*gan sa isang babaeng kakikilala ko pa lamang.Pero ang babaeng ito ay kakaiba magaan ang loob ko sa kaniya.Lalo na ngayon na sakop ng aking bibig ang kaniyang mga labi na binuka ko pa ang kaniyang bibig para makapasok ang aking dila sa kaniyang bibig kaya ngayon ay nag-eespadahan na ang aming mga dila na lalong nagpalib*g sa akin.Hanggang sa bumitaw at hinabol ko ang kaniyang mga labi.
Pero sinabihan lamang Ako nito na kung gusto ko siya na makasama ay magbayad na lamang Ako para sa isang buong gabi niya.Kaya naman nagbayad na agad ako.Lumabas kami ng club na nahihilo na talaga Ako dahil marami na din ang aking nainom kanina.
Nang makarating nga kami sa parking ay sumandal muna ako sa hood ng kotse dahil medyo lumalabo na ang mga nakikita ko.Tinanong ako ng babaeng inilabas ko mula sa club na kung kaya ko ba nal magmaneho.Pero hindi ko pa siya nasasagot ng magsalita siyang muli at hinihingi ang susi ng aking kotse na agad ko naman na binigay dahil baka hindi na kaya ng katawan ko ang magmaneho dahil sa tama ng alak sa akin.Sumakay na Ako sa passenger seat at siya naman ay driver seat.Pinagmamasdan ko lamang siya habang nagmamaneho ipinasuot ko din sa kaniya ang aking jacket na bumagay lalo sa kaniya.Hinayaan ko na lamang siya na magmaneho at muling ipinikit ko ang aking mga mata,Pero habang nakapikit Ako ay naiimagine ko pa din ang mga labi niya na aking hinahalikan kanina lamang napakalambot ito at tila candy na napakatamis para sa akin Hanggang sa tawagin niya na muli Ako na nandito na pala kami sa isang malaking hotel.Naglagay muna Ako ng hoody at ang isang extra jacket ko.Dahil nga sikat kami ay nag-iingat pa din Ako dahil nakataya dito ang pangalan ng grupo namin na matagal na panahon bago namin narating na magkakaibigan kung anuman ang tinatamasa namin na kasikatan ngayon.Maayos naman kami na nakapagcheck-in sa loob ng hotel at binigay na sa amin ang susi ng magiging kwarto namin.Inalalayan naman ako ng babae na aking kasama dahil tila umiikot na ang aking paningin.Hanggang makarating kami sa kwarto na binigay sa amin at pagpasok ay agad ko na hinalikan ang kaniyang mga labi at hinayaan niya lamang Ako na gawin ang lahat ng aking gusto sa kaniya, Hanggang sa mapagod Ako at mahiga na lamang sa katawan niya at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala Ako..
Kinabukasan ay masakit ang ulo ko na gumising dahil sa hangover at nagulat pa ako ng imulat ko ang aking mga mata na nasa ibang kwarto Ako.Kaya iniisip ko kung paano na napunta Ako dito at aking naalala na nagbayad pala Ako ng babae kagabi para makalimutan ko kahit sandali lamang ang sakit na aking naramdaman ng bastedin Ako ni Ava.Sinapo ko ang aking ulo dahil sobrang sakit nito na tila mabibiyak.Hinanap ko din sa paligid ang babaeng kasama ko kagabi pero tila umalis na siya.Tumayo na Ako para maghilamos sa c,r .Pagkatapos ko muli Ako na bumalik sa kama at nakita ko sa mesa na malapit dito ang maliit na papel at kasama nito ang maskara ng babaeng nakatalik ko kagabi.Inalala ko kung paano kami naging isa kagabi ng babaeng katalik ko sa kwartong ito.Grabe sobrang galing niya pero bukod pa dun ay parang matagal ko na siyang kilala dahil napakagaan ng loob ko sa kaniya at habang hinahalikan ko siya kagabi ay para Ako nahihipnotismo nito kahit pa hindi ko nakikita ang buong mukha niya dahil natatakpan ito ng maskara na hindi niya pwedeng habang magkasama kami.Siguro ay dahil privacy din nila iyon sa personal life niya.Binasa ko din ang nakasulat sa papel na iniwan niya at tila pamilyar sa akin ang hand written na ito,Pero binaliwala ko na lamang dahil ayaw ko na dumagdag pa ito sa iisipin ko.
Nagulat ako ng biglang tumunog ang aking cellphone at agad ko ito na sinagot .
"Hello!" Sho nasaan ka na ba?" Hinihintay ka namin dito dahil papunta na si PINUNO at may sasabihin daw na mahalaga sa atin kaya naman bilisan muna para pagdating niya ay nandito na tayong lahat!"Si Vester na hindi man lang Ako kinumusta muna.Dire-diretso na itong nagsalita.
"Hello!" Vester sige na pupunta na agad Ako!" Sagot ko dito.
Nag-asikaso na Ako at umalis na ng tuluyan sa hotel kung saan napaka-init na gabi Ang aming pinagsaluhan ni Ms.Stripper.Pagdating ko sa parking ay agad na Ako na sumakay dito at nagmaneho na papunta sa studio na kahit masakit pa ang aking ulo ay kailangan na nandoon Ako. Dahil importante ang sasabihin ng leader namin si Pao or mas tinatawag namin na Pinuno.
Pagdating ko sa studio ay agad Ako na nagparking at pumasok na sa loob at inabutan ko nga doon sila Vester,Austin at Ken na abala sa mga ginagawa nila.Lumapit Ako sa kanila.
"Hey!" Guys kumusta?" Ano ba iyong importanteng sasabihin ni Pinuno at pinapunta niya tayong lahat ngayon !?" Tanong ko sa kanilang tatlo.
"Hindi din namin alam mo Bro!"Sagot sa akin ni Ken na himala at hindi late ngayon.Dahil madalas siya na laging late sa mga practice namin noon kahit pa nga hanggang ngayon.
"Hintayin na lamang natin ang sasabihin mamaya ni Pinuno!'.Sagot naman ni Austin na pinakabunso sa amin at napakagaling na direktor din dahil madalas siya ang kumukuha ng mga shot namin lalo na noong nagsisimula pa lamang kami at wala pang pangbayad maging pagmake-up nga noon sa isa't-isa ay kami na din ang gumagawa dahil nga nagsisimula pa lamang kami noon at iilan pa lamang ang mga tagahanga namin ng mga panahon na iyon.Pero ngayon ay halos hindi na kami makalabas ng walang kasamang bodyguard's.Dahil tiyak na pagkakaguluhan kami kapag nakita kami ng mga tagahanga namin.
Buti na lamang at walang nakakilala sa akin kagabi ng pumunta Ako mag-isa sa club.
Umihi muna Ako dahil wala pa naman si Pinuno.Pero Pagkatapos ko na umihi ay saktong kadarating lang din ni Pinuno at rinig na rinig ko mula sa bibig niya na bumalik na pala ang ala-ala niya.Lumapit Ako sa kanila para kompirmahin mismo kay Pinuno kung tama ba ang naririnig ko na bumalik na ang kaniyang ala-ala.
"Totoo ba na bumalik na ang lahat ng ala-ala mo Pinuno!?" Tanong ko dito na ikinalingon nito sa akin at lahat sila ngayon ay nakatingin na sa akin.
"Kaya pala binasted na Ako ni Ava!"Dahil bumalik na pala ang ala-ala mo Pinuno!" Muling tanong ko dito.
"Oo !"Sho bumalik na lahat ng aking ala-ala at naalala ko na din si Ava at kung sino ba talaga siya sa aking buhay.!" Kaya patawarin mo Ako Sho kung hindi ko matutupad Ang mga sinabi ko na bumalik man ang ala-ala ko ay hindi ko na guguluhin pa si Ava.!"Pero mahirap turuan ang pusong nagmamahal dahil kahit na dalawang taon na ang nakalipas ay si Ava pa din pala ang laman ng puso ko na ito.!' Sabay turo ni Pinuno sa kaniyang dibdib.Kaya ramdam ko at ng mga kaibigan namin na kagrupo din namin ang nararamdaman ni Pinuno ngayon na nahihirapan din siya sa kaniyang sitwasyon.
"Huwag ka na mag-alala Pinuno."Dahil unti unti ko naman na tinatanggap ang pambabasted sa akin ni Ava!" Sagot ko kay Pinuno.
Ngumiti na ito sa amin at nag-gruop hug na kaming lahat at naluha pa nga dahil mas malakas talaga kami kapag nagkakasundo.Kaya kahit masakit pa din para sa akin ang pambabasted na ginawa sa akin ni Ava ay pipilitin ko na lamang na kalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya.
"Paalala ko lamang sayo Pinuno na hindi na dapat ako ang bantayan mo na manliligaw ni Ava.Dahil.maging ang Boss niya ay.nanliligaw din kay Ava!"Pagbisita ng babala.ko kay Pinuno na kinangiti na din nito.Dahil alam niya na suportado ko siya kung sakaling muli sila na magkabalikan ni Ava.Dahil.mas gustong ko na masaktan at magparaya para sumaya sila parehas ay aking gagawin.
"Salamat Bro sa pang-unawa mo sa akin ngayon na bumalik na ang aking mga ala-ala!" Muling turan sa akin ni Pinuno na nagpapasalamat dahil.sa mga sinasabi oo sa kaniya ay gumaan na daw ang pakiramdm niya.
"Ano ka ba Pinuno?" Parehas kayo na mahalaga sa akin ni Ava kaya naman mas magiging kampante na mas sasaya si Ava kung ikaw ang makakatuluyan niya dahil alam ko na maalagaan mo siya at mapapasaya.!" 'Dahil.kahit naman na sabihin pa ni Ava na hindi ka.na niya mahal ay iba pa din ang nakikita ko sa kaniyang mga mata kapag binibigkas niya ang pangalan mo Pinuno.!" Mahabang litanya ko kay Pinuno na napangiti na lamang dahil sa mga sinasabi ko dito na tungkol kay Ava na napapansin ko kapag magkasama kami na dalawa.
.
Nagpaalam naman agad si Pinuno sa amin na kailangan na talaga nito na makausap si Ava. Dahil gusto niya na magkaayos na silang dalawa nito.
"Aalis na Ako guy's!" Kailangan na maka-usap ko.na si Ava tungkol sa amin ni Ava.Pagpapaalam sa amin ni Pinuno na agad naman namin na sinang-ayunan na magkakaibigan.
"Galingan mo ang pagsuyo sa my Joy ng buhay mo Pinuno dahil namimiss na din namin siya!" Si Austin na nagbibigay din ng suporta nito kay Pinuno.
Hanggang sa makaalis na si PINUNO at.ang tatlo ay pinalibutan Ako ngayon na tila ba mga imbestigador kung makatitig sa akin na kinatawako na lamang.
"Magsabi ka nga ng totoo sa amin Sho!?" Totoo ba iyong mga sinasabi mo kanina kay Pinuno na okay lang. na ligawan niya muli si Ava?" Tanong sa akin ni Vester na alam ko naman na nagbibiro lang kaya tinawanan ko na lamang sila at nagpaalam na din na kailangan ko na din na makauwi muna sa aking condo.
"Hoy po Sho!" umiiwas ka lang sa mga tanong namin eeh!".Si Austin na biniro pa Ako na kinatawa ko lamang at humakbang na nga Ako palabas ng studio at ng makarating Ako sa parking ay agad na Ako na sinakay at nagmaneho pauwi sa condo ko.