Chapter 8

1323 Words
Unedited Sinundo ni Denmark ang kapatid nito malapit sa MTR station kung saan malapit lang din ang Chinese restaurant na pinagdalhan sa kanya ni January. Walang sariling kotse ang dalaga dahil hindi naman ito nananatili sa iisang lugar. “Dito na lang ako maghihintay sa itaas bunso, okay? Basta diretso lang ‘yan at exit D1 ka lalabas. Makikita mo akong nakatayo dito,” saad ng binata sa kapatid. Mayamaya pa, nakita na niyang tumatakbo paakyat ng hagdanan si Lyka. Sporty si Lyka. Maputi na minana niya sa kanyang ina. May haba na hanggang liko ang kanyang medyo kulot na buhok. Bilugan ang kanyang mga mata na may mahahabang pilikmata. Bumagay rin ang katamtamang tangos ng ilong nito pati na ang medyo makapal at pinkish nitong labi. “Hey! Buti nakarating ka,” saad ni Denmark sabay akbay sa dalaga. “Syempre! Ikaw pa! Lakas ko sa ‘yo eh! Where is she? ” nakangiting saad ng dalaga. “Let's go? Naghihintay na siya,” saad ni Denmark. Papasok na sila ng restaurant at siya ring paglingon ni January. Nakita ni Denmark kung paano nag-iba ang reaksyon ng magandang mukha nito. Selos ba iyan January? Nang makalapit na sila sa mesa, agad na binati ni Lyka ang si January sabay lahad ng kamay nito. “Okay ka lang?” tanong ni Lyka ng hindi ito kumibo at nakatitig lang sa kanya. Tiningnan ni Lyka si Denmark na nakatayo sa tabi niya bago tiningnan ulit si January. “January? Are you okay?” untag ni Denmark sa kanya. “What?! May sinasabi ka?” tanong naman nito na bahagya pang lumakas ang kanyang boses. “Hello. I'm____,” “Oh! I'm so, sorry Mrs. Anderson____,” “What?! What did you just say? Mrs. Anderson?” putol ni Lyka sa mga sasabihin pa sana ni January. “Kuya? Ano ‘to?” baling ni Lyka sa kapatid na nakangiti lang sa tabi niya sabay upo. “Kuya? Kuya mo siya?” gulat na tanong ni January. “Siya ang girlfriend ko. Ang una kong babae na kaibigan bukod sa mommy namin,” saad ni Denmark. Nahihiyang ngumiti at humingin ng paumanhin si January kay Lyka. Natawa na lang din ang dalaga sa naging reaksyon ni January. Gulat at hiya ang makikita  sa namumulang mukha nito. Nagpatuloy sila sa pagkain na binili nila nang nakangiti. Minsan sinusulyapan ni January ang  magkapatid na nagsusubuan pa. “Bye kuya, ate? Can I, call you ate?” tanong ng dalaga sa kanya. “Ano’ng ate? Magka edad lang kayo,” sagot naman ni Denmark. Lumingon si January sa binatang nakatayo sa likod niya. “Hindi nga ako binenta ni Tuesday sa ‘yo,” saad nitong nakataas ang isang kilay. Ngumiti lang ang binata sabay pasok ng dalawa nitong kamay sa bulsa ng kanyang itim na jacket. “Ingat ka bunso,” sabay kaway ng binata. “I will kuya. Bye!” saad nito saka tuluyan ng umalis. “Sige, mauuna na ako,” paalam din ni January sa binata saka humakbang na palayo. Mabilis at malalaki ang mga hakbang na ginawa ni January. Laking pasasalamat niya dahil hindi na siya sinundan pa ng binata. Alam niyang nakakalayo na siya dito kaya dahan-dahan na itong naglakad. “Tired?” “AY GUWAPO!” gulat na bulalas nito sabay hawak sa kanyang dibdib. Tamang-tama rin kasi ang pagdaan ng isang lalaki. “Ayon? Guwapo? Hindi hamak naman na mas guwapo ako d’on,” saad ni Denmark nang makalapit na ito sadalaga. “Bakit ka ba nanggugulat?” asik nito sa binata bago nagpatuloy sa paglalakad. “Ikaw naman kasi, ang bilis mong maglakad. Hindi mo man lang ako hinintay,” sagot naman nito habang nasa likod ang dalawa niyang kamay at pilit pa ring hinahabol si January. “Nagpaalam naman ako sa ‘yo hindi ba? Saka teka nga muna?” saad nito sabay hinto at hinarap ang binata. “Wala ka bang trabaho?” tanong nito sabay taas ng dalawang kilay. “Lunchbreak naman hindi ba? Saka malapit lang naman dito ang opisina ni boss, kaya madali lang akong makakabalik,” sagot naman ni Denmark sabay hawak sa likod ng ulo. “Malapit ng matapos ang Lunchbreak, kaya bumalik ka na. Baka mapagalitan ka pa ng boss mo,” saad ng dalaga sabay talikod saka naglakad na ulit. “May date si boss, kaya okay lang na mala-late ako pabalik,” saad nito. At sa puntong iyon, magkasabay na silang naglalakad. Hindi na kumibo pa si January at hinayaan na lang itong ihatid siya hanggang sa building ng kanilang opisina. “Thank you sa pagsabay sa akin. Ingat ka pabalik,” saad ni January pagdating nila sa harapan ng building. “Walang anuman basta ikaw!” saad nito saka nagpaalam na rin sa dalaga. Nang mawala na ito sa paningin ni January, saka pa lang pumasok ang dalaga. Umiiling na naglakad ito pabalik ng kanyang opisina. “Buong buhay ko, ngayon lang ako napahiya ng ganito.” Bulong nito sa sarili. Habang naglalakad naman si Denmark papalayo sa kinaroroonan ni January, hindi nito napigilan ang matawa. Noong una, mahina lang. Ngunit kalaunan ay nagmumukha na siyang baliw. Ngumingiti ng mag-isa, kinakausap ang sarili nang mag-isa habang naglalakad. Minsan pa nga ay napapatalon pa ito. “Sir! Hindi ka pa ba napapagod sa kalalakad?” Hiningal na saad ni Ericson. Kanina pa ito nakasunod sa kanya. Napahinto sa paghakbang si Denmark nang marinig nitong may tumawag sa kanya. Lumingon ito sa kanyang likuran at saka niya lang naalala na kasama pala niya si Ericson. “Sorry Ericson,” saka niya nilapitan at inakbayan ang sekretarya. “Huwag mo na akong pagnasaan. Ngayon lang kita aakbayan dahil masaya ako, okay?” saad nito sabay kindat sa kay Ericson. “Sana araw-araw ka na lang maging masaya sir, para arw-araw mo rin akong akbayan,” kinikilig na saad ni Ericson. Natawa naman si Denmark sa sinabi niyang iyon. Anak ng dating katulong nina Denmark si Ericson. Matalino at matiyaga sa trabaho. Kaya naman noong magtapos ito kasabay niya, kinuha niyang secretary si Ericson. Ito ang naging katuwang niya sa pag-aaral kung paano patakbuhin ang negosyo ng pamilya nila. Para kapatid na rin ang turingan ng dalawa. Walang malisya kapag magkasama sila. Namatay ang nanay ni Ericson, dahil sa sakit na diabetes bago paman ito magtapos ng pag-aaral. Hindi na rin nito nakilala ang tunay niyang ama. Pagdating ni January sa opisina niya, tinawagan nito si Tuesday ngunit walang sumasagot mula sa opisina ng kaibigan. “Saan kaya nagpunta ‘yun?” bulong nito sa sarili. “Hello Meg? Nakita mo ba si Tuesday?” tanong nito sa sekretarya. “Gano’n ba? Okay, Thank you,” saad nito sabay baba ng telepono. Sinubukan niya ring tawagan sa cellphone ng kaibigan ngunit nakapatay rin ito. “Baka walang signal sa pinuntahan niya,” bulong nito sa sarili saka hinarap na ang paggawa ng schedule sa mga event na gagawin nila sa mga susunod na araw. Habang si Tuesday naman ay mag-isang hinarap ang taong kinaiinisan niya. Taong hinding-hindi niya mapapatawad kahit kailan. “Hindi mo ba kayang patawarin ang ama mo anak?” saad ng mama ni Tuesday nang madatnan niya ito sa St. Theresa Hospital. “Kung ganyan ninyo siya kadaling pinatawad, puwes, ako hindi. At kahit kailan, hinding-hindi ko siya mapapatawad,” saad nito sabay tayo saka tinalikuran ang inang umiiyak sa labas ng kwarto ng ama nito. Lingid sa kaalaman ng mag-ina, narinig lahat ng ama ni Tuesday ang napag-usapan nila. “Patawad anak. Alam kong huli na ang lahat ng balikan ko kayo ng mama mo. Patawad.” Tumatakbo palabas ng hospital si Tuesday habang tumutulo ang mga luha nito. Kanina pa niya iyon pinipigilan dahil ayaw niyang makita ng kanyang ina. Oo, malaki ang kasalanan ng papa niya sa kanila dahil mas pinili nitong pagsilbihan ang amo sa Japan kaysa sa kanilang mag-ina. Lumaki siyang nasusunod lahat ng gusto niya. Punong-puno siya sa materyal na bagay. Ngunit habang lumalaki siya, mas hinahanap na niya ang pag-aaruga ng isang ama. “January?” sagot nito sa nang makapasok na sa loob ng kanyang kotse. “Kanina pa kita tinatawagan. Nasaan ka ba? Bakit ganyang ang boses mo?” nag-aalalang tanong ng kaibigan. “Jan, I'm in the hospital,” saad nito saka humagulgol. Hindi na nito napigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha. Itutuloy_______ Salamat sa lahat ng mga sumusuporta ng mga kuwento ko. Huwag po Kalimutan ang bumoto at mag-comment. Love… Love… iamdreamer28 ʕ•ٹ•ʔ❤❤❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD