Unedited Ala una ng madaling araw dumating ang magkaibigang January at Tuesday sa Adventure bar sa Wan Chai. Magulo at malakas ang musikang umaalingawngaw sa loob ng bar. Araw ng linggo, kaya marami silang nakasabayan na mga kapwa Pilipino. Umupo sila sa pabilog na counter na nasa gitna. May mga nagsasayawan sa likod nila. May iilang mga Pilipino rin ang paminsan-minsan ay sumusulyap sa gawi nila, lalo na kay January. Lasing na kasi ito. Mababa lang ang tolerance niya pagdating sa alak. Hindi katulad ni Tuesday. Hindi uminom sang dalaga dahil alam na niya kung ano ang mangyayari sa kaibigan. Huling bese na uminom si January na para bang wala ng bukas ay noong panahon na mawala ang dati nitong nobyo. "Bakit? Ganoon ba kahirap sabihin sa akin kung sino talaga siya? Hindi naman siguro mah

