Chapter 10

1371 Words
 Unedited “What?! Baliw ka na ba talaga January? Bakit mo naman ginawa ‘yon?” saad ni Tuesday habang kumakain sila ng tanghalian. “Ewan,” sagot naman nito saka tumingin sa labas ng restaurant na pinasukan nila. “Pagkatapos mong paasahin ‘yung tao, bigla-bigla mo na lang ilalaglag? Lakas mo ring mang-asar eh, no? Grabe ka talaga,” saad naman nito sabay sandal sa upuan. “Naalala ko kasi si Timmy. Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya,” saad nito sabay hinga nang malalim. “Timmy, Timmy, Timmy. Bakla! Gumising ka nga! 2016 na tayo. 2006 pa nawala si Timmy. Nagpapahinga na ‘yung tao. Maawa ka naman! For Christ sake, January,” saad nito sa kaibigan sabay krus ng dalawang braso nito at tiningnan ang cellphone niyang kanina pa umiilaw. “Naku! Maghintay ka nga Denmark. Kinakausap ko pa.” Bulong nito sa sarili. ✿✿✿ “Bakit siya gano’n? Ang bilis namang magbago ng isip niya,” saad ni Denmark habang nakadungaw sa labas ng bintana ng kanyang opisina. “Baka may dalaw lang sir, kaya mainit ang ulo,” sagot naman ni Ericson habang inaayos ang mga papeles na dapat pirmahan ng binata. “Gano’n ba talaga ang mga babae kapag may dalaw?” tanong nito saka humarap kay Ericson. “Yes, sir. Ganoon talaga kaming mga babae kaya pagpasensyahan mo na si Miss January, okay? Sige na, pirmahan mo na ito at ako’y aalis na para maghanap ng lalaki,” nakangiting saad nito. “Kahit ano’ng gawin mo Ericson, lalaki ka pa rin,” natatawa namang sagot ni Denmark saka sinimulan nang pirmahan ang mga papeles na inihanda ng  sekretarya. ✿✿✿ “Maiba tayo Tuesday. Kumusta na nga pala ang papa mo?” tanong ni January sabay subo ng noodles. “Ayon, buhay pa naman,” sagot naman nito sabay iwas ng tingin kay January. “Huwag ka ngang magkaila sa akin. Alam kong nag-aalala ka rin sa kanya. Iba ang sinasabi ng bibig mo sa sinasabi ng mga mata mo,” saad naman ni January. Parehong OFW ang mga magulang nina January at Tuesday. Katunayan, matalik na magkaibigan ang dalawa. Nang matagpuan ng ina ni Tuesday ang lalaking minahal niya sa katauhan ng isang private bodyguard ng isang kilala sa mundo ng mga gangster na umiikot sa buong mundo. Bata pa lang ang ama nito nang magtrabaho sa isang bigating tao. Dahil sa kahirapan ng buhay nila noon, pumayag itong magtrabaho bilang isang bodyguard. Dahil na rin sa magandang pangangatawan ay madali itong napili.Ngunit ang hindi niya alam, maling tao pala ang kanyang pinasukan. Nang mapadpad ng Hongkong ang grupo ng ama ni Tuesday, doon niya nakilala ang ina ng dalaga. Sa isang Filipino store kung saan kumakain ito dakong alas singko ng hapon. Katatapos niya lang mamalengke ng mga oras na iyon. Ang ama naman nito ay patapos na at magbabayad na ito bago sana umalis. Binayaran niya pati na ang kinain ng dalaga saka lumabas. Pagkatapos kumain ng ina ni Tuesday, nagulat na lang ito nang sabihan siyang bayad na ang kinain niya. Nang tanungin niya kung sino ang nagbayad, itinuro ng nagbabantay ang lalaking nakatayo sa labas ng tindahan nito habang nakatalikod. “‘Excuse me? Kabayan? Ito nga pala ang bayad ko sa binayad mo sa pagkain ko,” sabay abot ng limang dolyar sa lalaki. At doon na nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa hanggang sa nabuo si Tuesday. Kaya naman naging Tuesday ang kanyang pangalan dahil iyon ang araw na unang nagkita ang kanyang mga magulang. Palipat-lipat ng lugar ang ama niya gawa ng trabaho. Swerte na lang kung sa loob ng isang taon ay makakapunta ito ng Hong Kong. Malaki ang impluwensya ng taong pinagtatrabahuan ng ama nito sa Hong Kong. Kaya naman ay napakiuspan nito ang amo na tulungan na maging isang Hong kong resident ang mama ni Tuesday. At hindi nagtagal, tuluyan ng iginawad sa mama nito ang pagiging isang Hong kong residence. Walong taong gulang si Tuesday noon. Iniwan siya sa bahay nina January dahil malubha ang kanyang ama sa isang hospital dito sa Hong kong. Nasa loob siya ng kuwarto ng gabing iyon. Papasok na sana si January upang matulog nang marinig niyang nagsasalita si Tuesday. “Huwag po sana ninyong pababayaan ang papa ko. Mahal na mahal ko po siya kahit bihira lang namin siyang makasama ni mama. Alam ko po, para sa amin, lalo na sa akin ang ginagawa ni papa. Pagalingin po ninyo siya. Amen.” Hindi napigilan ni Tuesday ang umiyak nang sabihin ni January ang narinig nito sa kanya noong mga bata pa lamang sila. Sumubsob ito sa mesa habang tinabihan naman siya ng kaibigan at niyakap. “Magiging okay rin ang lahat Tuesday. Magtiwala ka lang. Gaya ng pagtitiwala mo noon na gagaling ang papa mo,” saad ni January. Kinagabihan, sabay na umuwi ang dalawa. Hindi na muna pinag-drive ni January ang kaibigan dahil wala ito sa tamang kondisyon. Hinatid niya ang dalaga sa bahay nito bago  siya tuluyang umuwi. Nasa basement na si January dakong alas otso ng gabi. Pagkatapos na mai-park ang sasakyan, isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan nito bago tuluyang lumabas ng kotse. Nasa harapan na siya ng elevator at naghihintay na magbukas ito nang bigla na lang may humawak sa kanya saka siya hinila pabalik sa kotse nito. “Key?” Kunot ang noong tinitigan niya ang binata. “What do you think you're doing?” Hindi siya sinagot ng binata. Halos lahat ng sasakyan sa Hong Kong ay automatic. Kaya kahit wala kang susi kung ang mismong may hawak nito ay nasa tabi mo lang, mabubuksan at mabubuksan pa rin ang pintuan. Hinawakan niya sa braso si January saka inalalayang makapasok ng kotse. Habang bumabyahe, wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Tahimik at seryoso sa pagmamaneho si Denmark. Si January naman ay nakatuon ang atensyon sa labas ng bintana. Mayamaya pa, pumarada na ang kotse nila sa basement ng isang mall. Tinanggal ni Denmark ang seat belt nito at gano’n naman si January. Sabay silang lumabas ng kotse at naunang naglakad si Denmark. Nasa harapan na sila ng isang Korean restaurant at naghihintay sa muling pagbubukas nito para sa huling batch ng mga customers. Kada dalawang oras ang schedule ng pagbubukas ng restaurant. Paraan iyon ng management upang malinis ang mga gamit na gagamitin ng mga susunod na customer. Eat all you can iyon kung tawagin. Naka puwesto sila sa isang sulok sa kanang bahagi ng restaurant. Unang pinaupo ni Denmark ang dalaga at ito na ang kumuha ng pagkain nila. Puwede kang mag-barbecue dahil may sarili kayong barbecue machine sa mismong mesa ninyo at iyon ang isa sa dinarayo ng mga customer. Malawak at maganda ang paligid. Napapalibutan ito ng mga nakasabit na ilaw sa ding-ding. Black color din ang dominating kulay nito at nasa gitna naman nakalagay ang mga pagkain. Magmula sa umiikot na sushi, prutas, iba’t ibang uri ng karne, fruit and vegetables salad na ikaw pa mismo ang maghahalo ayon sa panlasa mo. “Let's eat? Nagugutom na ako,” saad ni Denmark nang nakangiti sabay hawak sa kanyang tiyan pagbalik nito sa mesa nila. “Bakit hindi ka pa kumain? Hindi mo naman ako kailangang hintayin,” sagot naman ni January sabay kuha ng karne na inihaw niya saka ibinigay kay Denmark. “Tinakbuhan mo kasi ako kanina kaya maghapon akong hindi kumain at hinihintay kang umuwi. Thank you,” saad naman nito sabay buka ng kanyang bibig. “Ano’ng ginagawa mo?” tanong ni January sa kanya. Kahit alam na niya kung ano’ng ibig sabihin nang pagbuka ng bibig ng binata “Put it on my mouth, please?” saad nito sabay pikit ng kanyang mga mata na tila ba nagdadasal na isububo sana sa kanya ng dalaga ang pagkain. Umiling na lang ang dalaga saka sinubuan si Denmark. Nakangiti pati mga mata ng binata sa sobrang kasayahan. Napansin din ni January na may maliit pala itong dimple sa kanang bahagi ng kanyang pisngi. Tinangka rin ni Denmark na subuan siya ngunit umiwas ito kaya hinayaan na lang siya ng binata. Kumakain na sila ng ice cream bilang dessert nang magsalita ulit si  Denmark. “Pinakinggan mo na ba ang mga mensahe ng mga teddy bear sa ‘yo? “Ha--ha? Paano’ng? Huwag mong sabihin na ikaw rin ang nasa likod ng lahat ng iyon?” kunot ang noo na saad ng dalaga. Itutuloy_______ Thank you sa sa walang sawang pagsuporta sa mga kuwento ko. Sana ipagpatuloy lang po ninyo. Love… Love… iamdreamer28 ʕ•ٹ•ʔ❤❤❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD