Unedited
Ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang panahon. Malay natin, buka bukas makalawa, nasa paanan na natin ang magandang simula ng ating nakatakdang panahon.
“Sorry,” saad ni January habang naglalakad sila sa loob ng mall kung saan sila kumain.
“Okay lang ‘yon. Pasensya ka na rin kung parang naging stalker bigla ang dating ko,” saad naman ni Denmark saka huminto sa tapat ng dalaga dahilan para huminto ito sa paglalakad. “Iyon lang kasi ang alam kong paraan para kumustahin ka at ang kapatid mo,”
“Bakit nga pala hindi ka na lang pumunta sa bahay kung alam mo naman pala ang address namin?”
Tumabi ulit si Denmark sa dalaga at sabay na ulit silang naglakad bago niya sinagot si January. “Bawal kasi. Kaya nakiusap na ako sa nurse doon,” sagot naman nito sabay sulyap kay January na nakatingala sa kanya.
“Ah… kaya naman pala. Ang dami na nga doon sa bahay eh. Ngunit ni isa sa kanila, wala pa akong pinakikinggan,”
“Kaya naman pala hindi mo pa rin ako tinatawagan,” nakangiting saad ng binata.
Humakbang si January sa tapat ng binata at nanlaki ang mga matang tinanong ang binata.
“Ha? So, you mean? Talagang may sinabi ka sa bawat teddy bears na ‘yun? If I'm not mistaken, it's more than a hundred pairs ng mga teddy bear ang nasa bahay namin,”
Imbes na sagutin ang kanyang tanong, hinawakan siya ng binata saka dinala sa isang shop ng mga laruan.
“Here!” sabay abot ni Denmark sa dalaga ng isang kulay pink na teddy. “It's not just a hundred. Dahil every week akong nagpapadala sa ‘yo and sa loob ng siyam na taon at apat na araw. There are 461 weeks and 4 days to be exact. At dahil nagkita na tayo at sana ipapadala ko ulit ito sa address mo sa pilipinas, masaya akong ibigay sa ‘yo ang ika-462 pairs ng teddy bear,” nakangiting saad nito sabay kuha ng dalawang kamay ni January at inilagay doon ang teddy bear na may kulay pink na ribbon sa liig.
“Ga---gano’n na ka raming teddy sa bahay namin?” nuutal na saad nito.
“Happy 461 weeks and 4 days, January Montereal,” malapad na mga ngiti pa ring saad ni Denmark.
“Naku! Ang sweet naman ni kabayan!” saad ng isang babae na nakatayo sa likod ni Denmark.
“Sa tingin n’yo po?” saad naman ni Denmark sabay sulyap sa babae na nasa likod niya.
“Ang swerte mo kabayan. Bihira na lang ang lalaking ganyan. Huwag mo ng pakawalan at maraming nag-aabang,” saad naman ng babae sabay sulyap kay January.
“Naku po. Mali po kayo nang iniisip. Magkaibigan lang po kami,” sagot naman ni January sabay sulyap kay Denmark.
“Magkaibigan lang po kami sa ngayon?” saad naman ni Denmark saka tiningnan din ang dalaga.
Nahihiyang umiwas ng tingin si January sabay kuha ng cell phone nito sa bulsa ng kanyang jacket.
“Hello ma? Sorry po. Pasensya na ma, kung hindi na ako nakatawag. Biglaan kasing nagkayayaan na kumain sa labas. Pauwi na po kami. Nasa Popcorn mall lang naman kami kumain,”
“Gano’n ba? Sinong kaibigan ‘yan?”
“Ah… hindi n’yo po kilala ma,” saad ni January sabay sulyap kay Denmark na nakatingin pa rin sa kanya. “Actually____”
“Papuntahin mo rito sa bahay anak para naman makilala namin,”
“Next time na lang siguro ma. Gabi na rin kasi at baka pagod na rin siya,”
“I'm Okay. Magkaharap lang naman ang building natin,” sabi naman ni Denmark.
“Lalaki ba ‘yang kaibigan mo January?” tanong ng ina nang marinig nito ang boses ni Denmark.
“O---opo, ma,”
“Maghihintay kami. Umuwi ka na at dalhin mo siya.” Saad ng ina nito saka tuluyan nang nawala sa kabilang linya.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ng dalaga bago ibinalik ang cell phone sa bag nito saka muling kinausap si Denmark.
“Uwi na tayo. Naghihintay sina mama sa bahay,” saad nito kay Denmark.
✿✿✿
Nanonood ng t.v ang mama at papa ni January dakong alas nuebe ng gabi. Dahil nag-aalala sa anak na hindi pa umuuwi, nagpasya ang ginang na tawagan ito. Nangako kasi itong uuwi at sasabay ng hapunan sa kanila.
Pagkatapos na makausap ang anak, ibinaba nito ang cell phone sa harapan ng mesa sa sala nila saka sumandal sa balikat ng asawa nito.
“Nasaan na raw ang anak natin?” tanong ng ginoo.
“Pauwi na at may kasama siya,” saad nitong sabay halakhak.
Hindi na nito napigilan ang kasiyahan na nararamdaman ng mga sandaling iyon. Masaya siya dahil may kaibigan na ulit si January na lalaki. Matagal na rin kasi nilang ipinagdarasal na sana, bumalik na sa normal ang anak. Simula ng mawala si Timmy, hindi na ulit nakipagkaibigan si January, lalong-lalo na sa mga lalaki. Maliban na lang kung trabaho ang pag-uusapan.
“Gabing-gabi na asawa ko. Ano’ng tinatawa-tawa mo riyan?” kunot-noong tanong ng ginoo sa asawa.
“May bisita tayo. Kailangan natin maghanda ng makakain," saad nito saka nag-isip sandali. “Prutas! Tama, prutas. Tapos na rin kasi silang kumain,” saad nito sabay tayo at naglakad na papuntang kusina.
“Sinong bisita? Ganitong oras?” saad naman ng ginoo habang nakasunod sa asawa papuntang kusina.
At exactly 9:45pm, dumating ang dalawa. Nakangiti ang mga magulang ni January nang salubungin sila ng mga ito. Humalik sa pisngi ng mga magulang ang dalaga habang nakatayo naman sa likuran nito si Denmark.
“Pasok ka,” anyaya niya sa binata saka hinubad ang sapatos. “Ma, Pa. Ito nga po pala si Denmark. Denmark Anderson, ang bago kong kaibigan. Sila naman ang mga magulang ko Denmark,” baling nito sa binata na nakatayo sa likuran niya.
“Magandang gabi po ma'am, sir,” bati nito sabay lahad ng kanyang kamay sa mag-asawa.
“Magandang gabi rin naman sa ‘yo hijo. Tuloy ka,” sagot ng ina ni January.
“Salamat po,” sagot naman niya saka hinubad din ang kanyang sapatos.
Tumuloy naman si January sa kwarto nito upang magbihis. Pinili niyang isuot ang isang pares ng pantulog na kulay pink. Pajama iyon na may ternong longsleeve. Iyon na lang muna ang sinuot niya dahil maliligo pa naman siya mamaya pagkaalis ni Denmark. Hinayaan lang din niyang naka-ponytail pa rin ang buhok nito saka lumabas ulit ng silid. Pagdating niya sa sala, inabutan niyang nagtatawanan ang mga magulang nito pati si Denmark at kasama na rin nila si Alwin.
Nang mapansin ni Denmark na lumabas na siya, bahagya itong nagulat sa nakitang suot ng dalaga. Hindi niya lubos naisip na isusuot ng dalaga ang ibinigay niyang pares ng damit pantulog.
“Bagay pala sa ‘yo,” wala sa loob na sambit nito.
Napatingin si January ng diretso sa kanya at magkasalubong ang mga kilay sa tinanong ang binata.
“Huwag mong sabihin na sa iyo rin galing itong suot ko, tama ba?”
Nagkatinginan ang mga magulang at kapatid ng dalaga saka sabay-sabay na tiningnan ang dalawa at sabay-sabay ring tinanong ang mga ito.
“Magkakilala na kayo noon pa?”
“Opo,” sagot ni Denmark.
“Hindi po,” sagot naman ni January.
“Ano ba talaga? kuya? Ate?” natatawang saad ni Alwin.
Itutuloy______
Love… Love…
iamdreamer28
ʕ•ٹ•ʔ❤❤❤