Unedited
"Mamo, hanap lang ako ng c.r," paalam ni January sa tiyahin sabay lingon sa kinaroroonan nina Denmark dahil sa lakas ng boses ng lalaki.
"Sino ba 'yan? Ang lakas naman ng boses niya. Sige hija, ayan may papalapit na waiter magtanong ka na lang okay? May tatawagan din ako sandali," sagot naman ng kanyang tiya.
Tumango lang si January at tumayo. Humarap ito sa kinaroroonan nina Denmark at hinihintay na makalapit sa kanila ang isang waiter.
"Hi! Saan banda 'yung washroom ninyo?" nakangiti niyang tanong sa lalaking waiter.
"Doon po sa unahan ma'am, kanan lang po kayo makikita n'yo na ang washroom," magalang na sagot naman ng waiter sa kanya.
Nagpasalamat si January bago tuluyang naglakad patungo sa kabilang direksyon upang pumunta ng c.r. Nakahinga namang pareho nang maluwang sina Denmark at Ericson, nang tahakin ni January kanang bahagi ng restaurant.
"Muntikan ka na. Kaya mabuti pa umalis na tayo dito kung ayaw mong makita ka niya nang tuluyan. Ano ba kasing kinatatakutan mo? Eh, ano naman kung malaman niyang mayaman ka? Hindi na uso 'yang panggap-panggap chuva ever na iyan. Baka iyan pa ang magiging dahilan at magalit siya sa 'yo," ani Ericson na nakatingin pa rin sa direksyon ni January.
"Sasabihin ko naman, pero hindi pa ngayon. Malayo pa ang loob niya sa akin. Kaya, kailangan ko munang mapalapit sa kanya saka ko sasabihin ang lahat," sagot naman ni Denmark.
"Ikaw ang bahala. Siya sige na, parating na ang date mo. Aasikasuhin ko lang 'yung inuutos mo sa akin kanina," saad ni Ericson saka itinuon na ang atensyon sa kanyang laptop.
Tumayo si Denmark nang makita niyang malapit na si Cheska Montemayor sa kanya. Sa edad na dalawampu't walo, successful na rin ito sa napili niyang career. Isang modelo at actress si Cheska. Pangalawa sa dalawang magkapatid. May asawa at mga anak na rin ang kanyang kuya.
"Hi! I'm Cheska Montemayor," pakilala ng babae sa kanya nang makalapit na ito.
"Denmark Anderson," sagot naman nito sa mahinang boses sabay lahad ng kanyang kamay saka inalalayang makaupo ang babae sa kanyang harapan bago bumalik sa kanyang upuan. Mabuti na lang at hindi pa nakabalik si January.
"Let's order first?" ani ng babae.
Ngumiti at tumango naman si Denmark saka tiningnan ang menu sa ibabaw ng mesa. Maganda ka sana Cheska, pero pasensya na. Mahigit sampung taon na akong may January.
Kahit sinong lalaki ay mabibighani kay Cheska, dahil sa taglay nitong kagandahan. Sa loob ng maikling oras na nakasama ito ni Denmark, napagtanto niyang mabait at palangiti ang dalaga. Magkasundo sila sa ilang mga bagay katulad na lang nang panood ng movie kapag may free time sila.
Ngunit, kahit sabihin pang magkasundo sila sa maraming bagay, hindi iyon dahilan upang magustuhan niya ang dalaga bilang isang babae. Gusto niya ang pagiging bubbly ni Cheska, ngunit mahal niya ang mataray na si January.
Pagdating ni January sa c.r, may dalawang inabutan itong dalawang babae na nakapila kaya pumila na rin siya. Ilang sandali pa'y siya na sana ang susunod nang mag-ring naman ang kanyang cell phone. Umalis siya sa pila at pinauna na ang mga nakasunod sa kanya.
"Hello, Tuesday? Ano'ng balita? Nahanap mo na ba kung saan dito sa pinas nagtatago si Misis Chen?" agad na tanong ni January sa kaibigan.
"Nasaan ka ba ngayon?"
"Nasa The Fort, bakit?"
"Mabuti naman. Nandyan lang din si Misis Chen. I'll send you, her number at kayo na lang ang mag-usap," sagot naman ni Tuesday.
"Sinabi mo ba na kailangan niyang magbayad sa atin? Matutuloy man hindi ang party ng anak niya?"
"Pakinggan mo muna siya January. Sa tingin ko, magbabago pa ang desisyon mo tungkol sa bagay na 'yan," ani Tuesday.
Salubong ang mga kilay ni January sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya ito maintindihan. Sa tono nang pananalita ni Tuesday, may hindi magandang nangyari kay Misis Chen. Nagpaalam na ang kaibigan sa kanya at ilang sandali lang ay nakatanggap na agad ng mensahe si January.
Nakalimutan na niyang gagamit pala siya ng banyo. Pagkatapos makatanggap ng mensahe, dali-dali itong lumabas ng c.r at agad na tinawagan ang numerong ibinigay ni Tuesday. Maraming beses munang ring lang nang ring ang cell phone ni Misis Chen, bago may sumagot.
"Mamo? Babalikan ko po kayo. Pupuntahan ko lang sandali iyong hinahanap ko," paalam nito sa tiyahin sabay kuha ng kanyang shoulder bag at mabilis na nilisan ang restaurant. Hindi na nito napansin ang kakaalis lang na lalaki sa sobrang pagmamadali niyang puntahan agad si Misis Chen.
Sa isang condo unit malapit sa Market Market mall natagpuan ni January ang ginang. Pagdating nito ng 25f floor, agad din naman siyang sinalubong ni Misis Chen. Matamlay at bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala na animoy may hindi magandang mangyari anumang oras.
Sinundan ni January ang fifty five years old na ginang sa sala ng bahay hanggang sa makaupo ito. Muntikan pa itong matumba dahil sa pagkakasagi ng paa nito sa paa ng center table niya. Mabuti na lang at naging maagap si January at agad na nasalo ang ginang.
"Are you, Okay ma'am?" nag-aalalang tanong nito saka inalalayang makaupo ni Misis Chen.
"I'm Okay. Thank you," tipid na sagot naman ng ginang sa kanya.
Nang pareho na silang nakaupo, isang malalim na paghinga muna ang ginawa ni Misis Chen, bago ito nagsimulang magpaliwanag kay January. Mangiyak-ngiyak na humihingi nang paumanhin ang ginang kay January, dahil sa isturbong nagawa nito. Habang nagkukuwento, hindi rin napigilan ni January ang mapaluha.
Nakokonsensya siya dahil sarili lang niya ang kanyang iniisip. Ni minsan hindi sumagi sa isip ni January na may ganoong klase pang mga magulang. Hindi na inisip ang kapakanan ng kanilang mga anak. Mas inuuna ang sarili kaysa sa pangangailangan ng kanilang mga anak.
Mahigit isang oras ding nanatili si January sa condo ni Misis Chen. Ayaw pa sana niyang iwan ang ginang ngunit, tinawagan na ito ng kanyang tiyahin. Nawala rin sa isip niya na may naghihintay pala sa kanya. Nagpaalam si January kay Misis Chen at nag-iwan ng isang pangako. Walang pagsidlan ng saya ang may edad ng ginang sa sinabi ni January. Umalis na may mga ngiti sa labi ang dalaga. Magaan ang mga paa niyang naglakad pabalik sa kinaroroonan ng tiyahin.
"Hello? Tuesday," ani nito sabay buntong hininga.
"Ano? Nakausap muna?" tanong ni Tuesday sa kanya.
"Yup. May ipapagawa sana ako sa 'yo,"
"Ano 'yon?" tanong naman ni Tuesday.
Pagkatapos sabihin kay Tuesday kung ano ang gusto niya, tuluyan na itong naglakad pabalik ng restaurant kung saan naghihintay na rin ang kanyang tiyahin.
Pagkatapos lumipat ng ibang restaurant para kumain, sinamahan muna ni Denmark si Cheska, upang mamasyal. Ayaw niya rin namang iwanan na lang ito matapos niyang sabihin ang totoo. Mabuti na lang at sports naman ang dalaga at tanggap nito ang disesyon ni Denmark.
Nasa isang boutique sa The Fort si Cheska at tumitingin ng mga damit habang nakasunod naman si Denmark at Ericson. Nang magkaroon ng pagkakataon, agad na tinanong ni Denmark si Ericson, tungkol kay January.
"Ano'ng balita? Bakit nandito si January?" pabulong na tanong nito sa nakasunod na sekretarya.
Lumapit naman si Ericson sa kanya bago ito sumagot. "Iyong isa nilang kleyente nag-backout. Ang malala pa, dalawang araw na lang mula ngayon ang party. At! Sa hotel pa sana natin gaganapin," saad ni Ericson sabay sulyap sa binata.
"What?! Malaking party sana 'yun kung nagkataon. Pero bakit daw umatras?" napahinto pa ito sa paglalakad saka hinarap si Ericson.
"Boses mo!" pabulong na saad ni Ericson saka nagsimula na ulit silang maglakad. "Sikat na artist 'yung anak ni Misis Chen. Ngunit nitong nakaraang linggo lang nalaman nilang stage 4 na ang sakit nito. Cancer of the bone. Ang ama naman nito ay natalo sa casino doon sa Macao. Ang malala pa, pati bahay nila sa Hongkong ay nagawa nitong i-collateral. Kaya nandito si Misis Chen, para ibenta ang condo ng anak. Wala na silang pera. Kaya pati cheque na ibinigay nila kay January mo, talbog,"
Hindi na nakapagsalita pa si Denmark. Inaalala niya kung paano niya matutulungan si January sa problema niya ngayon. Naawa rin siya sa anak ni Misis Chen at sa mismong ginang. Hindi madali para sa isang ina na iwanan ang anak sa ganoong kalagayan.
Pagsapit ng hapon, hinatid na ng dalawa si Cheska sa bahay nito na naroon din sa The Fort. Gusto pa sana ng dalaga na kumain muna sila ng hapunan bago tuluyang maghiwalay ng landas ngunit tumanggi na si Denmark. Unfair naman kasi para kay Cheska kung si January naman ang nasa isip nito.
"Thank you, Denmark, Ericson. Sana hindi pa ito ang huli nating pagkikita bilang magkaibigan?" ani ng dalaga sabay lahad ng kanyang kamay.
"'Thank you, rin naman sa 'yo Cheska. At sorry na rin kung hanggang kaibigan lang talaga ang maibibigay ko," ani naman ni Denmark sabay abot ng kamay ng dalaga.
"Naku! Wala 'yun! May mga bagay lang talaga na hindi puwede at hindi na dapat ipilit pa," nakangiting sambit nito.
Nagkamayan na rin sina Ericson at Cheska matapos nilang mag-usap ni Denmark saka tuluyan na itong pumasok sa building ng kanyang condo. Nang mawala na sa paningin nila ang dalaga, umalis na rin ang dalawa. Takipsilim na kaya nagpasya ang dalawa na maglakad-lakad muna hanggang sa napadpad sila sa tindahan ng mga teddy bear.
Pumasok si Denmark doon at nagpaalam naman si Ericson na pupunta sa Market-Market Mall at may titingnan daw. Pumasok si Denmark sa loob at tumingin-tingin muna sa paligid. Napahinto ito sa harapan ng isang malaking teddy bear na may nakabordang "I Love You" sa gitna nito. Hinimas-himas niya iyon. Mayamaya pa, binuhat niya ito at dadalhin na sana sa cashier nang paglingon niya'y si January at tiyahin nito ang nasa likod niya.
"Denmark? Ano'ng ginawa mo dito?" kunot noong tanong ng dalaga.
"Sir Denmark! May nakita akong______" hindi na natapos pa ni Ericson ang sasabihin nang makita kung sino ang kausap ng kanyang boss.
"May trabaho kami rito at siya ang boss ko," sabay turo nito kay Ericson na nasa likod nina January.
"H---hi," tipid na saad ni Ericson.
Itutuloy__________
Please vote and leave some comment dear readers. Thank you.
Love... Love...
iamdreamer28
ʕ•ٹ•ʔ❤❤❤