BEATRICE LUIGI SAMONTE P.O.V Nakarating naman agad kami ni Vester mula sa masquerade party na aking pinuntahan. "Vester salamat sa pagsundo mo sa akin at paghatid dito sa aking apartment ngayon kahit pa pagod ka na din ay inaalala mo pa din ako!"Pasalamat ko kay Vester na ngayon ay nakatingin naman sa akin ng nakangiti. "Alam mo ba Bea na hindi ka abala sa akin okay atsaka magpa paalam na din ako sa sayo?" Saad pa nito sa akin na ikinalungkot ko dahil siguro sa pambabasted ko dito kaya nagpa paalam na ito ngayon sa akin. "Bakit mo naman ako iiwan Vester?" Dahil ba sa pambabasted ko sayo ang akala ko ba ay naiintindihan mo ako?" Tanong ko pa dito. "Hindi dahil doon Bea malapit na kasi ang alis ng grupo namin para sa world tour at baka abutin kami ng dalawang buwan sa ibang bansa kaya n

