KABANATA 11
ONLY ONE GIRL
Deo
"DITO KA MUNA, Kacey." seryoso kong sabi sa kanya. Dito ko siya dinala sa hotel room na pagmamay-ari ng parents ko. Alam ko na dapat ay sa bahay ko siya patuluyin, pero ayokong munang mag-tiwala. Nakakahinala na bigla-bigla na lang siyang susulpot na para bang sumasang-ayon sa nais ng kaaway ko.
"Pero bakit, Deo? Bakit hindi sa tinutuluyan mo?"
Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at hinawakan ko siya sa balikat. Tumingin ako sa kanya bago napatingin sa tiyan niya ng may maalala ako.
"Oo nga pala, anong nangyari sa pinagbubuntis mo?"
Tila naman siya namutla at lumikot ang mata niya tila umiiwas siya sa akin ng tingin.
"A-ah.. Kasi Deo, nung ma-aksidente ako ay nalaglag ang dinadala ko."
Napahinga ako ng malalim ng makita ko ang paglungkot ng kanyang mukha. Dapat pala ay hindi ko na tinanong iyon, dahil dapat naisip ko na iyon ng ma-aksidente siya.
"Sorry.."
Ngumiti siya at umiling-iling. Hinawakan niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon.
"Deo, bakit ba ayaw mo akong patuluyin sa inyo? At bakit parang ang lamig ng pagtrato mo sa akin ngayon?"
"Hindi, masyado lang akong hindi makapaniwala sa nangyayari. Kaya dumito ka muna dahil dito ka ligtas, at kapag ayos na ang lahat ay babalikan kita."
Ngumiti siya at niyakap ako. Pumikit ako at agad kong inalis ang yakap niya.
"I need to go, Kacey."
"Okay, mag-iingat ka."
Agad akong tumalikod ng ambang hahalikan niya ako. Alam ko na masyado na akong malamig na trumato sa kanya, pero hindi ko na kilala ang kacey na kaharap ko. Parang nagbago siya at iba ang nakikita ko sa tingin na binibigay niya sa akin. Wala ang dating inosente, ngayon ay nabahiran ng galit ang mata niya. Hindi ako manhid para hindi mapansin iyon, kaya oras na malaman ko na kasangkot siya sa taong gustong pumatay sa akin ay hindi ako magdadalawang-isip na isama siya doon.
-
Saphire's POV
NGUMISI AKO HABANG nakatingin sa pinto na pinaglabasan ni Deo. Napakadaling niyang pasakayin at utuin. Hindi ko akalain na agad niyang paniniwalaan ang sinabi ko.
Tinawagan ko si Sugo at agad naman niyang sinagot.
"Kamusta ang sa inyo ni Deo?"
Napairap ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko man nais na gawin ang gusto niya ay wala akong magawa dahil mahal ko siya. Ginagawa ko ito dahil gusto kong humanga siya sa akin at mahalin niya rin ako.
"Naniwala siya sa sinabi ko." humalakhak siya na kinangiti ko. Malaman ko lang na napasaya ko siya ay masaya na ako.
"Good. Very good, Saphire."
"Ah.. Sugo, ano ba ang balak mo pang gawin?"
Saglit siyang hindi umimik dahil alam kong nakangisi ito ngayon habang nag-iisip ng plano.
"Ako na ang bahala sa next plan. Basta ang gusto ko ay makuha mo ang atensyon ni Deo.. Gusto ko na masira agad ang namumuong pagtitingin nila ni Lara sa isa't-isa."
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone dahil bigla siyang naging interesado sa nangyayari sa pagitan ni Deo at 'yung babaeng bulag.
"Okay." pero wala parin akong magawa kundi sumang-ayon kahit na minsan ay nagseselos ako kapag may ibang nakakapukaw ng atensyon niya.
Binaba ko na ang tawag at napakuyom ako ng kamao habang nanunuot ang pagkasuklam ko ngayon sa babaeng iyon.. Lagi na lang siya ang dahilan kaya nawawala ang lahat ng ninanais ko sa buhay ko. Dahil sa kanya kaya nawala ang baby ko.. Edi sana masaya na ako ngayon. Kaya natataon lang na ako ang gumawa ng magiging kapalaran nila ni Deo. Sisiguraduhin ko na sisirain ko rin ang sa kanila.
-
Lara's POV
NAGISING AKO KINABUKASAN na wala si Deo sa tabi ko. Tinatawag ko na siya ng paulit-ulit sa loob ng bahay dahil baka bumaba lang siya pero hindi siya sumasagot kaya naman ay pinuntahan ko siya ngayon sa bahay niya.
May narinig akong huminto na sasakyan kaya tumigil ako sa harap ng gate ni Deo na kabisado ko na.
"Hi, can I asked something." Boses na napakaganda ang narinig ko.
"Sige po."
"Dito ba nakatira si Ms. Lara Evangelista?"
Nagtaka naman ako kung bakit ako pala ang hinahanap nito? Pero tumango ako habang naguguluhan.
"Ako po si Lara. Ano pong kailangan niyo sa akin?"
"Omg!" nagulat ako sa pagtili nito at naramdaman ko na lang ang pagyakap nito.
"T-teka--- po.."
"I'm Deo's Mom. Nice to meet you, Lara."
Tila nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Ang pagtangka kong pag-alis sa yakap nito ay hindi natuloy dahil sa pagkabigla ko.
Saglit lang din naman at binitawan na niya ako na kinahinga ko ng maluwag.
"You're so pretty, Lara."
"Thank you po." nahihiya ako sa papuri nito. Hindi ko alam kung nambobola lang ba ito. Tsaka hindi ba nila nahahalata ang kondisyon ko?
"Nice to meet you, Hija." halos mapalundag ako sa kaba ng may biglang nagsalita na lalake na masyadong nakaka-intimidate ang boses. Gwapo ang boses pero nakakasindak.
"A-Ah, nice to meet you din po." ngumiti ako kahit na hindi ko alam kung saan siya nakapwesto.
"Mom, she's Diko Deo's girlfriend?" may narinig akong maliit na boses ng lalake na alam kong bata pa.
"Yes, she is." tugon ng Mom ni Deo rito. Tingin ko ay anak niya rin at kapatid ni Deo.
"Wow. She's pretty. I like her..." may naramdaman akong humawak sa kamay ko, "Hi, Miss Pretty Cute. I'm Benjamin. I'm handsome than my Diko."
Napangiti naman ako dahil ang cute niyang magsalita. At tila siya matanda na kung makapagsabi no'n. Hanggang dibdib ko siya kaya ginulo ko ang buhok niya.
"You're so cute." sabi ko at hinawakan ko ang mukha niya.
"No, I'm not. I'm handsome, not cute, okay?"
Natawa ako at tumango dahil gwapo nga siya gaya ni Deo. Ang kinis ng mukha, tapos matangos ang ilong, at mas gwapo pa ata ito kay Deo.
"Ah.. Hija, Where's my son? Nand'yan ba siya sa loob ng bahay na ito?" tanong ni Miss Beatrice, ni tita.
"Hindi ko po alam kung nasa loob po siya dahil paggising ko po kasi sa bahay ko ay wala na siya. Pupuntahan ko nga po sana sa bahay niya."
"Ayyyiiie. Don't tell me may something na nangyari sa inyo kagabi?"
Biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Apektado ako dahil totoo naman na may nangyari na samin ni Deo.
"'Wag mo nang itanong ang gano'ng bagay, Misis ko. It's her privacy."
"Bakit, anong masama sa sinabi ko? Tinatanong ko lang naman kung meron, dahil gaya ng sabi niya sa kanila natulog si Deo at hindi nga lang niya naabutan ito sa paggising niya."
Diyos ko. Tila dito pa sila mag-aaway, ah? 'Wag naman sana.
"Okay, okay. Ang sungit mo talaga. Kulang na kulang ka vitamins." naulinag ko sa boses ng Dad ni Deo ang pagkapilyo.
"Heh! 'Wag mong pairalin ang pagkamanyak mo rito, hindi ka na nahiya." bakas naman sa boses ni Tita ang pagkataray.
"Hay. Away sila ng away pero hindi naman nananalo si Dad. He's so under to my mom."
Napangiti ako ng magsalita si Benjamin na nababagot tila pinapanood ang magulang niya. Nanatili lamang siya na nakahawak sa kamay ko tila ganito siya kahit kakakilala palang niya sa akin.
Nakarinig ako ng paghinto ng isang sasakyan. Pamilyar na tunog ng sasakyan.
"Nand'yan na po si Deo."
"Wow. Kabisado mo ang tunog ng kotse ni Deo, ha?"
Nahiya naman ako sa pagkamangha ni Tita. Hindi na ako tumugon at hinintay ko na lang na makalapit si Deo.
"Mom, Dad, what are you doing here?"
"Anak, binisita ka namin dahil nilagnat ka kagabi... Ayos na ba ang pakiramdam mo?"
Napakagat ako ng labi dahil ramdam ko na may nakatitig sa akin at alam ko na si Deo iyon.
"I'm fine now, Mom. Dapat ay hindi na kayo nagpunta rito."
"Syempre, pupunta parin kami rito dahil gusto namin makilala ang girlfriend mong si Lara."
Agad akong umiling at maging ang kamay ko ay kinumpas ko para isenyas na nagkakamali. Hindi gano'n.
"Oh, really? Sinabi niya sa inyo na girlfriend ko na siya, Mom?"
"Hmmm. Hindi exactly na gano'n, pero parang gano'n na rin."
May naramdaman akong lumapit at inakbayan ako.
"Well, she's my girlfriend, Mom and Dad." naramdaman ko na inalis niya ang kamay ni Benjamin sa akin, "kaya humanap ka ng iba, bubwit."
"You are so damot, Diko. She's my crush now. And she's agree that I'm handsome than you." bakas sa boses ni Benjamin ang pagkainis.
"Oh, really? You're handsome? Haha.." bakas naman sa boses ni Deo ang pang-asar, "Alam ko na mas gwapo ako sa 'yo, dahil ako ang lapitin ng girls. Ikaw, ikaw mismo ang lumalapit sa girls. Kaya sino ang mas gwapo sa atin?"
"He's a playboy, Lara loves. So, break him. He's not worth it."
"Aba!"
"Tumigil na kayo at hindi na kayo nahiya kay Lara."
Napangiti ako dahil ganito pala si Deo kapag sa kapatid niya. Alam ko naman na sinasakyan lang ni Deo ang sinasabi ni Benjamin. Ang saya siguro ng pamilya nila.
"Mom, Dad, pasok ho kayo. Doon na lang tayo mag-usap..."
Inaya ni Deo ang parents niya kaya inalis muna niya ang pagkakaakbay sa akin. Lumayo ang presensya niya hanggang sa narinig ko ang pagbukas ng gate. Naramdaman ko na humawak muli si Benjamin sa kamay ko.
"I like you than Ate Kacey. I don't like her. You, I like you."
Napakuno't noo ako sa sinabi ni Benjamin. Sinong kacey?
"Son.." suway ng Dad niya sa kanya.
Bakit kaya? May something ba sa kacey na iyon na hindi pwedeng banggitin?
"Lara, tara, pasok tayo." aya sa akin ni Deo. Inalis niya ang kamay ni Benjamin sa kamay ko at siya ang pumalit.
"I hate you, Diko." surang-sura ang boses ni Benjamin na kinangiti kong muli.
"Well, we are the same.. Marami ka nang crush. Lahat ata ng babae ng mga kapatid natin ay gusto mo. Tsk. Tsk.. Naku, mas malala ka pala."
"What ever."
Natawa ako dahil iyon lang sinabi ni Benjamin na tila natalo. Humalakhak si Deo at inakbayan ako.
"Ikaw, girlfriend na kita. Ikaw ang may sabi no'n kela Mom."
Mag-re-react pa sana ako ngunit hinatak na niya ako.
"Hindi ko sinabi iyon.. Wala akong sinasabing gano'n."
"'Wag ka nang mag-react pa, dahil ang alam nila na girlfriend na kita. Kaya totohanin na natin. Tsaka 'wag kang mag-alala, liligawan parin kita."
Napanguso ako dahil tila ako ang napasubo. Natawa siya tila sa reaksyon ko.
"Anak, wala ka bang kinuhang tagalinis ng bahay mo? Kulang na lang ay maging dump site ito sa dami ng nakakalat. Nakakahiya sa girlfriend mo."
Nang makaupo kami ni Deo sa sofa niya ay tsaka naman nagsalita ang Mom niya.
"Don't worry about that, Mom. Lilinisin ko na lang ho 'yan mamaya."
"Hindi, dapat ngayon na. Tatawagan ko si Dina para linisin ang bahay mo. At simula ngayon ay kukuha ako ng makakatulong mo rito sa bahay. Dapat ay palaging malinis ang bahay mo, mamaya ay magkasakit ka sa mga germs na makukuha sa bahay mo."
Napahinga na lang ng malalim si Deo at sinandal ang ulo sa balikat ko na kinailang ko. Bakit ba masyado siyang madikit? Nakakahiya sa parents niya.
"Son, I heard about Inspector Cabal." nagsalita ang Dad niya na kinaayos ng upo ni Deo.
"We need to talk about that, Dad..." sabi ni Deo, "Lara, maiwan muna kita rito at may pag-uusapan lang kami ni Dad."
Ngumiti at tumango ako sa kanya. Hindi naman na niya kailangan pang magpaalam. Dad naman niya iyon.
Naramdaman ko ang pagtayo niya at maging ang yapak nila. Pinakiramdaman ko ang paligid at kami na lang tatlo ang naiwan.
"Hija, pasensya ka na sa anak ko kung may pagka-playboy iyon. Ewan ko ba kung bakit gano'n ang batang iyon."
"Hindi naman po siya babaero rito." nagtataka ako kung bakit ang dami nagsasabi na playboy si Deo. Kung gano'n nga ay babaero nga talaga si Deo.
"Huh? Wala ka bang naririnig na pumupunta rito?"
Umiling ako sa kanya, "Wala po.. Nung unang beses niya lang po dito nakatira, may nangyari pong party kasama ng mga kaibigan niya. Tapos po no'n ay wala na hong pumupunta rito."
"Paano mo naman nasabi na wala nang pumupunta rito?" tanong niyang muli kaya napangiti ako.
"Kasi po, alam ko po kapag may pumupunta rito sa bahay niya. Malapit lang po ang veranda ko sa veranda niya at rinig ko po kung may tao kaya po nasabi ko na walang pumupunta."
"Wow. Ang lakas naman pala ng pandinig mo."
Napayuko ako dahil feeling ko ay namumula ako sa papuri niya.
"Hindi naman po masyado."
"Oo nga pala, nalaman ko na p'wede pang makakita ang mata mo. Bakit hindi mo nais na ipa-opera 'yan?"
Napaangat ako ng mukha dahil sa sinabi niya. Akala ko ay hindi niya napansin ang mata ko, 'yun pala ay alam niya ang kondisyon ko. Pero paano niya nalaman?
"Ah.. Kasi po, ito na po 'yung pinakakarma ko para sa sarili ko. Dahil po kasi sa kagagawan ko kaya namatay ang taong nasagasaan ko."
Matagal na hindi ito nakaimik kaya napayuko akong muli at napapisil sa daliri ko. Ano kaya ang iniisip niya sa akin ngayon? Iniisip niya kaya na mabuti lang sa akin ang naging karma ko?
"Hija, lahat naman ay nagkakasala, pero hindi mo naman siguro sinasadya iyon. Isa lamang iyon na aksidente, walang may gustong mangyari iyon."
Umiling-iling ako sa sinabi niya. Lahat ata ng tao na nasasabihan ko ng nangyari sa akin ay gano'n ang sinasabi. Maliban lang kay Deo, na noon ay sabi niya sa akin ay dapat na pagbayaran ko sa kulungan ang naging kasalanan ko.
"Hindi po aksidente iyon, kung may namatay. Kung sana po ay hindi ko sinuway si Dad, edi sana po ay nagse-celebrate lamang kami ng kaarawan ko noon."
"Ang ibig mong sabihin ay birthday mo noon nang mangyari ang aksidente?"
Tumango ako na kinasinghap niya. Nagtataka ako sa reaksyon niya, para bang may alam siya pero kulang pa pala ang nalalaman niya.
"Namatay din po ang mommy ko sa araw ng kaarawan ko. Dahil po sa nangyari sa akin ay inatake ho siya sa puso."
"Omg talaga! Grabe pala ang nangyari sa 'yo.. Pero sa tatlong taon na bulag ka ay sapat na iyon para sa naging kasalanan mo. Magpagamot ka para naman makita mo ang gwapo kong anak."
Napangiti ako sa sinabi niya. Talagang sinasabi niya iyon tila proud siya na gwapo ang anak nyya. Napaka-supportive naman pala niyang Mommy.
-
Deo
NARITO KAMI NI Dad sa taas, sa veranda. Nakaupo siya sa bench chair, habang ako ay nakasandal sa pasimano ng veranda.
"Dad, alam ng nagpapadala sa akin ng dead threat ang hideouts natin. At pinatay nito si Inspector Cabal."
Napatango siya habang nakahalukipkip na nakaupo. Napahawak siya sa baba niya tila ba nag-iisip.
"Sino ba ang pinapahanap mo kay Cabal?"
"'Yung nagpadala sa akin ng dead threat at si Cole."
Nakita ko ang pagngisi ni Dad na kinataka ko.
"Easy as pie, Son."
"Ho?"
"Ano pa ang nangyari bago ka pumunta sa hideouts?"
Natigilan ako at inisip ang tanong niya. Ang nangyari lang naman ay nagkita muli kami ni Kacey. Dahil sa kanya kaya nagtagal ako ng ilang oras bago makapunta sa hideouts, kaya napatay din si Inspector Cabal ng mga oras na iyon.
Napatingin ako kay Dad na nakangiti sa akin tila ba hinihintay ang reaksyon ko.
"Dad, posible ba na kasabwat si Kacey doon sa nagpadala sa akin ng dead threat?"
"Hindi ka kasi tumitingin sa paligid mo kaya hindi mo nalalaman kung sino ang ta-traydor sa 'yo. Isipin mo muli ang lahat ng pangyayari at kung sino ba ang nais mong malaman bago mamatay si Cabal."
"Si Cole lang naman ang nais kong malaman ang profile."
"Bingo."
Natigilan ako dahil nalilito parin ako. Bakit nais akong patayin ni Cole? Sino ba talaga ito?
"Kailangan mong mag-iingat sa susunod, anak. Baka dahil nagtitiwala ka sa kanya kaya hindi mo nalalaman na may kinabit siya sa paligid mo na device kaya nalaman niya kung saan ka pupunta."
Napakuyom ako ng kamao dahil hindi ko naisip na naisahan ako ni Cole. Hindi ako papayag na maulit muli ang nangyaring pagpatay, dahil alam ko kung sino ang isusunod niya.
"Deo!"
Napatingin ako sa gate at nagulat ako ng makita si Kacey na pumasok. Napatingin ako kay Dad.
"Solusyunan mo 'yan.. Isang babae lang dapat." aniya at tumayo na. Tinapik niya ang balikat ko bago tumingin kay Kacey. Ngumisi siya bago tumalikod na para pumasok sa loob.