Chapter 19

1258 Words
Unedited Pagkatapos maihatid ni Denmark si January, hindi na nawala ang mga ngiti sa labi ng binata. Napapakanta at napapasayaw pa ito habang nagmamaneho.  Hindi pa rin siya makapaniwala na sa wakas, dumating na rin ang pinakahihintay niyang araw. Ang makita at makausap ang babaeng bumuhay ulit sa kanyang puso na panandaliang tumigil sa pagtibok. Malaking bonus pa ang nahawakan at naakbayan niya ito. “Hindi kaya panaginip lang ‘to?” ani niya sa sarili saka inalug-alog ang ulo. “Nakakahilo naman. Hindi nga panaginip ‘to!” ani niya saka humalakhak. Mag-uumaga na nang makatanggap ito ng tawag mula kay Ericson. Nakapikit ang mga mata niya habang dinudukot ang cell phone sa kanyang jacket. “Hello?” dahan-dahan na nagmulat si Denmark nang marinig nito ang sinabi ni Ericson. Umupo siya ng diretso saka tiningnan ang bahay nina Janunary. “Maybe you're right. Siguro ito na nga ang tamang panahon upang makilala ni January ang totoong ako.” Ani Denmark saka ibinaba ang kanyang cell phone. Lumabas ng kotse ang binata saka nagtungo sa kaharap na convenience store nina January. Bumili siya ng kape at sandwich saka bumalik ng kanyang kotse. Nang maubos ang biniling kape at sandwich, bumaba ito upang itapon ang kanyang basura. Pabalik na sana ito ng sasakyan nang makita naman niya ang tiyahin ng dalaga na nagdidilig ng halaman. Lumapit siya sa gate ng bahay at ng akmang kakatok na sana ito, ay siya namang paglingon at pagtutok ng hose ng tiyahin ni January sa tapat ng gate. Napamura si Denmark ng wala sa oras. “Ang lamig! s**t!” bulalas ni Denmark. “Naku hijo! Sino ka ba? Ano’ng ginagawa mo diyan ng ganitong oras?” saad ng tiyahin ng dalaga. “Pasensya na po kayo. Nagulat ko po ba kayo?” ani nitong nagpupunas ng basa niyang mukha. “Teka? Ikaw ‘yong? Tama! Ikaw nga ‘yung kahapon! Ano’ng ginagawa mo dito?” Tanong sa kanya ni mamo sabay bukas ng gate. “Magandang umaga po,” “Magandang umaga rin naman sa ‘yo hijo,” “Naku! Bisita n’yo pala ‘yan? Kagabi ko pa nakita ‘yan diyan! Sa convenience store. Nakaupo at nakangiti na parang baliw. Kay guwapo pa naman. Akala ko talaga baliw. Kausapin ba naman ang kanyang sarili at nakangiti pa!” sabad naman ng kapitbahay nina January. “Ay ganoon ba Aling Tess? Naku! Pagpasensyahan na ninyo. Ganito lang ang mga kabataan ngayon kapag inlove!” sagot naman ni mamo sabay tingin at kindat kay Denmark. Dinala ni mamo ang binata sa loob ng bahay saka binigyan ng tuwalya. Mabuti na lang at agad siyang nakita ni mamo kaya hindi siya gaanong nabasa. “Gusto mo bang magpalit ng damit hijo? Ipapahiram ko sa ‘yo ang damit ng papa ni January,” “Huwag na po. Okay lang ako. Sa mukha naman po ako tinamaan kaya hindi po gaanong nabasa ang damit ko,” sagot naman ni Denmark. Tumango lang si mamo saka niyaya ito sa kusina. Ipagtitimpla sana siya ng ginang ng kape ngunit tinanggihan niya iyon dahil katatapos lang niyang uminom. Sa halip, nagpresinta itong magluto ng almusal. “Ang swerte ng pamangkin ko sa ‘yo hijo. Alagaan mo siya okay? Matagal na panahon na rin naging sarado ang pintuan niya sa pag-ibig. At sana ikaw na ang muling magbubukas nito,” ani mamo. Nagpatuloy sa pagluluto si Denmark. Ipagluluto na rin sana niya si mamo, ngunit tumanggi ito. Lalabas daw kasi ito nang maaga at may lalakarin kaya silang dalawa na lang ni January ang kakain. Naghahain na ito nang maramadaman niyang may mga pares ng mata ang nagmamasid sa kanya. Hindi nga siya nagkamali ng akala nang makita niya si January. Binati niya ito saka naman nagpaalam si mamo. Silang dalawa lang ang kumain ng almusal. Siya na rin ang nagligpit ng mga pinagkainan nila. Masayang-masaya si Denmark habang ginagawa iyon. Pakiramdam niya, bago silang kasal ni January. At kung magkakatotoo nga iyon, iyon din ang gagawin niya. Pagsisilbihan niya ang dalaga na parang prinsesa. Pagkatapos niyang magligpit, tumingintingin siya sa loob ng bahay hanggang mapadpad ito sa balkonahe sa likod. Malaise iyon sa isang silid ngunit hindi niya alam na kuwarto pala iyon ni January. Paglabas niya, may nakita siyang upuan. Umupo siya doon saka pumikit at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Mayamaya pa, humiga na ito doon at dahil hindi naman kalakihan ang upuan, bumaluktot ito upang magkasya. Malamig sa lugar na iyon dahil napapalibutan ng matataas na puno. Dahil sa hindi rin ito nakatulog nang maayos, tuluyan na siyang nakaidlip. Naramdaman na lang niya ang pag-angat ng kanyang ulo. Amoy na amoy rin niya ang natural na amoy ng isang katatapos lang maligo. Sumilip si Denmark nang bahagya at nakita niya ang mukha ni January na Malapit sa mukha niya ng ilagay nito ang unan sa kanyang ulo. Agad din naman siyang nagkunwari na tulog. Masaya ang ang kanyang puso sa mga sinabi ni January lalo na nang haplusin ng dalaga ang kanyang ilong. “Naniniwala ako na magkikita at magkikita tayo. Abutin man ako ng ilang taon sa paghahanap sa ‘yo,” sagot nito kay January saka dahan-dahan na iminulat ang kanyang mga mata. “Gising ka pala!?” tanong ni January na bumilog ang mga mata sa gulat ngunit nanatili pa ring makalapit ang kanilang mga mukha. Nakangiting tumango si Denmark. Tumayo si January ngunit nahawakan naman agad siya ng binata kaya napabalik ito ng upo. At sa pagkakataon iyon, maliit na ispasyo na lamang ang namamagitan sa kanilang mga mukha. Hinagod ng tingin ni Denmark ang mukha ng dalaga na tila ba, minimemorya nito ang bawat parte ng mukha ni January. “Ano’ng gagawin mo?” tanong ni January. “Huwag kang gumalaw. May nahulog kang pilikmata. Kukunin ko lang at pagkatapos, mag-wish ka,” ani Denmark sa kanya. Sumunod naman si January. Gusto niyang matawa dahil doon. Hindi niya akalain na ang katulad ni Denmark ay naniniwala sa ganoong bagay. Oo. Naglalaro rin siya noong kabataan niya ngunit si Denmark, hanggang ngayon naniniwala pa rin ito sa mga wish-wish. “Mag wish ka na,” ani Denmark sa kanya na hawak-hawak ang kanyang pilikmata. Nagkunwari siyang pumikit at nag-wish. Pagkatapos ay nagmulat si January at hinulaan kung saan naroon ang kanyang pilikmata. Kapag tama ang hula niya, matutpad ang kanyang wish. Kapag hindi naman tama ay hindi rin matutpad ang wish nito. Pinili ni January ang itaas na bahagi. Dahan-dahan namang ipinakita ni Denmark kung nasaan nga ang pilikmata ng dalaga. Nasa itaas na bahagi ng daliri ni Denmark dumikit ang pilikmata ni January. Ibig sabihin, matutpad ang kanyang wish. “Ano’ng wish mo?” tanong ni Denmark. Ayaw pa sanang sagutin ni January ngunit hindi pakakawalan ni Denmark ang kanyang kamay kapag hindi niya sinabi. Nag-aalangan pa itong sabihin sa lalaki dahil hindi lang magugustuhan ni Denmark. “Wish ko_____na sana, hindi tayo magkatuluyan,” Biglang bumangon si Denmark. Kinulong nito ang mukha ni January sa kanyang mga kamay at pilit na sinusuri ang mga mata ng dalaga. “Denmark, ano’ng ginagawa mo?” “Sandali, baka may ibang pilikmata mata ka pang nahulog. Kukunin ko at mag-wish ka ulit,” seryoso at malungkot na saad nito. “Naniniwala ka talaga sa ganoon?” natatawang Tanong ni January. “Oo naman. Bakit hindi. Bakit ganoon naman ang wish mo? Ayaw mo talaga sa akin?” ani Denmark saka tinitigan sa mata si January. Hindi agad nakasagot ang dalaga. Tumingin lang ito kay Denmark. Nagsusumamo ang mga mata nito. Pakiramdam niya, anumang oras ay iiyak ang binata dahil sa luhang namumuo sa mga mata nito. “I love you, January Montereal,” ani Denmark saka dahan-dahan ang paglapit ng mukha kay January habang ang mga mata nito ay nakatingin sa labi ng dalaga. Itutuloy__________ Huwag po kalimutan ang star sa baba at mag-iwan ng komento. Salamat! Love…Love… iamdreamer28 ʕ•ٹ•ʔ❤❤❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD