Unedited
“Okay lang sa mamo, mo na lumabas ka kahit malalim na ang gabi?” tanong ni Denmark habang nagmamaneho sabay sulyap sa dalaga.
Hindi ito makapaniwala na katabi na niya ito ngayon at nakangiti na ito sa kanya. Ngiting walang halong pagpapanggap. Ngiting walang halong pag-aanlinlangan at mga ngiting gugustuhin niyang makita araw-araw. Sisiguraduhin kong hindi na mawawala sa mga labi mo ang ngiting ‘yan January.
“Hindi naman. Nagpaalam naman ako sa kanya at masaya siya.” Nakangiti niyang sabi at sinulyapan ang binata.
I knew I loved you before I met you
I think I dreamed you into life
I knew I loved you before I met you
I have been waiting all my life
Pagdating nila ng The Fort, bumili muna sila ng maiinom sa Jumba. “Ano’ng gusto mong flavor, Jan?” tanong ni Denmark sa kanya habang nakatingala sa menu board.
“Ano ba ang gusto mo? Iyon na lang din ‘yung sa akin,” sagot naman ni January.
“Okay,” sabay sulyap ng binata sa kanya saka siya nginitian. “Miss, ‘yang wild strawberries sa amin, dalawa, large size,” sabay turo niya sa menu board. Nakangiting nag-punch naman ang cashier ng order nila. Nahihiyang kinuha ni January ang kamay na hawak-hawak ni Denmark.
“Bakit?” angal naman nito sabay hila ulit ng kamay ni January.
“Nakakahiya,” bulong ni January sa balikat niya.
Ngumiti lang si Denmark saka kinabig palapit sa kanya ang dalaga sabay kuha ng order nila. “Thank you, miss,” ani nito saka tuluyan na silang umalis.
Magkahawak kamay silang naglalakad sa ilalim ng mga ilaw sa posteng nadadaanan nila. Tila ba umaga lang iyon at hindi hating gabi. Wala silang pakialam. Ang mahalaga para sa kanila ng mga oras na iyon ay masaya sila. Magkasama, magkahawak kamay habang umiinom ng juice.
Inalalayan ni Denmark si January na makaupo sa sementong upuan sa harap ng fountain sa The Fort kung saan sila dinala ng kanilang mga paa.
“Akala ko….hindi na mangyayari ‘to,” ani Denmark saka ibinaba ang hawak nitong juice sa gitna nila ni January.
Hindi naman umimik si January na nakatuon lang ang atensyon sa mga ilaw na nagmumula sa mga nagtataasang building na natatanaw nila.
“Thank you, for calling me, Jan,” ani Denmark sabay sulyap sa dalaga.
“Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit kita tinawagan. Nalaman ko na lang noong may sumagot na sa number na nakuha ko mula kay teddy bear. Nang marinig ko ang boses mo, pakiramdam ko, matagal na kitang kilala. Matagal ko nang narinig ang boses mo sa kung saan ngunit hindi ko lang matandaan. Habang kinakausap kita, pilit kung inaalala kung saan ko narinig ang boses mo, hanggang sa natandaan ko na kung saan,” ani January.
Nasa Pilipinas si January, noon. Anniversary kasi nang pagkamatay ni Timmy. Kagagaling niya lang ng simenteryo ng hapong iyon. Dumaan siya ng Mcdonald sa Market-Market. Nakaupo siya sa labas noon at maraming mga tao sa paligid. Kadalasan puro estudyante ang nakikita niya.
Habang kumakain ng French fries, may grupo ng mga kalalakihan sa bandang likuran niya. Maingay ang mga ito dulot ng guitara at may kumakanta pa. Hindi na lang niya pinansin ang mga iyon. Hindi rin naman masakit sa tenga ang pagkanta nila.
“Ano ng nangyari doon sa pinapadalhan mo ng teddy bear? May response na ba?” boses ng isang babae ang kanyang narinig.
“Wala pa nga eh. Pero babalik naman sa sender ‘yung pinadala kapag hindi ito natanggap ng nakasaad na receiver hindi ba?” sagot naman ng lalaki na may boses na pang DJ. Buo at malamig pakinggan.
“Oo. Pero hindi mo naman address ang nandoon. Paano babalik sa ‘yo ‘yon?” boses naman ng isang lalaki ang narinig ni January na nagtatanong.
“Wala rin namang sinasabi ‘yung nurse na pinakiusapan ko. Kaya sigurado akong natatanggap niya ‘yon,” sagot naman ng lalaking may malamig na boses.
“Well, if you believe na natatanggap nga niya iyon, time will come, magkikita rin kayo,” sagot naman ng babaeng boses.
Nagpatuloy lang sa pagkain si January habang nagpatuloy rin sa pagkanta ang grupong iyon sa likuran niya.
I knew I loved you before I met you
I think I dreamed you into life
I knew I loved you before I met you
I have been waiting all my life
“Parang inlove si Den, guys. Tingin n’yo?” tanong ng boses babae.
“Tinamaan ‘yan doon sa girl na pinapadalhan niya ng teddy. Kung hindi ba naman siya tinamaan doon, sa tingin ninyo? Gagawin pa kaya niya iyang ginagawa niya ngayon? Kahit pa maliit lang ang chances niyang natatanggap nga iyon babae?” nang-aasar na saad ng boses lalaki.
“Tumigil na nga kayo! Tayo na!” saad ng lalaking may malamig na boses.
Narinig na lang ni January, na nagsitayuan na ang mga ito dahil na rin sa ingay ng mga upuan. Nang lingunin niya ang grupong iyon, ay siya ring paglingon ng isa sa kanila. Medyo magulo ang buhok nito, may suot na salamin, black na t-shirt at punit-punit ang pantalon na suot nito.
“Ngunit, hindi kita nakilala. Hindi ko naman alam na ikaw ‘yong nagpapadala ng mga teddy bear sa bahay. Wala namang address na nakalagay kung kanino galing, kaya hindi ko na pinansin. Tinatanggap lang ni mamo at sinasabihan akong may dumating na naman,” ani January.
“Nagkita na pala tayo noon pa. Wala rin palang ibinigay na address ‘yong nurse na pinakiusapan ko. Pinahirapan niya talaga ako,” ani Denmark sabay tingala nito sa kalangitan. “Noong una naman kitang makita sa bar sa Hong Kong, pakiramdam ko, nakita na rin kita. Kaya noong umalis ka, hinanap ko si Tuesday. Mabuti na lang at nadoon pa sila. Nakakatawa rin iyong isang ‘yon,” dagdag pang sabi ni Denmark saka kinuha ang juice niya. Ngunit kamay ni January ang nakapa ng kamay niya.
“Kaya noong kumanta ka, noong kaarawan ko, may alaala akong binalikan. Ngunit napaka imposible na ikaw at ang lalaking narinig kong kumanta noon sa Mcdonald, ay iisa. Kaya pilit kung binalewala iyon. Ngunit sa tuwing naririnig kitang magsalita, bumabalik din sa akin ang lugar na ito,” ani January.
Tiningnan niya ang dalaga. Walang mga salitang lumabas sa bibig niya. Kapwa sila nakikiramdam sa isa’t isa. May mga salitang gusto nilang sabihin, ngunit wala ni isa sa kanila ang nagsalita.
“Juice mo,” sabay abot ni January sa kanya.
Kinuha naman iyon ni Denmark saka siya hinila patayo. “Let's have a walk. Sayang ang gabi kung mananatili lang tayo ditong nakaupo. Let's explore the place. Matagal mo ring hindi binalikan ang lugar na ‘to,” Saka patakbo nilang inakyat ang hagdan.
Magkahawak kamay na tumatakbo ang dalaw na may mga ngiti sa labi. Lahat ng shop na madadaanan nila, kumukuha sila ng litrato. Para silang mga bakasyonista. Pero ang totoo n’on, gusto lang nila magkaroon ng alaala sa bawat lugar, restaurant, shops at kung ano pang madadaanan nila. Sa loob ng mahigit sampung taon na hindi sila nagkakilala, gumawa sila ng mga alaala sa loob lamang ng ilang oras.
Madaling araw na nang ihatid ni Denmark si January sa bahay nito. Pagdating nila, lumabas na agad si January sa kotse at ganoon din naman si Denmark.
“Pasok ka na. Pagagalitan ako ng mamo, mo nito dahil inabot tayo ng madaling araw sa labas,” ani ng binata sabay haplos sa batok nito.
“Lagot ka talaga,” sagot naman ni January nang nakangiti. “Ingat ka sa pagmamaneho. Makakarating ka rin sa bahay kahit mabagal ang pagpapatakbo mo ng kotse,”
“Yes ma’am!” ani ng binata sabay salute sa dalaga.
“Goodmornyt,” ani January sabay kaway.
“Goodmornyt,” sagot naman ni Denmark. “Jan?”
“Bakit?” tanong naman ni January.
“Can we have lunch tomorrow? Please?” ani Denmark sabay hawak sa kamay ni January.
Ngumiti at tumango naman ang dalaga.
“Yes!” ani Denmark na napasuntok sa hangin at napatalon pa sa sobrang saya. “I'll see you, tomorrow. Don't forget?”
“Okay! Sige na. Umuwi ka na at ingat. Salamat!” ani January sabay kaway ulit sa binata na naglalakad pa atras. Napapikit na lang bigla si January nang makita niyang bumangga ito sa bumper ng kanyang kotse.
“Ah!”
Rinig niyang sigaw ng binata. Pagmulat ni January, hawak-hawak na nito ang kanyang balakang.
“Okay ka lang?” natatawang tanong nito.
“Okay lang ako. Bye ulit!” ani nito saka pumasok na ng kotse saka sininyasan si January na pumasok na rin.
Pumasok naman ang dalaga sa gate ng bahay nila saka muling hinarap ang kotse ng binata at kumaway.
Itutuloy_______
Huwag po sanang kalimutan na pindutin ang star sa baba at mag-iwan ng comment. Salamat!
Love… Love…
iamdreamer28
ʕ•ٹ•ʔ❤❤❤