Chapter 3

1652 Words
Unedited Kinabukasan pinuntahan ni Tuesday ang kaibigan nito sa bahay nila. Dakong alas-tres ng hapon nang dumating ang dalaga sa bahay ng kaibigan. "Magandang hapon po tita, tito. Hi Alwin! Happy New Year!" bungad na bati ng dalaga sa pamilya Montereal pagpasok nito. "Magandang hapon naman hija. Upo ka. Natutulog pa si January," sagot naman ng mama ng dalaga. "Ganoon po ba?" "Hi Tues!" bati ni Alwin sa kanya pagkalabas nito ng banyo. "Happy New Year Alwin. Halika. May gift ako sa 'yo," ani nito sa binata. "Oo hija. Hindi pa nga kumakain ng tanghalian 'yan," patuloy na saad ng ginang. "Puwede ko po ba siyang pasukin?" "Huwag mo siyang papasukin ma!" sigaw ni January mula sa loob ng kwarto niya. "Akin na regalo ko Tuesday," sabat naman ni Alwin nang makalapit na ito sa dalaga. "Sige kunin mo lang d'yan. May pangalan naman lahat ng mga 'yan. Pakibigay mo na rin sa mama at papa mo. Kakausapin ko lang ang ate mo okay?" saad nito sa binata. "Okay. Thank you!" "You're welcome. Tita! Papasok na po ako?" paalam nito sa ginang na nasa kusina kasama ng asawa nitong nagluluto. "Okay hija!" sagot naman ng mag-asawa. Tumayo na si Tuesday at naglakad patungo sa kwarto ni January. Habang abala naman si Alwin sa regalong natanggap nito. Kumatok si Tuesday sa pintuan ng kwarto ni January ngunit pinagtabuyan lamang siya nito. "Ayaw kitang kausap ngayon Tuesday. Just go!" "Para kang bata. Buksan mo 'to! Ipapaliwanag ko sa 'yo ang nangyari! Huwag ka ngang ano d'yan! Dali na! Ikaw rin! Malay mo makakuha tayo ng mga bigtime na kleyente sa tulong ni Denmark ikaw rin," Wala siyang narinig na sagot mula sa kaibigan kaya naman inulit niya nang inulit ang pagkatok sa pintuan ni January hanggang sa tuluyan na siya nitong pagbuksan. "Akala ko hihintayin mo pang masira 'tong pintuan bago mo ako bubuksan," saad nito sa kaibigan saka inirapan at tuluyan nang pumasok. January just rolled her eyes and close the door. Padabog itong bumalik ng higaan niya. "Hoy! Kama ko 'yan! Umurong ka nga!" "Inaantok pa ako bakla. Idlip muna ako sandali," ani nito sabay talukbong ng makapal na kumot. "Sino ang may sabi na matutulog ka? Sabihin mo na sa akin ang nangyari kagabi... dali na!" sagot naman nito sa kaibigan saka hinawi ang nakatakip na kumot. Bigla namang dumapa si Tuesday at tiningnan nang nang-aasar na tingin ang kaibigan habang may makahulugang ngiti naman ang sumilay sa kanyang mga labi. "Alam mo, ngayon lang kita ulit narinig magsalita ng ganyan. Iyon bang tipo na may excitement sa boses mo. The last time I heard you na ganyan ay 10 years ago. Aminin mo, you are interested with that guy?" "Tumigil ka nga d'yan. An'ong interested pinagsasabi mo? Ayaw ko lang siyang makita ulit," saad nito saka humiga sa tabi ng kaibigan. "Dahil ba na sinabihan mo siyang hindi na kayo magkikita ulit?" "Hhmmm," sagot naman ni January. "Saka ayaw sa kanya naninigarilyo siya. Saka ano na lang ang sasabihin niya? Hi. Nagkita tayo ulit. Tapos tatawa siya nang malakas tapos ako 'yung mapapahiya? No way!" mahabang lintanya ni January. Muling tinakpan ni Tuesday ang kanyang mukha at humalakhak sa ilalim ng kumot. Natatawa siya sa isip bata niyang kaibigan. Nakikinita na niya kung ano ang mangyayari sa pagkikita ulit ng dalawa. "Hoy! An'ong nginingiti-ngiti mo d'yan? May nakakatawa ba sa mga sinabi ko? Hoy!" saad nito sabay yugyog sa kaibigan na patuloy pa rin sa katatawa nito. "Wala! Maligo ka na. Iidlip lang ako sandali," saad nito sa pagitan nang pagtawa. "An'ong iidlip? Bumangon ka na d'yan at tulungan mo akong maghanap ng isusuot ko..." Biglang umupo si Tuesday saka matamang tinitigan ang kaibigan. Pilit nitong sinusuri ang itsura ni January. Sa tagal na nilang magkaibigan, kilalang-kilala na nito ng Takbo ng utak ni January. "Ano ulit iyong sinabi mo? Pakiulit mo nga at hindi ko narinig masyado," "Alin doon?" Tanong niya sa kaibigan sabay sulyap sa salamin ng kanyang closet. Nagsusukat ito ng mga damit niya. "Iyong tutulungan kitang mag-ano?" "Ah! Tulungan mo akong maghanap ng isusuot ko. Ito bagay ba?" tanong niya kay Tuesday sabay harap nito at hawak-hawak ang pink turtleneck na longsleeve at leggings na may kasama ng short. "Pinaghahandaan mo talaga ang pagkikita n'yo ulit ha..." pang-aasar ni Tuesday sa kanya. "Baliw! E, hindi ba sabi mo, baka makatulong siya sa atin na makakuha ng mga bigtime na kleyente dahil secretary siya ng isang director ng malaking kumpanya. Kung anu-ano naman ang iniisip mo. Syempre dapat maging presentable naman ako kapag magkaharap na kami," saad nito sa kaibigan saka inirapan at muling hinarap ang salamin. "Okay! Fine! Sabi mo eh!" nakangiting saad naman ni Tuesday. "Pero bakla, kain muna tayo. Parang ang sarap kasi nang niluluto ng mama mo," "Lahat naman sa 'yo masarap eh," saad ni January saka ngumiti sa harapan ng salamin nang makuntento na sa damit na susuotin. Six thirty ng hapon, lulan na ang dalawa ng pulang BMW na kotse ni Tuesday. Si January na ang nagmaneho dahil inaantok pa raw si Tuesday at gusto nitong umidlip muna kahit sandali. Dakong alas siyete ng gabi, nasa Wan Chai na ang magkaibigan kung saan naroon ang Adventure bar na pinuntahan nila kagabi. Naghahanap na lang si January nang puwede niyang mapagparkingan ng sasakyan. Pagkatapos makahanap, agad na n'yang ginising si Tuesday. "Nandito na tayo bakla," mahinang sambit niya na sinabayan din nang mahinang mga yugyog sa balikat ng kaibigan. Pupungas-pungas na umupo nang maayos si Tuesday. Sinipat niya ang sarili sa salami saka inayos ang gusot-gusot nitong damit. "Sandali lang Jan. Tawagan ko muna si Denmark kung nandito na ba siya." Tumango lang si January. Kinuha nito sa backseat ang kulay itim na coat saka isinuot. Mayamaya pa, narinig na niyang may kausap na si Tuesday. "Hello? Oh Denmark, nasa bar ka na ba? Gan'on ba? Oh sige. Paakyat na rin kami. Pasensya na at late na kaming dumating. Sige bye!" rinig niyang saad ng kaibigan. "Jacket mo. 11 degrees sa labas," saad ni January sabay abot ng jacket ni Tuesday. "Thank you. Tayo na. Kanina pa yata siya nandito," ani ni Tuesday sabay abot ng jacket at isinuot. "Seven thirty naman ang usapan n'yo hindi ba? Maaga pa naman ah," "Excited siyang makita ka," nakangiting sabi nito kay January saka nagmadaling lumabas ng kotse dahil mababatukan na naman siya ng kaibigan kung nagkataon. Umiiling at natatawang lumabas na rin ng kotse ang dalaga at sinundan na si Tuesday na nagmamadali sa paglalakad. "Humanda ka kapag inabutan kita Martes!" sigaw niya sa kaibigan. Nasa loob na sila ng bar. Usual, marami pa ring tao at maingay pa rin ang paligid. Ano bang inaasahan mo sa loob ng bar? Napailing na lang si January. "Ayon siya! Dali!" sabay lingon ni Tuesday sa kaibigan na nakasunod sa kanya. Hahawakan sana niya ito, ngunit agad namang umiiwas si January. "I can walk by myself," saad nito saka pinandilatan ng mata si Tuesday. Ngumiti na lang si Tuesday saka tuluyang naglakad patungo sa kinaroroonan ni Denmark at sumunod naman si January. Nakita niya kung paano siya titigan ni Denmark. Iyong tipo na nakakita siya ng multo. Magandang multo. Nakatulala ang lalaki habang nakatingin sa kanya at kulang na lang buhusan ito ng malamig na tubing nang matauhan. Nakalapit na ang magkaibigan sa kanya ngunit nananatili pa rin itong tulala. "Denmark! Hello!" agaw ni Tuesday ng atensyon niya. Hindi niya namalayan nasa harapan na pala niya ang dalawa. "Hi!" bigla niyang sabi sabay tayo. "Kanina ka pa ba? Pasensya ka na may dinaanan pa kasi kami," saad ni Tuesday. "Okay lang. Kararating ko lang naman. Upo kayo," ani niya sabay hila sa dalawang highchair sa tabi niya. "This is my friend January. Jan, this is Denmark," pakilala ni Tuesday sa dalawa. "Hi! Nagkita ulit tayo," saad nito sa dalaga sabay lahad ng kamay niya. Tumingin lang sa kanya si January. Hindi rin tinanggap ng dalaga ang pakikipagkamay niya. "An'ong gusto ninyo inumin? Akong bahala. Just order anything you like," ani nito sabay bawi ng kanyang kamay. "Secretary Anderson, kaya naming bayaran ang inumin namin kaya diretsuhin mo na ako. Ano ba talaga ang sadya mo at pati 'tong kaibigan ko ay nakuha akong ipagkanulo sa iba," mataray na saad ni January saka pinandilatan ng mata si Tuesday na humalukipkip sa tabi niya. "Sorry. Naabala ba kita? May gusto lang sana akong itanong sa 'yo," "Then, ask!" mataray pa rin na sagot ng dalaga Humugot nang malalim na hininga si Denmark bago humarap sa kanya. "Alwin. Dengue," ani nito kay January. "How did you know that? Sinong may sabi sa 'yo? Bakit mo kilala ang kapatid ko?" sunod-sunod na tanong ni January sa kanya. Teka? Huwag mong Sabihin na?" Ngumiti si Denmark saka nag-thumbs up sa dalaga bilang pagsagot sa katanungan ni January. "Denmark Anderson," saad nito saka inilahad ang kanyang kamay. Walang pasabing niyakap agad siya ng dalaga. Nagulat ito sa ginawa ni January dahilan upang magwala ang kanyang puso sa paglalapit ng kanilang mga katawan. Si Tuesday na nabigla rin at bumilog and mga mata nitong dati nang bilog. Hindi rin ito makapaniwala sa kanyang nakita. "Thank you so much Mr. Anderson," saad ni January habang nakayakap pa rin. "I've been looking for you since noong nagbigay ka ng dugo na kahit ako na kapatid niya, ay wala akong naitulong," Naramdaman na lang ni Denmark ang pagtaas baba ng balikat ng dalaga. Tiningnan niya si Tuesday na nasa harapan nila sumenyas naman ang dalaga sa kanya na yakapin din niya si January. Tumalima naman agad siya ngunit isang mahinang tapik sa likod lang ang ginawa niya. Ayaw rin naman kasi niyang samantalahin ang sitwasyon. "It's okay. Ang importante magaling na ang kapatid mo. Masaya ako na kahit papaano'y nakatulong din ako," saad nito saka hinagod ang likod ni January. Itutuloy.... Salamat sa pagbabasa. Sana mag-enjoy kayo. Thank you! Love...Love... iamdreamer28 ∩__∩♥♥♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD