BEATRICE LUIGI SAMONTE P.O.V Pagkatapos ko na maikwento lahat kila Monica at Frida ang lahat nangyari noon ay para na kaming mga tanga ngayon na nag-iiyakan. "Grabe Bea hindi mo naman sinabi sa amin na grabe pala ang pinagdaanan mo kay poging vampire!" Si Monica na nagpupunas na ng kaniyang mga luha ngayon. "Oo nga girl ngayon lalo kitang minahal dahil sa mga nalaman ko tungkol sayo ngayon!"Saad sa akin ni Frida at niyakap na naman ako ng mahigpit. "Basta Bea mula ngayon wala ng makakapanakit sayo ng katulad ng ginawa sayo ng lalaking iyan!" Dugtong pa ni Frida na lumalabas na ang boses lalaki nito kaya napatawa na lamang kami ni Monica sa kaniya. "Frida love lumalabas na siya?" HA HA HA!" Si Monica na tinatawanan at inaasar na naman si Frida. Ang sarap nilang pagmasdan dahil kita

