Chapter 5

1598 Words
Unedited Sa buhay nating mga tao, minsan darating ang mga pagsubok na maglalagay sa atin sa sitwasyon na hindi madaling kalimutan. Minsan inaabot pa tayo ng ilang taon bago humilom ang mga sugat na dulot nito sa ating mga puso. Ngunit sa paglipas ng panahon, may mga bagay at tao tayong makikita at makikilala na siyang magbibigay sa atin ng panibagong sigla. Nasa atin na rin ito kung papaano natin bibigyang pansin at kahalagahan ang mga bagong yugto ng ating buhay. Kung magpapatuloy pa rin ba tayong mamuhay sa nakaraan o bigyan ng pagkakataon ang kasalukuyan. Isang shot lang ang ginawang pag-inom ni January sa alak na ibinigay ni Tuesday sa kanya. Ang hindi niya alam matapang ang klase ng alak na iyon. Light drinker siya. Hindi katulad ni Tuesday na puwede kahit anong alak ang ipainom mo. "Ah!" Sigaw ni January sabay buga ng alak. Mabuti na lang at sa sahig niya ito na nailuwa. "Bakit ang pait nito, Martes!" sabay ubo niya dahil na rin sa init at hapding naramdaman  sa kanyang lalamunan. "Sorry!" saad naman ni Tuesday sabay bigay ng tissue sa kaibigan. "Kanina pa kaya kita kinakausap. Hindi mo naman ako pinapansin. Nadali ka yata ng magic ni Denmark eh!" saad nito saka inirapan ang kaibigang nagpupunas pa rin ng bibig niya. "Grabe ka talaga. Una, ipinagkanulo mo ako, pangalawa, itong alak naman. Ano'ng isusunod mo? Baka ipakatay mo na ako! Haist!" angal naman ni January. "Hey! Are you okay?" tanong ni Denmark sa kanya. Natapos na ito sa pagkanta at agad na binalikan si January at iyon ang inabutan niyang eksena ng magkaibigan. "Magic! Makaalis na nga. Hatid mo na lang 'yang kaibigan ko mamaya. Umayos ka Mr. Anderson, kung gusto mo pang masikatan ng araw. Kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko, dila mo lang ang walang latay," banta ni Tuesday sa lalaki. "Bakit? Aalis ka? Saan ka pupunta? Iiwanan mo ako rito?" tanong ni January sa kanya. "Nandyan naman si Mr. Anderson. Ihahatid ka niya nang walang labis, walang kulang. Saka may date ako," sagot naman ni Tuesday. "Okay!" sagot naman ni Denmark sabay thumbs up. "Agad-agad!?" Gulat na tanong ni January "Yeah! Bye! See you tomorrow!" "Saan ka pupunta?!" habol pang tanong ulit ni January. "Sa malamig na lugar at magpapainit! Bye!" saad nito sabay kaway kay January at humahalakhak habang naglakad na papalayo. Nakita na lang ni January ang kaibigan na hinawakan ang braso ng lalaking kausap nito kanina. Wala na siyang nagawa kundi ang harapin si Denmark nang mag-isa. "Humanda ka sa akin bukas na bakla ka," bulong niya sa sarili. "Ano 'yong pinapahanap niya sa 'yo?" baling nito kay Denmark na nakatayo lang sa tabi niya. "Ah...iyon ba? Pinapahanap niya sa akin 'yong kasunod niya at nauna sa kanya?" nakangiting saad ni Denmark. Magkasalubong ang mga kilay ni January nang tiningnan nito si Denmark habang nakangiti. *** Sakay ng kotse ni Tuesday na minamaneho ng bartender na kausap niya kanina tinungo nila ang lugar kung saan malamig kaya naman magpapainit sila. "Sigurado ka ba talaga sa gagawin natin?" tanong ng lalaki sa kanya nang sinulyapan siya nito. "Oo naman! Bakit? Ano pang hihintayin natin? Pasko? Matagal pa 'yun kakabagong taon pa lang. Bakit? First time mo?" "H---hindi naman sa gano'n. Kaya lang hindi ko pa nga alam kung ano ang pangala mo at hindi mo rin alam kung sino ako," saad ng lalaki. "Akala ko first time mo. Hindi ka tao kung first time mo. Karamihan pumupunta sa lugar na malamig at nagpapainit," nakapikit na sagot nito. Medyo tinamaan na rin kasi kaya mas pinili niyang pumikit sandali. "Hindi ka ba takot? Baka masamang tao ako at dalhin kita kung saan-saan?" dagdag pa ng lalaki. "Kung masama ka man at kung may gagawin ka mang masama sa akin, siguraduhin mo lang na wala na akong buhay. Dahil kung nagkataon na iniwan mo akong humihinga pa, hindi ka na makakalabas nang buhay kung saan mo ako dinala," sagot naman ni Tuesday. "Saka mamaya na kita kikilalanin. Basta mag-drive ka lang at siguraduhin mong makakarating tayo nang buhay sa Northpoint. Akong bahala sa 'yo mamaya," Hindi na umimik pa ang lalaki dahil alam na niya ang ibig nitong Sabihin. Kanina pa niya nahalatang may sumusunod sa kanila. Tatlong kulay itim na sasakyan. Nasa kaliwa't kanan ang dalawa habang nakabuntot sa may 'di kalayuan naman ang isa pa. Pagdating nila ng Northpoint, pumarada ang lalaki sa harapan ng isang mataas na building. Tanging isang sikat na kainan lang ang nakikita ng binata sa lugar na iyon at bihirang-bihira rin ang mga sasakyang dumaraan. Bumaba si Tuesday at sumunod din naman agad ang lalaki. Pumasok sila sa building at may isang guard doon na bumati sa kanila. Pagdating nila sa elevator area ay siya ring namang pagbukas ng pintuan. May apat na taong lumabas. Malalakas ang mga boses ng mga ito habang nagkukuwentuhan. "Nagustuhan mo ba hon?" Tanong ng lalaki sa kasama nitong babae. "Syempre naman hon. Ang sarap talaga. Nakakabaliw," Sagot naman ng babae habang nanggigigil pa. "Pare, dito na lang natin sila dalhin palagi. Maganda dito malamig at pagkatapos natin, maiinitan na tayo," saad ng isa pang lalaki saka sila nagtawanan. Kinakabahan man ngunit wala ng nagawa ang lalaki kundi sundin si Tuesday. Hindi na ito puwedeng umurong dahil nangako na siyang sasamahan ang babae na magpainit. Akala naman kasi niya nagbibiro lang ang babae. *** "Ano? Sasamahan mo ba ako o hindi? Sige na, kahit ngayong gabi lang. Ayaw kong maging third wheel ng kaibigan ko," saad ni Tuesday sabay sulyap kayJanuary na nakatulala habang tinitingnan si Denmark na kumakanta. "See? Nakikita mo ba iyong babae sa unahan? Tulala na. Na magic na yata ang kaibigan ko," dugtong pa ni Tuesday sabay turo kay January. "Okay! Saan mo ba gustong pumunta?" tanong naman ng lalaki sa kanya. "Sa malamig na lugar at magpapainit tayo," sagot niya sabay kindat sa lalaki. "Kung alam ko lang na mapapahamak ako, hinayaan na lang sana kita kahit gaano pa kita ka gusto," bulong ni ng lalaki sa sarili at umiiling na sinundan ang babae. *** Tapos na ang kantahan sa adventure bar na pinuntahan nina January. Nagsimula na rin ulit ang sayawan. Nakaupo na rin sina Denmark at January sa mesa ng mga kasamahan ng binata. Ipinakilala niya si January sa mga ito at hindi naiwasan na maging tampulan sila nang tuksuhan. "Ngayon lang kita nakitang ganito kasaya ulit Denmark. Siya na ba?" tanong ni Cheeno na nakaupo sa harapan nila. "Hindi. Mali kayo ng iniisip. Walang gano'n," nahihiyang saad ni January. "Naku! Basted ka na agad bro? Hindi ka pa nga nagsisimula," saad naman ng isa pang lalaki. "Hindi naman sa basted agad. Hindi pa naman ako nanligaw sa kanya," sagot naman ni Denmark sabay sulyap sa dalagang nakaupo sa tabi niya. "So, siya ba 'yong sinasabi mong may kapatid na tinulungan mo noon pare?" tanong ulit ni Cheeno. "Sinabi niya sa inyo ang tungkol sa kapatid ko?" tanong naman ni January. "Yeah! And we were there nang magpakuha siya ng dugo. Tinawagan niya kami dahil isang malaking duwag itong si Denmark. Sa multo hindi natatakot pero sa karayum, takot na takot," natatawang sagot ni Cheeno kay January. *** Noong nasa hospital si Denmark para sa ika-dalawang taong anibersaryo ng yumaong kasintahan, kasama nito si Cheeno at buong tropa nila. Tinawagan sila ni Denmark na umakyat dahil may problema siya at kailangan niya ng tulong. Inabutan nila ang lalaki sa laboratory room na namumutla. "Ano'ng ginagawa mo rito? Bakit ka magpapakuha ng dugo? Para kanino at bakit?" sunod-sunod na tanong ni Cheeno. "Mamaya ko na sasabihin pare. Kailangan ko muna 'tong tapusin at dito ka lang. Iyong iba, puwede mo nang palabasin muna," saad nito kay Cheeno. "Pagkatapos niya makunan ng dugo. Alam mo ba kung ano'ng nangyari sa kanya January?" tanong ni Cheeno na pigil ang pagtawa. "Ano?!" excited na tanong niya. "Nawalan siya ng malay!" saad ni Cheeno at malakas na tawanan na ang kasunod noon mula sa mga kaibigan ng binata. Sinulyapannaman  ni January ang lalaki na nakangiti rin sa mga alaalang binalikan ni Cheeno. "Ito pa ang mas malala January. Dahil hindi niya alam ang pangalan ng kapatid mo at sanay naman siyang humahaba ang kanyang leeg sa pangongopya sa amin noon tuwing exams, pilit niyang sinilip ang record ng kapatid mo kaya niya nalaman na Alwin ang pangalan ng kapatid mo," saad naman ni Vanessa na asawa ni Cheeno. "Gano'n ba? Nagbibigay aliw pala ha?" bulong niya sa sarili sabay sulyap kay Denmark sa tabi niya na nagkakamot ng ulo. "Sorry," pabulong na saad naman ni Denmark. Inirapan lang ito ng dalaga saka nagpatuloy sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ng binata. Habang sina Tuesday naman ay nagpapainit na ng kanilang mga katawan. "Ah! Ang sarap talaga!" saad ni Tuesday sabay dila sa bibig nito dahil sa naiwang bula ng kanyang kape. "Hindi mo ba iinumin 'yang kape mo? Bakit nakatitig ka lang sa akin?" tanong niya sa lalaki. "Wala," nakangiting sagot naman ng lalaki sa kanya bago tinikman ang kapeng magpapainit sa kanila. "Ang sasama kasi nang takbo ng mga utak ninyo. Malamig na lugar at magpapainit tama naman ang description ko. Kayo lang 'tong marurumi ang mga utak. Tsk!" saad ni Tuesday sabay inom ulit ng kanyang kape. "I'm John. John Tan," sabay lahad ng kanyang kamay sa harapan ng dalaga. "Tuesday Aragon," sagot naman ng dalaga kay John. Itutuloy_____ Sunod-sunod na update habang naglalaro pa ito sa utak ko. Sorry at hindi ko pa naa-update 'yung iba kong kwento. Vote and comment po kayo. Thank you! Love...Love... iamdreamer28 ∩__∩♥♥♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD