Unedited Mag-uumaga na ng makaramdam si January nang pagbigat sa kanyang puson. Dahan-dahan itong nagmulat. Sinulyapan niya ang binata na nakaharap pa rin sa kanya at mahimbing pa rin na natutulog. Tumagilid ito paharap kay Denmark. Natutukso siyang haplusin ang pisngi ng lalaki ngunit pinigilan niya ang sarili. Nanatili siyang nakamasid lang sa binata. Mayamaya pa, bumangon siya at nagtungo ng banyo. Ilang sandali pa'y nakabalik na ulit siya sa higaan. Ganoon pa rin ang posisyon ng binata. Nakatagilid paharap sa kanya. Inayos ni January, ang kumot ni Denmark. At sa pagkakataong iyon, hindi na niya napigilan ang sarili na haplusin ang mukha ng lalaki. Bumalik siya sa paghiga. Kinuha niya ang unan sa pagitan nilang dalawa at humiga malapit sa dibdib ng binata. Ang sarap ng pakiramdam ni

