Kabanata 2

2835 Words
KABANATA 2 SHE'S BLIND DEO TUMINGIN AKO SA labas ng glass wall kung saan kitang-kita ko ang kabilang bahay. Uminom ako ng alak sa basong hawak ko habang sinisimsim ko ito ng dahan-dahan. "Sir, her name is Lara Evangelista, 22 years old." Ang malamig kong nakatikom na labi ay biglang ngumisi sa kaalaman na kasing tanda ko lamang ang babaeng ito. Binabaan ko na ng tawag ang private investigator na kinuha ko upang alamin ang profile ng babaeng nais kong paglaruan. Tatlong taon ay sapat na iyon para itigil ang pagiging miserable ng buhay ko habang ang babaeng ito ay nakakampante at wala man lang naging parusa sa kanyang ginawa. Nakita ko ito na lumabas mula sa room niya at nagtungo sa veranda. Humarap siya sa gawing bahay na kinuha ko. Masasabi ko na maganda siya at cute at medyo maliit. May bangs siya ngunit ang buhok ay hanggang balikat lang niya. Ngumiti siya kaya umiwas ako ng tingin at tinungo ko ang maleta na nakalapag sa sahig upang umpisahan na ang dapat kong gawin. Kumuha ako ng mga susuotin ko at sinuot iyon pagkatapos. Suot ang polong itim na tinupi ko ang manggas hanggang sa siko ko at board short na hanggang tuhod ko ang haba. Naupo ako sa sofa at binalingan ko naman ang rubber shoes ko na suot. Tinali ko ang sintas nito at pagkatapos ay ginalaw-galaw ko ito. Napalingon ako kung saan ang gawing labas ng tumunog ang doorbell ko. Tumayo ako at nakapamulsa na lumakad upang lumabas at tignan ang nambulabog agad sa doorbell ko. Kakalipat ko lang ay may nambubulabog na. Pagbukas ko ng gate ay napaasik ako ng makita ang barkada ko na sina Cole, Gin, at si King na may kasama pang mga babae. "Surprise, Pre!" Napahigpit ang hawak ko sa gate at hindi ako makapaniwala na napatingin sa kawalan dahil kahit saan ako magpunta ay naamoy ng mga siraulo kong barkada kung nasaan ako. May biglang yumakap sa likod ko at hinaplos ang tiyan ko. Ambang bababa ang kamay nito sa hindi dapat ay pinigil ko agad ito at hinarap. Pero napadako ang tingin ko sa babaeng nasa kabilang bahay na nakatingin rito. Agad kong inalis ang yakap ni Amy at nauna na akong naglakad para pumasok. "Wait, babe.." Pabagsak na naupo ako sa sofa at agad na lumapit si Amy para maupo sa kandungan ko. Napatingin lamang ako kela Cole na may hinahalungkat sa gamit ko. "Damn, Pre! Hindi mo pa inaayos ang gamit mo?" "Sino ba may sabi na pumunta kayo rito at mambulabog? Mabuti pa na umuwi na kayo." Umiling-iling ito at tinaas ang alak na dala nila. Napailing ako at napatingin kay Amy na humahalik-halik sa dibdib ko na litaw sa mga mata niya dahil sa bukas ang butones ng polo ko. "Tsk." agad ko itong tinulak na kinabagsak nito sa sahig. Agad kong binutones ang polo ko habang malamig na nakatingin kay Amy na dumadaing sa pagkabagsak niya. "Wait, Pre. Walang ganyanan. Inaya nga namin si Amy para hindi ka mag-solo." "Wala ako sa mood na makipag-landian sa kanya. At wala ako sa mood na makipag-inuman sa inyo. Mabuti pa na kayo na lang at marami akong iniisip." Napahilot ako sa sentido ko at pumikit habang nakasandal ako sa sofa at nakasandal ang kaliwang braso ko sa arm rest ng sofa. Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko at inakbayan ako. "Alam namin ang pinaplano mo, Pre. Malapit ba siya dito?" Napailing na lang ako at hindi ko na pinansin ang kadaldalan ni Cole. Napatingin ako sa barkada ko ng tumunog ang speaker at nakita ko na nahagilap nila ang laptop ko at speaker. Tinaas ni King ang mga baso at napangisi na lang ako dahil ang lakas din ng apog nila na makialam sa gamit ko ng walang paalam. Pero hinayaan ko lang dahil unang pagkakakilala ko palang sa kanila ay makakapal na talaga ang mukha nila. "Shot, Pre!" inabutan ako ni Gin ng baso at sinalinan ng alak. Tinaas ko ito bilang pagtanggap at nilagok ko ang alak na binigay niya. Napahinga ako ng malalim sa lakas ng tama ng alak. Napatingin ako kay Cole na umalis sa tabi ko at lumapit sa mga babae para makipag-sayaw ng malaswa. Sinimsim ko na lang ang alak ng salinan uli ako ni Gin habang nakatulala na pinapanood sila. - LARA NAPABALING BALING AKO ng higa sa kama ko nang hindi ako maka-idlip dahil sa malakas na sound na nanggagaling sa kabilang bahay. Alas syete palang pero tila puma-party na agad ang kapitbahay ko. Kakahiga ko palang sa kama matapos kong pakinggan kung totoo bang may tao sa kabilang bahay. Pero akala ko ay simpleng kaingayan lang ang mangyayari sa paligid ko, 'yun pala ay mas malala. Dahil tila mahilig sa party ang kapitbahay ko. Napaupo ako at napayakap sa binti ko. Napapabuka-sara ang bibig ko sa sobrang pagbuntong-hininga. Kinuha ko ang unan at tinakip sa tenga ko. Pero walang saysay iyon dahil tagus-tagusan pa rin ang lakas ng sound mula sa kapitbahay. Napabuntong-hininga uli ako at binitawan ang unan. Bumaba ako ng kama at sinuot ang tsinelas ko. Lumakad ako palapit sa veranda at binuksan ang sliding door ng makapa ko ito. Lumabas ako at lumapit sa pader na humaharang sa palibot ng veranda. Humawak ako sa pader at pinakinggan ang nagkakasiyahan sa kabilang bahay. Mabuti pa sila... Nag-e-enjoy pa ng ganyan at tila walang pino-problema sa mundo. "Gusto mong maki-join?" Napaidtad ako at napayuko habang napakuno't noo ako para hanapin kung nasaan ang nagsalita na iyon? "Ako ang bago mong kapitbahay.." Nang sabihin iyon ng pamilyar na boses ng lalakeng kapitbahay ko ay napaangat ako ng tingin at alam ko na tama ang tingin ko dahil magkaharap lamang ang aming veranda pero merong ilang pulgada ang layo. Hindi ko alam kung bakit ako naiilang at kinakabahan. Ito ang unang beses na nagkaroon ako ng kausap sa bahay. "A-ah. . .hindi na. I'm okay." "Are you sure? Masaya 'to." umiling ako sa kanya para sabihin na hindi na, "Okay. By the way, I'm Deo. You are?" "Lara." nakangiti kong tugon. Deo ang name niya. Ang ganda. Siguro ay gwapo siya. Gwapo ang boses at pangalan niya. "Hmmm, nice name." Pinipigil ko na mapangiti sa sinabi niya. Ngayon lamang may pumuri sa maikli kong pangalan. "Mag-isa ka lang ba sa bahay niyo?" Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya. Ngayon palang kami nagkakakilala, dapat ay mag-ingat pa rin ako. Pero baka mapahiya siya kapag hindi ko siya sinagot. Napaangat ako ng tingin ng mapahalakhak siya. Tila nag-init ang pisngi ko sa halakhak niya na hindi ko alam kung para saan. "Okay, okay. 'Wag mo nang sagutin.." Napakagat ako ng labi dahil napagtanto niya ang pananahimik ko sa katanungan niya. "A-ah, sige, pasok na ako." "Okay, nice meeting you, Pretty Lara." Lalong nag-init ang pisngi ko sa papuri niya. Napahawak tuloy ako sa bangs ko dahil ngayon ko lang napagtanto ang ayos ko. Napakagat ako ng labi at napangiwi ako dahil gulo-gulo ang buhok ko. Agad akong tumalikod sa kanya kaya narinig ko uli ang pagtawa niya. Pinagalitan ko ang sarili ko at naglakad ako ng normal papasok sa room ko. Pagkasara ng glass door ay napasandal ako roon at napahawak ako sa magkabila kong pisngi. "Gosh, nakakahiya! Dapat kasi hindi ka na lumabas, Lara." pinapalo-palo ko ang ulo ko at napagulo ako ng buhok sa pagkainis. Napatigil ako ng kahulan ako ni Saver na nakahiga sa basket na kanyang higaan. Napailing ako at naglakad palapit sa higaan ko. Pero sasampa palang ako sa kama ng matigil ang sound sa kabilang bahay. Napangiti ako dahil pinapatay niya siguro ang speaker. Hindi naman ako assuming pero halata naman niya na matutulog na ako kaya siguro pinapatay niya. Nahiga ako ng maayos at nagkumot. Kinuha ko ang isang unan at niyakap iyon bago ako mapangiti at pumikit na. - KINABUKASAN, MAAGA AKONG nagising na may ngiti sa aking mga labi. Dinig ko na agad ang kaluskos ng kasambahay na kinuha para ipagluto ako, ipaglinis ng bahay, liguan at bihisan si Saver ng ootd niya. Tinungo ko ang banyo para gumamit ng toilet, maligo, at mag-sipilyo mag-isa. Lumabas ako ng banyo at napaluhod ako ng salubungin ako ni Saver. "Good morning, Saver." Malikot ito at kumakahol-kahol sa tuwa. Pareho kami na maganda ang umaga. Talagang mag-amo nga kami. Hinaplos ko lang saglit ang balahibo niya at tumayo na ako. Tinungo ko ang closet ko at binuksan ang pinto nito. Napahawak ako sa chin ko para isipin ang isusuot ko. At nang makaisip ako ng isusuot ay kinapa ko ang gitnang bahagi ng divider ng closet at kinuha ang nakaibabaw na ootd ko ngayong araw. Isang yellow printed shirt at jamper short iyon na si Tita Pia ang nag-aayos at bumibili. At tsaka niya sinasabi sa akin ang pagkakasunod kaya alam ko. Lumuhod ako at binuksan ang drawer sa baba para kunin ang pares na bra't panty ko. Nang makuha na lahat ng isusuot ko ay lumapit ako sa kama at nilapag lahat iyon doon. Nagsuot ako ng bra't panty at sinuot ko ang shirt bago ang jumper na isang balikat lang nakasabit ang strap ng jumper ko. Umupo ako sa kama at kinapa ko ang gilid ng kama upang kunin ang black sneaker shoes ko na nakalagay sa ilalim ng kama na may instant drawer na siyang pinaglalagyan ko ng sapatos at flat sandals. Nang maisuot ko ang rubber shoes ay tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at tinungo ko ang tukador. Kinapa ko ang upuan at naupo ako. Hinawakan ko ang suklay na nakasuksok at may tali para madali kong makuha. Inalis ko ang towel sa ulo ko at nagsuklay ako. Nang kontento na ako sa pagkakasuklay ng buhok ko ay hinanap ko ang face powder. Nang makuha ko ay binuksan ko ang takip at kinuha ko ang foam nito. Pinahid ko sa mukha ko ng marahan 'yung alam kong magiging maayos ang pagkakalagay ko. Nang ayos na ay napangiti ako at huminga ng malalim. Pero nang maisip ko ang ginawa ko ay napailing ako. Bakit ba nag-aayos pa ako? E, sanay na naman ako na walang anumang nakapahid sa mukha ko. "Lara, aalis ka?" Napalingon ako sa gawing kaliwang side ko ng marinig ko ang yapak ni Ate Lourdes. "Ah, magpapahangin lang po sa labas." umayos ako ng upo at pinahid ko ang kamay ko sa pisngi ko para alisin ang face powder na pinahid ko. "Pero sabi ni Madam Pia ay 'wag ka daw lumabas ng bahay dahil delikado. At dadalaw daw siya ngayon." Ngumiti ako at tumayo na mula sa pagkakaupo sa upuan. "'Wag mo na lang pansinin si Tita. At ayos lang ako. Sasaglit lamang ako sa studio at babalik rin agad, kaya makakauwi agad ako bago pa dumating si Tita." "Hay, bahala kang bata ka. 'Wag lang sana ako mapagalitan ni Madam." "Promise, hindi kita ipapahamak.. Tsaka kelan ba kita napahamak?" Alam ko na napailing na lang siya kaya ngumiti ako. Lumapit ako sa sulok ng pader at kinapa ko ang pader dahil doon ko itinayo ang violin na bigay ni Gian. Nang mahawakan ko iyon ay kinuha ko ito at sinukbit sa balikat ko ang strap ng bag nito. Nang maayos ko sa balikat ko ang strap ay lumakad na ako para lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ay tumatahol na si Saver ang sumalubong sa akin. Napangiti ako ng maramdaman ko siya sa mga paa ko. Yumuko ako at binuhat siya. Lumakad ako ng mga sampong hakbang para marating ang pader na pinagsasabitan ng tali niya. Nang makuha ko na ay kinawit ko ito sa tali sa leeg ni Saver. "Pinakain ka na siguro ni Ate Lourdes kaya ka maligalig, ano?" Dinilaan niya ako sa baba ko kaya agad ko siyang binaba habang hawak ang tali niya. Ginalaw ko ang tali niya kaya lumakad na siya at gano'n rin ang ginawa ko. Paglabas ng bahay ay humakbang ako ng pitong baitang bago napahinto at pinakiramdaman ko ang kapitbahay ko. Tulog pa siguro syya? Tahimik, e. Napuyat siguro kagabi sa party na naganap sa bahay niya. Napahinga ako ng malalim at sumunod kay Saver ng maglakad na ito. - DEO NAKA-PAMULSA ANG KALIWANG kamay ko sa jacket ko habang ang kanang kamay ko ay hawak ang plastick na naglalaman ng chinese cup noodles na binili ko. May nakapasak sa tenga ko na headset habang mabagal ngunit patakbo ang ginagawa kong lakad habang tinatahak ang daan pauwi sa bagong bahay na kinuha ko. Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Lara na kasama na naman ang aso niya na pinandilatan ko ng mata kaya hindi na ito tumahol pa. Napahinto ako at tumingin kay Lara. Magsasalita sana ako ng dere-deretso siyang naglakad at nilagpasan ako tila hindi niya ako nakita o nakilala. Sinundan ko siya ng tingin habang may pagtataka sa mukha ko. Sinundan ko siya at mabagal lamang ako sa paglalakad habang nakasunod sa kanya. Nang nasa U-turn lane na siya ay dere-deretso lang siya. Napatingin ako sa pasalubong na kanto at nakita ko na may humahangos na kotse kaya agad kong tinakbo ang distansya namin at hinatak ko siya. Niyakap ko siya habang nakapako lamang ang tayo namin ng bumusina ng malakas ang kotse. Nang makaraan ang kotse ay hinarap ko siya. Nakita ko ang pagka-balisa niya at inalis ang hawak ko. Lumuhod siya at may kinapa-kapa. Napatingin ako sa isang bagay na dala niya na humagis sa gilid ko. Kinuha ko ito at tumingin ako sa kanya na nagtataka. Napabuga ako ng hangin at lumapit ako sa kanya bago ko siya pahaklit na tinayo. Tinignan ko siya sa mata at kinaway ko ang kamay ko sa mukha niya pero walang reaksyon ang mata niya. "Bakit ba kumikilos ka na akala mo ay normal ka pero bulag ka pala?! Muntik ka na tuloy masagasaan!" Hinawi niya ang kamay ko at kita ko ang pag-ngilid ng luha niya na pinipigilan niya. "Salamat sa pagligtas sa akin pero kung pagsasalitaan mo lang ako ng masama, mabuti pa na hindi ka na lang tumulong." Napakuyom ako ng kamay at tinignan ko siya habang nagpipigil ako ng inis. "Ang point ko lang ay bakit ka lumalakad na mag-isa ka lang? Bulag ka kaya hindi ka dapat lumalakad sa kalsada na parang normal na nakakakita." "Bakit masama bang maging normal ang katulad ko? Tatlong taon ko na pinag-aralan kung paano ako makakarating sa studio mula sa bahay ko, kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako na akala mo ay sobra mo akong kilala. Akala mo ba madali sa akin bago ako makalakad sa street na ito? Hindi mo alam kung ilang dapa, gasgas, pilay, at bukol ang inabot ko. Pero tiniis ko iyon lahat para maging normal pa rin ako sa paningin ng iba. Kaya sino ka para husgahan ako? Akala ko pa naman ay mabait ka, magaspang din pala ang ugali mo." So, nabulag siya dahil sa ginawa niyang kasalanan? Alam ko na nararapat lamang sa kanya ang nangyari dahil kahit ano pang paghihirap pa ang gawin niya ay hindi pa rin sapat iyon sa buhay ni Kacey na nawala ng dahil sa kanya. "I'm sorry..." malamig kong sabi. Kung kailangan na magpakabait ako para kunin ang loob niya ay gagawin ko. Sa nakikita ko ay madali ko lamang siya mauuto ngayon. Nilagay ko ang kamay ko sa leeg niya at nais kong diinan ang pagkakahawak ko ngunit dinala ko sa panga niya ang kamay ko ng masuyo. "I said, I'm sorry, Lara." Inalis niya ang kamay ko at napahawak siya sa leeg niya na kinangisi ko. Agad siyang umatras kaya pinigilan ko siya sa braso niya. "Sorry, natakot ba kita?" Umiling syya kaya lalo akong napangisi. Binitawan ko ang kamay niya ng pilit niyang pumalag. "Hatid na kita... Saan ka ba pupunta?" "A-ah.. D'yan lang. Sige.." Agad siyang tumalikod kaya sumeryoso ako at tinignan siya na bumaling tila pinapakiramdaman ako bago siya mabilis na naglakad kasama ang aso niya. Tumunog ang ringtone ng cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng short ko habang tinitignan si Lara na palayo. "Yes, hello?" "Deo, Anak, ano ba ang iniisip mo at d'yan mo pa naisip tumira sa maynila?" Napabuntong-hininga ako dahil kapag hindi ko sinagot si Mommy ay kukulitin lang niya ulit ako. "Mom, 'wag kayong mag-alala. Saglit lang ako rito at gusto ko lang makapag-isip." "Gano'n ba... Alam ko naman na masakit pa rin sa 'yo ang nangyari kay. . ." "Mom, sorry, pero may gagawin pa po pala ako." "A-ahh... sige, anak. Mag-iingat ka d'yan." "Opo. Bye, mom." Binulsa ko uli ang cellphone ko at tumingin sa nilakarang kalsada ni Lara. Masakit pa rin sa akin ang lahat. Kaya Lara, maghanda ka dahil sisiguraduhin ko na hindi mo magugustuhan ang ganting gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD