BEATRICE LUIGI SAMONTE P.O.V Habang nasa byahe ako ay iniisip ko pa din kung tama ba itong naging aking desisyon ngayon na iwan si Aidan kahit nagmamakawa na ito na magsimula na lamang kaming muli. Gusto ko sana na bumalik tayo sa dati Aidan pero natatakot din ako. Dahil baka kapag may mali ako na nagawa ay palagi mo na lamang isusumbat sa akin ang mga nagawa ko noon na ginawa ko lang din naman para maging malaya ka na at makalabas ng kulungan. Ito ang dahilan kung bakit gusto ko muna na lumayo ay hanapin ang sarili ko. Hanggang sa nakauwi na ako ng bahay na dala lahat ng aking gamit. Nagulat pa si Mommy ng pagbuksan niya ako ng pinto. "Bea anak!" Anong nangyari nagresign ka na ba?" Tanong ni Mommy sa akin. "Yes Mom! nagresign na po ako!" Malungkot na pagkakasabi ko dito. "Nahih

