Kabanata 5

3197 Words
KABANATA 5 DEAD THREAT Deo NILAGOK KO ANG alak habang malalim ang iniisip ko. Narito ako sa bar na palaging pinagtatambayan namin nila Cole. Mag-isa lamang ako at gusto kong mapag-isa. May gumugulo sa isip ko at iyon ay tungkol sa aksidenteng nangyari kay Kacey at Lara. "Pre, hindi ka man lang nag-aya." Bumaling ako sa kanan ko ng may tumapik sa balikat ko at nakita ko si Cole, Gin, at King. Napahinga ako ng malalim at tumingin sa baso ko na may lamang alak. Inalog-alog ko ang baso at hindi pinansin sila Cole. "Deo, kumusta ang revenge mo? Napaibig mo na ba?" Binaba ko ang baso sa counter at pinagsiklop ko ang mga daliri ko bago ko tinignan si Cole. "Hindi pa, pero malapit na." Ngumisi siya at tumango-tango bago kinuha ang alak na nilahad ng bartender. "Akala namin ay ikaw ang nahuhulog sa sarili mong patibong. Tila kasi hindi lang paghihiganti ang nangyayari, tila tinototoo mo na." Ngumisi ako at nilagok ang natitirang alak sa baso ko. "Hindi porket kaibigan kita ay alam mo na ang lahat ng pinaplano ko, Cole. Kaya 'wag mo akong turuan sa dapat kong gawin." Nawala ang ngisi niya kaya umalis na ako sa pagkakaupo sa high chair at iniwanan ko na sila doon. Umalis ako ng bar na malalim muli ang iniisip ko. Kinuha ko ang ear phone at pinasak sa tenga ko.. Tinawagan ko si Dad dahil may nais akong itanong sa kanya. "Yes, Son?" "Dad, may number pa rin ba kayo ng private investigator niyo? Tila pulpol ang nakuha ko." "Sino naman ang gusto mong ipahanap?" "Ako na ang bahala 'don, Dad. Kaya ko na kaya 'wag niyo na akong tulungan." Alam kong nakangiti ngayon si Dad. Siya mismo ang nagsabi sa amin na dapat kami na ang umayos ng sarili naming gusot. Gusto kong maging kagaya niya at ni Kuya, pero alam ko na marami pa akong kakaining bigas. "Okay, ise-send ko sa 'yo ang number. Just call me if you want my help, Son." "Sure, Dad. Thanks.." Inalis ko na ang ear phone sa tenga ko at pinatong ko ang braso ko sa gilid ng bintana habang napapahaplos ako sa labi ko. Bigla kong naalala si Lara. Alam ko na hindi dapat ako masyadong mapalapit sa kanya, pero habang tumatagal na nakikilala ko siya ay hindi ko maunawaan ang sarili ko. Napapalo ako sa manibela ng maalala ko kung gaano ko kagusto ang labi niya. Hindi ako dapat magpa-epekto doon dahil si Kacey lamang ang nagpaparamdam sa akin ng gano'n. Pero bakit sa babaeng iyon ay hindi ko maalis sa sistema ko? Tatlong araw na rin akong hindi nagpapakita---I mean nagpaparamdam sa kanya. Napaisip ako kung ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Damn! Of course, Deo, kung ano ang ginagawa niya noon, gano'n pa rin. Hindi mababago iyon dahil lamang nakilala ka niya. Hininto ko ang sasaktan malapit sa bahay ko. Pero hindi dahil malapit na ako, kundi dahil nakita ko na tila may hinahanap si Lara. Agad akong bumaba at lumapit sa kanya. Umiiyak siya at sinisigaw ang pangalan ng Dad niya. "Dad, alam kong nand'yan kayo. Bakit hindi kayo lumapit sa akin? Please, 'wag niyo po akong iwasan ng ganito!" Napatingin ako sa lalakeng tumingin kay Lara pero nang makitang nakatingin ako ay agad siyang sumakay ng kotse. Napatingin siya kay Lara at hindi siya umalis kundi sumakay lamang ng kotse habang nakatanaw kay Lara. Siya ang dad ni Lara.. Pero bakit ayaw niyang lapitan si Lara? Dahil ba sa nangyaring aksidente? Napatingin ako kay Lara na umupo at napatakip sa kanyang mukha habang umiiyak. Napalunok ako habang iniisip na pareho kami ng ama niya na sobra siyang sinasaktan. Lumapit ako kay Lara at naupo upang mapantayan siya. Inalis ko ang mga kamay niya na nakatakip sa mukha niya at pinahiran ko ang luha niya. Nabigla ako ng yakapin niya ako ng mahigpit tila ba sobra siyang nangungulila. "Dad, ikaw ba 'to?" humihikbi niyang tanong kaya napakagat ako ng labi dahil mali siya ng akala. "Hindi, Lara. Si Deo ito." Nang sabihin ko iyon ay unti-unting lumuwag ang yakap niya, pero binalik ko muli ang kamay niya sa pagkakayakap sa leeg ko at niyakap ko siya na walang pagpapanggap. Gusto ko ng yakap na binigay niya. Para bang lahat ng galit ko ay nawawala. Alam ko na hindi dapat ganito ang mangyari, pero masyadong inosente si Lara para saktan. Pinangko ko siya na kinatigil niya sa pag-iyak. Bukas ang gate ng bahay nila kaya lumakad ako papasok. "Ibaba mo na ako, Deo. Kaya ko naman." Hindi ako nagsalita at tuloy-tuloy lamang ako sa pagpasok. Nakita ko ang kasambahay niya at sinenyasan ko ito na 'wag nang lumapit pa. Dumeretso ako sa alam kong kwarto niya. At pagpasok ko ay lumapit ako sa kama niya at hiniga siya doon. Uupo sana siya pero pinigil ko siya sa noo niya at muli ko siyang pinahiga. "Matulog ka na at bukas ay may pupuntahan tayo." "Saan?" Napangiti ako at tumayo ng maayos habang tinignan ko siya. Napahinga ako ng malalim. Kacey, patawad... Hindi na ako ito. Hindi na ako ito kung patuloy kong paghihigantihan ang kagaya niya. Nabulag siya dahil sa kagagawan niya, pero tinatanggap niya ang pagkakamali niya. Sana ay mapatawad mo ako kung hindi ko na magagawa ang pangako ko. Umalis ako ng bahay nila Lara at binalikan ko ang sasakyan ko, pero napahinto ako ng may mapansin akong papel na nakadikit sa harapan ng salamin ng kotse ko. Kaya agad kong kinuha ito at binasa ang nakasulat. MAGKAMALI KA LANG NG DESISYON, TUMBA KA. Nilamukos ko ang papel at tumingin ako sa paligid. Akala naman niya matatakot ako sa banta niya. Lumapit ako sa tapat ng gate ko at binuksan para makapasok ang kotse ko. Tumingin muli ako sa paligid bago sumakay sa kotse ko at pinaandar papasok sa bahay. Alam niya ang lugar ko at alam ko na alam niya ang plano ko. Kinuha ko ang cell phone ko at nakita ko na ang number ng private investigator ni Dad. Agad ko itong tinawagan at ilang saglit lang ay sinagot na nito. "Yes, Hello?" "I'm Dimitri's son Deo." "Oh, Sir. Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" "May ise-send akong picture at hingin mo rin ang cctv ng street ng Guillermo west village street." "Copy, Sir." Binaba ko na ang tawag at napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Oras na malaman ko lang kung sino ka, hindi ako magda-dalawang-isip na patayin ka. Bumaba ako ng kotse at maglalakad na sana ako papasok ng bahay ng mapatingin ako sa veranda ni Lara. Kailangan ko siyang bantayan, dahil kasama na siya sa target ng kung sino man ang nagpadala ng dead threat sa akin. - Lara MAAGA AKONG GUMISING at nag-ayos ng sarili para paghanda ang lakad namin ni Deo. Hindi ko mapigilan na mapangiti kapag naiisip ko na mamamasyal kami. Kagabi ay sobra ang lungkot ko dahil kay Dad. Alam ko na nasa paligid siya ng mga oras na iyon. Gano'n ba talaga katindi ang galit niya sa akin kaya ang lapitan man lang ako ay hindi niya magawa? Mabuti na lamang at nariyan si Deo na siyang nagpaalis ng lungkot ko. Tatlong araw ding hindi nagpaparamdaman sa akin si Deo at akala ko ay iniiwasan niya ako dahil sa nangyari noong isang araw. Mabuti na lamang at nagparamdam siyang muli at ngayon ay may lakad pa kami. "Lara, nariyan ulit si Deo. May lakad ba kayo?" Lumingon ako kung nasaan ang boses ni Ate Lourdes. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama ng malaman ko na nariyan na pala si Deo. "Oo, Ate. Inaaya niya kasi ako." "Inaaya? May something na ba sa inyo at inaaya ka niya?" Hindi ko mapigilan na pamulahan sa panunukso ni Ate Lourdes, pero hindi ko pinahalata na naapektuhan ako. "Ano ka ba, Ate. Friends lang kami at inaaya niya lang ako dahil gusto niya na makalanghap ako ng sariwang hangin." "Okay pero nagpaalam ka ba kay Madam? Baka mamaya ay magpunta iyon dito at maabutan na wala ka. Ayokong mapagalitan, Lara." "Hindi pa ako nagpapaalam, Ate, pero 'wag kang mag-alala hindi pupunta ngayon si Tita dahil tuwing makalawa pa iyon dumadalaw rito." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya tila ba nakahinga siya ng maluwag. Napangiti ako at kinapa ang dadalhin kong sling bag. "Ah, Ate, ayos lang ba ang suot ko?" "Oo naman. Cute ka d'yan." Napanguso ako dahil hindi iyon ang nais kong image. Nakakainis naman! Akala ko mukha na akong sexy. Hindi ko na lang pinansin si Ate Lourdes at hinawakan ko ang tali ni Saver na nilagay niya sa kamay ko. Isasama ko kasi si Saver para naman hindi na maging awkward muli kapag kami lang ni Deo. Pagbaba ko ay langhap na langhap ko kaagad ang pabangon ni Deo. Napangiti ako habang lumalakad ng kinseng hakbang. "You're so pretty, Lara." Napahawak ako sa bangs ko para maalis ang hiya ko sa papuri niya. Naramdaman ko ang presensya niya at nanigas ata ako sa kinatatayuan ko ng gumapang ang kamay niya sa baywang ko. "Let's go." Tumango ako kahit na kinikilabutan ako sa paghawak niya sa baywang ko. Napahinto ako ng kunin nyya sa akin ang tali ni Saver. "Kailangan ba nating isama itong aso mo?" "Ah, oo sana. At kung p'wede sa 'yo, Deo? Nagtatampo na kasi si Saver kapag iniiwan ko siya." "Masyado mo palang ini-spoiled." Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse at inalalayan ako ni Deo na pumasok. Nang makaupo ako ay sinara na niya ang pinto, narinig ko na bumukas ang pintuan sa backseat. "D'yan mo ba ilalagay si Saver?" "Oo, para hindi maglikot." Napangiti ako at napapisil ako sa daliri ko dahil napakabait talaga niya. At gaya ng sabi ni Ate Lourdes ay gwapo daw si Deo. Napaka-perfect naman niya. Parang nais ko tuloy makita ang mukha niya. Nawala ang ngiti ko dahil hindi nga pala p'wede. Hindi na p'wede ang katulad kong makasalanan na makita ang mga nasa paligid ko. "Oh, bakit tila ka nalungkot?" Umiling-iling ako at ngumiti para ipakita sa kanya na hindi ako malungkot. Nabuhay ang makina ng kotse at kinabitan niya ako ng seatbelt. "Wala, masaya ako, Deo." "Mabuti naman. Dahil kapag kasama mo ako ay dapat na palagi kang nakangiti." Tumango ako at humawak sa seatbelt ng umandar na ang kotse. Tumahol si Saver kaya napangiti ako. Hindi pa siya sanay lalo't ngayon niya lang nasubukang sumakay sa kotse. "Matagal na ba 'yang aso mo sa 'yo?" tanong ni Deo. Napangiti ako sa tanong niya. Ito ang unang beses na may magtanong na ibang tao. "Hmmm, tatlong taon na siya sa akin." "Tatlong taon?" naguguluhan ang kanyang tono kaya ngumiti ako. "Oo, tatlong taon na.. Siya 'yung aso na kamuntikan ko nang masagasaan noon, pero siya rin 'yung aso na sinagip ako." "Paanong sinagip? 'Di ba tuta palang siya noon?" Tumango ako at napahinga ng malalim. "Sabi ni Tita, 'yung mga rumescue sa insidente three years ago ay 'yung nabiktima ko lang ang napansin. Hindi nila napansin na may tama rin ako no'n. Kaya nang tumahol si Saver ay napansin ng mga tao na nag-aagaw buhay rin ako. Kaya ng makaagaw pansin si Saver doon lamang ako nasagip." Ngumiti ako at hinintay ko na magtanong pa siya, pero tumahimik na siya na kinataka ko. May nasabi ba ako na nakaka-offend sa kanya? "Deo, bakit natahimik ka?" "Wala, may naisip lang ako." Tumango ako at lihim na nakahinga ng maluwag dahil akala ko ay na-offend ko siya. "Sorry, Lara." Napabaling ang ulo ko kung saan alam ko kung nasaan siya. Napakuno't-noo ako kung bakit siya nag-so-sorry? "Bakit ka nag-so-sorry?" "Basta, gusto ko lang mag-sorry sa nagawa ko sa 'yo...nung una." Ngumiti ako at kinaway ko ang dalawang kamay ko para ipahiwatig na wala na sa akin iyon. "Wag mo nang alalahanin iyon. Ayos na 'yun. Gano'n lang talaga kapag unang encounter palang natin." Huminto na ang sasakyan kaya pinakiramdaman ko siya. "Nandito na tayo." "Saan?" Hindi niya muli ako sinagot at narinig ko na lang ang pagbukas-sara ng pintuan sa side niya. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto sa side ko at naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. Inalalayan niya ako sa pagbaba at nang makatapak sa lupa ang mga paa ko ay sinara na niya ang pinto. Narinig ko muli ang pagbukas ng pinto at nang marinig ko ang pagtahol ni Saver ay napangiti ako. Pinakiramdaman ko ang paligid at marami akong naririnig na boses at iba't-ibang bagay. "Nasaan tayo? Bakit marami akong naririnig na mga boses ng mga bata?" Napahalakhak siya at naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko na kinainit muli ng pisngi ko. Mahigpit iyon. Kaya nako-concious ako. "Narito tayo sa park." Inakay niya ako kaya napasunod lang ako. Marami na akong naririnig na nagsisigawang mga bata na natutuwa sa kanilang paglalaro. Napangiti ako at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng dalhin ako rito ni Deo. Ngayon ko na lang muli naramdaman ang kasiyahan sa parke. Salamat sa kanya. Binitawan niya ang kamay ko at pinaupo niya ako sa isang upuan. "Hintayin mo ako rito at kukunin ko lang ang dala kong pagkain." "Talaga? May dala kang pagkain?" "Oo. Heto si Saver." Binigay niya sa akin si Saver kaya hinawakan ko at nilagay sa kandungan ko. Tila umalis na siya dahil hindi ko na siya maramdaman pa. Hinaplos ko ang balahibo ni Saver habang nakikinig ako sa mga batang naglalaro malapit sa paligid ko. "Ate, Ate, ang ganda ng dog niyo." Napangiti ako ng may marinig akong mga boses ng mga bata na malapit sa akin. "Oo, alaga ko kasi siya." "P'wede po bang pahawak kami?" Ngumiti ako at tumango. Tinaas ko ang kamay ko para hanapin kung nasaan ang batang nagtanong. "Eh, bulag po kayo?" Napatigil ako sa paghahanap ng may magsabi no'n. "Hindi, ano," "Sige nga po, kung hindi kayo bulag, ilan po ito?" Napalunok ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang sinasabi niya. "Dalawa." "Eh, bulag nga kayo! Bulag! Bulag!" "Hoy! Doon nga kayo!" narinig ko na hiniyawan ni Deo ang mga bata kaya narinig ko ang takbuhan ng mga ito. Napayuko ako at napahaplos kay Saver, "Sinaktan ka ba ng mga batang iyon?" Ngumiti ako at nag-angat ng tingin bago umiling. "Ayos lang ako. Dapat hindi mo na sila pinagalitan." "Hindi dapat gano'n ang inaasal ng mga bata iyon. Tama bang asarin ka nila sa sitwasyon mo?" Napayuko ako dahil sa galit niyang tono. Napahinga siya ng malalim at naupo sa tabi ko. "Gutom ka na ba?" tanong niya kaya tumango ako. Naramdaman ko ang pagbukas ng plastick at kinuha niya ang kamay ko. May pinahawak siya sa aking malambot at mainit-init pa. "Ano 'to?" "Burger." Napatango ako at dinala ko sa bibig ko ang burger. Kumagat ako at nalasahan ko ang palaman na chicken na may kasamang iba't-ibang klaseng gulay. "Ang sarap.." "Mabuti at nagustuhan mo 'yan. Gawa ko 'yan." Lalo akong napangiti at mas sinarap ko ang kain sa burger dahil hindi ko akalain na makakain ako ng gawa niya. Pagkatapos naming mag-meryenda ay nagpababa lang kami ng kinain. "Tara, mag-bike tayo." aya niya at hinawakan ako sa kamay. "S-sure ka ba sa sinasabi mo?" Itinayo niya ako at hinawakan sa baywang. Parang napapadalas ang pagpulupot niya sa akin. Naiilang tuloy ako. "Oo naman. Kasama mo naman ako." aniya at hinila na ako. Pero huminto ako kaya huminto rin siya. "T-teka--- si Saver.." "Don't worry, pinabantay ko siya sa guard na nagbabantay ng parke." Tumango ako sa kanya at nagpatiunod. Pinapakiramdaman ko lang ang paligid hanggang sa huminto kami at binitawan niya ako. Kinabahan ako dahil bigla siyang umalis sa tabi ko. "Deo, saan ka pupunta?" Tinaas ko ang kamay ko para hanapin kung nasaan siya. Pero nang may humawak sa kamay ko at likod ko at nang maamoy ko ang mabangong pabango ni Deo ay nawala ang kaba ko. "Sumakay ka rito at aalalayan kita." "Ha? Hindi ko alam kung paano?" Hinawakan nyya ako muli sa baywang at nilapit ako sa isang bagay. Nang mahawakan ko ay alam kong bike ito. "Itaas mo kaunti ang paa mo." aniya kaya kahit nahihiya ako sa ginawa ko. Mabuti na lamang at nakapantalon ako, kaso puti nga lang. Hinawakan niya ang binti ko at naramdaman ko na sumayad ang binti ko sa bike. "Okay, maupo ka na sa upuan." hinanap ko kung nasaan ang balikat niya at humawak ako doon bago ako kinakabahan na umapak sa pidal ng bike. Naupo ako at biglang napakapit mariin sa kanya. "Deo, hindi ako marunong mag-bike. Baka mahulog ako." "'Wag kang mag-alala. Trust me, hindi kita pababayaan." Nang sabihin niya iyon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob. Umayos ako ng upo sa bisikleta at nang ipahawak niya sa akin ang manibela ay kinabahan ako dahil medyo gumalaw ito. "Relax, hindi kita bibitawan, kaya 'wag kang matakot." Huminga ako ng malalim at tumango. Naramdaman ko na inumpisahan niyang paabantihin ang bisikleta. "T-teka---" "Gamitin mo ang mga paa mo para ipidal ang bike." Kaya gaya ng sinabi niya ay ginawa ko. Nangangatog ang kamay ko habang umaandar ang bike, pero sinisikap ko na ayusin para hindi na mahirapan si Deo sa akin.. Kaya habang patagal ng patagal ang pagba-bike ko ay nagugustuhan ko na at wala na ang kaba ko. "Deo, marunong na ako, kaya ko ng mag-bike." "Oo nga. Gusto mong bitawan na kita?" "Ah, 'wag na. Hinto na tayo at ayos na ako sa pagba-bike." "Okay." Tinigil ko na ang pagpidal at hinawakan niya ang bike kaya bumaba ako. "Stay here, ibabalik ko lang ang bike." Tumango ako at ngumiti sa kanya. Napapaypay ang kamay ko sa mukha ko dahil pinagpawisan rin ako sa pagba-bike. Nakakahiya kay Deo baka amoy pawis na ako. "Lara!!!" Napatigil ako sa pagpaypay ng kamay ko ng marinig ko ang sigaw ni Deo. Napadaing ako ng may bumunggo sa akin. Napabagsak ako sa lupa dahil sa lakas ng impact. Agad na may dumalo sa akin pero panay ang daing ko sa balakang dahil sumakit iyon dahil iyon ang mas naapektuhan. "Lara, are you okay? Damn. Alam kong hindi ka okay..." "D-deo, ang sakit.." napahawak ako sa kamay niya dahil ang sakit talaga. Parang napilayan ako. "Bullshit!" maingat na pinangko niya ako kaya napahawak ako sa leeg niya habang napapangiwi ako dahil nahawakan niya ang balakang ko, "Konting tiis lang, Lara. Dadalhin kita sa hospital." Hindi na ako tumugon sa kanya at pumikit lamang ako habang iniinda ang sakit. - Someone's POV "NAGAWA MO BA?" "Nagawa ko na, Leader." Ngumisi ako habang nakatingin sa dart na hinagis ko at tumama sa pulang bilog. Binaba ko na ang tawag at napatingin ako kay Saphire na lumapit sa akin at humawak sa leeg ko. "Good news?" Tumango ako at hinawakan siya sa baywang habang nakatingin sa labi niya. "Yes." Sinakop ko ang labi niya habang iniisip ang tiyak na pag-aalburuto ni Deo. Una palang iyan, Deo, dahil nagsisimula palang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD