Unedited Pagkatapos nilang bisitahin ang puntod ng dating nobya ni Denamark, inihatid na nito si January sa bahay ng dalaga dahil maaga pa ang flight nito kinabukasan pabalik ng Hong Kong. Nasa harapan na sila ng bahay nina January. Nanatili pa rin ang mga ito sa loob ng sasakayan. Kapwa ayaw pang maghiwalay ng dalawa. "Dadalawin na lang kita sa opisina mo kapag nakabalik na rin kami ng Hong Kong, January," "Pangako 'yan ha? Ani January. Tumango si Denmark saka niyakap ang dalaga. ~~~ Ala sais y medya ng umaga lumipad pabalik ng Hong Kong ang eroplanong sinasakyan ni January. Pagsapit ng alas-nuebe ng umaga, nasa Hong Kong na ang dalaga. Dumiretso na agad ito sa Marco Polo Hotel kung saan naghihinatay na rin si Tuesday. Laking pasasalamat niya dahil nagawa ng maayos ng kaibigan ang ip

