Kabanata 1

2362 Words
KABANATA 1 BAGONG KAPITBAHAY LARA Three years later... SA GARDEN NG aming bahay ay nakatayo ako doon at nilalanghap ang hangin na tumatama sa aking mukha. Sapat na iyon para malaman na maganda ang panahon ngayon at alam ko na magiging maganda rin ito para sa akin. Napababa ako ng mukha ng marinig ko ang pagtahol at pagdila sa aking paa ni Saver. Umupo ako at hinaplos ang kanyang balahibo. "Gutom ka na ba, Saver?" Napangiti ako ng tumahol ito tila nauunawaan ang aking sinabi. Alam ko na para akong tanga na kinakausap ang aso, pero mas mabuti na iyon kesa naman wala akong kausapin, lalo't mag-isa lang ako parati. Nakakalungkot din na mag-isa lang. Hindi katulad noon na sobrang saya ng bahay na ito nung hindi pa namamatay si Mommy. Binuhat ko si Saver at humarap ako sa dapat kong lakaran. Mga twenty step bago ako makapasok sa loob ng bahay mula sa garden. Ibinaba ko si Saver at kinuha ko sa gilid ng side table ang kanyang tali. Hinawakan ko ang kanyang leeg at nakapa ko doon ang kawitan ng tali niya. Tinali ko siya at tsaka binaba. Hawak-hawak ko ang tali niya at humakbang ako ng humakbang na siya. Huminto lang ako saglit ng huminto siya. Umupo ako at kinuha ang dog food niya. Sinalinan ko ng dog food ang pakainan niya. "Saver, natapon ba? Kung natapon ay pakilinis na lang, ha?" Napangiti ako ng maramdaman ko na kumakain na siya. Hinaplos ko ang balahibo niya at nanatili lamang ako sa aking pwesto para hintayin na makakain siya. Nang sumampa siya sa akin at dilaan ang mukha ko ay natawa ako at binuhat siya. "Tingin ko ay busog ka na.. Tara, gusto kong magtungo sa studio." Tumahol siya kaya napangiti ako at binaba na siya. Hawak ko ang tali niya at sumunod ako sa kanya. Nang marinig ko ang pag-kalansing ng gate dahil sa pag-paypay ng buntot niya ay tinaas ko ang kamay ko para damhin ang gate. Hinawakan ko ang pihitan at nang mabuksan ko ay umatras ako ng kaunti para mabuksan. Naramdaman ko ang paglakad ni Saver kaya humakbang ako ng mga limang step at tsaka ko sinara ang gate. Napakislot ang tainga ko ng makarinig ng mga boses sa kabilang bahay. Napangiti ako at ginalaw ko ang tali ni Saver para lumakad siya. "Wala na ba? Siguraduhin niyo na ayos na at baka tayo ang mapagalitan ni Sir!" Dinig ko ang boses ng isang lalake na medyo pang manong na. Napangiti ako dahil meron na ata akong magiging kapitbahay. "Manong, may titira na ho ba sa bahay na 'yan?" "Oo, Hija." Napatingin ako sa kanang bahagi dahil doon ko narinig ang boses niya. Tumango ako at napangiti. "Kasama niyo po ba ang bagong lipat na may-ari?" "Hindi, e. Hindi ko alam kung anong oras pupunta iyon, pero baka mamayang gabi." Tumango ako at pinakinggan ang pagsara ng gate ng bahay ng magiging kapitbahay ko. "Oh, tara na kayo at marami pa tayong ide-deliver." aya ni Manong. Siguro sa mga trabahante niya, "Sige, Hija." tumango ako ng bumaling siya sa akin. Hinintay ko na makaalis sila bago ako bumaling sa bahay ng kapitbahay ko. Sana mabait ang maging kapitbahay ko. Tumahol si Saver kaya napangiti ako dahil tila naiinip na siya. "Oo na. Tara na nga." Humakbang na siya kaya humakbang na rin ako. Bilang na bilang ang bawat hakbang ko para marating ang pinakamalapit na studio rito sa lugar namin. Mabuti naman at walang dumadaan na sasakyan kaya naging madali sa akin ang pagtungo sa studio. "Oh Lara, bakit nagpunta ka na naman rito?" nakukulitang tanong ni Gian. Napangiti ako at bumaling sa gilid ko ng marinig ko doon ang boses niya. "Ah Gian, pwede ko ba magamit si Sexy?" Napahinga siya ng malalim kaya lalo akong napangiti dahil tiyak ako na papahiramin niya ako. Narinig ko ang yabag niya palayo kaya nanatili lamang ako sa aking pwesto. Maya-maya pa ay narinig ko na ang yabag niya na palapit. "Oh.." agad kong nilahad ang kamay ko at naramdaman ko ang paglahad niya sa akin kay Sexy. "Salamat.. Promise, saglit lang ako." ngumiti ako sa kanya para ipakita na lubos ang pasasalamat ko. "Siya, siya. Doon ka muna sa rooftop. Dadalhan na lang kita ng meryenda." Lalo akong napangiti sa sinabi niya. Napakabait talaga ni Gian. "Ang bait mo talaga, Gian. Salamat ulit." Ginulo niya lang ang buhok ko kaya lalo akong napangiti. "Saver, come here! Kiss me." Natawa ako ng tahulan siya ni Saver. Ewan ko ba rito kay Saver at ayaw na may ibang lalake na lumalapit sa akin. Galit agad siya. "Tsk. Ang tapang ng aso mo talaga. Nagseselos ata." Napangiti ako at tumango, "Baka nga.. Sige, Gian, doon muna ako sa favorite spot ko." "Okay." Kaya naman ay ginalaw ko na ang tali ni Saver at lumakad na ako palapit sa hagdan. May fifteen step ang hagdan na paikot bago makarating sa rooftop ni Gian na parang second floor lang din. Pag-akyat namin ni Saver sa rooftop ay binitawan ko na ang tali niya. Ang bubong ng rooftop ng studio ay gawa sa nipa gaya ng sabi ni Gian. Kaya malamig dito at makakapag-patugtog talaga ako ng payapa.. Naglakad ako para marating ang pinaka-pader na humaharang sa rooftop. Mahangin at tumatama sa aking mukha ang hangin. Ngumiti ako at inayos ko si Sexy sa aking balikat. Hawak ko ang mahabang stick na siyang magiging dahilan para tumunog siya. Pumikit ako at in-umpisahan na patugtugin si Sexy. Stone walls by We the kings Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko ang kantang ito na palaging patugtugin kapag naririto ako sa rooftop. Para bang may konektado ito sa akin. Iyong luha ko ay kusang tumutulo dahil sa kalungkutan. Hindi para sa akin, kundi sa taong nagawan ko ng kasalanan. Alam ko na nararapat lamang sa akin na mapag-isa. Dahil sa katigasan ng ulo ko noon, edi sana walang ibang tao na nadamay. Edi sana buhay pa rin si Mommy. Namatay siya dahil hindi nakanayan ni Mommy ang nangyari sa akin. Lalo pa't ang nangyari sa akin ay mas malala ang nangyari sa babaeng nawala dahil sa kasalanan ko. Nararapat lamang sa akin ang sitwasyon ko. Nararapat lamang sa akin na magdusa mag-isa. Kasalanan ko lahat kaya dapat na pagdusahan ko ito habang buhay. "Umiiyak ka naman." Napatigil ako sa pagtugtog ng marinig ko ang boses ni Gian. Agad kong binaba ang violin at agad akong napayuko upang pahiran ang luha ko. Naamoy ko ang paborito kong kinakain. "Hmmm.. Mukhang masarap 'yang dala mo. Mainit-init na siopao." Ngumiti ako ng maalis ang luha sa aking mata. Napatingin ako sa bandang kanan ko ng hawakan niya ako sa braso at napahinga siya ng malalim. "Alam ko na paborito mo ito. Sinamahan ko nang malamig na ice coffee." "Salamat." naupo ako sa bench na narito sa rooftop ni Gian. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. "Here." agad kong hinawakan ang siopao na pinahawak niya. Kinuha niya sa akin ang violin at nilagay naman niya sa isang kamay ko ang ice coffee. Kumagat ako ng siopao at napatango ako dahil ang sarap. Favorite ko talaga ang luto ni Gian. "The best ka talaga, Gian." nag-thumbs up ako at alam ko na napangiti siya ng guluhin niya ang buhok ko. "Oo na. Kumain ka na lang at pagkatapos ay umuwi ka na dahil baka gabihin ka pa." Tumango ako at pinagpatuloy ko ang pagkain. "Ah, Lara.." "Hmm?" tugon ko at uminom ng ice coffee. "Hindi pa rin ba umuuwi ang Dad mo?" Napatigil ako sa pagkain ng siopao dahil sa tanong ni Gian. "Hindi pa.." Hindi ko narinig na sumagot pa si Gian. Kaya nagpatuloy ako sa pagkain. - ARMANDO BUSY AKO SA mga papeles na kailangan kong pag-aralan at pirmahan. Ngunit napaangat ako ng tingin para lamang makita si Pia na siyang pumasok sa office ko. Hipag ko siya. "Armando, wala ka man lang ba balak na umuwi sa anak mo? Hindi ka ba nag-aalala sa kaligtasan niya dahil mag-isa lamang siya doon?" Binaba ko uli ang paningin ko sa mga papeles na dapat kong pirmahan. "I'm busy, Pia." simpleng tugon ko. Narinig ko ang pagsinghap niya sa inis. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang ako sa pag-pirma. "Kawawa naman ang anak mo at palagi nal ang mag-isa sa bahay niyo. Kung buhay lamang ang kapatid ko ay tiyak na ubod ang galit no'n sa 'yo." Nanginig ang kamay ko sa inis dahil sa sinabi niya. Nailapag ko ang ballpen sa lamesa at tinignan ko siya ng seryoso. "Anong akala mo sa akin na madali na lamang umuwi sa bahay na iyon? Pia, lahat ng alaala ng asawa ko ay nandoon. Lahat ng alaala na masaya pa ang pamilya namin ay nandoon lahat... Anong gusto mong mangyari na mabaliw ako kapag napapatingin sa bawat sulok ng bahay na tanging alaala ng asawa ko ang bumabalik?!" "Kaya gano'n na pababayaan mo na lang si Lara? Gano'n ba?" "Hindi ko siya pinababayaan dahil suportado ko ang mga kailangan niya. At kaya nga ako nagpapakasubsob sa trabaho dahil para kanya, para sa mga kailangan niya." Napahinga siya ng malalim at napailing tila ba wala sa katinuan ang mga pinagsasabi ko. "Pero hindi iyon ang kailangan ng anak mo. Kailangan niya ng isang ama na nand'yan na susuportahan siya sa dinadanas niya.." hindi ako umimik kaya napahinga siya uli ng malalim, "Pilitin mo siya na magpa-opera. Meron ng donor para sa mata niya pero siya lamang ang may ayaw. Please, Armando, magpaka-ama ka naman." Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya ng office ko. Napasandal ako sa swivel chair ko at napahilot sa sentido. LARA "Lara wait!" NAPAHINTO AKO SA paglalakad ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Gian. Narinig ko ang yapak niya palapit at paghinga ng malalim hudyat na narito na siya sa harap ko. May pinahawakan siya sa akin kaya agad ko iyong hinawakan ng malaman ko na si Sexy ang pinahawakan niya sa akin. "Sa 'yo na 'yan.." Napamaang ako sa gulat dahil hindi ako makapaniwala na binibigay na niya sa akin ang violin niya. "A-akin na 'to? Sigurado ka ba?" "Oo. Tutal ay ikaw naman parati ang gumagamit n'yan, kaya sa 'yo na lang." Hindi ko mapigilan na mapangiti. Kaya hinawakan ko ang kamay ni Gian at nang mahawakan ko ay hinila ko siya at niyakap. "Salamat, Gian. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya.." Hinaplos nyta ang buhok ko at ramdam ko ang pagtango niya. "Ingatan mo 'yan para may magagamit ka kapag nais mong tumugtog.." Bumitaw ako ng yakap at niyakap ko si Sexy na binigay niya. "Oo. Talagang iingatan ko ito. Salamat ulit." "Sige na. Umuwi na kayo ni Saver at baka mapahamak pa kayo. Kung gusto mo ay ihatid muna kita." Agad ko siyang inilingan sa alok niya. Binigyan na nga niya ako ng violin tapos gusto pa niya na ihatid ako. Nakakahiya na. "Hindi na. Kaya na namin ni Saver umuwi. Sige, Gian, salamat ulit." Natawa siya at ginulo ang buhok ko. Hindi ko alam kung bakit ang hilig niya guluhin ang buhok ko. Pero ayos lang, wala rin naman mangyayari kahit gulo-gulo pa ang buhok ko. Tumalikod na ako sa kanya at sinukbit ko sa balikat ko ang violin. "Saver, let's go." ginalaw ko ang tali ni Saver kaya lumakad na siya. Dere-deretso lamang ang paglalakad ko at pina-pakiramdaman ko rin ang paligid. At lahat ng hakbang ko ay bilang na bilang ko. "Saver, malapit na ba tayo?" Tumahol siya kaya napangiti ako. Dere-deretso lamang ang lakad namin ng mapaidtad ako ng may biglang bumisina sa likod ko. Pero nagpatuloy lamang ako sa paglalakad at binilisan dahil baka nakaka-abala na kami sa dumadaan kaya siya bumusina. "Hey! Tanga ka ba?! Bakit ba pa harang-harang ka sa daan?" Nabigla ako ng may humawak sa braso ko at hinarap ako. Mabango at lalakeng-lalake ang nanuot na pabango na naamoy ng ilong ko. At ang boses niya ay malamig at barito na may pagka-maangas. Ang kamay niya ay mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko na pakiramdam ko ay mababali. Yumuko ako ng yumuko habang humihingi ng paumanhin sa kanya. "Sorry po. Sorry po talaga." Tumahol si Saver at ramdam ko ang pagbitaw ng lalake sa braso ko dahil siguro kay Saver. "Saver, stop it. Let's go." yumuko uli ako sa lalake, "Sorry po talaga." Pagkatapos kong magpa-umanhin sa kanya ay agad akong tumalikod at ginalaw ang tali ni Saver. Hindi naman na niya ako binulyawan kaya siguro ay tanggap na niya ang paghingi ko ng patawad. Nahalata ka niya ang sitwasyon ko? Diyos ko, sana naman hindi. Napahigpit ang hawak ko sa tali ni Saver habang naglalakad kami patungo sa bahay. Nang huminto si Saver ay hudyat iyon na narito na pala kami sa harap ng gate. Agad kong tinaas ng kaunti ang kaliwang kamay ko para itulak ang gate. Narinig ko ang kotse na huminto sa kabilang bahay kaya agad akong pumasok at sinara ang gate. Sumandal ako sa gate at tinapat ko ang tainga ko para marinig kung iyon na kaya ang magiging kapitbahay ko. "Hello, heto na ba 'yon? Sure ka?" Narinig ko ang boses ng lalake na kinumpronta ako kanina sa daan. Ibig sabihin ay siya ang magiging kapitbahay ko? Napatakip ako ng bibig dahil nakakahiya ang unang encounter namin. Baka nainis siya dahil pa harang-harang kami ni Saver sa daan. Tumahol si Saver kaya nag-sign ako rito na 'wag maingay. Tumahimik naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Nilapat ko uli ang tainga ko sa gate at narinig ko ang pagbukas ng gate sa kabilang bahay. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagpasok ng kotse. Napahinga ako ng malalim at naupo ako. Agad na sumampa ang kamay ni Saver sa kamay ko. "Saver, hindi na magiging tahimik ang buong paligid. May bagong kapitbahay na tayo." Napangiti ako at niyakap ko si Saver sa tuwa. Hinaplos ko ang balahibo nito at napahalakhak ako ng dilaan niya ang mukha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD