Chapter 9

1592 Words
Unedited “Tuesday? Si January ito! Buksan mo ‘tong pintuan!” Tatlong araw ng hindi pumapasok ng trabaho si Tuesday, kaya nagpasya si January na puntahan ang kaibigan sa bahay nito sa Mong Kok. Doon din naman kasi siya galing dahil pinuntahan nito ang isa nilang kleyente. “Bakit ka nandito?” tanong ni Tuesday pagbukas nito ng pintuan. “Bakit ganyang ang ayos mo? May sakit ka ba?” nag-aalalang tanong ni January nang makita nitong nakabalot ng kumot ang buong katawan ng kaibigan at tanging mukha lang nito ang nakikita. “Okay lang ako. Bakit ka pa pumunta,” saad nito sabay talikod. Sumunod naman si January. “Syempre! Nag-aalala ako sa ‘yo. Tatlong araw ka ng hindi pumapasok. Hindi mo rin sinasagot mga tawag at text ko sa ‘yo. Sino ba namang hindi mag-aalala niyan,” sagot naman ni January. “Nagugutom ako Jan,” saad ni Tuesday na nakahiga sa sofa. “Sandali lang. Iinitin ko lang ‘tong soup na ginawa ni mama. May kanin at ulam na rin dito. Humiga ka na muna d’yan sandali lang ‘to,” saad nito saka pumasok na ng kusina. “‘Thank you,” nanghihina nitong saad. Pagkalipas ng sampung minuto, okay na lahat ng pagkain na dala ni January. Kinuha nito ang miliit na mesa sa kwarto ng dalaga at dinala sa sala saka niya inilagay ang mga pagkain na dala niya. “Bangon na Tuesday, habang mainit-init pa ‘tong sabaw. Para pagpawisan ka,” saad nito sa kaibigan saka tinulungan na makaupo. “Thank you. Siya nga pala, kumusta na kayo ni Denmark?” Tanong nito sa kaibigan bago sumubo ng kanin. “Ano’ng kami? Wala namang kami,” saad ni January saka sumubo na rin ng kanin at ulam. Adobong karne ng manok na nilagyan pa ng itlog ang ulan nila. Paborito kasi iyon ni Tuesday. “Kunwari ka pa. If I know, nagselos ka doon sa girlfriend niya na kapatid pala,” “Hindi ah! Saka, wala akong balak makipagrelasyon. Nagpapasalamat lang ako, dahil sa wakas natagpuan ko na rin ang taong dahilan kung bakit kapiling pa namin si Alwin ngayon. Ikaw talaga. Kung anu-ano naman ‘yang iniisip mo. Kumain ka na nga lang,” saad nito sa kaibigan sabay subo ng buong itlog kay Tuesday. Martes ng tanghali, gusto sanang lumabas ni Denmark para puntahan si January at yayain ulit itong mag-lunch ngunit nagkaroon naman sila nang emergency meeting. Alas singko na ng hapon natapos ang meeting na iyon. Kaugnay iyon sa isang VIP guest nila na nagwala at may sinaktan na dalawang empleyado. Nakarating ang pangyayaring iyon sa daddy niya kaya nagpatawag agad ito meeting. “Sir, ayaw n’yo bang kumain? Wala pa kayong lunch at mayamaya lang dinner na rin,” tanong ni Ericson sa kanya. “May appointment pa ba akong iba Ericson?” saad nitong nakatingin lang sa labas ng binata ng kanyang opisina. Tumayo si Ericson mula sa pagkakaupo nito sa sofa na naroon sa opisina ni Denmark bago ito sumagot. “‘Actually, we need to go now. Naghihintay na ang mommy at daddy mo sa lobby,” sagot nito. Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Denmark saka ito humarap kay Ericson sabay kuha ng kanyang coat na nakasabit sa likod ng swivel chair nito. “Okay. Let's go. Para matapos na ang araw na ito.” Ani niya. Mula martes hangga huwebes naging abala si Denmark sa opisina. Lalo pa’t may isang investor na gusto siyang maging manugang. At kung papayag ito, ang 8 percent na share nito sa kanilang kumpanya ay mapupunta na sa kanya. At mahihirapan na ang mga may ayaw sa kanya bilang papalit na bagong CEO kapag nagritiro na ang ama nito sa susunod na taon. “Dad, siguro naman hindi ninyo panghihimasukan ang pribado kong buhay para masigurado lang ang pagiging CEO ko sa susunod na taon?” saad nito sa ama nang sila na lang ang naiwan sa mesa habang nagsasayawan na ang lahat sa party na dinaluhan nila. “I trust you, son. Hindi kita pakikialaman. Siguraduhin mo lang na magiging maayos ang lahat at hindi mababalewala ang pinaghirapan ng lolo mo,” saad ng ama nito saka bahagyang tinapik ang balikat nito. “Thanks dad,” “Hangad namin ng mommy n’yo ang kaligayahan ninyong magkapatid. So, kailan namin siya makikilala?” nakangiting Tanong ng ama. “Hindi pa ako nagsimulang manligaw dad. Pero sa tingin ko, may gusto rin siya sa akin,” sagot naman nito na para bang sigurado talaga siya na may gusto rin si January sa kanya. “Bilis-bilisan mo lang at baka maunahan ka pa ng iba,” saad ng ama nito bago tumayo para salubungin ang ina ni Denmark kasama si Lyka. Mabuti na lang at napakiusapan niya ang rebelding babae na magpakita na sa mga magulang nila. Dahil sobrang nag-aalala na ang mommy nila. Halos hindi na ito nakakatulog gabi-gabi. Kahit pa alam nilang hindi naman ito magugutom dahil hindi naman pinutol ng daddy nila ang sustento nito. “Mabuti naman at nagpakita na ang baby damulag ko,” saad ng ama nila sabay dipa na tila handang-handa na itong salubungin nang yakap ang bunsong anak. “Daddy!” sigaw ni Lyka saka tumakbo at agad na yumakap sa ama. “Dad? Sorry. I'm really sorry kung nag-alala kayo ng husto sa akin,” “Sshh. Ang mahalaga nandito ka na ulit. Okay?” Tumango lang ang dalaga at mas lalo pang hinigpitan ang pagyakap sa ama. Nakangiting inakbayan naman ni Denmark ang ina na umiiyak nang palihim sa tabi niya. Natapos ulit ang araw ni Denmark na hindi nakikita si January. Ayaw niya rin na tawagan ito dahil baka busy rin ito. Ayon na rin kasi sa kanyang source, may malaking event itong inaasikaso ngayon dahil sa susunod na linggo na gaganapin ang kaarawan ng isang sikat na artista dito sa Hong Kong. Alas dos na ng madaling araw nang makarating si Denmark sa bahay niya. Pabagsak itong umupo sa sofa habang umiinom ng beer na binili niya sa dinaanang 7/11. Nang maubos nito ang isang lata ng beer, pumasok na ito sa kuwarto niya. “I can't wait to see you, January.” Saad nito sabay pikit ng kanyang mga mata. Kinabukasan, dating gawi pa rin si January. Pagkagising nito, diretso na agad ng banyo para maligo. Likas na sa ating mga Pinoy ang maligo araw-araw. Hindi katulad ng ibang lahi na kapag malamig, gabi na lang maliligo. O, ‘di naman kaya ay hindi na talaga naliligo dahil sa malamig daw. “Thank you sa kape mommy,” saad nito sa ina sabay silip sa pintuan ng kusina nila at nakita niyang nagtitimpla pa ito na para naman sa ama nila. “Inilagay ko na sa terrace ang laptop at cellphone mo. May tumawag nga pala  sa ‘yo kanina pero hindi ko na sinagot,” sabi ng mama niya. “Talaga? Sino po, mama?” simpleng tanong nito saka uminom ng kape. “Magic yata ‘nak. Oo, tama. Magic nga ‘yung tumatawag,” sagot naman ng ina. Nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ina, bigla niyang nalunok ang umuusok pang kape. Umubo ito sa sa sobrang init na naramdaman niya sa kanyang lalamunan. “Okay ka lang ba January? Dahan-dahan sa pag-inom dahil mainit pa talaga ‘yang kape mo,” saad ng ginang sabay abot ng tissue sa anak. “I'm okay ma. Kukunin ko lang ‘yung cellphone. Baka kasi tumawag ulit,” paalam niya sa ina sabay takbo sa terrace nila. “Hello?” agad na sagot niya nang makitang umiilaw ang cellphone niya sa ibabaw ng mesa. Dahan-dahan siyang humarap sa kaliwa niya saka binasa ang nakasulat sa puting papel. “Hindi ko nakikita. Sobrang liit naman nang pagkasulat mo,” saad niya sa kausap. Panandaliang nawala ang binata. Ilang saglit pa’y nakita niya ulit ang puting papel na nagsasaad ng “Breakfast together?” natawa naman si January sa ginawa ni Denmark. “Bakit hindi mo pa sinabi. May pa sulat-sulat ka pa d’yang nalalaman. Okay. Pick me up at the lobby,” saad nito sabay  off ng cellphone at kumaway sa binata. Papasok na sana ito sa loob ng bahay nila nang bigla niyang maramamdaman na masaya siya. Masaya siya dahil nakita niya ulit ang binata. Masaya siya dahil sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Ramdam niya ang mabilis na pagkabog ng kanyang puso. Ngunit sa isang bahagi ng knyang utak ay naroon pa rin ang isiping, mali na maging masaya siya. Hindi siya puwedeng maging masaya. Mawawalan ng saysay ang pagmatay ni Timmy kung magpapakasaya siya ngayon. “Ericson, mauna ka na sa opisina. Kasama ko si January ngayon,” masayang saad nito sa sekretarya habang inaayos ang kanyang seat belt. “Okay. Just don't forget, may lunch meeting ka with Misis Tan,” sagot naman ni Ericson sa kabilang linya. “Okay!” saad niya sabay baba ng cellphone saka tuluyan nang umalis. “I'm coming mine!” sigaw ng kanyang utak. Pagdating niya sa lobby ng building nina January, nakita na niyang nakatayo doon ang dalaga at hinihintay siya. Mabilis niyang nilapitan si January. Hindi nito napansin na nasa likod na pala niya ang binata. “Hi! Good morning!” masiglang bati nito sa dalaga. Humarap si January kay Denmark. Sabik na sabik ang binata na makita ang mukha nito nang malapitan ngunit iba ang nakikita niyang expression sa mukha ng dalaga. “May problema ba January? Bakit ganyang ang mukha mo? Kanina lang ang ganda naman nang_______” “Tapos na akong kumain,” saad nito  seryosong saad nito sabay hakbang palabas ng lobby kung saan naghihintay na rin ang kanyang kotse. Hinabol at tinawag niya ang dalaga ngunit hindi na ito lumingon pa. Hinabol niya ito hanggang sa kotse niya ngunit mabilis na umalis na si January. “What's wrong with her? Kanina lang parang ang saya naman niyang tingnan. Pero bakit bigla na lang naging ganito?” bulong ni Denmark sa sarili habang nakatingin sa kawalan. Itutuloy________ Salamat sa lahat ng mga sumusubaybay kay January at Denmark. God bless. Love… Love… iamdreamer28 ʕ•ٹ•ʔ❤❤❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD