Kabanata 6

2661 Words
KABANATA 6 SHE'S IN DANGER Lara NAKADAPA AKO SA hospital bed habang may nakalagay na unan sa hita ko para gawing patungan ko. Medyo nahimasmasan ako at nawala ang sakit dahil sa nilagay ng doctor na pain reliver. "Lara, gusto mo bang tawagan ko ang Tita mo?" "'Wag! 'Wag na.." pigil ko agad sa sinabi niya. Naramdaman ko na naupo siya sa side ng higaan ko. Gumapang ang kamay niya sa mukha ko at hinawi niya ang tikas ng buhok ko bago inipit sa tenga ko. "Sorry, it's my fault." "Hindi mo kasalanan. Aksidente lang ang nangyari." "Hindi aksidente iyon.." bulong niya na umabot sa pandinig ko. "Anong ibig mong sabihin na hindi aksidente iyon?" "Wala. 'Wag mo nang alalahanin ang sinabi ko, basta ako na ang bahala sa lahat." Nakiba't-balikat na lang ako at pinakiramdaman ko siya. Napaidtad ako ng hawakan niya ang balakang ko. Nakakahiya talaga ang posisyon ko ngayon, hindi man lang ako makagalaw. "Masakit pa rin ba?" tanong niya habang hinahaplos ang balakang at likod ko. "Medyo na lang. Sabi naman ng doctor kapag umepekto na ang gamot at hindi na ako makakaramdaman ng sakit ay kailangan ko na lang daw sumailalim sa x-ray para pag-ayos na talaga ako ay p'wede na akong makauwi." Napahinga siya ng malalim at alam ko na nakokonsensya siya dahil sa nangyari. Hindi ko naman siya sinisisi dahil aksidente lang iyon, pero siya ayaw tanggapin iyon. Biglang umalingawngaw ang ringtone ng cellphone niya hudyat na may tumatawag sa kanya. "Saglit lang. Sagutin ko lang." paalam niya. "Sige, okay lang naman. Hindi mo na kailangan na magpaalam pa sa akin." Naramdaman ko na tumayo na siya tila sinagot na ang tawag. Narinig ko ang paglayo ng yabag niya at pati ang pagbukas-sara ng pinto. Pumikit ako ng makaramdam na ako ng antok dahil sa tinurok na gamot sa akin. - Deo "YES, HELLO?" "SIR, tinignan ko na ang cctv na sinasabi niyo. Pero 'yung sinasabi mong cctv ay wala akong nakitang record ng mga oras kung kailan kayo pinadalhan ng dead threat. Sinira ang cctv ng mga oras na iyon." Napamura ako at napakuyom ng kamay. Tumingin ako sa room ni Lara at napahinga ng malalim. "Magkita tayo sa hide out ni Daddy. Alam mo na siguro kung saan iyon?" "Yes, Sir." "Good. At dalhin mo ang lalakeng bumangga kay Lara." Pagkatapos ng huli kong sinabi ay binaba ko na ang tawag at tumawag ako sa mga tauhan ni Dad. Tinawagan ko si Wilson, na kasama ko rito sa maynila. "Yes, Deo?" "Come here in Manila Hospital. May ipapabantay ako sa 'yo. Magsama ka na rin ng tatlo." "Okay. Copy." Binaba ko na ang tawag at binulsa ko na ang cellphone ko bago ako pumasok muli sa room ni Lara. Pagpasok ko ay nakita ko siya na nakapikit na at tila nakatulog na. Lumapit ako sa kanya at naupo sa upuan na nasa gilid ng higaan niya. Tinitigan ko siya at hinaplos ko ang kanyang pisngi. She's beautiful. Everytime na tititigan ko siya ay may kakaiba sa kanya. Parang gusto ko siyang alagaan at yakapin upang walang makapanakit sa kanya. Napahinga ako ng malalim at napatingin sa labi niya. Gusto kong angkinin ang labi niya ngayon mismo, pero hindi ko p'wedeng paganahin ang pagiging sakim ko. Dahil oras na mangyari iyon ay tiyak akong hindi ko na mapipigilan ang sarili ko at baka hindi ko na rin siya tigilan pa. Kinuha ko ang kamay niya at hinaplos habang tinitignan ito. Binaba ko ang labi ko sa kamay niya at tinignan ko siya habang hinahalik-halikan ang kamay niya. "Akin ka na, hmmm? Bilang marami kang kasalanan sa akin, kaya ang maging akin ka ang magiging kabayaran no'n.". Hinaplos ko ang kamay niya at inayos ko ito ng pagkakalapag sa gilid ng ulo niya. Napabaling ako sa pinto ng bumukas ito at nakita ko na si Wilson kasama sina VJ, Mo, at Mar. Tumayo ako at inayos ko ang kumot ni Lara at tsaka ako humarap sa apat. "Magbantay kayo rito at aalis lang ako saglit. 'Wag na 'wag niyong iwawala ang paningin niyo sa kanya." utos ko. "Sino ba siya, Deo?" tanong ni Wilson. Lumingon ako kay Lara at ngumiti ako. Bumaling ako muli sa kanila ng seryoso. "Importante siya sa akin." Ngumisi sila at napatango. Hindi ko na pinansin pa ang reaksyon nila at naglakad na ako para umalis. - Hide out "SIR." TUMAYO SI INSPECTOR Cabal ng makita ako. Kaya tumango ako rito. Napatingin ako sa lalakeng nakaupo sa tabi niya habang nakaposas ang mga kamay sa likod nito. "Siya na ba?" "Yes, Sir. Siya ang nakita ko sa cctv sa park. Malas lang niya at hindi niya alam na merong cctv sa paligid." Nakapamulsa ang isang kamay ko habang ang isang kamay ko ay napahaplos sa labi ko habang lumalakad palapit sa kanila. Huminto ako sa tapat ng lalake na tingin ko ay isang taon lang ang tanda ko rito. "Sino ang nag-utos sa 'yo para sagasaan ang babaeng kasama ko, ha?" Hindi siya sumagot kaya mariing sinakal ko siya na kinapalag niya pero hindi ko binitawan ang leeg niya habang malamig ko siyang tinitignan. "Sumagot ka kapag kinakausap kita! Sino ang nag-utos sa 'yo?" "H-hindi ko kilala.. N-napag-utusan lang ako." Binitawan ko ang leeg niya at malakas ko siyang sinapak sa mukha na kinahimatay niya at kinabagsak sa sahig. Huminga ako ng malim habang nakakuyom ang mga kamay ko. "Sir, tingin ko ay iisa lamang ang nagpapadala sa inyo ng dead threat at pati na rin ang pag-utos na saktan ang kasama niyong babae." "Tingin ko ay hindi. Ramdam ko na marami sila," tumingin ako kay Inspector Cabal na tumango sa akin. "At iyon ang nais kong alamin mo." dagdag ko pa. "Copy, Sir." Tumingin ako sa lalakeng bagsak sa sahig at nakita ko ito na magigising na. "Pero may nais pa akong gustong alamin mo.." "Ano 'yun, Sir?" "Alamin mo ang pagkatao ni Cole, kaibigan ko." "Is that all?" "Yes.." Pagkatapos kong sabihin iyon ay naglakad na ako palabas ng hideout. Sakay na ako ng sasakyan ko ng makatanggap ako ng tawag galing kay Cole, kaya sumeryoso ako at tinanggap ang tawag niya. "Pre, bar tayo mamaya? Isama mo si Lara." Napatiim-bagang ako at niliko ang sasakyan kung saan ang daan patungo sa manila hospital. "Pass muna ako. Kayo na lang.." Narinig ko ang paghalakhak niya kaya napadiin ang hawak ko sa manibela. "Bakit naman? Kahit saglit lang naman na pumunta ka rito sa bar at para makilala namin si Lara." "Wala ako sa mood na makipagbiruan sa 'yo, Cole. At wala sa plano ko na makilala niyo si Lara." "Oh, C'mon--" Binabaan ko na siya ng tawag dahil puro angas lang ang sasabihin niya. Habang tumatagal ay nakakabwisit na ang pagiging pakialamero niya. At hindi ako manhid para hindi malaman na merong kakaiba sa mga binibitawan niyang salita. Oras lang talaga na malaman ko ang totoo mong pagkatao, Cole, hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka. - Lara NAGISING AKO NG makarinig ng kaluskos. Medyo gumalaw ako dahil nakakangawit din ang posisyon ko. "Deo?" Napakuno't-noo ako ng tumahimik na ang kaluskos. Hindi sumagot si Deo na kinataka ko. "Deo, nasan ka?" Hindi muli sumagot si Deo kaya lalo akong nagtaka. Hindi kaya ay nakatulog din siya? Napahinga ako ng malalim dahil kung kailan ko nais na makita ang mga bagay sa paligid ko ay hindi ko naman magawa. "Deo, gising ka ba? O nand'yan ka ba?" "Ah..." Napakuno't noo ako dahil ibang boses ang narinig ko. Kinabahan ako dahil baka mamaya ay masamang tao na pala ang kasama ko. "S-sino ka? Bakit ikaw ang nasa room ko?" "Ah, Lara.." "Deo, ikaw na ba 'yan?" May naramdaman akong humawak sa ulo ko at nang maamoy ko ang pabango ni Deo ay nakahinga ako ng maluwag. "Yeah, It's me.." "Pero sino 'yung nagsalita kanina?" "Wala iyon, janitor rito." Tuluyan akong nakampante dahil 'yung janitor pala ang nagsalita. "Pero bakit hindi ka nagsasalita kanina nung tinatawag kita?" Natigilan ako ng halikan niya ang pisngi ko. Parang bigla akong na-blanko. "Pupunta nga pala ngayon rito ang doctor mo at kukunin ang x-ray mo." Napatango ako at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Bigla-bigla naman kasi siyang nanghahalik. "Hey, are you okay?" Bakas sa tono niya ang panunukso kaya ngumiti ako at tumango. "A-ah, ayos lang ako. Inaantok pala akong muli." Humikab ako kunwari at pumikit ako. Narinig ko ang halakhak niya kaya binaon ko ang mukha ko sa unan at napangiti ako sa kilig. Oh my god. Nakakainis siya. Bakit ba niya ako tinatrato ng ganito? May gusto ba siya sa akin? Pero ayokong isipin na gano'n nga. Baka mamaya ay hindi naman pala. Narinig ko na bumukas-sara ang pinto at naramdaman ko na may mga yapak na pumasok. "Mr. Ford, kailangan na namin siyang e-x-ray." "Sure, Doc.." Tugon ni Deo sa doctor ko. Naramdaman ko na gumalaw ang hinihigaan ko kaya napaangat ako ng mukha. "Saan niyo ako dadalhin?" "Sa x-ray room, Miss Evangelista. Don't worry, saglit lang tayo at babalik rin tayo sa jowa mo." Agad akong umiling at pinamulahan ata ako ng pisngi sa sinabi ng babae. "Ah, hindi ko siya jowa o boyfriend. Ano ko siya...friend." "Ah, akala namin ay boyfriend mo. Edi p'wede pa pala kami sa kanya." Napasimangot ako ng kiligin sila ng sabihin nila iyon. Dapat pala ay hindi na ako sumabat at hinayaan ko na lang na isipin nila na may relasyon kami ni Deo. Matapos na ma x-ray ako ay binalik na muli nila ako sa room ko daw. Narinig ko na nakikipag-usap si Deo sa Doctor. "Ah, Doctor, p'wede na po ba akong tumihaya?" "Yes, you can." tugon nito sa akin. Kaya susubukan ko sana na mahiga ng may humawakan sa baywang at braso ko. "Okay, tulungan kita." sabi ni Deo. Kaya napangiti ako at tinulungan niya ako na makahiga ng maayos sa kama. Nang tuluyan na akong nakahiga ay tila guminhawa ang pakiramdam ko. "Salamat." "No problem.. Wait.." Bigla akong nahiya ng ayusin niya ang dulo ng suot kong hospital gown. Kinumutan niya ako dahil hindi man lang naibalik ng mga nurse ang kumot ko. "Thanks." "Gutom ka na ba?" tanong niya at naramdaman ko ang paghawi niya sa buhok ko at bangs. "Ah, oo, eh.." "Okay. Kapag positive ang resulta ng x-ray mo ay lalabas na tayo at sa labas na lang tayo kumain." Ngumiti ako at tinaas ko ang isang kamay ko para mag-thumbs up sa kanya, pero nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko. "B-bakit?" tanong ko at napakagat ako ng labi ng mautal ako lalo pa't mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko gamit ng pareho niyang kamay. "Sorry for the trouble that I have done to you..." "A-ano ka ba. Wala nga sabi iyon." tumawa pa ako para magmukhang comfortable ako pero kumakabog ang dibdib ko dahil naramdaman ko ang maiinit niyang kamay na bumabalot sa kamay ko. "Hindi lang wala iyon. Dahil nakakatiyak ako na simula ngayon ay idadamay ka nila. Kaya kahit na anong mangyari ay poprotektahan kita. At sana ay mag-tiwala ka lang." Hindi ko maunawaan ang pinagsasabi niya pero tagos-tagusan ang senseridad ng boses niya habang sinasabi iyon. Wala naman akong duda sa sinabi niya, dahil pakiramdam ko kapag nasa tabi ko siya ay parang palagi akong safe. At kahit na ganito ang sitwasyon ko ay pakiramdam ko nagagawa ko ang lahat basta nasa tabi ko lang siya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, pero mag-titiwala ako dahil panatag ako na kasama ka." "Ano?" "Huh?" nag-init muli ang pisngi ko ng mabakasan ko ang pilyong tono sa boses niya, "Panatag ka kapag kasama mo ako?" "Ah, hindi, ano. Ang ibig kong sabihin---" Nanlaki ang mata ko at napatigil ako sa pagsasalita ng mawalan ako ng boses dahil sa labi niya na ngayon ay sumasakop sa labi ko. Hindi ako makagalaw sa kinahihigaan ko at para bang biglang umalis ang kaluluwa ko habang patuloy na sinasakop ni Deo ang labi. Nanginig ako at ang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin at para akong nalulunod sa kanyang mapang-akin na halik. Binitawan niya ang labi ko at pakiramdam ko ay nakuryente ako ng haplusin ng daliri niya ang labi ko. "Tama lang na mapanatag ka kapag nasa tabi mo ako. Dahil simula ngayon ay sinisiguro ko na palagi akong nasa tabi mo at nakabantay sa 'yo. Walang araw na hindi kita babantay. Dahil oras-oras ay bantay-sarado kita." hinaplos niya ang pisngi ko at hinawakan ang magkabilang mukha ko. "A-ano bang pinagsasabi mo?" naiilang kong tanong dahil parang may malalim na pinanggagalingan ang sinabi niya na kinakilabot ko. "Wala. Sinasabi ko lang na possessive ako sa lahat ng bagay at gusto ko na palagi ko iyon nababantayan dahil baka mawala. Ayoko nang mawalan muli, kaya dapat lang na pagbutihan ko." Hindi ako nakatugon at naiilang tuloy ako sa kanya. Palihim na nakahinga ako ng maluwag ng bitawan niya ang mukha ko. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang t***k ng puso ko at parang akong hihimatayin. Naghintay lamang kami ng pagbalik ng doctor para sabihin ang result, at maya-maya pa ay narinig ko na may nagpasukan sa kwarto. "Doc, maaari na bang lumabas si Lara?" "Yes, Mr. Ford. Pero dapat na ipahinga muna niya ang katawan sa bahay at 'wag masyadong gumalaw-galaw. At dapat na matutukan ang pag-alalay sa kanya para hindi ma-pwersa ang katawan niya.. Ang cast niya ay hindi ko muna tatanggalin, tsaka na kapag pakiramdam niya ay ayos na. Sa ngayon ay p'wede mo na siyang i-uwi, pero dapat na sundin niyo ang pinayo ko. At pagkatapos ng mga tatlong araw ay bumalik kayo rito para tignan kung talagang ayos na siya." Bilin ni Doc. "Okay, Doc. Salamat..." "No problem. It's my duty. Sige, mauna na ako at may pasyente pang naghihintay sa akin." Nakarinig ako muli ng mga yapak at pagbukas-sara ng pinto. At may yapak na lumapit sa akin. "Lara, kukuha lang ako sa nurse station ng wheel chair mo. Hintayin mo lang ako saglit." "Ah, sige..." Narinig ko muli ang paglayo ng yapak ni Deo at ang pagbukas-sara ng pinto. Napahinga ako ng malalim at napangiti ako. Napahawak ako sa labi ko dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang labi ni Deo sa labi ko. Kinikilabutan talaga ako kapag naalala ko ang tamis at mapang-angkin na halik niya na parang hindi niya nais na bitawan pa ang labi ko. Napatakip ako ng bibig ko at mahinang napatili ako sa kilig. Parang nanunuot sa katawan ko ang lahat. May gusto nga kaya siya sa akin? Bakit kasi palagi niya akong hinahalikan? Napahinga ako ng malalim. Nakarinig ako ng pagbukas-sara ng pinto hudyat na nand'yan na si Deo. "Nakakuha ka na ba ng wheel chair, Deo?" Naghintay ako na magsalita siya pero naramdaman ko lang ang paglapit ng isang presensya. "Nurse ako. May ipapaturok lang si Doc na gamot." Boses lalake. Kaya nurse na lalake siya. "Huh? Pero ayos na ako at idi-discharge na nga ako, e. Hindi na kailangan---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko. Napakuyom ako ng kamay at biglang nanghina ang katawan ko habang parang sinisilaban sa init ang katawan ko. "Handa ka na siguro para pagpyestahan ang katawan mo, Ms. Lara Evangelista. Tiyak na magwawala si Deo oras na malaman na nawawala ka. At 'yun ang gusto naming mangyari." Naririnig ko ang mga sinasabi niya at nais ko sanang magpumiglas ng buhatin niya ako ngunit mas tinatablan ako ng init ng katawan. Gusto kong maiyak sa takot. Hindi ko alam ang nangyayari sa katawan ko. Parang gusto kong hipuin ang katawan ko na hindi ko alam kung bakit. Please, Deo, save me! Save me, please...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD