Chapter 7

1895 Words
Unedited “Good morning kuya!” bati ng kapatid nito sa kanya. Araw ng lunes, seven thirty ng umaga. Inabutan si Denmark ng kapatid nitong sumisilip sa bintana ng kanyang kwarto. “Sinong sinisilip mo d’yan,” tanong ni Lyka sa kanya at nakisilip na rin. Dalawang taon ang tanda ni Denmark sa kanya. Siya ang tinaguriang rebelde ng pamilya Anderson. “Sshhh….halika tingnan mo. Ang ganda niya hindi ba?” saad naman ni Denmark na nakadapa sa higaan nito. “As if naman na maririnig niya ako. Mas maganda pa ako d’yan. Sino ba kasi ‘yan?” “Hulaan mo,” “Ginawa mo pa akong manghuhula. Sabihin mo na kasi,” naiinip na sagot nito sa kapatid. “Haist!” sabay lingon nito sa kapatid. “Alam kong maganda ka kasi kapatid kita,” patuloy nitong sabi saka pinisil ang pisngi ni Lyka. “Huwag ‘yong pisngi ko kuya!” sigaw naman nito saka sinakyan si Denmark na nakadapa pa rin. “Ang bigat mo na! Tumataba ka na yata ngayon,” pang-aasar ng binata sa kapatid. Alam niya na magagalit si Lyka kapag sinasabihan ng mataba kaya iyon ang panlaban niya. “Ah! Mataba pala ha?” sabay bukas nito ng kurtina. “Lyka! Isarado mo ‘yan! Makikita niya tayo! Baka kung ano pa ang iisipin niya!” saad nito sa kapatid sabay hila sa braso ng dalaga dahilan upang mapahiga ito sa kama at si Denmark naman ang sumakay sa kanya. Hindi na niya napansin na natatanaw na pala sila ni January. Nang mapagod silang dalawa, umupo na si Denmark sa tabi ng kapatid saka ito tinulungan na makabangon. “Hindi ka pa ba napapagod sa kakatakbo mo bunso?” seryoso nitong tanong sa dalaga. “Hayaan mo na lang muna ako kuya. Isang taon pa lang naman akong palipat-lipat ng lugar at tama ka. Hindi pa nga ako napapagod at kahit kailan hindi ako mapapagod,” saad nito saka humiga sa binti ni Denmark. “Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon? Kilala ko siya at alam kong hindi ka niya sasaktan,” “Kayo lang ni papa ang alam kong mabait.” “Hindi dahil sa niloko ka ng isa, lahat manloloko na. Tandaan mo ‘yan Lyka.” Bilin ni Denmark sa dalaga. Hindi na ito kumibo pa. Sa halip ipinikit na lang nito ang kanyang mga mata. “Magluluto ang kuya. Gutom ka na ba?” nakangiting tanong nito sa dalaga. “Oo…” lambing naman na sagot nito sa kanya. Habang nagluluto si Denmark, nagmamasid lang si Lyka na nakaupo sa harapan ng mesa sa kusina. Namimiss nito ang kanyang kuya. Isang taon na rin ang lumipas ng huli silang nagkita. Alas kuwatro ng hapon nang umalis si Lyka sa bahay nila sa Davao City. Wala kasi ang mga magulang nito dahil pumunta sa isang birthday party ng kanilang investors kaya nakatakas siya. Isang malaking backpack ang dala-dala niya na puno ng mga damit. “Manigas kayong lahat. Kayo lang naman ang may gusto sa kanya. E di, kayo na ang makisama. Bakit n’yo pa ako pipiliting makipagmabutihan sa kanya?” bulong nito sa sarili habang nagmamadali na sa pag-iimpake. Paglabas nito ng bahay, lakad--takbo ang ginawa nito hanggang sa makalabas na sa kanilang gate saka sumakay sa puting kotse na kanina pa naghihintay sa kanya. “Larga na dali!” utos nito sa driver nang makapasok sabay sarado ng pintuan saka itinapon ang bag sa likod ng kotse. “Makautos ka te wagas! Ako na itong naisturbo ako pa ang sinisigawan! Galing mo te!” saka pilit ang halakhak na ginawa ng driver. “Sorry my love… baka kasi maabutan tayo nina mama at papa hindi na ako makakatakas,” “Mabuti’t wala kang bantay ngayon?” “‘Meron. Pinatulog ko lang,” sagot naman nito saka isinuot ang hood ng kanyang jacket. Inirapan lang siya ng kaibigang driver saka itinuon na sa pagmamaneho ang atensyon nito. “Sigurado ka bang okay ka na dito? I mean, aalis ka na ba talaga? Hindi ka na magpapapigil?” tanong nito kay Lyka pagdating nila ng airport. “Kung hindi ko ito gagawin ngayon baka wala na akong panahon bukas,” sagot naman ni Lyka. “Ikaw ang bahala. Basta tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka. okay?” saad ng kaibigan nito bago siya nito niyakap. “Thank you my love. Ingat ka palagi. Tatawagan agad kita pagdating na pagdating ko sa Japan! Bye!” paalam ni Lyka sabay kaway sa kaibigan bago tuluyang pumasok sa loob ng airport. “Lyka? Bunso? May sakit ka ba? Bakit ka tulala at umiiyak ha?” Napapitlag si Lyka sa ginawang pagyugyog ni Denmark sa mga balikat nito. Saka niya lang din napansin na umiiyak na pala siya sa alaalang humahabol sa kanya hanggang sa kasalukuyan. “Kuya!” saad nito saka humagulgol nang iyak. “Bakit? Ano’ng nangyari ha? Sabihin mo sa akin. Ano’ng maitutulong ni kuya?” saad nito sabay yakap nang mahigpit kay Lyka. “Ako ang may kasalanan sa pagkamatay ni Liezel. Kung hindi ko lang sana siya sinabihang puntahan ako, baka hanggang ngayon buhay pa siya,” saad nito sa pagitan nang paghikbi. “Hindi mo kasalanan ‘yon. Ang boyfriend niya ang may kasalanan,” sagot naman ni Denmark habang hinahagod ang likod ng dalaga. “Hindi. Kasalanan ko talaga kuya. Nag-away sila dahil sa akin. Dahil sa kabaliwan ko,” saad nito sabay hagulgol. “Stop blaming yourself okay? Kasalanan ‘yon ng boyfriend niya. And according to the investigation, naitulak si Liezel at tumama ang ulo nito sa dulo ng mesa at internal hemorrhage ang ikinamatay niya. So, please. Stop torturing yourself. Hindi mo kasalanan at wala kang kasalanan,” paliwanag ni Denmark sa kapatid. Hindi na kumibo ang dalaga at patuloy lang ito sa pag-iyak. ✿✿✿ Alas nuebe na ng umaga nang dumating si January sa opisina nila. Noroon na ang iba niyang mga kasamahan at may iilang mga klenyente na rin silang naghihintay sa kanya. “Good morning maam?” bati ng kanyang secretary. “Hello. Good morning.” Sagot naman nito habang nagtitimpla ng kape sa kanyang mini kitchen sa kanang bahagi ng kanyang opisina. “Dumating na ba si Tuesday?” “Bakit? Namiss mo agad ako?” sagot naman ni Tuesday. “Kararating mo lang?” tanong nito nang naglalakad na pabalik ng kanyang mesa. “Kanina pa ako dumating boss. Palibhasa boss ka kasi kaya late ka nang dumating,” saad nito saka naglakad palapit sa mesa ng dalaga at kampanting umupo doon. “Ma'am Jan. Si Misis Tan po nasa conference room naghihintay sa inyo,” pagbibigay alam ng kanyang secretary. “Oo nga pala! May pa kape-kape pa akong nalalaman. Ok. I'll be there in a minute.” Saad nito sa sekretarya. “See you later. Kakausapin ko lang itong si Misis Tan. Big fish ‘to,” bulong niya kay Tuesday saka tuluyang Lumabas ng opisina. Habang kinakausap si Misis Tan, hindi naiwasan ni January na maalala ang nakitang “live show” kanina sa kaharap nilang building. Napailing na lang ito na siya namang ikinagulat ni Misis Tan dahil sapo pa nito pati noo niya. “Are you okay?” “Ah… yes ma'am. I'm okay.” Nakangiti nitong sagot. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Misis Tan, pinuntahan na niya si Tuesday sa opisina nito. “Natutulog ka sa oras ng trabaho?” saad nito sabay pabagsak na umupo sa harapan ng mesa ni Tuesday. “Kumusta? Isinuko mo na ba talaga?” dagdag pang tanong nito. Umangat ang ulo ni Tuesday na nakasubsob sa ibabaw ng mesa nito nang marinig niya ang sinabi ni January. “Ano’ng tingin mo sa akin, cheap? Ni hindi ko nga alam pangalan no’n. At saka, hindi ako nagpakatanda ng ganito para isuko ang bataan ko sa hindi ko pa kilala. Kaloka ka,” saad nito saka tuluyan nang umupo ng maayos. “Sorry. Ikaw naman kasi,” natatawang saad nito sa kaibigan. “Ang sabihin mo, marumi ‘yang utak mo. Haist!” Hindi na kumibo pa si January. Alam niyang mali talaga siya. Sa tagal na panahon na silang magkakilala, dapat kilala na niya ang kaibigan. Pihikan sa mga lalaki si Tuesday. Kaya nga hanggang ngayon ay wala pa rin itong boyfriend. Isa na rin sa mga dahilan ang pagiging perfectionist nito. “Ma’am? May naghahanap po sa inyo sa labas,” pagbibigay alam ng secretary ni January. “Sino raw?” “Mr. And Mrs. Anderson daw po,” “May appointment ba sila ngayon?” “Wala po ma'am. Walk-in customer po sila ma'am,” sagot naman ng kanyang sekretarya. “Okay, papunta na,” sagot nito saka tumayo. Paalis na sana ito nang magsalita naman si Tuesday. “January?” tawag nito sa kaibigan. Lumingon naman si January kay Tuesday. “Hhmm?” “Sana maging masaya ka na ulit. Sana, si Denmark na__” hindi na naituloy pa ni Tuesday ang mga sasabihin pa sana nito ng magsalita si January. “May girlfriend na siya,” sabi nito sabay talikod at naglakad palabas. Naiwan namang natatawa si Tuesday sa inasal ng kaibigan. “Na magic na nga yata ni Denmark ang kaibigan ko,” Mayamaya pa, tumunog ang kanyang cellphone at malapad ang mgangiting sinagot niya iyon. “Hey John!” ✿✿✿ Pagdating ni January sa kanyang opisina, inabutan niya ang mag-asawang nakaupo na sa sofa sa loob ng kanyang opisina. “Good morning Mr. And Mrs. Anderson. I'm January Montreal manager and owner of January’s Catering Services,” pakilala nito sa mga bisita pagkapasok niya. “Nice to meet you Ms. Montereal. Hindi na kami magpaliguy-ligoy pa. We know that you are busy too. We want to hire your entire team to cater my son's 30th birthday this coming February 14 sa bahay namin sa The Peak,” saad ng ginang sa kanya. Hindi makapaniwala si January sa kanyang narinig. The Peak is one of most expensive house in Hong Kong. Umaabot sa 500million pesos ang halaga ng bahay doon. Tanging mga negosyante at foreigners ang kadalasang nakatira doon. “We will do our best maam, sir. Thank you for trusting our company,” saad ni January saka ito tumayo at nakipagkamay sa mag-asawa nang matapos na nilang pag-usapan ang mga detalye na gusto nilang makita. Inihatid ni January ang mag-asawa hanggang sa labas ng kanilang building. Nang makaalis na ang sasakyan nila, naglakad na rin pabalik si January sa loob ng building nila. Pagdating nito sa automatic na pintuan, nahagip ng mga mata niya ang pigura ng isang lalaki. Bigla na lang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya nito dahil kaninang umaga lang nakita niya itong may kalampungan sa kanyang kwarto. Lumingon si Denmark sa kinaroroonan niya at kumaway ito nang makita siya. Nang mga sandaling iyon, halos hindi niya maigalaw ang mga paa nito nang makita niyang papalapit na sa kanya ang binata. “Bakit hindi ako makagalaw? Bakit? Bakit? Totoo ba talaga ang magic?” bulong nito sa sarili. Itutuloy___ Vote and comment po kayo. Salamat! Love...Love… iamdreamer28 ∩__∩♥♥♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD