Unedited
Pagkatapos makausap ni Tuesday ang kaibigan, napabuntong-hininga na lang ito. Alam niyang hindi mahalaga kay January ang pera. Kaya nga magkasundo sila sa lahat ng bagay.
Sinimulan ni Tuesday gawin ang pakiusap ni January sa kanya. Umalis siya ng opisina at pumunta ng Marco Polo Hotel. Habang nagmamaneho nakasanayan na ni Tuesday ang makinig ng music. Nawawala ang kanyang pagod at pansamantala rin niyang nakakalimutan ang mga gumugulo sa kanyang isipan.
Ilang minuto na lang sana ay makakarating na ito sa kanyang patutunguhan nang makatanggap ito ng tawag mula sa kanyang mama. Pagkatapos nilang mag-usap ng kanyang ina, agad niyang kinabig ang manibela at mabilis na pinatakbo pabalik ang kanyang sasakyan.
Lakad-takbo ang ginawa nito nang makarating ng ospital sabay pahid ng kanyang mga luha. “Papa....” bulong niya sa sarili.
Inabutan ni Tuesday ang kanyang mama na nakaupo sa tabi ng kanyang papa at hawak-hawak ang kamay nito habang umiiyak. Nanginginig ang mga tuhod ni Tuesday dahil sa kaba at dahil doon, huminto muna ito sa paglalakad saka sumandal sa pader.
“Lord, please? Habaan mo pa sana ang buhay ng papa ko. Please? Gusto ko pang bumawi sa kanya. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya. Hindi pa ako humihingi ng tawad sa lahat ng mga kasalanan ko. Please? Maawa ka.” Bulong nito sa sarili saka dahan-dahang dumausdos hanggang sa tuluyan na itong napaupo sa sahig at lihim na umiiyak.
“Tuesday?” tawag ng kanyang ina nang maramdaman nitong may ibang tao sa loob ng kuwarto.
Tumingala si Tuesday sa ina na nasa harapan na niya. “Mama----ang----papa,” tanging nasambit ni Tuesday sa pagitan nang paghikbi.
Niyakap siya ng ina “lumalaban pa ang papa mo. Kailangan ka niya ngayon Tuesday,” bulong ng ina sa kanya. Mayamaya pa’y tinulungan na siyang makatayo at tuluyan ng pinuntahan ang amang natutulog.
Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ni Tuesday ang kamay ng ama. Ilang buwan na rin itong nakaratay sa ospital kaya bakas sa pangangatawan ng ama ang hirap. Buto’t balat na lang ito at nahihirapan nang huminga kaya kailangan nang gumamit ng oxygen.
Tatlong taon na ang nakakaraan nang malaman nilang may kanser sa bituka ang kanyang ama. Nang matuklasan ito ng mga doktor, stage 3 na at ngayon nasa stage 4 na.
Nagmulat ng mga mata ang kanyang ama. Agad itong ngumiti nang makita si Tuesday. Hinawakan siya ng ama nang mahigpit at pilit naagsalita kahit hirap na hirap na.
“Bakit umiiyak ang Martes ko? Papangit ka niyan,” ani ng ama nang pabulong.
Napangiti si Tuesday. Lagi siyang inaasar ng ama noong kabataan niya na ang pangit niya kapag umiiyak. Nagpatuloy sa pagdaloy ang kanyang mga luha kahit anong pilit niyang huwag umiiyak sa harapan ng ama.
Sandali lang nagmulat ng mga mata ang kanyang papa. Agad din itong nakatulog ulit. Inayos niya ang kumot nito saka tumayo at nilapitan ang inang nakaupo sa sofa.
“Ma? Aalis po muna ako. May gagawin lang ako sandali. Babalik din ako kaagad,” ani nito nakaluhod sa harapan ng ina.
“Mag-iingat ka anak. At bumalik ka agad ha? Baka hanapin ka ng papa mo paggising niya,” sagot naman ng ina sabay punas ng mga mata niyang may mga luha pa.
Kinuha niya ang kamay ng ina saka hinalikan. “Huwag po kayong mag-alala sa akin mama. Babalik po ako kaagad,”
Tumango lang ang kanyang ina saka sinilip ang kabiyak nitong natutulog. Mabigat ang mga paa na umalis si Tuesday sa ospital. Kailangan niya ring asikasuhin ang bilin ni January sa kanya.
Nasa Marco Polo na si Tuesday at naghihintay ng sagot mula sa secretary ng may-ari ng hotel. Kanina pa siya nandoon at hindi pa ito kumakain ng almusal at tanghalian. Hindi na niya naramdaman ang gutom dahil sa kanyang ama. Habang nakaupo sa lobby ng hotel, inaliw niya ang sarili sa pagbabasa ng kung anu-ano nang makatanggap naman ito ng tawag. Kinakabahan na kinuha nito ang cell phone sa kanyang bag saka sinagot.
“Hello?”
“Hello? Tuesday? Bakit ganyan ang boses mo? May problema ba?” tanong ng nasa kabilang linya.
“John. Ikaw pala. Pasensya na medyo hindi maganda ang timing mo ngayon,” ani nito sabay sandal ulit sa upuan. Nakita naman niya ang receptionist na pinagtanungan niya kanina. “John, tatawagan kita mamaya. May importante lang akong gagawin,” ani nito sabay tayo at lumapit sa reception area.
“Miss? Hi! Itatanong ko lang sana kung nakausap mo na ba ang sekretarya ng boss ninyo? Please? Kailangan ko lang talaga siyang makausap miss. Please?”
“Pasensya na maam. Nasa conference pa rin po kasi sila. Kanina pa po kayo nadyan. Kumain na po ba kayo?” tanong ng Pilipinang receptionist.
“Wala akong panahon kumain miss. Kailangan ko lang talaga makausap kahit dalawang minuto lang ang boss ninyo,” ani Tuesday saka sumandal sa harapan ng counter.
“Huwag kang mag-alala ma’am. Sisikapin kong matulungan ka. At mabait ang boss namin. Lalo na ang anak niya. Sigurado akong pagbibigyan ka nila sa kung anumang kahilingan meron ka,” nakangiti at puno ng kumpyansang tugon ng receptionist sa kanya.
Nagpasalamat si Tuesday. Mabuti na lang at pilipina ang nakausap niya. Hindi na siya nahirapan pang makipag-usap. Bumalik ito sa sofa na inuupuan niya kanina. Nang maalalang kausap niya si John kanina, tiningnan niya ang hawak na cell phone at tatawagan sana ang binata ngunit nagulat na lang ito nang makitang nasa kabilang linya pa ang lalaki.
“Hello? John? Nandyan ka pa ba?” tanong ni Tuesday sa lalaki.
“Hi! Nandito pa ako. Ano bang problema Tues? May maitutulong ba ako?” nag-aalalang tanong ng lalaki.
“Sana nga may maitutulong ka John,” ani niya sabay hinga nang malalim.
“‘Sabihin mo. Malay natin, baka makatulong ako,” sagot naman nito.
Bumuntong-hininga si Tuesday sabay sandal sa upuan bago Sinagtala ang kausap. “Sige na nga. Malay nga naman natin. Gusto kasi naming makausap ang may-ari ng Marco Polo, o kahit ang secretary lang nito. Para ipaabot sana sa anak niyang lalaki na kaklase ng isang klenyente namin. Medyo hindi na kasi maganda ang lagay niya at tanging gusto niya lang sa kanyang kaarawan ay ang makita ang anak ng may-ari.” Paliwanag ni Tuesday.
“Ganoon ba? Kapag nagawan ko ng paraan ‘yang problema mo, may utang ka sa akin handa ka bang magbayad?” seryosong tanong ni John sa kanya.
“Kahit na ano’ng hilingin mo John. Pero teka? Matutulungan mo ba talaga ako? Sigurado ka? Paano?”
“Relax! Basta may utang ka sa akin okay?” nakangiting saad ni John.
“Okay! Basta tulungan mo lang ako, kami. Kahit ano pa ‘yang hihilingin mo, ibibigay ko. Basta kaya ko lang gawin,” ani Tuesday sa kausap.
Pagkatapos nilang mag-usap, umalis na si Tuesday sa hotel at bumalik sa ospital. Madaling araw na nang makatanggap ito ng tawag mula kay John na nagsasabing dadalo ang anak ng may-ari ng hotel.
“Thank you, John. Thank you! Sabihin mo lang kung ano’ng gusto mo okay?”
“Puwede ko bang sabihin ngayon?” tanong ng lalaki sa kanya.
“Sure! Ano ba ‘yan?” tanong nito sa lalaki.
“Huwag kang magagalit sa hihilingin okay?”
“Okay! Ano ba kasi ‘yan?” natatawang tanong ni Tuesday.
“Okay. Ganito kasi Tuesday. Aahhmm_____will you be my girlfriend? Please?”
Bumilog ang mga mata ni Tuesday sa narinig niya sa kausap. Kumurap-kurap muna ito ng ilang beses bago tinanong ulit ang lalaki. Sinigurado muna niya na tama ang kanyang na rinig. Baka kasi nabibingi lang siya.
“Girlfriend? Will you be my girlfriend ba ang sinabi mo John?” Kinakabahan na tanong niya sa lalaki.
“Ayaw mo ba? Wala ba akong pag-asa sa ‘yo Tuesday?”
“Okay!” sagot niya sa lalaki. “Okay. Huwag mo ng babawiin ‘yan. Wala ng bawian ‘to John,” sagot niya sa lalaki.
“I love you, Tuesday. At hinding-hindi ko babawiin ang mga sinabi ko,” ani John.
Nakangiting pinahid ni Tuesday ang mga tubig na nag-uunahang dumadaloy sa kanyang pisngi. “Pa? Narinig mo ‘yun? May boyfriend na ako. Kaya magpagaling ka na okay?” saad nito sa ama na nakikinig sa usapan nila ni John.
Hinawakan ng ama ang kanyang kamay at dinala iyon sa kanyang pisngi. “Masaya ako para sa ‘yo anak,” ani ng ama.
Itutuloy__________
Salamat sa inyong lahat.
Grace, Kenth, at sa lahat na sumusuporta ng mga kuwento ko. Babanggitin ko kayong lahat sa mga nalalabing chapter nito.
Love… Love…
iamdreamer28
ʕ•ٹ•ʔ❤❤❤