KABANATA 12
TE AMO
Deo
AGAD NA HINILA ko si Kacey palayo sa gate. Sinara ko ito at hinarap siya ng seryoso. Ngumiti pa siya habang dala-dala ang bag niya.
"Anong ginagawa mo rito, Kacey? Sinabi ko sa 'yo na doon ka muna sa hotel."
"Pero, Deo, ayoko doon. Dito na lang ako."
Hindi ko alam ang pakay mo, Kacey, pero hindi mo ako mauuto ngayon. Minahal kita pero ikaw rin pala ang ta-traydor sa akin. Pero sige, sasakyan kita.. Hanggang sa pareho ko kayong mapaikot ni Cole.
"Kacey, nandito ang parents ko."
Nanlaki ang mata niya at nakita ko na tila siya natigilan.
"Nand'yan din ba ang Dad mo?"
Ewan ko kung bakit pagdating kay Dad ay takot siya. Simula nung una ko palang siyang makilala, kapag alam niya na nasa malapit si Dad ay agad siyang aalis na napapansin ko noon pa man. Pero ngayon ay alam ko na ang dahilan. Ayaw niyang makaharap si Dad dahil alam niya na malalaman ni Dad ang una palang na pakay niya sa akin.
Hindi ko akalain na nagmahal ako ng isang traydor at kakampi ng kalaban ko.
"Nandito si Dad, ano, gusto mo pang pumasok?"
Napalunok siya at napaiwas sa akin ng tingin ng tignan ko siya ng seryoso. Napangisi ako at nais kong matawa ng pagak dahil bakit ba nabulag ako sa babaeng ito? Nakakatawa na hindi ko man lang napansin noon ang reaksyon niyang ito.
"Kacey, saan ka pupunta?" tanong ko pero sa loob-loob ko ay gusto kong mapahalakhak.
"A-ah.. Uuwi na lang muna ako sa pamilya ko."
Tumango ako at pinamulsa ang mga kamay ko sa bulsa ng pantalon ko.
"Sige, mag-iingat ka..."
"S-sige.." agad na siyang tumalikod at nagmadaling naglakad palayo. Tinignan ko pa siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Agad na akong pumasok at sinara ang gate.
"Deo.." napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Lara. Napangiti ako dahil nangangapa pa siya sa paglalakad niya. Agad akong naglakad palapit sa kanya habang nakapamulsa. Huminto ako sa harap niya kaya nang hahakbang siya ay nauntog siya sa dibdib ko. Agad kong nilabas ang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko at agad ko siyang niyakap. Pumikit ako dahil ramdam ko ang pagbilis ng puso ko ng makalapit siyang muli sa akin. Gusto kong murahin ang sarili ko dahil nung una ay nagalit pa ako sa kanya. Nais ko pa siyang paghigantihan, 'yun pala ay wala siyang kasalanan. Hinalikan ko ang noo niya at hinaplos ko ang buhok niya.
"Hindi ako makahinga."
Natawa ako at binitawan ko na siya. Agad kong kinuha ang kamay niya at nilagay sa leeg ko. Bumaba naman ang kamay ko sa baywang niya at hinapit ko siya palapit sa akin.
"Lara, nasabi ko ba sa 'yo na masaya ako na nakilala kita."
Namula siya na kinangiti ko. Ang hilig niyang mamula kapag pinupuri ko siya. Binaba ko ang mukha ko at inabot ko ang labi niya. Damn.. Lalo akong nababaliw sa babaeng ito. Siya lang ang babaeng kinaadikan ko ang labi at gusto kong palaging halikan.
Nag-ingay bigla ang sikmura niya kaya bumitaw ako ng halik at natawa. Napasubsob siya sa dibdib ko kaya hinaplos ko muli ang buhok niya habang nakangiti.
"'Wag mo nga akong pagtawanan." aniya at hinampas ang likod ko.
"Hindi ka pa ba kumakain ng agahan?" tanong ko.
Tumunghay siya at nakasimangot na tumango na kinangiti ko. Pinisil ko ang pisngi niya dahil ang cute talaga niya.
"Ikaw kasi, hindi ka nagpaalam kaya pagbangon na pagbangon ko ay nagmugmog lang ako at nag-ayos ng sarili bago ka puntahan rito sa bahay niyo. Pero ang parents mo ang nasalubong ko, kaya hindi parin ako kumakain."
"Hmm... Kaya pala lasang tuloy-laway pa ang laway mo."
Namula siya at nawala ang pagkasimangot ng mukha niya. Tumalikod siya kaya sinilip ko siya at nakita ko na inamoy niya ang bibig niya. Napahalakhak ako at niyakap ko siya sa baywang bago pinangko na kinatili niya.
"I'm just kidding."
Hinawakan niya ang mukha ko at gumapang ang kamay niya sa buhok ko. Napangiwi ako ng sabunutan niya ako.
"Hindi ka nakakatuwa, Deo. Akala ko tuloy..." binitawan niya ang buhok ko at napayuko siya. Nang makarating kami sa harap ng pinto ay binaba ko na siya. Hinawakan ko ang mukha niya at inangat, upang makita ko ng maayos. Napangiti ako at hinaplos ang pisngi niya.
"Kahit mabaho pa ang bibig mo ay sarap na sarap parin akong halikan ka." kinantilan ko siya ng halik at nakangiti na tinignan ko siya sa mata, "See.."
Namumula na naman siya at hinawakan ako sa dibdib bago itulak ng mahina. Napangiti ako at inakbayan ko siya.
"Tara na nga. Para pag-alis nila mommy mamaya ay ide-date kita para mawala ang pagkailang mo parin sa akin." Hinila ko na siya habang akbay-akbay ko.
"Hindi ako naiilang." imik niya na kinailing ko. Ang hilig niyang tumanggi, pero kitang-kita naman sa kinikilos niya. Hay, habang tumatagal ay lalo ko siyang nagugustuhan. At lalo akong nahuhulog sa kanya.
Napatingin ako kela Mom na nakaupo sa sofa habang katabi rin si Benj. Napatingin sila sa amin ng marinig ang yapak namin.
"Sino ba ang pinunta niyo sa labas?" tanong ni Mommy.
"Wala, Mom. May nagkamali lang na nagtanong." napatingin ako kay Dad na ngumisi sa akin. Ngumisi ako dahil nauunawaan ko ang pagngisi niya. Gusto kong magaya si Dad. Kahit na paganyan-ganyan siya ay mabilis siyang mag-isip. Tila ba saglit lamang ay nareresolba niya agad ang mga taong nais na pabagsakin ang nakapaligid sa kanya. Marami pa akong kakaining bigas bago ko siya maabot.
"Okay, pero kumain na ba kayo? Nagpa-deliver ako dahil walang kalaman-laman ang fridge mo."
Ngumiti ako at tumingin kay Lara na iisa lamang ang tingin. Tumingin ako kela Mom na nakangiting tinignan rin si Lara.
"Mom, gutom na si Lara."
"Naku, hindi po, kakakain ko lang po." umiling-iling siya at kumaway-kaway pa ang kamay niya para sabihin na hindi totoo ang sinabi ko.
"Gutom ka na." pilit ko pero umiling-iling siya. Malakas na tumunog ang tiyan niya kaya napatikom ang bibig ko. Napatingin ako kela Mom na nagulat pero kalaunan ay sabay na napahalakhak kami habang si Dad ay napangiti, maging si Benj.
Napayuko si Lara na lalong kinangiti ko. Hinalikan ko ang ulo niya at inakay ko na siya sa sofa. Naupo kami doon habang hawak ko na ang isang kamay niya.
"Kelan nga pala kayo naging kayo, Anak?" tanong ni Mommy habang nakangiti. Tumingin ako kay Lara na natigilan kaya ngumiti ako at pinisil ang kamay niya.
"Mga ilang araw na rin, Mom. 'Di ba, babe?" pinisil ko ang kamay niya dahil ramdam ko na na-tense siya sa sinabi ko.
"Ayyiiee. Babe din pala tawagan niyo. Iyan ang endearment namin ng Dad mo nung hindi pa kami kinakasal."
Napangiti ako at sumandal ng upo. Binitawan ko ang kamay ni Lara at inakbayan ko siya bago hinila para mapasandal rin.
"Hindi ba unique, Mom?" tanong ko.
"Hindi, ayos lang iyon. Mas nakakakilig nga ang tawagan na gano'n."
Napailing na lang ako dahil para paring bata si Mommy kapag sa ganitong bagay. Sabagay ay mukha parin siyang dalaga dahil alaga din siya sa katawan niya. Naalala ko na sinabi niya sa amin na kailangan na parati siyang maganda, baka daw ipagpalit siya ni Dad. Well, hindi naman mangyayari iyon, si Dad ang mas patay na patay sa kanya.
Naputol ang iniisip ko ng pare-pareho kaming napalingon sa gawing pinto ng marinig ang pagtunog ng door bell. Tumingin ako kela Dad na napatingin sa akin kaya inalis ko ang pagkakaakbay ko kay Lara at tumayo ako.
"Baka 'yung delivery ng in-order niyo, Mom. Ako na po ang kukuha."
Lumakad na ako palabas ng bahay habang napamulsa ako sa bulsa ng pants ko. Sumipol ako habang nangingiti dahil tiyak na masarap ang in-order nila Mommy. Pagbukas ko ng gate ay isang kaedaran ni Dad ang bumungad sa akin, at nakilala ko ito. Seryoso ang pagkakatingin niya sa akin habang formal ang kanyang suot tila papunta palang siya sa opisina.
"Where's my daughter?"
Nagtaka ako kung bakit ngayon ay hinahanap niya si Lara? Ngumiti ako rito pero seryoso parin ang kanyang mukha.
"Sir, come in. Nasa loob ho si Lara at kausap ng parents ko... By the way, I'm--"
"I know you.. At ikaw ang boyfriend nung babaeng nasagasaan ng anak ko. Palabasin mo ang anak ko dahil hindi ko hahayaan na makisalamuha siya sa 'yo."
Natawa ako at tumingin sa kanya na hindi makapaniwala.
"Sir, alam ko po ang iniisip niyo, pero wala naman po akong gagawing masama sa anak niyo. Katunayan ho ay--"
"Palabasin mo na siya, dahil hindi ko parin hahayaan ang anak ko sa 'yo. Alam ko na nais mo siyang paghigantihan kaya lumalapit ka sa kanya, at hindi ko hahayaan na gawin mo iyon sa anak ko."
Napahinga ako ng malalim dahil alam ko na mahihirapan akong paamuhin ito, lalo't tama naman siya. Pero nung una lang naman iyon. Ngayon ay gusto ko na ang anak niya, kaya hindi p'wedeng ganito na lang.
"Sir, oo, inaamin ko po nung una ay nais ko na paghigantihan si Lara, pero ngayon ay hindi na ho---sir!"
Nilagpasan niya ako at dere-deretso siya sa paglakad papunta sa bahay. Agad ko itong sinundan. Pagpasok ko ay napahinto ito habang nakatingin sa magulang ko.
"Mr. Evangelista, nice meeting you." bati ni Dad na tila nakikilala niya ang Dad ni Lara. Napatingin ako kay Lara na napatayo at pansin ko na hindi siya makapaniwala na narito ang ama niya.
"Sorry, Mr. Ford, kukunin ko lang ang anak ko."
Naglakad siya palapit kay Lara at hinawakan nito si Lara braso bago hinila. Tumingin sa akin si Sir at nilagpasan ako, pero agad kong hinuli ang braso ni Lara. Napatigil sila sa paglalakad at napatingin sa akin si Sir.
"Sir, please, calm down. I explain to you later, pero pakiusap hayaan niyo siya na makisabay sa amin sa breakfast."
"D-Deo, it's okay. Uuwi muna ako kasama ni Dad." sabi sa akin ni Lara.
Napahigpit ang hawak ko sa braso niya dahil hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako kapag binitawan ko siya. Pero unti-unti rin na lumuwag ang hawak ko kaya nahila na siya ng Dad niya paalis.
"Son, can you explain to me why he's angry to you? Hindi ba boto ang Dad ni Lara sa 'yo?" tanong ni Mom.
Napahilot ako ng sentido dahil biglang sumakit iyon. Tila ngayon lamang ako nakaramdam ng sinat dahil sa dami ng iniisip ko kaya napagod ako ng husto.
"Mom, paano magiging boto sa akin iyon kung alam niya na ang girlfriend ko noon na si Kacey ang nasagasaan ng anak niya. Iniisip niya na pinaghihigantihan ko lang si Lara."
"Bakit, hindi ba?"
Napahinga ako ng malalim at napapikit dahil nasisiraan na ako ng ulo. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Parang sumasakit ang ulo ko sa dami ng iniisip ko.
"Mom, noon ho iyon, pero ngayon ay gusto ko na si Lara. Sa kanya ko lang naramdaman ang matakot." pagkatapos kong sabihin iyon ay naglakad ako at umakyat sa taas.
-
Lara
TAHIMIK NA NAUPO ako sa sofa habang pinapakiramdaman ko si Dad. Hindi ko maunawaan kung bakit gano'n ang pagtrato niya kay Deo at hindi ko maunawaan kung bakit nagparamdam na rin siya sa akin ngayon. Tahimik lamang ako pero gusto ko ng maiyak sa tuwa dahil nagparamdam na muli siya sa akin.
"Lara, bakit ka sumasama sa kanya? Hindi ka dapat nakikisalamuha sa taong hindi mo pa lubusang kilala."
Napamaang ako sa sinabi niya. Hindi ko maunawaan kung bakit ayaw nyya akong maging malapit kay Deo?
"Dad, hindi naman po masamang tao si Deo. Mabait po siya kahit 'yung pamilya niya. At gusto ko po siya."
Napayuko ako sa huli kong sinabi. Nahihiya ako dahil ngayon lamang ako nagsabi kay Dad na may nagugustuhan na ako.
"Hindi mo pa siya kilala, Anak. Ni hindi mo nga alam ang pakay niya kung bakit siya lumalapit sa 'yo. Kaya ang gusto ko ay 'wag ka nang makikipag-usap at lalapit pa sa lalakeng iyon."
Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Napakuyom ako ng kamay na nasa kandungan ko.
"Dad, bakit ba kayo ganyan? Si Deo na nga lang po ang palagi kong nakakausap rito, tapos gusto niyo pa pong 'wag kong kausapin at 'wag kong kitain. Nung mga panahon na kailangan ko po kayo, bakit hindi po kayo nagpapakita? Opo, kasalanan ko po kaya namatay si Mommy, pero dapat po ba na parang namatay na rin po ang presensya niyo sa akin? Ngayon na nga lang po tayo nagkita, tapos sinasaktan niyo pa po ako."
Nangilid ang luha ko na kanina ay sa saya pero ngayon ay sa lungkot. Hindi ko maintindihan si Daddy, para bang napakalayo na niya sa akin.
"Oo, ngayon na nga lang tayo nagkita, pero susuwayin mo parin ang nais ko, Lara. Minsan ka nang sumuway, kaya kahit ngayon lang ay sundin mo ang sinasabi ko. Tandaan mo nang dahil sa pagiging pasaway mo kaya ka napahamak! Layuan mo ang lalakeng iyon... Hindi pala, mag-impake ka at sasama ka sa akin."
Agad akong umiling-iling sa kanya habang umiiyak. Tumaas-baba ang dibdib ko dahil sa hirap akong makahinga. Tumayo ako at tumingin sa alam kong nasaan siya.
"Ayoko pong umalis rito. I love him. He's my boyfriend now, Dad. Please, don't do this to me.."
Hindi niya ako inimikan at narinig ko ang paglayo ng yapak niya kaya napaupo muli ako at napahawak sa mukha ko habang humahagulgol.
"Lara, pinapa-impake ng Dad mo ang mga damit mo."
Lumapit si Ate Lourdes na lalo kong kinaiyak. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko at niyakap ako, kaya inalis ko ang kamay ko sa mukha ko at niyakap siya. Hinaplos niya ang likod ko tila ba pinapagaang niya ang kalooban ko. Lalo akong napaiyak dahil kapag sumama ako kay Dad ay tiyak na hindi ko na rin makakasama si Ate Lourdes.
-
NAKAUPO NA AKO ngayon sa kama ko habang tulala at walang gana. Naririnig ko ang paglalagay ni Ate Lourdes ng mga damit ko sa maleta. Tumayo ako at naglakad patungo sa veranda. Humarap ako kung saan alam ko kung nasaan ang veranda ni Deo.
"Bakit ka umiiyak?"
Napaidtad ako dahil sa biglang pagsasalita ni Deo. Napahigpit ang hawak ko sa hamba ng riles ng veranda ko. At nais ko sanang mapangiti dahil makakausap ko siya.
"Isasama na kasi ako ni Dad sa tinutuluyan niya." napasimangot ako habang sinasabi iyon. Narinig ko ang pagtawa niya kaya lalo akong napasimangot.
"Edi sumama ka, anong masama doon?"
Nalungkot ako dahil tila ayos lang sa kanya na sumama ako. Kanina ay pinipigilan pa niya ako. At akala ko ba boyfriend ko na siya? At kapag gano'n ay dapat na mahalaga ako sa kanya. Pero bakit parang cool na cool parin siya at wala man lang balak na pigilan si Dad?
"Kasi malalayo na ako sa 'yo. Hindi mo alam kung nasaan ang bahay ni Dad kaya hindi mo na ako makikita." gusto kong mainis dahil natawa pa siya. Nalulungkot na nga ako dahil hindi ko na siya makakausap at makakasama, tapos parang tinatawanan lang niya ako.
"Ayos lang iyon, 'wag kang mag-alala. Tsaka ayaw mo bang makasama ang Dad mo?"
"Gusto.. Pero.... Ano... Wala ka nang kapitbahay."
"Ayos lang iyon, maiiwan naman d'yan si Manang."
Bakas na bakas sa tono niya ang pagkapilyo na lalong kinasama ng loob ko. Hindi ba niya naiintindihan na gusto kong may gawin siya para hindi ako makaalis.
"Eh, 'yung parents mo, nand'yan pa ba?"
"Yeah... Pero pauwi na rin ang mga iyon mamaya, kaya meron parin akong makakasama habang paalis ka na."
Tumango-tango ako at pinipigilan kong maiyak dahil parang wala lang pala ako sa kanya. Ang sakit ng puso ko dahil parang hindi naman niya ako mahal o gusto.
"Lara, te amo."
Napakuno't noo ako sa sinabi niya. Ano bang sinasabi niya?
"Ano bang sinasabi mo?"
"Tsaka ko na ipapaliwanag ang ibig sabihin no'n, pero dapat na sumama ka sa Dad mo dahil mas ligtas ka sa kanya. Haharapin ko muna ang mga taong dapat kong bigyan ng leksyon, kaya dapat na malayo ka sa akin."
"Gano'n ba. Pero bakit mo sinasabi na parang hindi ako ligtas kapag kasama ka? May kaaway ka ba?"
"Gano'n na nga.."
Napatango ako dahil nauunawaan ko kung bakit ayos lang sa kanya na sumama ako kay Dad.
"Everyday, nanaginip ako na may kasama akong isang babae sa harap ng altar.. Did you know that my greatest fear is to tie knots.."
"Bakit naman? Anong nakakatakot kung matali ka sa babaeng mahal mo?"
"Dahil hindi ako sigurado kung siya nga ba ang perpektong babae sa akin.. Pero napagtanto ko ang lahat na mabuti na lang at may isang babaeng naging angel in disguise. Dahil sa kanya kaya ang plano kong lumuhod sa babaeng gusto ko noon ay hindi nangyari. Dahil napagtanto ko ngayon na maling babae pala ang nagustuhan ko noon."
Naguguluhan ako sa sinasabi. Sa laman ng sinasabi niya ay parang may nagustuhan na siya noon na nais niyang pakasalan, ngunit hindi lamang natuloy.
"Deo, nagsinungaling ka lang ba sa akin na wala kang girlfriend noon?"
Saglit siyang hindi nakaimik na naging malaking impact sa akin. Dahil ang ibig sabihin lang no'n ay nagsinungaling nga siya. Tumalikod ako dahil biglang sumama ang loob ko sa kanya.
"Oo, nagkaroon ako ng girlfriend noon, pero nagkamali pala ako ng pagkakakilala sa kanya."
Humarap ako sa kanya habang hindi ko mapigilan ang pagngilid ng luha ko.
"Bakit ka nagsinungaling sa akin? Ginawa mo lang ba akong rebound? O baka naman pinaglalaruan mo lang pala ako? Tama ba ang pakiramdam sa 'yo ni Dad? Hindi nga ba kita dapat na pinagkatiwalaan?"
"Ginawa ko iyon dahil ayaw kong pag-usapan pa iyon... At hindi kita ginawang rebound, dahil wala sa bokubularyo ko ang gano'n.. Oo, babaero ako pero hindi ako f**k boy at hindi ako aasa sa ibang babae para lamang mawala ang sakit nung mawala sa akin ang dati kong girlfriend.... Kaya hindi kita pinaglalaruan, Lara.. Siguro nung una ay may nais akong mangyari, pero hindi ko alam kung bakit, pero nagising na lang ako isang araw...."
"Ano?"
"Lara, let's go."
Hindi na naituloy ni Deo ang sasabihin niya ng biglang sumingit si Daddy sa usapan.. Hindi na ako nakatanggi sa pag-akay niya sa akin..
"Lara, te amo!" hiyaw ni Deo.
Hindi ko maunawaan ang sinigaw ni Deo, pero bakit nanunuot sa puso ko ang katagang iyon. Para bang sumaya ang puso ko, pero nalulungkot ako dahil nagsinungaling siya.
"Kalokohan ang sinasabi ng batang iyon.. Kakakilala niyo palang ay mahal ka na niya."
Napamaang ako sa sinabi ni Dad na nasa driver seat habang ako ay nasa tabi niya, sa front seat.
"Ano po? Anong mahal?"
"Sinabihan ka niya na mahal ka niya, hindi mo ba naunawaan iyon?"
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi ni Dad.. Te amo: mahal kita ang ibig sabihin ba no'n?
Napahigpit ang yakap ko kay Saver at ang malungkot kong labi ay pumorma ng isang ngiti. Biglang nawala ang sama ng loob ko.
"'Wag kang kiligin, dahil hindi ka p'wedeng umibig sa anak ni Mr. Ford."
Nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Dad. Napakuno't noo ako dahil hindi ko siya maunawaan.
"Bakit niyo naman po nasabi iyon?"
"Dahil isang mafia ang pamilya niya.. At delikado lang ang buhay mo kung magugustuhan mo ang lalakeng iyon. Hindi man ako nagpakaama sa 'yo ng matagal na panahon, pero nang malaman ko na ikaw ang nilalapitan ng binatang iyon ay hindi na ako mapakali, Anak. Naging masama akong ama sa 'yo, pero ayoko na pati ikaw ay mawala pa. Kaya sana ay 'wag ka nang makikipaglapit pa sa lalakeng iyon.."
Hindi ko maunawaan ang sinasabi niyang mafia, pero sa tono ni Dad ay nangangamba siya. Napapikit ako at napasandal sa bintana dahil nahihirapan ako. Hindi ko maunawaan ang pinagsasabi ng mga taong nasa paligid ko.
Pero masaya parin ako dahil mahal ako ni Deo. I love him, too.