Kabanata 9

3494 Words
KABANATA 9 SCARED Lara NAUPO AKO SA aking kama ng makauwi na rin ako sa bahay. Napaisip parin ako sa lahat ng nangyari at hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko parin ang bawat halik at pang-aangkin ni Deo sa akin. Hawak ko ang unan ko at niyakap ito. Hindi ko mapigilan na mapangiti, kaya sinubsob ko ang aking mukha sa unan at napatili ako sa kilig. "Anong nangyayari sa 'yo?" Napaalis ang mukha ko sa unan ng marinig ko ang boses ni Ate Lourdes. Pinipigil kong ngumiti at umiling-iling ako. "Wala, Ate." "Asus. Wala raw.. At ikaw na bata ka, bakit inabot kayo ng gabi ni Deo? At bakit may napansin akong kakaiba sa inyo?" "Ate, 'wag na po kayong mag-intriga." inipit ko ang buhok ko sa tenga ko habang hindi ko mapigilan na mapangiti. Naramdaman ko ang pag-upo ni Ate Lourdes sa tabi ko at napanguso ako ng hatakin niya ang dulo ng buhok ko. "Anong kaartehan 'yan, Lara? Para kang uod na binudburan ng asin? Umamin ka nga, may something na talaga sa inyo ni Gwapo?" Dahil sa pangungulit niya at dahil gusto kong i-share ang nararamdaman ko ngayon, kaya huminga ako ng malalim habang pinaglalaruan ko ang daliri ko. "Ate Lourdes, sa atin lang 'to, ha?" "Oh, edi meron nga?" Hinanap ko ang braso niya at nang makapa ko ay humawak ako sa braso niya at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "Ate, kasi...sinabi ni Deo na gusto niya ako." "Talaga? Sinabi niya talaga iyon?" Ngumiti ako at tumango habang hindi ko mapigilan ang kasiyahan sa puso ko habang naalala ko ang pag-amin niya. "Oo, hindi ko nga akalain na gusto niya rin ako." "Wait... Gusto niya 'rin'? Ibig sabihin ay gusto mo rin siya?" Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya at nahihiya na tumango ako. "Omg. Gusto niyo pala ang isa't-isa, pero hindi ba parang ang aga niyo namang magkagustuhan? Tsaka kilala mo na ba ng lubusan si Gwapo?" Napanguso ako at napakutkot ako sa kuko ko dahil hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya. "Makikilala ko din naman siya ng lubusan kapag niligawan na niya ako, at kapag humigit pa ang namamagitan sa amin. Kasi, inaamin ko sa 'yo ate, na una palang ay may gusto na agad ako sa kanya. Ewan ko, bumibilis ang t***k ng puso ko kapag lumalapit siya at hahawakan ako." "Pero, Lara, 'wag kang masyadong magtiwala at baka sa huli ay ikaw rin ang masaktan. Gwapo at tila galing sa buena familia si Deo. At tingin ko ay lapitin rin siya ng babae dahil sa looks niya. Baka mamaya ay makita kitang umiiyak dahil sa kanya. Alam mo naman na pinagkatiwala ka sa akin ng Tita at Dad mo, kaya dapat na ingatan mo ang sarili mo dahil alam kong matalino ka naman." Ngumiti ako at muling humawak sa braso niya. "'Wag kang mag-alala, Ate Lourdes, dahil sigurado ako na totoo ang sinabi sa akin ni Deo na gusto niya ako. Kaya alam ko rin na hindi niya ako sasaktan." Napahinga siya ng malalim at naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko. "Tila gustong-gusto mo talaga siya, ha?" Ngumiti lang ako pero sa loob-loob ko ay gusto kong sabihin na talagang gusto ko si Deo. "Lara!" Napabaling ang ulo ko ng marinig ang boses ni Deo. Pinalo ako ni Ate Lourdes sa braso na kinangiwi ko. "Gabing-gabi na, bakit nandito na naman siya? Tsaka, bakit ka nga pala hindi nakapantulog mo? Bakit naka-dress ka?" "Ah.. Ate, may lakad kasi kami ni Deo." alanganin kong sabi. "Ano?! May lakad muli kayo? Pero, Lara, gabi na. Baka mapagalitan ako ng Tita mo." Umiling-iling ako sa kanya para pakalmahin siya. "Saglit lang naman kami, Ate. In-invite kasi kami ng friends niya." "Kaya sasama ka naman? Diyos ko. Lara, gabing-gabi na at delikado sa katulad mo ang gumagala sa gabi lalo't lalake pa naman ang kasama mo." "Ate, hindi naman ako mapapahamak dahil alam kong hindi ako pababayaan ni Deo, gaya ng ginawa niyang pagligtas sa akin. Kaya 'wag ka nang mag-alala." "Anong niligtas ka niya? Ano 'yun, Lara?" Napahinga ako ng malalim dahil ang daming tanong ni Ate Lourdes. Nauunawaan ko naman siya dahil siya ang malalagot kay Tita oras na malaman niya ito. Pero kasi, gusto kong maranasan muli ang lumabas kahit pa ganito na may kapansanan ako. Gusto kong maging masaya na lang kesa magkulong lang palagi rito sa bahay. Baka hindi lang ako bulag, kundi baliw na rin. "Pangako na uuwi ako rito ng ligtas. Kaya sana ay 'wag na ito makarating pa kay Tita lalo na kay Dad. Please, Ate..." Narinig ko ang mabigat niyang paghugot ng hininga na kinangiti ko. "Wala naman akong karapatan na pigilan ka sa gusto mo dahil pinapasweldo lang din naman ako. Pero kasi, parang batang kapatid na ang turing ko sa 'yo, kaya kahit paano ay nag-aalala rin ako para sa kaligtasan mo. Basta mag-iingat ka na lang at sana ay saglit lang kayo dahil natatakot ako na baka tumawag si Madam at hanapin ka." "Salamat, Ate." niyakap ko siya kaya niyakap niya rin ako at tinapik ang likod ko. "Sige na, bumaba ka na at kanina pa tawag ng tawag si Gwapo." Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo sa kama ng pigilan niya ako sa braso kaya napabalik muli ako. "Lara, reminder lang... 'Wag na 'wag mong isusuko agad ang perlas ng sinilangan. Dahil kapag niloko ka ni Deo, at least meron ka paring panghahawakan." Tumatak sa kokote ko ang sinabing iyon ni Ate Lourdes. Para akong biglang binuhusan ng malamig na tubig. Kung alam lang ni Ate Lourdes na dalawang beses kong sinuko ang sarili ko kay Deo. Dapat bang hindi ko sinuko? Paano nga kung saktan lang ako ni Deo? "Hey, bakit ang tahimik mo?" tanong ni Deo habang nagmamaneho siya. Lulan na kasi kami ng sasakyan papunta sa bar kung saan sila palaging nagpupunta. "Wala, gusto ko lang na hindi magsalita." Ngumiti ako para ipakita na ayos lang ako, pero ang totoo ay binabagabag ako ng tanong sa aking isipan. Natatakot ako sa aking naiisip. Natatakot ako na baka pagtagal ay magsawa na magparamdam sa akin si Deo. Natatakot ako na baka dahil nakuha na niya ako ay baka mawala na lang siya bigla. Napaidtad ako ng hawakan niya ang kamay ko na nasa kandungan ko. Napabuga ako ng hangin dahil naninikip ang dibdib ko sa pinag-iisip ko. "Bakit tila ka tensyonado? Sabihin mo nga sa akin ang iniisip mo.. 'Di ba sinabi ko sa 'yo na lahat ng iniisip mo ay sasabihin mo sa akin, dahil alam mong hindi ako marunong magbasa ng iniisip ng ibang tao." "Wala, excited lang ako na mas makilala ang mga kaibigan mo. Natatakot lang ako na baka kasi mapahiya ka ng dahil sa akin." Pinisil niya ang kamay ko at naramdaman ko na pinagsiklop niya ang aming mga daliri bago niya dalhin sa kanyang kandungan. "Wala kang dapat na ikatakot. At lalong hindi mo dapat kinahihiya ang sarili mo. Hindi ka man nakakakita, pero para sa akin ay normal ka. Tsaka 'wag mo nang intindihin ang opinyon ng mga kaibigan ko, dahil hindi na mahalaga iyon.." Ngumiti ako at tumango-tango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Nanatiling hawak niya ang mga kamay ko habang nagmamameho siya. Ilang sandali rin ay huminto ang sasakyan. "Narito na ba tayo?" tanong ko. "Yes." Napatango ako at kinabahan ako dahil ito ang unang beses na papasok ako sa isang bar, kaso hindi ko rin naman makikita ang itsura dahil nga wala naman akong makita. Pero dati, sa isang palabas ay nakikita ko ang klase ng mga bar, kaya tiyak na gano'n din itong bar na pupuntahan namin. Pagkababa namin ng sasakyan ay agad na pumulupot ang braso ni Deo sa baywang ko. Hapit-hapit niya ako na inakay at sumunod lang ako. Nakarinig ako ng malakas na malakas tugtog galing sa loob at amoy na amoy ko ang bango ng bar. Hindi katulad sa napapanood ko na mausok daw dahil sa amoy ng sigarilyo, tila nasa isang luxurious bar kami. "Deo, Lara!" Nakarinig ako ng pamilyar na boses na humiyaw upang tawagin ang pangalan namin. "Let's go. Nandoon na sila." bulong sa akin ni Deo kaya tumango ako at nagpatiunod sa kanya. Huminto si Deo kaya huminto rin ako habang pinapakiramdaman ko ang paligid. "Mabuti at nakarating kayo, Deo." si Cole. "Hindi rin kami magtatagal dahil bawal kay Lara ang gabihin masyado." malamig na tugon ni Deo at inalalayan ako para maupo. Nang makaupo ako ay naupo siya patabi sa akin. "Tila umiiba ang ihip ng hangin, Ford. Tama ba ang naririnig namin? Saglit lang kayo? Dati ay halos---" "Shut up, Cole. Wala ako sa mood sa mga lintaya mo." mariing pagputol ni Deo kay Cole na tila ba nagkakaroon na naman ng tensyon sa pagitan nila. Nagtataka ako sa klase ng usapan nila. Talaga bang magkaibigan sila? Bakit tila palaging galit si Deo kay Cole? "Tama na 'yan. Umiinit na naman ang paligid. Simula na natin ang inuman habang hinihintay natin ang fiancé ni Cole." si King siguro iyon, pero baka si Gin. Nakarinig ako ng hagikgik ng mga babae sa harapan ko. Tila may ka-table pa silang babae.. "What do you want, Lara?" bulong na pagtatanong sa akin ni Deo habang nakapahinga ang kamay niya sa baywang ko na hindi parin niya inaalis mula ng maupo kami. "Ah, gusto kong i-try 'yung ladies drink." sabi ko. "Tsk." asik niya tila ba hindi niya nais ang sinabi kong gusto kong inumin. Napapisil ako ng daliri dahil baka galit siya dahil akala niya ay umiinom ako. "Ah.. W-wag na---" "One ladies drink.." aniya tila may lumapit pang waiter. "Lara, unang beses mo palang ba rito?" "Oo, eh." hindi ko kilala ang kausap ko. Nalilito ako kung si King o Gin ba? "Kung gano'n ay masasanay ka rin dito, dahil mahilig mag-bar si Deo." "Shut the f**k up, Gin." mariing sabi ni Deo. So si Gin pala ang kausap ko. "Masyado kang highblood, Ford. Nagsasabi lang ng totoo si Gin.. Bakit ba ayaw mong ipaalam kay Lara ang gawain mo?" si Cole iyon na may sarkastikong tono. "Mind your own business, Cole. Kung ayaw mong magkasira tayo.." Hindi ko talaga sila maintindihan. Para silang magkagalit pero nagkikita pa naman sila. "Here's your order, Sir." nagsalita ang waiter kaya natigil ang pagbatuhan ng salita ni Deo at Cole. Naramdaman ko ang pag-alis ng kamay ni Deo sa baywang ko at tila kinukuha niya ang in-order niya. Naramdaman ko na kinuha niya ang kamay ko at may pinahawak sa akin na isang cocktail glass. "Drink slowly." paalala niyang bulong sa akin kaya tumango ako at dinala sa bibig ko ang baso. Sumimsim ako at medyo nilalasahan ko muna. Ayos naman siya, may halong sofdrink at alak ang lasa na hindi malakas sa panlasa. "Where's your fiancé, Cole?" tanong nung king. Siya kasi 'yung isang nagsalita at natandaan ko na ang boses ni Gin. "Nag-text siya at sinabing malapit na raw siya.." tugon ni Cole na may misteryo sa tono niya. Pinapakinggan ko lang ang pag-uusap nila habang sumisimsim ako ng inumin ko. Maya-maya ay tumunog ang sweet dance. "Oh, let's dance.." aya ni Gin. "Ford, ayain mo naman si Lara." tukso ni Cole. Naramdaman ko ang pagkuha ni Deo sa hawak kong inumin at nagtataka ako ng itayo niya ako. "Let's dance." bulong niya na kinalaki ng mata ko. "P-pero hindi ako marunong sumayaw." bulong ko sa kanya. "'Wag kang mag-alala, gagabayan kita." aniya kaya napahinga na lang ako ng malalim. Nang huminto na si Deo ay hinarap niya ako sa kanya. Kinuha niya ang mga kamay ko at pinayakap sa leeg niya. Naramdaman ko ang paghapit niya sa baywang ko kaya halos wala ng space sa pagitan ng aming katawan. "You're so hot, Lara." bulong niya na kinainit ng pisngi ko, "hindi ko lang masabi kanina dahil baka sa sasakyan ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko." dagdag niya kaya napayuko ako dahil naiilang ako. Mas hinapit pa niya ako kaya napaangat ako ng mukha. Kumakabog ang dibdib ko sa sobrang lapit namin. Kung nakikita ko lang ang mukha ni Deo ay baka mas lalo akong pangatugan sa kaba. "Naiilang ka parin sa akin?" tanong niya kaya umiling ako at ngumiti. "Hindi naman. Ngayon lang kasi may nagsabi sa akin ng gano'n." ngumuso ako para pigilan ang pagkahiya ko. "Mabuti naman. Dahil gusto kong ako lang ang makakakita ng hindi nakikita ng iba." Mahinang hinampas ko ang balikat niya dahil mas lalo akong hindi naging komportable. Mabagal lang ang aming pagsayaw habang magkayakap na kami ng husto. "Deo, gusto kong malaman ang itsura mo." "Really?" natutuwa ang boses niya kaya napangiti ako. Hinawakan niya ang isang kamay ko at dinala sa mukha niya. Binalik niya muli ang kamay niya sa baywang ko at hinapit muli ako. "Damhin mo at sabihin mo sa akin ang pakiramdam mo sa itsura ko." Kaya naman ay marahang hinaplos ko ang mukha niya. Gumapang ang kamay ko sa mata niya. Naramdaman ko ang kilay niya na medyo makapal. Hinaplos ko ang mata niya at napangiti ako dahil sa hugis ng kanyang mata ay alam kong maganda iyon na may pagkatulis. Mahaba din ang pilik-mata niya. "May pagkasingkit ang mata mo na mahaba ang pilik mata. Tapos ang kilay mo ay makapal na parang higad." "Tinutukso mo ba ako, ha?" natawa ako dahil tila hindi niya gusto ang sinabi ko na parang higad ang kilay niya. Umiling-iling ako at hinaplos ko naman ang ilong niya. Matangos ang ilong niya na mahaba pero hindi malaki. Aquiline nose na may buto sa gitna ang ilong niya. Humawak ang dalawa kong kamay sa pisngi niya. Napakakinis ng mukha niya at malambot. At nang mahaplos ko ang panga niya na napakaganda ng shape. Tama nga si Ate Lourdes, gwapo nga siya. Ang huling hinaplos ko ay ang kanyang labi na palaging umaangkin sa aking labi. Malambot at makipot ang labi niya. Naramdaman ko ang pagngisi niya kaya binitawan ko na ang labi niya at muli akong humawak sa leeg niya. "Ano, gwapo ba ako?" tanong niya. "Hindi kagwapuhan ang mukha mo, normal lang." pinipilit kong 'wag matawa dahil baka mahalata niya na binibiro ko lang siya. "Nagsisinungaling ka, babae.. Sa aming magkakapatid na lalake ay ako ang pinakagwapo at habulin ng babae." Nawala ang pinipigilan kong tawa dahil sa sinabi niya. "Edi, playboy ka pala." sabi ko. Tila naman siya natigilan sa sinabi ko. Mas humigpit ang hawak niya sa baywang ko habang giniling niya ng marahan ang katawan namin. "Yes, playboy ako, pero hindi na ngayon.." Napatango ako at napayuko dahil sa sinabi niya. Hinalikan niya ang noo ko at niyakap niya ako. "Ayaw mo ba sa katulad ko?" tanong niya. "Hindi naman sa gano'n. Pero kasi, natatakot lang ako na baka lokohin mo lang ako." "Hindi kita niloloko, dahil seryoso ako sa 'yo, Lara." "Sana nga, Deo. Dahil ayokong masaktan." Hindi siya tumugon sa sinabi ko at huminto siya sa pagsayaw na kinataka ko. "Kacey.." bulong niya na kinakuno't ko ng noo. Nabigla ako ng bigla niya akong nilayo sa kanya at naramdaman ko ang biglang paglayo ng presensya niya. "Deo? Deo, nasaan ka? 'Wag mo akong iwan rito!" Kinabahan ako at napangiwi ako ng mababangga ako sa mga tao. "Ano ba 'yan, tumingin ka nga sa nilalakaran mo." mataray ng sabi ng isang babae. "Sorry po." paumanhin ko at hindi na ako nakaalis sa pwesto ko dahil hindi ko alam kung saan ba ang table namin. Natakot ako bigla at hindi ko alam ang gagawin ko. "Lara.." May tumawag sa akin na hindi pamilyar na boses. "Sino ka?" "Kaibigan kami ni Deo. Pinapasundo ka niya sa amin dahil may kakausapin lang daw siya. Tara sa table natin." Naramdaman ko na may humawak sa magkabilang braso ko. Sumama ako pero nag-iisip ako kung dapat ba akong sumama sa hindi ko kakilala. Tapos bigla kong naalala ang sinabi ni Deo kaya nagpumiglas ako pero masyadong mahigpit ang hawak sa akin. "Ano ba! Bitawan niyo ako, hindi ako sasama sa inyo!" Napadaing ako ng may biglang sumuntok sa tiyan ko. Hindi na ako nakapalag ng manghina ako at hinila na nila ako. - Deo Tama ba ang nakita ko? Si Kacey nga ba iyon? "Kacey!" mabilis akong nakikipagsiksikan para lamang maabutan ang babaeng naka-red dress na nakita kong kahawig ni Kacey. Hindi ako pwedeng ma malik-mata lang. Nang makaalis ako sa kumpulan ng taong sumasayaw ay agad na hinanap ko kung saan nagpunta ang babae. Nakita ko ito na paakyat sa V.I.P floor kaya agad akong nagmadali na sumunod. "Kacey!" tawag ko rito at inilang hakbang ko ito. Nang makalapit ako ay agad ko siyang hinawakan sa braso at hinarap sa akin, pero gano'n na lang ang pagkadismaya ko ng makita na hindi pala si Kacey iyon. "Bakit?" tanong ng babae. Binitawan ko ang braso nito at napatulala ako. Damn it! Patay na siya, Deo! Napasabunot ako sa buhok ko at naupo sa couch na nakita ko. Naguguluhan ako. Bakit parang nakita ko si Kacey? Hindi kaya ay nag-iilusyon lang ako? Bigla ay nakaramdam ako ng kaba at napatayo ako ng maalala ko na iniwan ko si Lara. Fuck! Agad akong nagmamadaling bumaba ng hagdan at kahit na magalit sa akin ang mga taong nababangga ko sa pagsingit ay wala akong pakialam. Pagdating sa pinag-iwanan ko sa kanya ay hindi ko na siya makita doon. Panay ang ikot ng mata ko para hagilapin siya pero napalunok ako at kinabahan ng hindi ko siya makita. Tinungo ko agad ang table namin at nakita ko doon sila Cole, Gin, at King na nagkakatuwaan na nag-iinuman. "Nakita niyo ba si Lara?" nanggigigil kong tanong. Napatingin sila sa akin at ngumisi sa akin si Cole tila ba may magandang nangyayari sa kanya. "Ewan namin. Ikaw ang kasama niya, 'di ba?" Napamaywang ako at bumigat ang pakiramdam ko. Agad akong umalis sa harap nila at hinagilap ko si Lara sa parte kung saan ko siya iniwan. Nilukuban ako ng takot at sa kauna-unahang pagkakataon ay parang hindi ko alam ang gagawin. Kasalanan ko ito, dapat ay hindi ko siya iniwan. Damn. "Pre, may hila-hilang babae sila phytos. Tila balak nilang reypin." Biglang nagdilim ang paningin ko ng manuot sa pandinig ko ang sinabi ng lalake. Agad ko itong nilapitan at kinuwelyuhan na kinagulat nito. "Saan nila dinala ang babae?" galit kong tanong. "Ewan ko. Nakita ko lang sila na palabas na nung papasok ako." Agad kong binitawan ang kwelyo nito at agad na akong tumakbo patungo sa exit ng bar. Napasabunot ako sa buhok ko habang hinahanap ko kung nasaan ang grupong lucifer. Napatakbo ako habang hinahanap ko kung nasaan sila. Napahinto ako at napatingin sa likod ng bar. Agad kong tinungo iyon at halos magdilim ang paningin ko ng marinig ko ang pag-iyak ni Lara. Pagtingin ko sa madilin na parte ay nakita ko ang nagkakatuwaang grupo ni Phytos at kita ko na balak ng pagsamantalahan ni Phytos si Lara. Agad akong tumakbo at nang makalapit ako ay agad kong sinalubong ng suntok ang isang member ng lucifer. Nanginginig ang kamao ko na hinila ko ang buhok ni Phytos at pinatamaan ko ang pisngi niya ng suntok kaya nakaalis siya sa ibabaw ni Lara. Agad kong itinayo si Lara pero agad na may kumuha ng magkabila kong braso. Napaubo ako ng sikmuraan ako ni Phytos. "Masyado ka talagang mayabang, Ford. Hindi pa nga namin natitikman ang girlfriend mo ay pinipigilan mo agad kami." Matalim na tinignan ko si Phytos, habang nakakuyom ang kamao ko. "Ikaw ang nag-utos na ipakuha siya sa hospital, hayop ka!" Napahalakhak siya at napatingin ako ng hawakan niya sa braso si Lara at sabunutan. "Paano kung ako nga? May magagawa ka ba ngayon? Mayabang ka lang naman kapag kasama mo ang tauhan ng dad mo, pero ngayong mag-isa ka lang ay tignan natin ang angas mo." Hinalikan niya ang leeg ni Lara kaya nagwala ako at nakawala sa humawak sa akin. Kinuha ko ang baril na nakasuksok sa pantalon ko at binaril ko ang dalawang humawak sa akin na kinatumba ng mga ito. Naglabasan rin ng baril ang mga tauhan ni Phytos pero naunahan ko sila at pinagbabaril ko sa tiyan. Binaril ko sa paanan niya si Phytos na kinabitaw niya kay Lara. Agad akong lumapit kay Lara at niyakap siya. Umiiyak siya at nanginginig sa takot na kinabigat ng loob ko. "I'm sorry, it's my fault." Napatingin ako kay Phytos na ambang tatayo kaya dahil sa sobrang galit ko ay binaril ko siya sa dibdib na kinatumba niya. Napaidtad si Lara at lalayo sana siya sa akin ngunit niyakap ko siya ng mahigpit habang haplos ko ang buhok niya. "Shhh.. You're safe now. I'm sorry, Lara.. I'm sorry."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD