Kabanata 4

3782 Words
KABANATA 4 I LIKE YOU Lara "GUSTO MONG MAMASYAL sa ibang lugar?" Matapos kong mag-emote sa pagtugtog gamit si Sexy ay biglang nagsalita si Deo na hindi ko namalayan na nakikinig pala siya. "Huh?" Napahalakhak siya kaya binaba ko si Sexy sa kinauupuan ko at tumayo ako. Lumakad ako palapit sa harang ng veranda at tinukod ko ang braso ko sa pasimano. "Hmmm, gusto mo bang mamasyal sa ibang lugar?" "Sa ibang lugar? Saan naman 'yun?" "Basta.. Ano, sama ka?" Napaisip ako. Baka hanapin ako ni Ate Lourdes at sabihin pa niya kay Tita Pia kung sakali. "'Wag kang mag-alala, saglit lang tayo." Dahil sa pamimilit niya ay napasama ako. Inabangan niya ako sa harap ng gate ng bahay ko. Nais ko sanang isama si Saver, pero sabi niya ay 'wag na daw dahil baka mahirapan lang daw ako. Kaya inalalayan niya ako dahil sasakay daw ako sa kotse niya. Naupo ako ng makapasok ako sa loob ng kotse niya at naramdaman ko ang pagsara ng pinto sa side ko. Pinakiramdaman ko ang paligid at maya-maya ay narinig ko muli ang pagbukas ng kotse at naramdaman ko ang presensya ni Deo na sumakay. Sinara niya ang pinto at pagkatapos ay napaidtad pa ako ng maramdaman ko ang paglapit ng katawan niya sa akin. "Seat belt." bulong niya at nang makabit niya ang seat belt ay lumayo na siya na kinahinga ko ng maluwag, "'wag ka nang mailang sa akin, Lara." Agad akong umiling at humarap ako ng upo kung saan alam kong nasaan siya. "H-hindi ako naiilang. Nabigla lang ako." "Akala ko ay naiilang ka pa rin. Mabuti naman at hindi na, para mas lalo tayong magkakilala." Tumango ako at ngumiti sa kanya. Umayos ako ng upo ng maramdaman ko ang pagbuhay ng kotse. Maya-maya pa ay umandar na ang kotse. Dahil nakakailang ang katahimikan kaya naglakas-loob ako na mag-umpisa ng usapan. "Deo..." "Hmmm?" Napahawak ako sa seat belt at hindi ko alam kung dapat ko bang itanong ito. Nakakahiya. "Ano... Gusto ko lang itanong ang lahat sa 'yo. Parang getting to know each other ba.." Hindi siya nakatugon agad sa akin kaya kinabahan ako at nahiya dahil baka masyado naman akong makatanong. "Ah.... Okay lang kung hindi mo sagutin." "Hindi, sasabihin ko sa 'yo para naman hindi ka magduda sa akin." Sagot niya. Napalunok ako at tumango. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil hindi siya nagalit. "Twenty-two years old na ako." "Oh, kaedaran pala kita." natutuwa kong bulalas. Napaasik siya kaya tumikom ang bibig ko. "Ang pamilya ko ay nakatira sa isang isla. Graduate na rin ako sa kursong business management." "Hmmm, wala ka bang asawa o girlfriend? Kinakabahan tuloy ako ngayon baka magalit ang girlfriend mo dahil kasama mo ako." biro ko. "I...don't have." Nakahinga ako ng maluwag at napangiti dahil wala naman pala akong dapat na ipangamba na baka may susugod na lang sa akin bigla. Pero grabe ang bagal niyang tumugon. Parang hindi siya sure. "Ikaw, may boyfriend ka ba?" Umiling ako at feeling ko ay nag-blush ako sa tanong niya. "Wala. Wala pa.." "Wala pa?" bakas sa boses niya ang pagtataka kaya matinding iling ginawa ko. "Ang ibig kong sabihin ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend kailanman." "Good." Ibig kong mapangiti sa sinabi niya. 'Good?' Anong ibig niyang ipahiwatig doon? Parang ang dating sa akin ay mabuti at wala akong boyfriend.. "Anong Good?" "Good.. Because I like you." Napalunok ako at mas napapisil ako sa daliri ko dahil hindi ko inaasahan ang mabilis niyang pag-amin. Tama ba ang narinig ko? Gusto niya ako? Pero kakakilala palang namin.. Tumawa ako para mawala ang ilang ko. Bigla ring nagtaasan ang balahibo ko dahil ngayon palang ako nakarinig ng may nagsabi sa akin ng gano'n. "Ang galing mo palang mag-joke." "Hindi biro 'yon. I like you, Lara." Nawala ang tawa ko at napalunok ako habang hindi ko alam ang ire-react ko. "A-ano... Sure ka ba sa sinasabi mo? Ako? Gusto mo agad? Parang hindi naman kapani-paniwala iyon.." Naramdaman kong huminto ang sasakyan.. Dahil naka-focus ang isip ko sa sinabi niya ay hindi ko namalayan na matagal na pala kaming lulan ng sasakyan. Napabaling ang ulo ko sa kanya ng marinig ko ang pagbukas-sara ng pinto mula sa kinapuwestuhan niya. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto sa gilid ko at napakislot ako ng hawakan niya ako sa braso. Para akong na-kuryente bigla sa hawak niya, pero hindi ko pinahalata at bumaba ako habang nakaalalay siya sa akin. "Move forward.." utos niya kaya humakbang ako habang inalalayan niya ako. Pinahinto niya ako at hinawakan niya ako sa balikat para isenyas sa akin na maupo ako, kaya ginawa ko. Pagkaupo ko ay naramdaman ko rin ang pag-upo niya kaya pasimpleng dumistansya ako dahil naging awkward tuloy ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. "Ano nga ulit ang tanong mo kanina?" Napakagat ako ng labi at napakutkot ako sa kuko ko habang nakayuko. Kung nakikita ko siya ngayon ay nakikita ko na nakangiti siya ng mapang-asar, pero baka naman hindi. Pero kasi, base sa tono niya ay parang pilyong tono ang nababakas ko sa pagkakatanong niya. "A-ang sabi ko, ano ba 'yung sinasabi mo kanina?" "Ah... 'Yung gusto kita?" Naiilang ako sa tono niya. Pakiramdam ko tuloy ay nag-init ang pisngi ko. "Hmmm.. Gusto kita....bilang bagong kakilala at kaibigan na rin." Bagong kaibigan lang pala. Ano ba 'to! Masyado pala akong assuming! "Ah, gusto din kita bilang kakilala at kapitbahay.." ngumiti ako pero hindi ko alam kung anong ngiti ba ang ginawa ko. Sana ay hindi niya nahalata ang naging reaksyon ko. "But you're so pretty, Lara." bigla nyanyg sabi. "Ah, hindi naman." humawak ako sa pisngi ko dahil hindi ko talaga mapigilan na mag-init iyon dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko ang paglapit niya kaya napalunok ako at napayuko. Napaidtad ako ng akbayan niya ako. "Maganda ka. Actually ang katulad mo ang mga type ko." bulong niya na kinailang ko. "Ah, ano, kasi..." hinawakan ko ang kamay niya para alisin sa balikat ko. Baka isipin nito na easy-to-get ako. Pero inalis din naman niya. "Pero curious lang ako kung bakit ka nabulag? Since birth na ba 'yan?" Bigla ay natahimik ako sa tanong niya. Sa lahat ng bagay ang dahilan ng pagkabulag ko ang hindi ko nais na pag-usapan pa, pero talagang hindi maiiwasan ang gano'ng tanong. "'Wag mo nang sagutin kung na-offend kita." Kinaway ko ang dalawang kamay ko para ipahiwatig sa kanya na ayos lang. "Hindi, ayos lang.. Tutal ay pinakilala mo naman ang sarili mo sa akin, kaya sasabihin ko rin ang ibang detalye sa buhay ko." "Okay... So, ano nga nangyari at nabulag ka?" Napahinga muna ako ng malalim at napasiklop ako ng mga kamay. Sinandal ko ang likod ko sa upuan at nilanghap ang hangin. Pakiramdam ko ay malapit kami sa bangin kaya malinis na hangin ang nalalanghap ko. "Nabulag ako sa isang aksidente three years ago. Galing ako sa isang music museum para sa isang international contest, at pauwi na ako no'n gamit ang dalang kotse ng daddy ko. Habang binabagtas ko ang daan ay nagulat ako ng may tuta na biglang tumawid, kaya bigla kong kinabig ang manibela at hindi ko na sinasadya ang nangyari..." napayuko ako at nangilid ang luha ko, "Bumangga ako.. May nakita pa akong babae no'n na tila mababangga ko, pero hindi ko na alam ang nangyari dahil bigla na lang nagdilim ang paningin ko." "Kung gano'n ay anong nangyari sa babae?" Bakas sa boses niya ang pagkadiin tila ba may galit sa tono niya, pero hindi ko na pinansin dahil baka nagkakamali lang ako. "Sa pagkakaalam ko ay namatay siya." "Namatay siya?" tumawa siya ng pagak, "Eh, ikaw? Napagbayaran mo na ba ang kasalanan mo?" sarkastikong tanong niya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nauuyam ang tono niya? At talagang galit ang boses niya. "Pinagbayaran ko naman. Ngayon ay bulag na ako." Hindi siya nakaimik ng matagal. Kaya nagtataka ako kung bakit? "Tingin mo ay sapat na ang pagkabulag mo para sa buhay na kinuha mo? Mabuti at nakaligtas ka sa batas." "Nakaligtas ako sa batas dahil ginawan ni Daddy ng paraan para masalba ako." Nabigla ako ng haklitin niya ang braso ko. Napakadiin ng pagkakahawak niya. "Nasalba ka pero may ibang nag-sakripisyo dahil sa kapabayaan mo!" Hinawi ko ang kamay niya, pero masyadong matinag, ayaw niyang bitawan ang braso ko. "Oo, alam ko na kasalanan ko lahat! Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng buhay na kinuha ng dahil sa akin! Kaya nga hindi pa ako nagpapa-opera dahil ayoko nang makakita muli para makabawi ako sa kasalanan ko!" lumuwag ang pagkakahawak niya kaya lalo akong napahagulgol, "Akala mo ba ay masaya ako ngayon? Hindi! Dahil sa nangyaring aksidente ay namatay ang mommy ko. Tapos si Daddy ay hindi na muli nagpapakita sa akin. Sinusustentuhan niya lang ako at ang Tita ko lang ang laging humaharap sa akin. Sa buong tatlong taon ko bilang bulag ay kinaya ko na tumayo sa mga paa ko kahit wala ni isang sumusuporta sa akin. Meron man, pero hindi iyon sapat dahil mas kailangan ko ng kalinga ng Daddy ko... Kaya sabihin mo, hindi pa ba sapat iyon? Alam mo na hinihiling ko na sana ay namatay na lang ako para takasan ang nangyayari ngayon, pero ewan ko kung bakit hindi pa nangyari iyon. Siguro ay para maramdaman ko ang karma na babalik sa akin." Hindi siya umiimik kaya nagpahid ako ng luha at tumayo. Humakbang ang mga paa ko para umalis. Sana pala ay dinala ko si Saver para kahit papaano ay makakauwi ako kahit hindi na sumabay kay Deo. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit. Pero hindi naman maganda na sisigawan niya ako. Akala ko pa naman ay mabait talaga siya at kaibigan ko na, pero tila nakakamali talaga ako ng pagkakaakala. Napatigil ako sa paglalakad ng may pumigil sa braso ko. Hinawi ko ang kamay nito pero hinila niya ako paatras. "Bitawan mo nga ako!" "Gusto mo bang mahulog sa bangin?!" Natahimik ako sa sigaw niya. Malay ko ba na mahuhulog ako, hindi naman niya sinabi agad. "Bakit ba nagagalit ka? Parang sa reaksyon mo kasi sa sinabi kong nangyari sa pagkabulag ko ay parang ikaw ang mas naging apektado." Binitawan niya ang kamay ko at narinig ko ang pagsipa niya na hindi ko alam kung ano ba ang sinipa niya. Napahinga siya ng malalim at naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko para iharap ako sa ibang dereksyon. Hindi niya sinagot ang tanong ko at hindi siya umimik hanggang sa makasakay kami ng sasakyan. Puno ng katahimikan ang paligid namin habang lulan na muli kami ng sasakyan pauwi. Paghinto ng sasakyan ay alam ko na narito na kami sa amin. Ako na ang kusang nagbukas ng pinto at bababa na sana ako ng pigilan niya ako sa braso. "Sorry... Nadala lang ako." Tumango ako kaya lumuwag na ang hawak niya. Tuluyan na akong bumaba at sinara ang pinto ng kotse niya. "Lara! Diyos ko! Mabuti at nandito ka na. Saan ka ba galing at sino ang kasama mo?" si Ate Lourdes iyon na agad na humawak sa braso ko. "Sumama lang ako sa kaibigan ko. Pasensya at hindi ako nakapagpaalam sa 'yo." Napahinga siya ng malalim at inalalayan na ako patungo sa bahay namin. "Mabuti at hindi ko pa natatawag kay Madam na nawawala ka. Saan ka ba nagpunta at kilala mo ba ng lubos ang sinamahan mo?" "D'yan lang. At wala namang nangyari sa akin, Ate, kaya 'wag kang mag-alala... Salamat na rin at hindi mo sinabi kay Tita." "Oh, siya, siya. Kumain ka na alam ko na gutom ka na." Ngumiti lang ako ng pilit habang nasa isip ko pa rin ang naging behavior ni Deo. May something na pinanghuhugutan niya kaya gano'n na lang naging galit niya ng hindi ko pinanagutan sa batas ang naging kasalanan ko. - KINABUKASAN AY NAGISING ako sa tili at pagyugyog sa akin ni Ate Lourdes. Inaantok na bumangon ako at niyakap ko ang unan habang pilit kong idinidilat ang singkit kong mga mata. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi, dahil sa kakaisip ng maaaring maging dahilan kung bakit gano'n na lamang ang reaksyon ni Deo. "Bilis, Lara! Bumaba ka na." "Bakit ba, Ate Lourdes? Inaantok pa ako, e." "May bisita ka sa sala. Ang gwapo niya, Lara. Ang bango-bango pa." Dahil sa sinabi niyang mabango ay biglang nagising ang diwa ko at ang pikit kong mga mata ay biglang dumilat. "Teka, Ate. Tulungan mo nga ako na ihanap ng isusuot. Maliligo muna ako." Bumaba ako ng kama ko at natatarantang sinuot ko ang tsinelas ko kung saan ko hinubad. "Bakit mag-aayos at maliligo ka pa? Ayiiieee! Kilala mo siguro ang nasa sala at may crush ka do'n." Napatigil ako sa pagpunta sa banyo sa sinabi ni Ate Lourdes. Tila nag-init ang pisngi ko kaya umiling-iling ako. Humarap ako kung saan alam ko kung nasaan si Ate Lourdes. "Bakit masama bang mag-ayos? Baka amoy tulong laway pa ako." "Ewan ko sa 'yo. Ayos naman kung hindi ka maayos dahil maganda ka pa rin. Pero ang pinagtataka ko, bakit mag-aayos ka pa? Bakit kapag ako ay hindi ka nga naliligo agad?" Bakas sa boses ni Ate Lourdes ang panunukso pero hindi ko na siya tinugunan at dumeretso na ako sa banyo. Madali akong naligo pero sinikap ko na maayos ang paliligo ko. Baka mainip si Deo sa paghihintay kaya dapat ay bilisan ko pa rin ang kilos ko. Pagkatapos ay lumabas ako ng banyo at sinuot ang hinanda ni Ate Lourdes. Sa pagpahid ng anong powder sa mukha ko ang pinagtuunan ko, pati na rin ang paglalagay ng lipbalm sa labi ko. Nang alam kong ayos na ako ay umalis na ako sa harap ng salamin. Naramdaman ko ang pagkiskis ng balahibo ni Saver sa akin kaya naupo ako at binuhat siya. Tumayo ako at hinaplos ang balahibo niya habang lumalakad na ako palabas. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan dahil hindi naman ako maaalalayan ni Saver dahil hindi ko na nakabit ang tali niya sa leeg. Dalawang baitang na lang sana ang hahakbangin ko ng madulas ako na kinakaba ko. Napapikit ako at pinakiramdaman ko ang sakit ng idudulot ng pagkabagsak ko pero may bisig na bumalot sa katawan ko na inalalayan ako para hindi ako bumagsak. "Ayos ka lang?" Tila nag-init na naman ang pisngi ko at nagtayuan ang balahibo ko ng tumama ang mabangong hininga ni Deo sa pisngi ko. Shocks! Magkalapit lang kami ng mukha at yakap-yakap niya kami ni Saver. "Ahem!" Agad na umayos ako ng tayo ng marinig ko ang pagtikhim ni Ate Lourdes at impit na tili nito. Inalalayan naman ako ni Deo sa pagbaba at tsaka ako binitawan. "Lara, tagal mo nang pina-practice ang pagbaba ng hagdan at kabisado mo naman na ang bawat hakbang, natapilok ka pa rin?" Gusto kong suwayin si Ate Lourdes sa pang-aasar niya. Pero narinig ko ang halakhak ni Deo na kinainit lalo ng pisngi ko. "Ayos lang iyon, Manang. May bagay talaga na hindi napaghahandaan." Ibig kong matawa ng tawagin ni Deo si Ate Lourdes na 'manang'. "Heh! Bahala ka na nga sa alaga ko at igagawa ko lang kayo ng maiinom." Narinig ko ang yapak ni Ate Lourdes na palayo sa amin kaya nailang ako ng kami na lang ang naiwan ni Deo. "Ah, bakit ka nga pala narito?" lumakad ako ng mga kinseng hakbang bago marating ang sofa. Naupo ako sa inuupuan ko at naramdaman ko rin ang pag-upo niya. "Gusto lang kitang makita." Nagbara ang lalamunan ko sa sinabi niya. God, Lara. Wala lang iyon kaya 'wag kang assumera. "Bakit naman? Kahapon ay tila ka naman galit sa akin?" Nanigas ata ako sa kinauupuan ko ng hawakan niya ang kamay ko na nasa kandungan ko. "Sa nangyari nga pala kahapon, I'm sorry. Medyo masama lang ang pakiramdam ko kahapon kaya naging gano'n ang naging reaksyon ko." Pinisil-pisil niya ang kamay ko na kinakilabot ko. "Ah, gano'n ba. Okay na 'yon. At least naunawaan ko na." Nakahinga ako ng maluwag ng bitawan niya ang kamay ko. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako dating ganito na kapag may kakilalang lalake na lalapit at hahawakan ako ay wala naman akong nararamdaman na ilang. Bakit kay Deo ay ang dami kong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. "Hmmm, kung gano'n ay hindi ka na galit sa akin?" Tumango ako at ngumiti sa kanya. Nataasan uli ang balahibo ko ng hawakan naman niya ang buhok ko. "Basa pa ang buhok mo." aniya at naramdaman ko na tinutuyo niya ang buhok ko gamit ang isang tela. At alam kong na panyo niya iyon. "Ah, ayos lang ako. Hindi mo na kailangan na gawin pa ito." Hinawakan ko ang kamay niya para patigilin pero hinawakan niya rin ang kamay ko para alisin. "Hindi, ayos lang." pinagpatuloy niya uli ang pagpunas sa buhok ko kaya nailagay ko na lang ang mga kamay ko sa kandungan ko habang nakayuko ako. Ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi naman ako naniniwala sa sabi-sabi na kakabog ang dibdib mo kapag malapit ka sa taong gusto mo, pero bakit ganito ngayon ang nangyayari sa akin? Wala naman akong gusto kay Deo... "Ahem.." Lalo akong nahiya dahil dumating si Ate Lourdes na nakitang tinutuyo ni Deo ang buhok ko. "Mag-kape't gatas at mag-tinapay muna kayo. Mabuti at hindi ko na nilagyan ng maraming asukal ang kape't gatas niyo dahil baka magka-diabetes na kayo." tukso ni Ate Lourdes na tila balewala naman kay Deo. "Salamat, Manang." "Heh! Sige, bahala ka na muna kay Lara, Gwapo, at gagawin ko lang ang naiwan kong gawain." Lumayo na uli ang yapak ni Ate Lourdes kaya kami na lang uli ang naiwan ni Deo. "Who is she?" "Ah, siya si Ate Lourdes, kasambahay ko rito." "Mabuti at may tumitingin pala sa 'yo." Tumango ako at kinapa ko ang table. Pero napatigil ako ng tumigil sa pagpunas si Deo sa buhok ko at naramdaman ko na lang na binigay niya sa akin ang baso ng gatas na ginawa ni Ate Lourdes para sa akin. "Sa 'yo ang milk at sa akin ang kape.. Tila mapapadalas ako rito. Makakatipid na rin ako sa kape." biro niya kaya natawa ako at tumango na lang habang humihigop ng gatas. Nang makainom ako ng gatas ay hinawakan ko lang iyong baso habang nakapatong sa kandungan ko. "Oo nga pala, bakit ka nga pala lumipat rito?" tanong ko at humarap ako sa kanya. "May cream ka sa labi." aniya na kinahiya ko kaya pupunasan ko sana ng pigilan niya ang braso ko. "B-bakit?" gusto kong batukan ang sarili ko ng mautal ako. Sana ay hindi niya nahalata. "Ako na." pinahiran ng daliri niya ang labi ko na kinataas ng balahibo ko. Parang sa pagdampi ng daliri niya ay parang uminit ang buong paligid. Hinawakan ko ang kamay niya at inalis dahil kinikilabutan talaga ako. Umayos ako ng upo at napainom uli ako ng gatas. Pagkainom ko ay pinahiran ko na mismo ang labi ko. "Ah, gusto mo bang manood ng movie?" tanong ko. "Manood? Hindi na, boring naman kung mag-isa lang ako." "Hindi, syempre kasama ako. May mga dvd tape ako ng mga movie." "Pero paano mo pinapanood iyon?" tanong niya. "Pinapakinggan ko lang. Sapat na iyon para maunawaan ko ang palabas." "I see... Kung gano'n ay tara." Napangiti ako at tumango. Siya na ang nagbitbit ng baso ko at tinungo namin ang entertainment room. Naupo ako sa sofa at pinakiramdaman ko siya. "Wow. Ang dami mong dvd tape. Napanood mo na ito lahat?" "Oo, dati pa 'yan, nung hindi pa ako bulag." "Mukhang maganda itong twilight." Napangiti ako dahil favorite ko ang nakuha niya. Narinig ko ang pagkutingting niya sa dvd player at pagbuhay ng television. Maya-maya pa ay naramdaman ko uli ang pag-upo niya sa tabi ko. Na-i-intimidate talaga ako kapag tumatabi siya. Pakiramdam ko ay masyado akong mabaho dahil sa bango niya. Nagsimula na ang palabas at tahimik kong pinapakinggan. Napapakomento siya sa bawat nangyayari tila ba gusto niyang malaman ko ang nagaganap. Sabagay ay nakakalimutan ko na rin ang ibang eksena. Napangiti na lang ako dahil mabuti at mahilig naman siyang manood ng palabas. "Ano na ang nangyari?" tanong ko ng huminto siya sa pagkuwento. "Lara.." humarap ako sa kanya dahil sa pagtawag niya. Napahawak ako sa braso niya ng hawakan niya ang mukha ko at nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang malambot na bagay sa labi ko na gumagalaw. Tila ako tinangay ng hangin dahil tila nawala ang kaluluwa ko at halos lumabas ang puso ko ng maramdaman ko ang labi ni Deo sa labi ko. Binitawan niya ang labi ko habang ako ay parang natuod sa kinauupuan ko. Nag-init ang buo kong mukha at hindi ko alam ang gagawin ko. "Gaya ng ginawa ko, gano'n ang ginagawa nila." Napakurap-kurap ang mata ko at hindi pa rin ako maka-react. "A-ano... Bakit mo ako hinalikan?" Muli niyang hinalikan ang labi ko na muli kong kinagulat. Saglit lang iyon at binitawan niya ang labi ko. "Damn. Ang sarap pala ng labi mo, nagustuhan ko." bulong niya. Tumaas-baba ang dibdib ko at hinawakan ko ang kamay niya para alisin sa pagkakahawak sa mukha ko. "Deo, dapat hindi mo ginawa iyon para lamang sa kagustuhan mo." "Bakit, unang beses ka palang ba nahahalikan?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil sapul na sapul ako. Oo, siya palang ang unang nakakahalik sa akin tapos hindi ko naman siya boyfriend at lalong hindi ko naman siya mahal pero nakuha na niya agad ang first kiss ko. Humalakhak siya kaya nainis ako dahil parang pinagtatawanan niya pa ang walang experience ko sa kiss. "Maganda at maaga kong nalaman 'yan." Napakuno't-noo ako sa sinabi niya. Natigil ata ang paghinga ko ng maramdaman ko ang hininga niya malapit sa tenga ko. "Ngayon ay gusto ko na ako lamang ang hahalik sa 'yo..." Napalayo ako dahil naiilang ako sa lapit niya. Napahalakhak siya at naramdaman ko ang pagdantay ng ulo niya sa hita ko. "Inaantok pa ako. Patulog muna." "Ano?" Hindi na siya tumugon kaya pinakiramdaman ko siya. Tinapat ko ang kamay ko sa alam ko kung nasaan ang mukha niya. At naramdaman ko ang pagbigat ng hininga niya agad. Napatakip ako ng bibig at pisngi para pigilan ang pagngiti ko. Hanggang ngayon ay napakalakas pa rin ng kabog ng dibdib ko at ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang labi ni Deo. Ano ba 'to. Kinikilig ata ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD