Chapter 4

1750 Words
Unedited Ilang minuto rin ang itinagal nang pagyayakapang Denmark at January habang ang kaibigan naman nitong si Tuesday ay nagpipgil na matawa. In ten years ngayon niya lang ulit nakita ang kaibigan na lumapit sa isang lalaki at hindi lang basta lumapit, kundi napayakap pa. “Vodka please,” ani ni Tuesday sa bartender na lumapit sa kanya. Bakit ngayon ko lang nakita ang isang ito. Pogi. Hinayaan na lang niya ang dalawa sa kanilang moment to remember. Alam niya kasing matagal na rin gustong makilala ni January ang taong nagmagandang loob na nagdonate ng dugo sa kanyang kapatid. “Here's your order, ma’am,” nakangiting saad ng bartender. “Thank you,” saka niya iyon kinuha at uminom nang kaunti. “Ah! Wait?” pigil niya sa papaalis na sanang lalaki.  “Bago ka ba dito? Ngayon lang yata kita nakita,” tanong niya sa bartender. “Matagal na. Busy ka lang kaya hindi mo ako napapansin,” nakangiting saad ng lalaki sa kanya bago ito tuluyang umalis. Makalaglag bra at panty naman ang mga ngiting ‘yun. Napangiti si Tuesday saka tuluyan nang inubos ang laman ng kanyang baso bago sinulyapan ang mga kasamang komportable nang nag-uusap at nagtatawanan. “Pasensya ka na pala sa akin Denmark, kung tinarayan man kita kagabi,” saad ni January sa lalaki. “Iyon ba? Wala ‘yun. Mali rin naman kasi ang approach ko sa ‘yo. Kaya tama lang na tinarayan mo ako. Huwag kang basta-basta magtitiwala sa hindi mo kakilala. Minsan pa nga kahit na kakilala mo pa mahirap pa rin ang magtiwala. Cheers?” saad ni Denmark sa kanya sabay angat ng baso nito. “Sinabi mo pa. So, hindi rin pala kita dapat pagkatiwalaan? Cheers!” sagot naman ni January saka sinalubong ang baso ng binata na nakataas na sa ere bago uminom. “Hindi naman ako gan’on,” sagot naman ni Denmark saka inubos din ang laman ng kanyang baso. Ngumiti naman si January sa sinabi ng lalaki. Hindi nakaligtas sa paningin ni Denmark ang magandang ngiting sumilay sa mga labi ng dalaga. Maganda si January. Mahaba ang kanyang buhok na may natural brown color. Maninipis na mga labi, mga matang bilugan na bumagay naman sa kanyang maliit na mukha. Ang kanyang maliit at katamtaman na tangos ng ilong na bumuo sa ganda ng kanyang kabuuhang mukha. “Hhmm...puwede ko bang malaman kung paano mo nalaman ay hindi mali. Kung bakit mo ibinahagi sa kapatid ko ang dugo mo?” saad ni January bago tiningnan si Denmark. “Hhmm...sabihin na lang natin na ayaw kong tumingin na lang sa paligid ko at walang gagawin,” nakangiting saad ni Denmark. Si Denmark ang taong hindi madasalin. Ngunit, mas panatag ang kanyang loob sa loob ng Simbahan o Chapel sa tuwing may dinadamdam ito. Sampung taon na ang nakalipas nang mawala ang girlfriend ni Denmark. Sa chapel na iyon binawian ng buhay ang babaeng pinakamamahal nito. Ika-dalawang taong anibersaryo ng dati niyang nobya at pinili niyang madaling araw na pumunta ng chapel sa second floor ng St. Luke hospital dahil wala na itong masyadong tao. Paalis na sana siya nang pumasok naman si January. Hindi niya nakita ang mukha ng dalaga dahil natatakpan ito ng kanyang mahabang buhok. Ang tanging nakita niya lang ay ang salamin na suot ng babae. Hindi rin napansin ni January na may tao pala sa loob ng chapel dahil nasa sulok sa bandang likuran nakaupo si Denmark at bagya itong natatakpan ng mga pinagpatung-patong na mga upuan. Nakita niyang lumuhod ang babae. Noong una, tahimik lang itong nakatingala sa harapan. Mayamaya pa, narinig na niya itong umiiyak habang nagmamakaawa. “Lord, please? Alam kong wala akong karapatang humiling sa ‘yo dahil sinisi kita sa pagkawala ni Timmy, pero Lord, pagbigyan mo sana ako, hindi para sa akin kundi para sa kapatid ko. Bata pa po siya para mawala sa amin. Marami pa po siyang pangarap na Gustong matupad. Please Lord, magmilagro ka sana sa kapatid ko,” Sa puso’t isip ni Denmark, alam niya kung gaano ka sakit mawalan ng minamahal sa buhay. Naranasan na niya iyong, wala siyang nagawa para iligtas ang kanyang girlfriend sa bingit ng kamatayan. Mahigit isang taon din niyang sinisi ang sarili pati na ang Diyos sa pagkawala ng kanyang girlfriend. Nakita ni Denmark na tumayo na si January. Nagkubli ito sa mga upuan sa tabi niya. Nang makaalis na ang dalaga, palihim niya itong sinundan. Room 244 ang kwartong pinasukan ng dalaga. Pagkatapos niyang malaman ang numero ng kwarto, agad na niyang tinungo ang nurse station. “Miss? Puwede bang magtanong? Iyong room 244, kumusta na po ang lagay niya?” Tanong nito sa nurse na inabutan niyang naghahanda ng mga gamot. Tiningnan ng nurse on duty ang record ni Alwin. Walong taong gulang pa lang si Alwin ng mga panahong iyon. “Kaanu-ano n’yo po ang pasyente sir?” tanong ng nurse sa kanya. “Ha? Kailangan ko pa bang sabihin ang relasyon ko sa kanila?” “Yes sir,” sagot naman ng nurse. “Ah….patay. lagot na. Paano pagtinanong ako ng pangalan? Hindi ko naman alam ang pangalan niya. Bahala na. Secretary ako ng papa nila,” saad ni Denmark sabay kamot sa ulo niya. “Pangalan ng pasyente?” dagdag pang tanong ng nurse sa kanya. Ito na nga ba’ng sinasabi ko. “Alwin! Yeah, thats right. Alwin,” saad nitong Napapikit pa dahil sa takot niya. “Hindi po maganda ang lagay niya sir. Kailangan niya po ng dugo bukas na bukas din,” saad ng nurse. Napamulat bigla si Denmark sa kanyang naring. Dagdag pang sabi ng nurse ay tanging ama lang nito ang puwede sana ngunit hindi pinayagan ng doctor dahil mataas din ang blood pressure ng ama nila. “An’ong type po ba?” tanong ni Denmark. “AB, sir,” sagot naman ng nurse. “AB? Ako miss. Ako. Puwede akong magdonate ng dugo. AB ako eh. Puwede niyo na akong kunan ng dugo ngayon,” sagot ni Denmark. “Ah...so, gan’on pala ang nangyari. Bakit hindi ka man lang nagpakita sa akin. Gustong-gusto ko pa naman magpasalamat sa ‘yo noon ng personal,” saad ni January. “Pagkatapos kong makunan ng dugo, pinuntahan kita. Kaso hindi na ako tumuloy dahil natutulog ka na. Kaya pinalihim ko ang pagdonate ko ng dugo sa kapatid mo. Tiningnan lang kita sa labas ng pintuan. Nang bumalik ako doon sa hospital, wala na kayo.” Sagot naman ni Denmark. “Pare! Kakanta ka, okay?!” sigay ni Cheeno sa kay Denmark. Tumango lang din ito bilang pagsagot sa kaibigan na nagmamadaling umakyat ng stage. “Tawag ka na nila doon sa stage,” sabi ni January nang makita nitong nakahanda na ang grupo sa pagtugtog. “Huwag ka munang umalis, please?” saad ni Denmark sa kanya bago inubos ang laman ng kanyang baso. “Okay. Hihintayin ka naming matapos ni…” lumingon si January kay Tuesday ngunit busy na rin ito sa pakikipag-usap sa guwapong bartender. “Baka ako na lang ang maghihintay sa ‘yo,” nakangiting saad nito sa lalaki saka itinuro si Tuesday kasama ang guwapong bartender. Natawa na rin si Denmark. Alam niya kung gaano ka loko si Tuesday dahil siya mismo ay pinagtripan din ng dalaga kagabi. “Akyat na muna ako sa stage. See you later?” “Okay. See you. Ah! Siya nga pala, huling tanong ko na lang. Paano mo nalaman na Alwin ang pangalan ng kapatid ko?” dagdag pa nito. “Narinig kasi kita nang sinabi mong bibo at palaging nakangiti ang kapatid mo kaya inisip ko ‘yung Alwin. Aliw ang dulot niya sa pamilya ninyo,” sabay tayo nito at inaayos ang suot na black turtleneck. Bago tuluyang umalis si Denmark, tiningnan muna niya ang dalaga sabay sabi nang… Ngunit hindi na iyon narinig ni January dahil sumabay rin ang tunog ng drums kay Denmark. “What? Hindi kita narinig! Pakiulit mo nga!” saad nito na bahagyang tinakpan ang kanyang tenga. Hindi na sumagot si Denmark. Bagkus, ngumiti na lang ito at sumenyas na aalis na siya. Tumango naman ang dalaga at sumenyas din ng goodluck sa binata. Umupo nang paharap sa stage si January upang mas makita niya nang maayos ang binata sa stage. Napaka bibo ni Denmark tingnan sa ibabaw ng stage. May mga banat pa ito sa kanyang mga audience na gamr na game rin. Guwapo si Denmark. Matangkad, oblong naman ang shape ng kanyang mukha na mas lalo pang pinatingkad ng kanyang nangungusap na mga mata. Bawat titig niya, makikitaan mo ng emosyon. Matangos din ang ilong nito at ang kanyang mga labi na medyo makapal ng kaunti ngunit ang kakapalang iyon ang nagbigay buhay sa namumula nitong labi. “Happy New Year everyone. I must say, this is the happiest new year I've ever had since I lost someone I really treasure the most. This song is for you,” rinig niyang saad ni Denmark. Nagpalakpakan naman ang mga audience. Take me to your heart, Show me where to start, Let me play the part of your first love; All the stars are right, Ev'ry wish is ours tonight, my love. Dahil sa sikat ang kantang iyon at talagang paborito ng maraming Pinoy, umalingawngaw ang buong bar nang sumabay ang lahat sa pagkanta ng chorus nito. Got to believe in magic, Tell me how two people find each other In a world that's full of strangers; You've got to believe in magic, Somethin' stronger than the moon above 'Cause it's magic when two people fall in love. Habang binibigkas ni Denmark ang bawat salita ng kanta, nakatuon ang paningin nito kay January habang nakangiti. Bigla ring napahawak sa kanyang dibdib ang dalaga dahil sa bilis nang t***k ng kanyang puso. Hindi niya maintindihan kung bakit naging ganoon ka bilis ang t***k nito. “Got to believe in magic ha!” saad ni Tuesday sabay abot ng baso kay January na nakahawak pa rin sa kanyang dibdib. “I guess, that song is for me,” dagdag pa nitong saad sa kaibigan na hindi man lang siya nakuhang tingnan. “The magic is on,” bulong ni Tuesday sa kanya saka humalakhak. Itutuloy…. Thank you for waiting. Vote and comment po kayo. Please add this to your reading list din po. Enjoy! Love...Love… iamdreamer28 ∩__∩♥♥♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD