Chapter 2

1969 Words
Unedited Bumalik sa loob ng bar si Denmark. Dumiresto agad ito sa mesa ng mga kaibigan na nasa kaliwang bahagi ng bar. Nasa gitna naman ang pabilog na hugis ng counter at nasa kanan naman ang stage. “Pare saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap. Tinatawagan kita pero naiwan mo naman pala dito ‘yung cellphone mo,” sabi ng kaibigan nitong si Cheeno. Si Cheeno ang totoong vocalist ng bandang “Forever” magkababata ang dalawa ngunit sa Hong kong na nanirahan si Cheeno kasama ng asawa nitong Filipino-Chinese. “D’yan lang sa labas pare,” sagot naman ni Denmark sabay upo sa katabing upuan ng kaibigan. Hindi mawala sa isip ni Denmark si January. Pakiramdam n’ya, kilala nito ang dalaga. Hindi n’ya lang maalala kung saan. Agad niyang naisip na hanapin ang mga kasamahan ng dalaga. Pasimpleng lumilingon sa bawat sulok ng bar si Denmark hanggang sa matagpuan nito ang mga kasamahan ni January. Naroon pa rin sila sa harapan ng stage. Tumayo si Denmark at naglakad patungo sa kinaroroonan nina Tuesday. “Pare! Saan ka pupunta?” sigaw na tanong ni Cheeno. “Babalik lang ako pare! Sandali lang ‘to!” sagot naman niya sa kaibigan bago nagpatuloy sa paghakbang. Nang makalapit na ito sa mesa nina Tuesday, agad niyang nginitian ang babae. Agad din naman siyang nakilala ni Tuesday. “Hi! Hhmmm...Denmark,” sabay lahad ng palad niya kay Tuesday. “Ako nga pala ‘yung kumanta kanina,” “Oh! Yeah! Tuesday,” pakilala naman ng babae sa kanya sabay tayo at abot ng palad ni Denmark. “Nice to meet you,” “Nice to meet you too.” Nakangiti pang sagot ni Tuesday na bahagyang napahawak nang mahigpit sa kamay ni Denmark. “Ops! Sorry. Medyo tinamaan na kasi kaya nahihilo na rin konti. Upo ka,” nakangiti pa ring  saad ni Tuesday sabay turo ng upuan sa harapan niya. “Ito nga pala ang mga kaibigan ko. Alex and Darlene. Umuwi na ‘yung isa pa. ‘Yung binati mo ng happy birthday,” “So, talagang birthday nya ngayon?” paniguradong tanong ni Denmark kay Tuesday. “Yup! Bakit?” “Ah! Wala naman.” “Naku! Kunwari ka pa. Nakita ko kaya kung paano mo tinitigan ‘yung kaibigan ko. Tapos sasabihin mong wala? Sige na sabihin mo na sa’kin baka makatulong ako,” saad nitong namumungay na ang mga mata. Bahala na. Gusto ko lang naman malaman ang pangalan niya. Sa isip-isip niya. “Okay. Alam kong matutulungan mo talaga ako sa bagay na ito.” “GOOD! Psssttt! Kayong dalawa d’yan, tigil-tigilan n’yo na nga ‘yang halikan n’yo. Sinisira n’yo ang mode ko eh!” baling nito sa dalawa. “Humanap ka na kasi ng boyfriend nang hindi na uminit ‘yang ulo mo,” sagot naman ng kaibigan nito. “Nagpapahanap nga ako sa inyo hindi ba? Ayaw n’yo naman yata akong magkaroon ng boyfriend dahil isang taon na ang lumipas wala pa rin kayong naibigay!” sagot naman ni Tuesday sa dalawa at inirapan ang mga ito saka muling hinarap si Denmark. “Sorry. Ikaw, nakita mo ba si Monday or Wednesday?” baling nito kay Denmark. “Ha?” “Si Monday at Wednesday nakita mo ba sabi ko. Ako si Tuesday hindi ba? Hinahanap ko ‘yung dalawang ‘yon baka sakaling isa sa kanila ang magiging partner ko,” nakangiting saad ng dalaga. Bahagya namang natawa si Denmark sa tinuran ng dalaga. May pagkapilyo rin kasi itong si Tuesday. Sa edad na dalawampu't siyam, wala pa rin itong boyfriend. Huling relasyon nito ay tumagal lang ng dalawang buwan. Dahil na rin sa ugali nitong napaka perpekto. “Biro lang. Sige na. Sabihin mo na kung ano ang gusto mo. Kung ano ang maitutulong ko,” saad nito kay Denmark. “Okay. May I know her name? ‘Yung kaibigan mong may birthday.  An’ong pangalan n’ya?” Walang anu-ano’y humagalpak ng tawa si Tuesday saka hinampas na lang bigla ang lalaki sa braso. “I knew it! I knew it! The way you look at her kanina, alam kong humanga ka sa kagandahan ng kaibigan ko. Sinabi ko nga rin sa kanya kanina habang kumakanta ka na nakatitig ka sa kanya,” “Nagalit ba?” ani niya sabay himas ng brasong hinampas ni Tuesday. “Ang bigat ng kamay mo,” angal nito. “Sorry. Hindi naman. Pero hindi niya ako pinansin,” sagot naman ni Tuesday. “So, an’ong pangalan niya?” tanong ulit ni Denmark. “Bago kita sagutin, ikaw muna ang kikilatisin ko. Mahirap na. Baka kung tambay ka lang dyan sa kanto at kung ano pang gawin mo sa kaibigan ko,” saad pa ng dalaga. Dahil sa kagustuhan nitong malaman ang pangalan ni January, sinagot niya lahat ng mga katanungan ni Tuesday maliban lang ang tungkol sa trabaho nito. “What? An’ong klaseng sagot ‘yan? Huwag mong sabihin na sa edad mong ‘yan palamunin ka pa rin ng mga magulang mo?” bulalas ni Tuesday. “No! Mali ka ng iniisip. Actually next week magsisimula na akong magtrabaho,” “Bilang ano?” tanong ng dalaga sabay lagok ng alak. Napakamot sa batok si Denmark. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Tuesday ang totoo n’yang trabaho. Bahala na. Ani n’ya sa sarili. “Bilang secretary ng Director ng isang kumpanya.” “Iyon naman pala eh! Maganda naman pala ang trabaho mo. Okay na ‘yan. Mabubuhay mo na si January.” Nakangiti nitong sabi. “So, January pala ang pangalan niya.” Saad ni Denmark na bahagyang nakangiti. “Oh my! Nadulas ako! Ahhh! Lasing na talaga ako! Patay ako nito kay January!” naglulumpasay na saad ni Tuesday. Ayaw na ayaw kasi ni January na malaman ng ibang tao ang kanyang pangalan maliban na lang kung tungkol ito sa negosyo. “Puwede ko bang makuha ang number niya?” dagdag pang sabi ni Denmark. “Okay ka lang? Gusto mo na yata akong mamatay eh.” “Okay. Ganito na lang. Puwede mo ba siyang yayain ulit na pumunta dito bukas ng gabi? Please? May gusto lang akong kumpermahin tungkol sa kanya. Don't worry. Hindi kita ipapahamak. Basta papuntahin mo lang siya dito at ako na ang bahala,” saad ni Denmark kay Tuesday. Malalaman ko rin kung ikaw at siya ay iisa. Ani ni Denmark sa sarili. Sabado ng tanghali nang magising si Denmark dahil sa ingay ng construction sa harapan ng Flat nito. Nasa Tsueng Kwan O siya nakatira at kasalukuyang may ginagawang eskwelahan sa tapat ng building nila. Kinuha nito ang cellphone na naka-charge sa katabing table ng kama niya. Twelve missed call and twenty messages ang nakarehistro sa screen ng cellphone nito. Una niyang tiningnan ang mga messages. Promotions and weather forecast lang ang mga iyon. Akmang buburahin na sana niya ang mga mensahe nang mapansin ang isang text message mula kay Tuesday. Nagpalitan kasi silang dalawa ng number kagabi ng sa gayon ay may contact ito kay Tuesday para sa nakatakdang pagkikita ulit nila ni January. Umupo ito sa higaan at excited na binasa ang mensahe ng dalaga. Masayang lumabas ng kwarto si Denmark ngunit bigla ring nawala nang makita ang kanyang bisita. “Sorry sir. Hindi ko po siya napigilan. Kasalanan ko ang lahat.” Bungad sa kanya ng sekretarya nito. “Ang ganda na sana ng umaga ko Ericson. Haist!” “‘Sorry sir,” nakayukong saad ng sekretarya. “Hindi mo naman kasalanan. Sige na, may lakad ako mamaya ng gabi. Bukas ka na lang bumalik. Enjoy your day,” ani nito sa sekretarya. “Salamat sir,” saka tuluyan nang umalis. Nang makaalis na si Ericson, saka pa lang nilapitan ni Denmark ang kapatid na natutulog sa  sofa. Agad na napahinto siya sa paglapit nang malanghap nito amoy ng kapatid. Saan na naman kaya ito nanggaling kagabi? Umalis si Denmark para kumuha ng pamunas para sa kapatid. Pagkatapos nitong mapunasan ay nagtungo siya sa kusina para magluto. Walang katulong si Denmark. Bihira lang din kasi siyang nanatili sa kanyang bahay. Katunayan, twice a month lang siyang pumupunta ng Hong kong para asikasuhin ang negosyo ng kanyang pamilya. Sila ang may-ari ng Marco Polo Hotel. May branch sila sa Hong kong at sa Davao naman ang kayang main office. Siya ang panganay na anak nina Fritz at Jean Anderson. Dalawa Silang magkapatid. Babae ang bunso nila na kasalukuyang palipat-lipat ng lugar dahil sa katatakas nito sa kanyang mapapangasawa. Nang makaluto na ito, binalikan niya ang kapatid na natutulog pa rin. Nagpasya siyang maligo muna habang tulog pa si Lyka. Pasipol-sipol ito habang naliligo sa dahilang magkikita ulit sila ng dalaga. Umaasa siya na ang babaeng matagal na niyang hinahanap at si January ay iisa. Pagkatapos niyang maligo, inabutan niyang tulog at humihilik pa rin ang kapatid. Nag-iwan na lang ito ng note sa mesa para sa kapatid bago tuluyang umalis. Sakay ng kanyang black mini Cooper, tinungo nito ang Adventure bar na pag-aari ng kaibigan niyang si Cheeno. Eksaktong seven in the evening nandoon na siya at hinihintay ang tawag ni Tuesday. Umupo siya sa counter at um-order ng whisky. Kinakabahan din kasi siya kaya kailangan niya ng pampainit sa katawan. Dire-diretso ang ginawa nyang pag-inom ng alak. Napangiwi naman ito sa init na dulot ng alak sa kanyang lalamunan. Tatlong shot muna ang naubos niya bago nakatanggap ng tawag mula kay Tuesday. Parating na raw sila kaya naman inayos na nito ang sarili at humanda na sa pagkikita ulit nila ng dalaga. Relax ka lang d’yan heart. Huwag kang kabahan. Magiging okay rin ang lahat. Ani nito sa sarili. Tiningnan niya ang bawat taong pumapasok sa loob ng bar hanggang sa nakita na niyang pumasok na sina Tuesday kasama si January. Agad naman siyang nakita ni Tuesday. Nakatingin siya sa dalawang babaeng papalapit sa kanya particular na kay January. Pakiramdam niya nag-slow motion ang buong paligid. “Denmark! Hello!” agaw ng atensyon niya ni Tuesday. Hindi niya namalayan nasa harapan na pala niya ang dalawa. “Hi!” bigla niyang sabi sabay tayo. “Kanina ka pa ba? Pasensya ka na may dinaanan pa kasi kami,” saad ni Tuesday. “Okay lang. Kararating ko lang naman. Upo kayo,” ani niya sabay hila sa dalawang highchair sa tabi niya. “This is my friend January. Jan, this is Denmark,” pakilala ni Tuesday sa dalawa. “Hi! Nagkita ulit tayo,” saad nito sa dalaga sabay lahad ng kamay niya. Tumingin lang sa kanya si January. Hindi rin tinanggap ng dalaga ang pakikipagkamay niya. “An’ong gusto ninyo inumin? Akong bahala. Just order anything you like,” ani nito sabay bawi ng kanyang kamay. “Secretary Anderson, kaya naming bayaran ang iinumin namin kaya diretsuhin mo na ako. Ano ba talaga ang sadya mo at pati ‘tong kaibigan ko ay nakuha akong ipagkanulo sa iba,” mataray na saad ni January saka pinandilatan ng mata si Tuesday na humalukipkip sa tabi niya. “Sorry. May gusto lang akong itanong sa ‘yo,” “Then ask,” mataray pa rin na sagot ng dalaga Humugot muna nang malalim na hininga si Denmark bago humarap sa dalaga. “Alwin. Dengue,” ani nito kay January. “How did you know that? Sinong may sabi sa ‘yo? Bakit mo kilala ang kapatid ko?” sunod-sunod na tanong ni January sa kanya. I finally found you. Bulong ni Denmark sa sarili. Itutuloy…. Please vote and comment po kayo. Thank you! Love...Love… iamdreamer28 ∩__∩♥♥♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD