Kabanata 10

4140 Words
KABANATA 10 KACEY Lara NANG MAIHIGA AKO ni Deo sa aking kama ay agad akong tumalikod sa gawi niya at nagkumot ako. Niyakap ko ang sarili ko habang bumubuhos muli ang luha ko sa tuwing naaalala ko ang kamuntikan ng pagka-rape sa akin. Pumikit ako at napatakip ng tenga ko ng umalingawngaw parin ang mga boses ng mga hayop na iyon na nagtatawanan habang nais nilang pagpasa-pasahan ako. "Lara.." Inis ako kay Deo. Hindi pala, galit ako sa kanya. Kung sana ay hindi na lang niya ako dinala doon, kung iiwan lang din naman niya ako. Kamuntikan na naman akong mapahamak ng dahil sa kanya. "Leave me alone, Deo." Narinig ko ang paghinga niya ng malalim at naramdaman ko ang paglayo ng yapak niya kaya napakapit ako sa unan habang tahimik na umiiyak. Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto hudyat na lumabas na siya. Doon na ako napahagulgol dahil hanggang ngayon ay nanginginig parin ako sa takot. Naupo ako ng maramdaman ko ang pagsampa sa akin ni Saver. Niyakap ko siya at hinaplos ang balahibo niya. "I miss you, Saver. Sorry kung hindi na kita naisasama.. Pero sana pala ay palagi kitang kasama, dahil kapag wala ka ay palagi akong nasa panganib." Umiiyak rin ang ungol niya tila ba dinadamayan ako. Mabuti na lang at narito si Saver, at least kahit papaano ay gumaang ang loob ko. "Lara, nasa labas si Gwapo. Bakit ba ayaw mong labasin?" Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Ate Lourdes. Lumipas ang ilang araw mula sa nangyaring insidente sa bar. At ilang araw na rin akong hindi lumalabas at hindi hinahayaan na makausap si Deo. Alam ko na ilang beses na siyang pumupunta rito para makausap ako, pero sinasabi ko lang kay Ate Lourdes na ayokong makausap ito. "May nangyari ba nung huling labas niyo? Parang naging stranger na muli kayo sa isa't-isa. Kawawa naman si Gwapo, naaarawan na palagi dahil lagi lang nasa labas ng bahay mo." Napahinto ako sa paghaplos sa balahibo ni Saver dahil sa pangongonsensya ni Ate Lourdes. Nakarinig ako ng malakas na patak ng ulan sa labas na kinatigil ko. "Hala! Naku, naarawan si Gwapo, tapos ngayon ay umuulan pa." Dahil sa sinabi niya ay napatayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Binaba ko sa kama si Saver at nalaman ko na lang na naglalakad ako palabas ng kwarto. Kahit nagmamadali ako ay bilang na bilang hakbang ko para hindi ako matisod. "Lara, payong." agad na binigay sa akin ni Ate Lourdes ang payong. Hindi ko man lang namalayan na nakasunod pala siya. Kinapa ko ang bukasan ng payong at nang bumukas ay agad akong naglakad palabas ng bahay. Tumatalsik sa paa ko ang tubig na binabagsak ng ulan, pero hindi ko iniinda iyon dahil mas nag-aalala ako kay Deo na baka magkasakit. Pagbukas ko ng gate ay hindi ko maramdaman kung narito pa rin ba siya, dahil ang malakas lang na ulan ang naririnig ko. "Deo? Nand'yan ka pa ba?" Wala akong natanggap na tugon kaya napahinga ako ng malalim. Tila pumasok na siya sa loob ng bahay niya. Nanatili lamang ako sa labas ng gate habang damang-dama ko ang pagkabasa ng paa ko. "Pinapatawad mo na ba ako?" Bigla akong nagulat ng marinig ko ang boses niyang nanginginig. "Nabasa ka ba ng ulan? Tara sa loob, baka magkasakit ka.." "Sagutin mo muna ako. Pinapatawad mo na ba ako?" Napahigpit ang hawak ko sa payong at dahan-dahan akong tumango. Nabitawan ko bigla ang payong ng hapitin niya ako sa baywang at yakapin. Hindi ko alam na nasa harap ko na pala siya. Mahigpit niya akong niyakap habang nababasa na ako ng ulan at siya ay basang-basa na. "Sorry, dahil hindi kita naprotektahan. Pero pangako ko ay hindi na mauulit iyon. Hindi ko alam ang gagawin ng sabihin mo na hindi mo ako nais na makita. Halos hindi ako makatulog dahil hindi kita nakikita ng ilang araw." Napangiti ako at yumakap sa baywang niya dahil sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang senseridad sa tono niya at pati na rin ang pagsisisi niya. "Deo, basta 'wag mo akong iiwan, ha? Natatakot ako na maiwan mag-isa sa ibang lugar na hindi ko kayang protektahan ang sarili ko." Naramdaman ko ang pag-alis ng mukha niya sa balikat ko at naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa akin. "Hindi ko na hahayaang mangyari iyon, dahil may napagtanto na ko sa sarili ko. Kaya hindi ko hahayaan na ipahamak ka muli." "Ano naman 'yung napagtanto mo sa sarili mo?" tanong ko. Hinawakan niya ako sa mukha kaya mas napaangat ang mukha ko. "Ito.." aniya at naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa akin. Napapikit ako habang dinadama ang halik niya na punong-puno ng sinasabi.. Saglit lang iyon at binitawan niya rin ang labi ko, "Lara, ang lamig." Akala ko pa naman ay aaminin na niya ang napagtanto niya pero nag-alala na lang ako sa kanya dahil nanginginig na siya kaya inaya ko na siya na pumasok sa bahay. "Oh, bati na kayo?" salubong na tanong ni Ate Lourdes sa amin. "Ate, pakuha nga po ng tuyong towel para kay Deo. Pati na rin po ng mainit na maiinom." "Asus..." panukso niya kaya ngumiti na lang ako at naupo sa tabi ni Deo na naupo sa sofa. Agad na kinapa ko ang braso ni Deo at nabigla ako ng makapa ko na tila mainit ang balat niya. Agad na gumapang ang kamay ko sa leeg niya at napabitaw din ako dahil mainit na ang balat niya doon. "Deo, nilalagnat ka." Nabigla ako ng bumagsak ang ulo niya sa balikat ko. Kinapa ko ang mukha niya at mahinang pinalo ko ang pisngi niya ng makapa ko ito. "Deo, ayos ka lang? Deo?" "Anong nangyari sa kanya, Lara?" tanong ni Ate Lourdes ng makabalik siya. "Ate, nilalagnat siya. May gamot ba tayo d'yan?" "Oo, meron.. Teka, dalhin mo muna kaya siya sa kwarto mo at dapat na palitan siya ng damit.. Wala ba siyang kasama sa bahay niya?" Umiling ako, "Wala, Ate. Nasabi niya sa akin na nasa isang isla nakatira ang pamilya niya at mag-isa lang siya rito." "Naku, paano kaya 'yan? Alangan naman na ako magbihis d'yan? Tsaka kailangan ko nga palang umuwi, Lara.. Tumawag kasi ang anak ko at may problema na naman sa bahay." "Sige, Ate. Tulungan mo na lang ako na iakyat si Deo, tapos tsaka ka na umalis." "O, sige." Pinagtulungan namin na iakyat si Deo kahit na mahirap sa part ko. Hindi ko kakayanin na i-akyat siya na mag-isa sa kondisyon ko. Nang maihiga namin siya sa kama ko ay nanatili akong nakatayo at binigay sa akin ni Ate Lourdes ang towel. "Narito ang mainit na kape at magluluto ako ng lugaw bago umalis kaya kuhanin mo na lang do'n. Nakaluto na rin naman ako ng pang gabi mo kaya iinit mo na lang." "Sige, Ate. Salamat. Ingat ka sa pag-uwi." Hinawakan niya ako sa braso at naramdaman ko ang paglapit niya. "Bihisan mo siya. Kukuha ako ng damit ng Dad mong nakita ko sa aparador niya." tumango ako kaya muli niyang hinigit ang braso ko, "Mag-iingat ka, baka may iba kang makapa." "Ate naman!" suway ko sa kanya dahil sa panunukso niya. Tumawa lang siya at binitawan ang braso ko. Narinig ko na lang ang paglayo ng yapak niya at ang pagbukas-sara ng pinto. Kaya naman nang maiwan ako sa walang malay na si Deo ay napahinga ako ng malalim. Kinapa ako ang kama at nang may space sa gilid niya ay naupo ako. Kinapa ko ang kamay niya at nang mahawakan ko ay dinampi ko ang towel at pinunasan ang kamay at braso niya. "Pasensya na kung naulan ka pa. Kasi naman, bakit hindi ka kaagad sumilong?" Hindi naman siya tumugon kaya napailing na lang ako dahil para akong tanga na kumakausap sa tulog. Tumahol si Saver kaya sinitsitan ko ito na tumahimik. "'Wag kang maingay, Saver. May lagnat si Deo kaya baka magising siya." Tumigil na si Saver sa pagtahol kaya napangiti ako.. Narinig kong bumukas muli ang pinto kaya napatigil ako sa pagpunas kay Deo. "Lara, heto ang nakita kong damit ng Dad mo na p'wede sa sukat ng katawan ni Gwapo." "Salamat, Ate." "Heto, nilapag ko sa side table. Damit ang nasa ibabaw at isang pantulog na panjama ang nasa ilalim." Tumango ako sa paglalarawan niya sa pagkakaayos ng pagkakapatong ng damit. "Aalis ka na ba?" "Oo. Ayos lang ba na maiwan ka kasama niya? Pasensya na at aalis ako ngayon. Okay lang na bawasan ang sahod ko." Ngumiti ako at umiling, "Ano ka ba, ayos lang 'yun, Ate. Kaya ko naman na ang sarili ko, kaya ayos lang na umuwi ka ng maaga." "Salamat. Sige, aalis na ako at baka mas lumakas pa ang ulan." Tumango na lang ako at narinig ko ang paglayo muli ng yabag niya, pati na rin ang pagbukas-sara ng pinto. Nang tumahimik na ang buong paligid at tanging bagsak ng ulan ang naririnig ko. Kinapa ko ang mukha ni Deo at pinunasan ang basa niyang mukha ng towel. Nang mapunasan ko ay bumaba ang kamay ko sa katawan niya. Kinakabahan ako dahil baka may makapa akong hindi dapat, pero mabuti na lang at wala akong nakikita kaya hindi ako maiilang. Hinawakan ko ang suot na damit ni Deo at napansin ko na isa itong polo kaya nakahinga ako ng maluwag dahil madali kong mahuhubad. Kinapa ko ang mga butones at isa-isang tinanggal. Nang matanggal ko ang mga butones niya ay kinaya kong i-angat ang katawan niya. Nabibigatan ako kaya bumagsak ang ulo niya sa balikat ko. Nagmadali na kinapa ko ang dulo ng manggas ng polo niya at tinaas ko ang kamay niya para alisin ito sa braso niya. Nang maalis ko ay bumuga ako ng hangin at 'yung isang kamay naman ang inalis ko. Nang maalis ko na ang polo niya ay hiniga ko siyang muli. May umalingawngaw na tunog na nagmumula sa isang cellphone at parang galing kay Deo iyon. Agad kong kinapa ang bulsa niya at nang may makapa akong matigas ay kinapa ko ang bulsa niya.. Nahawakan ko ang cellphone niya kaya kinuha ko ito sa bulsa niya. Patuloy ang pag-ring kaya hindi ko alam kung paano ko masasagot. Kinapa ko ang cellphone niya at sinubukan kong i-swipe, pero ayaw parin tumigil kaya inalog ko ang phone niya na kinatigil nito sa pag-ring. "Hello, Baby Deo?" Dahan-dahan kong nilapit sa tenga ko ang phone ng makarinig ako na nagsalita. "Hello, anak?" Napatakip ako ng bibig dahil tila Mama niya ang tumatawag. Hindi ko alam ang gagawin at bigla akong kinabahan. Tumikhim ako at mahigpit na hinawakan ang phone. "Hello po.." "Who's this?" "Ah... Ako po si Lara.. Nilalagnat po kasi si Deo, kaya po wala po siyang malay ngayon." Narinig ko ang pagsinghap nito na kinakaba ko. My god. Baka magalit ito kapag nalaman na dahil sa akin kaya nagkasakit ang anak niya. "May sakit ang anak ko ngayon? Naulanan ba siya, hija?" "Opo.." nahihiya ako dahil hindi ako komportable. "Naku, kamusta ang anak ko? Hindi ba mataas ang lagnat niya?" "Medyo po." "Okay, ganito, dahil hindi kami makakarating d'yan dahil malakas ang ulan, ipapasuyo ko muna sa 'yo ang anak ko, kung pwede ba? Bukas na bukas ay luluwas kami para makapunta agad." "Naku, ayos lang po.. Inaalagaan ko naman po siya." "Inaalagaan? Bakit, kaano-ano ka ba ng anak ko." Napakagat ako ng labi at hindi ako nakasagot. Pinalo ko ang noo ko dahil dapat hindi ko na sinabi iyon. "Ikaw ba ang bago niyang girlfriend?" Agad akong napailing dahil hindi naman ako girlfriend ni Deo. Baka mamaya ay masabi pa nito kay Deo kapag sinabi kong girlfriend ako. "Naku, Hin---" "Salamat naman, hija, at nagkaroon siya ng mamahalin muli. Akala namin ay ibuburo na naman niya ang sarili sa bar kaya siya nagpunta ng maynila." Mamahalin muli? May mahal na dati si Deo? Pero bakit sabi ni Deo ay wala siyang naging girlfriend noon? Nagsinungaling lang ba siya? "Hija, pasensya na at ikaw ang naistorbo ni Deo." "Wala po iyon, ayos lang po sa akin." "Naku, ang bait mo pala.. Ano ba ang full name mo, hija? Ako nga pala ang mommy ni Deo. My name is Beatrice, but you can call me 'Tita or Mom'." Napangiti naman ako dahil magaang agad ang loob ko sa mommy ni Deo. Akala ko ay magagalit ito dahil nilagnat ang anak niya at baka hindi ipagtiwala sa akin.. "Lara Evangelista po, T-tita." nahihiya ako na tawagin siyang 'Mommy'. Sa tita pa nga lang ay nahihiya na ako, sa mommy pa kaya? "Lara Evangelista, nice name.. Anyways, thank you for taking care of my son. I hope you are the one who can make him smile again.... Bye, Lara." "Bye po.." Binaba ko ang tawag at napaisip ako sa sinabi ng Mommy ni Deo. Make him smile again? Pero bakit? Ano ang dahilan kaya nasabi iyon ng mommy niya? At nagka-girlfriend nga ba siya? Kung gano'n nga, dahil ba do'n kaya nasabi ni Mommy niya na sana ay mapangiti ko siyang muli? "Hmmm.." Napukaw ako ng umungot si Deo. Kaya agad kong hinawakan ang kamay niya ng makapa ko ito. "Deo, ayos ka na ba?" "A-ang lamig..." garalgal ang boses niya kaya nataranta ako. "Saglit, huhubarin ko lang ang pants mo." Hinanap ko kung nasaan ang butones ng pants niya. Nanginginig pa ang kamay ko ng makapa ko ito. Napabuga ako ng hangin at sinikap ko na maibaba ang pants niya. "Deo, angat mo kaunti ang katawan mo, 'wag kang magpabigat." Tila nauunawaan niya dahil inangat niya ang pang-upo niya. Nang maalis ko ang pants niya ay nakahinga ako ng maluwag at kinapa ko ang side table. Nang mahawakan ko ang damit ay kinuha ko ito. "Deo, isuot mo itong t-shirt." Hinawakan ko ang kamay niya at pinilit ko siyang bumangon pero ayaw niya. "Deo, dali na.." "Hmmm.." ungot lang ang sinagot niya at nabigla ako ng kabigin niya ako kaya napasubsob ako sa katawan niya. Nanlaki pa ang mata ko ng dalhin niya ako sa gilid niya at ihiga. Agad niya akong niyakap maging ang mga binti ko ay niyakap ng binti niya. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan at hininga niya na tumatama sa pisngi ko. "I-I'm sorry... Patawarin mo ako." bulong niya, kaya tumama pa lalo ang hininga niya sa akin at mas humigpit ang yakap niya na halos nakaibabaw na siya sa akin. "P-pinapatawad na kita, pero magpalit ka muna ng damit." hindi ko mapigilan na mautal dahil ramdam ko ang halos hubad na niyang katawan sa akin. "L-Lara.." ungot niya at naramdaman ko na gumapang ang labi niya sa pisngi ko kaya agad akong napahawak sa braso niya. Nilayo ko ang mukha ko at pilit ko siyang inaalis sa pagkakayakap niya sa akin, pero tila mas malakas pa siya kahit may sakit, "I like you so much.. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil palagi mong ginugulo ang isip at puso ko. Damn.. Na in-love agad ako sa 'yo." Napamaang ako sa pag-amin niya. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko ng ume-echo sa tenga ko ang sinabi niya na in-love na siya sa akin. Dapat ay hindi ko paniwalaan iyon dahil may sakit siya, pero bakit umaasa ako na sana ay totoo nga iyon. Hinawakan niya ang panga ko at napapikit ako ng halikan niya ako. Napakapit ako sa braso niya at hindi ko napigilan ang sarili ko na matanggay sa halik niya.. Tumugon ako habang lumalalim na ang kanyang halik. Para bang inuubos niya ang lakas ko at ako ang nais niyang manghina. Bumitaw siya agad ng halik at napahinga siya ng malalim. Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko habang humihinga ng malalim. "Baka mahawa ka." paos niyang sabi na kinangiti ko. Nanatili lamang siyang nakasubsob sa leeg ko hanggang sa maramdaman ko ang pagbigat ng kanyang hininga. Hinawakan ko ang mukha niya at mainit pa rin siya. Hinawakan ko siya sa balikat para maihiga ng maayos pero pinigilan niya ako at mas niyakap pa ako lalo, "'Wag. Gusto kong mayakap ka, mas gagaling agad ako." paos niyang bulong kaya napahinga ako ng malalim. Hinintay ko na makatulog siya ng malalim bago ko siya i-ayos ng higa. Pero dahil din sa lakas ng ulan at lamig ay nakaramdam ako ng antok, kaya ang nais kong ihiga siya ng maayos ay hindi ko na nagawa dahil unti-inti ng pumikit ang mga mata ko. - Deo Dumilat ako at sa aking pagbukas ng mata ay mukha agad niya ang nakita ko. Nanlalata na tinukod ko ang mga braso ko sa pagitan ng ulo niya at pinakatitigan ko siya. Napangiti ako dahil nakita kong muli ang mukha niya. Ilang araw ko rin siyang hindi nasilayan dahil ayaw niya akong makita. Hinawi ko ang tikas ng buhok niya na tumatama sa kanyang mukha. Hinaplos ko ang pisngi niya habang tinitigan ko siya. Masyado kong na-miss ang presensya niya, hindi ako nakatulog ng maayos gabi-gabi dahil sa pag-iwas niya sa akin. "Sorry kung hindi kita naprotektahan sa mga kaaway ko, pero ipinapangako ko na hindi na mauulit pa iyon.. Ayokong maramdaman muli ang takot ng makuha ka nila at kung nahuli ako ay baka sobra ang pagsisisi ko. Higit na sa pagkagusto ang nararamdaman ko sa 'yo, Lara.. Higit na." Tumagilid ang mukha niya kaya maingat kong inayos muli para iharap sa akin at matitigan ko siya ng maayos. Natigil lamang ang paninitig ko kay Lara ng umalingawngaw ang tunog sa cellphone ko. Agad ko itong kinuha na nakalapag sa side table. Nakita kong si Inspector Cabal ang tumatawag kaya sinagot ko ito habang umaalis ako sa tabi ni Lara. "Yes, hello?" "Sir, meron na akong nalalaman sa kaibigan niyong si Cole. At tiyak akong magugulat kayo sa aking nalaman." Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko at tumingin ako kay Lara. "Okay, magkita tayo sa hideouts." "Copy, sir." Binaba ko na ang tawag at tumingin ako kay Lara na gumalaw tila magigising na siya. Pero hindi pala, tumagilid lang siya ng higa at niyakap ang unan habang nakanguso. Natawa ako at hinaplos ang buhok niya. "Aalis lang ako saglit." "D-Deo, I love you, too." Isusuot ko na sana ang panjama na nakita ko ng mapahinto ako sa narinig kong sinabi ni Lara. Napatingin ako sa kanya na tulog parin.. Hinarap ko muli ang panjama at sinuot ko, pati na rin ang hindi pamilyar na shirt ay sinuot ko. Nang makapagbihis ako ay tumingin ako kay Lara at nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Anong sabi mo?" tanong ko. Hindi na siya sumagot kaya napangiti ako at dinampian ko siya ng halik sa labi, "You love me, ha?" pinisil ko ang pisngi niya at umayos na ako ng tayo. Kinuha ko ang damit na basang suot ko kanina at lumakad na ako palabas. Bumalik ako sa bahay ko para doon mag-shower at magpalit ng ibang damit. Tinawagan ko rin sila Vj, Mo, at Mar, para ipabantay sa bahay ni Lara. Walang kasama si Lara at hindi ko rin makita si Manang kaya alam kong mag-isa lamang siya. Hindi na dapat ako mag-tiwala dahil alam kong nasa paligid lamang ang kaaway ko. Nang makapagbihis muli ako pagkatapos kong mag-shower ay lumabas ako ng kwarto at nakita ko na ang tatlo sa sala. "Sir." "Magbantay kayo sa katabing bahay ko. 'Wag na 'wag niyong hahayaan na mapahamak si Lara, kundi yari kayo sa akin." "Yes, Sir." Tumango ako at sinenyasan ko sila kaya sumunod sila sa akin. "Tawagan niyo agad ako kapag may nangyari, maliwanag ba?" "Okay, Sir. We understand." tugon ni Vj. Tumingin lang ako saglit sa veranda ng kwarto ni Lara at tsaka ako sumakay ng kotse ko. Pinagbuksan ako ng gate ni Mar kaya bumusina ako bago pinaandar palabas ang kotse ko. Seryoso akong nagmamaneho habang kating-kati na ako na makarating sa hideouts. Iba ang pakiramdam ko sa malalaman ko at tingin ko ay may kasagutan na ang lahat ng hinala ko kay Cole. Pero bigla akong napapreno ng may biglang humarang sa daan ko. Napahigpit ang hawak ko sa manibela at napatingin ako sa babaeng humarang sa daan ko. Bumaba ako at napatingin sa babae. Natatakpan ng buhok niya ang mukha niya kaya hindi ko makita ang mukha niya. "Miss, are you okay?" Nag-angat ito ng tingin at tumingin sa akin. Napamaang ako ng makita ko ang mukha ni Kacey. "K-Kacey?" "Deo..." umiyak siya at biglang tumakbo patungo sa akin.. Niyakap niya ako ng mahigpit habang ako ay hindi makapaniwala,"Deo, hinanap kita.. Mabuti na lang at nakita rin kita." Agad kong inalis ang yakap niya ng magising ako sa katotohanan na buhay pala siya. Hinawakan ko siya ng mahigpit sa balikat at tinignan ko siya ng seryoso. "Paanong buhay ka? Sino 'yung nilibing nung araw na iyon? Niloko mo ako?" Tumulo ang luha niya pero wala akong makapa na ano mang nararamdaman sa kanya. "Hindi, Deo. May kumuha sa akin at nagkaroon ako ng amnesia ng ilang taon. Ngayon lamang nanumbalik ang alaala ko kaya ngayon lamang ako kumilos para hanapin ka." Tinignan ko siya kung nagsasabi siya ng totoo. Niyakap niya muli ako habang ako ay naguguluhan. Kung hindi siya patay, sino ang bangkay na nilibing ng pamilya niya? "Deo, miss na miss na kita..." Inalis ko ang yakap niya at tinignan ko siya. Ngumiti siya pero wala na ang dati na nahuhulog ako sa simpleng pagngiti palang niya. "Sino ang kumupkop sa 'yo?" Matagal siyang hindi nakasagot tila ba naghahanap pa siya ng maisasagot sa akin. "Hindi na mahalaga kung sino ang kumupkop sa akin, ang mahalaga ay kasama na kita. Saan ba ang bahay mo rito? P'wede ba akong makituloy?" May kakaiba akong nararamdaman sa kanya at hindi maganda iyon. Napahinga ako ng malalim at kinuha ko ang bag na bitbit niya. Inaya ko siya at pinasakay sa front seat. Sinara ko na ang pinto sa side niya at umikot ako sa driver seat. "May pupuntahan lang ako, pwede ba sa 'yo?" tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pagtango at pagngiti niya. "Sure, no problem." Pinatakbo ko na muli ang sasakyan habang seryoso na nagmamaneho. Pinakikiramdaman ko siya at panaka-naka akong tumitingin sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na buhay siya. "Kacey, alam na ba ng pamilya mo na buhay ka?" Humawak siya sa braso ko at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. "Hindi pa nila alam dahil ikaw ang una kong hinanap." "Pero dapat ay harapin mo sila para naman hindi sa akin ibuntong ang sisi dahil akala nila ay ako ang may kasalanan kaya ka namatay." Natahimik siya kaya tinignan ko siya na umayos ng upo. "Ang dapat lang naman sisihin ay ang nakabangga sa akin. Dahil sa kanya kaya nawalay ako ng matagal sa 'yo, kaya dapat ay magbayad siya. Tutal ay kilala ko naman na kung sino siya." Naipreno ko ang sasakyan dahil sa sinabi niya. Tinignan ko siya at nakita ko ang pagtingin niya sa akin tila ba sinasabi kung bakit ako huminto. "'Wag... 'Wag mo nang pagbayarin ang nakabangga sa 'yo." Natawa siya at humalukipkip habang napapailing na tinignan ako. "At bakit mo ako pinipigilan? Dahil sa kanya kaya nasira ang lahat sa atin, kaya dapat lang na paghigantihan ko siya. At hindi mo na ba ako mahal? Bakit parang ayos lang sa 'yo ang lahat?" Umiwas ako ng tingin at napatingin ako sa harap ng kalsada. "Basta, 'wag na 'wag kang lalapit sa kanya.." Hinampas niya ako at niyugyog ang braso ko tila doon binubuhos ang galit niya. "Bakit nga!? Sagutin mo ako! Bakit mo siya pinoprotektahan?" Napahilot ako sa sentido ko dahil sumasakit iyon sa paghiyaw niya. Hindi ko siya sinagot at pinaandar ko na lang muli ang kotse para makarating na ako sa hideouts. Tumahimik na rin siya kaya naman ay napahinga ako ng malalim. Nang makarating sa hideouts ay may naramdaman akong kakaiba. Agad akong bumaba at hindi ko pinansin ang pagtawag ni Kacey. Pagpasok ko sa loob ay napahinto ako at napatingin kay Inspector Cabal na nakahandusay sa sahig at duguan. Napakuyom ako ng kamay at napatingin ako sa paligid, ngunit wala na akong naramdaman na presensya. Agad akong lumapit kay Cabal at hinawakan ko ang leeg niya. He's dead! f**k! Napasuntok ako sa sahig sa sobrang galit sa taong gumawa nito. Paano niya nalaman ang lugar na ito? At paano niya nalaman ang pagkikita namin ni Cabal? Napatingin ako sa papel na nakaipit sa kamay ni Cabal. Kinuha ko ito at binuklat. One down.. Maghanda ka, baka isunod ko na ang pinoprotektahan mong bulag.. Nilamukos ko ang papel at napahiyaw ako sa sobrang galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD