AIDAN SHO CULLEN P.O.V Pagkatapos ng araw ng pag-uusap namin ni Bea ay hindi ko na muna ito kinulit pa dahil nga sabi nito ay magiging busy siya this past few months dahil sa Dami ng mga project na dumadating sa kaniya. Napakalaki ng naging pagbabago sa buhay nito simula ng pinasok nito ang mundo ng modeling career nito ngayon dahil ngayon nga ay nasa edsa at kitang-kita ko ang malaking billboard ng mukha nito ng kilalang brand ng mga pantalon sa bansa at napakaganda nito sa kaniyang suot na animo dyosa sa kaniyang kagandahan. Papunta din ako ngayon sa isang event na ako lang mag-isa. Pagdating ko mismo sa event ay ibinigay ko na sa mga receptionist ang aking invitation. "Sho!" Tawag sa akin ng pamilyar na boses mula kay Cryzelle na ngayon ay humahangos na papunta sa akin. "Nandito k

