Chapter 13

1430 Words
Unedited “Mommy? What are you doing here?” tanong ni Denmark sa ina, pagpasok nito sa bahay niya. Nakaupo ang mommy nito sa sofa at nanonood ng t.v. “May date ba ang anak ko?” nakangiting tanong ng ina sabay lahad ng kamay nito sa anak. Lumapit naman si Denmark at pabagsak itong umupo saka yumakap sa ina. “I found her, mommy,” “Really? Saan? Ano’ng pangalan niya? Maganda ba? Mabait?” sunod-sunod na tanong ng ina. Kumalas sa pagyakap si Denmark sa ina saka ito hinarap nang nakangiti. “Isa-isa lang mommy. Mahina ang kalaban,” “Excited lang ako, anak. Ang tagal mo rin siyang hinanap. Pero bago ang lahat, may sasabihin muna ako sa ‘yo. At sana, pagbigyan mo muna ang daddy mo. Okay?” Kinabukasan, 11:23 ng umaga, lumapag ang sinasakyang eroplano ni Denmark sa Manila. Ayaw niya rin namang biguin ang kahilingan ng mga magulang. Makikipagkita lang naman siya sa anak ng isang investors nila. At nasa kanya pa rin naman ang huling  desisyon. “Sir, naghihintay na po sa labas ang magsusundo sa atin. Nasa Cafe Soelha na raw si Miss Montemayor,” ani Ericson kay Denmark. “Okay. Sana makabalik agad tayo sa Hong Kong. Namimiss ko na agad ang January ko,” saad naman nito. “Agad-agad? Kagabi lang kayo huling nagkita tapos miss na miss na agad? Hindi ka rin masyadong OA Denmark, ha,” saad ni Ericson sabay hampas sa balikat ng binata. “Aray! Ang sakit no’n bakla!” saad naman ni Denmark na ginaya pa ang galaw at boses ng sekretarya saka sila sabay na nagtawan. Muntik pang mahagip ni Denmark ang babaeng nakatayo sa kanan niya nang magharutan sila ng kaibigan. Buti na lang at nahila agad siya ni Ericson. “Tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Muntikan mo nang mabanggo ‘yong babae,” “Kasalanan ko ba ‘yon? Ba’t naman kasi siya nakatayo doon? Alam naman niyang maraming pasahero ang dumadaan. Sa gitna pa talaga niya napiling huminto,” saad naman ni Denmark sabay lingon sa babae, ngunit wala na ito doon. “Malay mo, masama ang pakiramdam kaya huminto muna. Ikaw talaga. Bilis na. Naghihintay na ang girlfriend mo,” saad ni Ericson saka mabilis na humakbang papalayo sa binata. “Huy! Hintayin mo ako! Humanda ka sa akin kapag inabutan talaga kita! Si January lang ang girlfriend ko!” saad naman nito sabay takbo at hinabol ang kaibigan. Naghaharutan pa rin ang dalawa habang naglalakad palabas ng airport. Natigil lang ang mga ito nang may marinig silang tumawag na January. Nakita ni Denmark ang tumatakbong dalaga habang sumisigaw nang Mamo. “January? What is she doing here? Hindi niya ako puwedeng makita Ericson,” saad nito sabay hila sa kaibigan saka mabilis na tinungo ang kotse na naghihintay sa kanila. “Bakit hindi puwede? Eh, ano naman kung makita ka niya? Sabihin mo na nandito ka kasama ang boss mo,” saad nito saka lumayo nang bahagya kay Denmark. “Lumapit ka dito! Takpan mo ako!” “Bahala ka sa buhay mo!” saad ni Ericson at tuluyan na siyang iniwan. Mabilis ang mga hakbang na ginawa ni Denmark patungong kotse at agad na pumasok  pagdating nito. Kasabay ng kanyang pagpasok ay siya ring paglingon ni January sa sinasakyan niya na nasa harapan lang din ng kotse na sumundo sa dalaga. “Sino’ng tinitingnan mo hija? May nakita ka bang kakilala?” tanong ng kanyang mamo Lani. “Ah! Wala naman po mamo. Saka imposimble rin na nandito siya,” sagot naman nito saka humarap na sa tiyahin. “Mamo, nagugutom na po ako,” paglalambing na saad nito sabay hawak sa braso ng tiyahin. “‘Naku! Basta pagkain talaga walang kawala sa ‘yo. Buti na lang hindi ka tabain katulad ng mommy. May alam akong masarap na kainan. Tara na?!” saad naman ng tiyahin at pinagbuksan na siya ng pintuan. Habang sakay ng kotse, nasa labas lang nakatingin si January. Tinatanaw niya mga pagbabago sa dating lugar niya. Sampung taon na rin ang lumipas nang huli niyang binisita ang bansa. Iyon din ang huling araw na tumibok ang kanyang puso. Araw na inilibing niya si Timmy kasama ng kanyang puso. Palihim nitong pinahid ang mga luhang kumawala sa kanyang mga mata na hindi naman nakaligtas sa mga mata ng tiyahin. “Masakit pa rin ba?” ani nito sabay hawak sa braso ng dalaga. “Bigla lang pong bumalik sa akin ang lahat mamo. Akala ko, okay na akong bumalik dito. Akala ko kaya ko na siyang dalawin. Akala ko lang pala,” “Matagal na panahon na iyon hija. Siguro panahon na para harapin mo ang katotohanan at patawarin na ang sarili mo. Walang may gusto sa nangyari. At lalong hindi mo kasalanan iyon. Talagang hanggang doon na lang ang buhay niya.” Buong pamilya niya, iyon ang laging sinasabi. Ang pakawalan ang nakaraan at mamuhay sa kasalukuyan. Iyon din ang gustong gawin ni January. Ngunit sa tuwing sinusubukan niyang mamuhay sa kasalukuyan, bumabalik naman sa kanyang alaala ang trahedya na siyang dahilan ng pagkamatay ng dating nobyo. Pakiramdam niya, sa tuwing nagiging masaya siya ay pinapaalala rin ni Timmy sa kanya ang sinapit nito. Kaya hanggang ngayon, pinili niyang ilayo sa kasalukuyan ang sarili. Ang magmahal muli at maging masaya. “Nandito na tayo!” anunsyo ng kanyang mamo pagkatapos nitong makahanap ng bakanteng parking lot. “‘Ang laki na ng pinagbago ng The Fort, mamo. Parang kailan lang, wala pa itong matataas na building dito. Ngunit ngayon? Wow! Maliligaw na yata ako dito,” saad nito pagbaba niya ng kotse. “Naku! Sinabi mo pa. Tara na. Ipapasyal kita mamaya pagkatapos nating kumain.” Magkahawak kamay ang magtiya na tinungo ang kainan na masarap daw ayon sa mamo nito. Sa paglalakad ng dalawa, may iilang mga artista rin silang nakita. Hindi na makilala pa ni January ‘yung iba dahil bata pa ang mga ito noon tulad nina Camille Prats na kumakain sa isang restaurant kasama ng mga kaibigan nito. “Ayon? Nakikita mo ba iyon?” turo ng kanyang mamo sa loob ng restaurant na nadaanan nila. “‘Pamilyar siya sa akin mamo. Sino nga ‘yan?” tanong naman nito. “Si Camille na ‘yan. Ang gandang bata hindi ba? Sayang lang at maagang namatay ang asawa niya,” sagot naman ng kanyang mamo. “Nauna pa siyang nag-asawa sa akin mamo. At may anak na rin siya. Bata pa ‘yan dati nag-aaral na ako ng elementary,” sagot naman nito saka nagpatuloy na sila sa paglalakad. “‘Oo nga. At ikaw, dalaga pa rin hanggang ngayon. Oh! Nandito na pala tayo sa Cafe Seolha!” saad ng tiyahin. Isa iyong Korean restaurant na alam niyang paborito ng kanyang mamo. Mahilig din naman siya sa korean cuisine kaya masaya rin itong sumunod sa kanyang mamo. Sinalubong sila ng isang lalaking waiter at iginiya sa pandalawahang upuan. Magandang puwesto ang ibinigay sa kanila ng waiter. Nakaharap iyon sa labas kung saan natatanaw rin nila ang iba pang mga establishment sa harapan. Isang boses ng lalaki ang tumawag sa isang waiter, dahilan upang mapalingon si January sa kanyang likuran. Nasa ikaapat na mesa mula sa kanila nakaupo ang lalaki at may kasamang magandang babae. Nakatalikod naman ito sa kanya at may suot na sombrero kaya hindi niya pa rin masigurado kung kilala nga ba niya iyon. “Hija? Ano’ng gusto mo?” tawag sa kanya ng tiyahin. “‘Kayo na po ang bahala mamo. Alam niyo naman na mahilig din ako sa Korean cuisine,” nakangiti niyang sagot. Ngunit nasa ikaapat na mesa pa rin nakatuon ang kanyang tenga. “Imposible naman. Haist! Bakit ko ba naririnig lagi ang boses niya? At kailan ko pa naging kabisado ang boses ng lalaking iyon?” bulong nito sa sarili. “Gusto mo siguro kaya naririnig mo ang boses niya,” nang-aasar na saad naman ng kanyang mamo. “Narinig mo ako, mamo?” “Hindi lang naman siguro ako ang nakarinig sa ‘yo hija,” saad nito sabay sulyap sa paligid. Nahihiyang tinakpan ni January ang kanyang mukha gamit ng mga palad nito. Natatawa namang uminom ng tubig ang kanyang mamo. Sa ika-apat na mesa kung saan nakaupo sina Denmark kasama ang anak ng isa nilang investors, hindi nakaligtas sa mga mata nito ang pagpasok nina January. Mabuti na lang at may sombrerong suot si Ericson na nakaupo lang din sa mesa na nasa likod ni Denmark. Kinuha niya iyon at sinuot upang hindi siya makilala ng dalaga. Agad din siyang nakipagpalit ng puwesto sa kasama nitong babae. “Siguraduhin mong hindi niya ako makikita o makikilala,” bulong nito kay Ericson sa likod niya. “‘Huwag ka lang magsalita dahil parang nakikilala niya ang boses mo,” sagot naman ni Ericson. “Talaga!? Kilala niya ang boses ko!?” malakas na tanong nito dahilan upang mapalingon ulit si January sa puwesto nila. Lumaki ang mga mata ni Ericson nang makita nitong tumayo si January. Itutuloy__________ Please vote and comment naman kayo. Hehehe. Salamat sa walang sawang pagsubaybay. Love...Love… iamdreamer28 ʕ•ٹ•ʔ❤❤❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD