AXEL'S POV
Bata palang tayo, may lihim na akong pagtingin sayo. Pero bat ba ang sungit sungit mo sa akin?
Dinuru-duru ko siya.
Nakaka-inis ka na. Tuwing nasa bahay niyo ako, di mo ako tinuturing na bisita. Tuwing kasama ko naman ang kakambal mo. Naiinis ka sa kanya.
Parang gusto mo akong ipataboy..
Ano bang tingin mo sa akin? Basura? Magkababata naman tayo aaa..? Mabait naman ang Mama mo, pati yung tatay mong Koreano. Kanino ka kaya nagmana?
Siguro ampon ka! Siguro napulot ka lang sa basurahan ng pinanganak si Trixy. Pero malabo yun. Gwapo ka at halatang anak ka ng nanay at tatay mo.
Kamukha mo nga si JIN yung crush at ultimate bias ko sa BTS! Kaya naman kahit ganyan ang ugali mo. Magtitiis ako.
Dahil ikaw na ang buhay ko. Habang hawak ko ang larawan ni Damien ay kinikilig ako. Di ko pa siya nalalapitan higit isang metro sa personal. Tanging sa larawan ko lang nagagawa yung mga hinahing kong yun.
Isang larawan na bigay sa akin ni Trixy.
Parang siyang K-Pop star na pili lang ang dapat lumapit. Hindi nga parang K-Pop isang korean star na talaga ang magiging tingin mo sa kanya pag nakita mo siya.
Tulad ng mga idol ko sa mundo ng K-Pop, ganun din ang turing ko sa kanya. SObra’ Sobra pa.
Para sa akin, siya ang K-Pop at ultimate bias ng buhay ko.
Siyempre patas sila ni Jin. Pareho silang cute, gwapo. Hirap magpaliwanang basta Perfect man of your dreams! Perfect K-Pop of your imagination!
Nagtataka na ba kayo kung bakit K-Pop ang laman ng bibig kong ito? Oo na.. I’m a K-pop lover isang FanBoy ng mga naggagwapuhang K-Pop stars!
Pero pili lang ang gusto ko. Yung iba tipo ko dahil magaling sumayaw at kumanta. Pero may nag-iisang artist talaga ang nasa Puso ko.
Yun ay si Jin ng BTS. Magkatumbas lang sila ni Damien.. Ang pinoy K-pop ko. Pero hindi naman posible na maging K-pop star si Damien balang araw.
Half korean naman siya eee..
Pag nangyari talaga yun! Ako ang magiging numero uno niyang tagahanga! Lahat ng Poster o kung anu mang palamuti na merong imprinta ng mukha niya ay papakyawin ko.
Ganun ko siya kamahal kahit ang sama-sama niya sa akin..
Pero may kasabihan naman diba? The more you hate the more you love. So my chance pa kame.
Siguro ginagawa niya ang pagalit galit na yun dahil may gusto siya sa akin?
Pero may problema. It’s complicated. Paano siya magkakagusto sa isang lalaki? Sa isang bisexual na tulad ko.
Sa isang tulad ko na puro K-pop ang alam?
Malungkot nanaman ako. Kinuha ko yung Krimstix na binili ko kanina sa may canteen ng school at sinimulan ko yung sipsipin.
Imagination mo ang limit. Yan yung advertisment line nila. Kaya iniimagine ko na masaya kameng nagsasama ni Damien sa isang napakagandang lugar.
Nasa entablado siya at tatawagin niya ako.. Ipapa-alam sa lahat na kameng dalawa ay may kakaibang tali sa isat-isa. Yung tipong isisigaw niya sa lahat na Couple kame.
Tapos sisigaw yung maraming tao.
Then tapos. Siyempre imahinasyon lang yun. Pag naubos na yung krimstix tapos na ang pag-iimagine.
Chocolate flavor ang paborito ko, sana kaseng tamis nitong krimstix ang pakikitungo niya sa akin. Sana may krimstix din na super haba.
Yung bang endless. Para endless din yung imagination ko. Pero tigbak naman aku nun. Baka abutin ako ng dyabetes.
Sa oras talaga ng pag-iisa. Maaasahan ko itong krimstix.. Pati sa imagination na dala niya sa akin.
“Axel!”, naringig kong tawag niya sa akin.
Papalapit na sa akin si Trixy, may dala itong paper bag. Hindi kame sabay lumabas dahil magka-iba kame ng section. II-Rose siya, ako naman ay II-Daisy.
Kapwa kame nag-aaral dito sa Sto. Domingo National High School. Pareho ding Second year High School.
“Tagal niyo aa..”
“Kilala mo naman si Sir Philip, masyadong O.A pag experiment time sa biology. Masyadong pasikat sa mga ganap sa buhay buhay”
Dito ko siya hinintay sa likod na bahagi ng eskwelahan. Sa isang maliit at lumang gazebo malapit sa isang puno ng kamagong. Kaya wala masyadong tumatambay.
“Ikwinento nanaman ba niya yung, pagiging Top niya sa board? Tapos yung mga matatagumpay niyang experiment na hinangaan daw ng mga foreign scientist?”
“Oo pauli-ulit..”
“Anung dala mo?”
“Ito ba? Regalo ko sayo..”
“Regalo? Malayo pa birthday ko diba? Tsaka.. parang lage ka nalang may binibigay sa akin.”
“Ayaw mo nun? Ito ohh buksan mo”. Nakangiti niyang inabot sa akin yung paper bag. Si Trixy tulad ng kakambal niya ay magandang nilalang din. Maputi, matangos ang ilong, mahaba ang buhok, ang ganda ng mata at hawig niya si Yura ng Girl’s Day na mas pinasexy version.
Posible ang lahat ng yan dahil sa koreano ang tatay nila.
Pero ako, di naman ako magpapatalo. Sabi sa akin ni Trixy kaseng cute at lovable ko daw si V ng BTS.
Cute naman din kase ako at K-Pop’in din ang dating. Kaya naman napagkakamalan din akong kapatid ng kambal.
“Kumain ka nanaman ng krimstix ng hindi namimigay”. Naupo siya sa tabi ko, habang sinisipa ang balot ng krimstix sa lupa.
“Eee.. diba ayaw mo ng matamis?”. Dahan dahan ko ng binubuksan yung pink na paper bag. Ano kayang laman nito?
“Kahit na. mangalok ka man lang sana best..”
Hindi ko na pinansin yung pag-eemote niya. Ang importante sa akin ngayon ay mabuksan tong paper bag.
May kinalaman nanaman ito sa BTS for sure..
Nang matanggal ko na yung ribbon na nakatali sa pagitan nung dalawang phase nung paper bag ay bumungad yung itim na bagay.
Itim na tela. Pero di ko pa masure kung damit ba yun.
Ng hawakan ko na yun at ilabas ay nakita ko yung sweater na itim. “Longsleeve sweater hoodie yan best.. featuring your ultimate bias Jin!”
Nakita ko yung pangalan ni Jin at yung malaking numerong 92 sa likod ng bigay na sweater hoodie ni Trixy.
Ang astig! Meron dalawang white stripe malapit sa wrist part nung sleeve. Then BTS word naman sa magkabilang muscle part nung sleeve.
Sa harap naman ay yung logo nung BTS sa bandang tapat ng puso. “Best.. bigay mo talaga tong Bangtan Boys sweater hoodie?”
“Gift ko yan sayo dahil adik na adik ka diyan kay jin.”
“Salamat”, napayakap ako sa kanya. Mabilis lang yun’ tinanggal ko naman agad. “Your welcome, basta ikaw. Kaw kaya partner ko sa pagiging K-Pop Fan.”
“Siyempre, ikaw nagimpluwensya sa akin. Kayo ni Tita Vien.”
“Yung sa akin naman.. Kay V’ # 95”. Ang laki nung ngiti sa kanyang mukha. Patitig sa akin. Minsan nga naiilang na ako pag tumitingin siya sa akin. Kaya siguro kinukumpara niya ako kay V, dahil may gusto siya sa akin.
Yung titig niya kase. w/ feeling.. with flying hearts pa ata.
Pero paano naman mangyayari yun? Eee alam niya naman na Bi ako. Alam niya naman na ang gusto ko ay ang kambal niya.
“Lunch na tayo?”. Napatingin naman ulit ako sa kanya.
“Sige ba, libre ko..”. Alok ko naman sa kanya. “Talaga V?! ayy este V’’’est?”
“Uy may pag-aalinlangan sa pagtawag ng V?”
“Youre cute than V.. a million times”—Bigla niya nalang hinaplos ang ang pisnge ko. At hinawakan ang kamay ko.
“Tara na!”
Patakbo naming tinahak yung Canteen. Nagugulat nalang talaga ako sa kinikilos nitong maganda kong bestfriend.
A beautiful, extreme and extra terrestrial attitude!
ϵ( 'Θ' )϶ ϵ( 'Θ' )϶ ϵ( 'Θ' )϶ ϵ( 'Θ' )϶ ϵ( 'Θ' )϶ ϵ( 'Θ' )϶ ϵ( 'Θ' )϶ ϵ( 'Θ' )϶
Kwento niya sa akin, pinadala daw ni Sir Lee Dong Wo yung mga sweater na yun. Hehehehe tatay niya yun. Sanay lang talaga akong Sir ang tawag ko. Fresh from Korea pa daw yun.
Kaya ang saya ko talaga, lalo na’t kay Jin naka name yung sweater.
Pagkatapos namin sa canteen ay parting time nanaman ulit para bumalik sa kanya-kanyang room. Sa ibang building ang klase ko ngayon, sa may computer room ako para sa TLE.
“Kamsahamnida best.”
“Cheonmaneyo! Basta aaaa may pupuntahan tayo maya. Kita nalang tayo dun sa gate”
“Geeh.. txt txt nalang”. Nakangiti akong tumalikod dala-dala yung regalo niya sa akin. Isang regalo sa normal na araw. Regalo niya daw ito sa akin para mapasaya ako.
That’s my Bestfried hehehehe :)
Sila ni Tita Vien, nanay niya ay napaka-bait talaga sa akin. Kapit bahay namin sila, kababata ko naman ang Fraternal twin na si Damien at Trixy.
May kaya ang pamilya nila dahil na rin sa tatay nilang koreano na naka destino ngayon sa Korea. Ayaw ni tita Vien na tumira sila sa Korea kaya dito sila ngayon sa Sto Domingo Albay namumuhay ng masagana at masaya. Mas gusto niya daw mamuhay sa lugar na kanyang kinalakihan.
Hindi niya daw pangarap mamuhay sa Korea. pangarap niya lang magkaroon ng pamilya sa isang Koreano.
Naging Fan daw si tita Vien ng mga Korean star, kaya naman nung nagkaroon daw ng pagkakataon na makapagtrabaho daw siya sa seoul ay naghanap siya ng mamahalin.
Di man daw artista, basta gwapo daw masaya na siya.
Di naman nagtagal ay nagkakilala na sila ni Sir Lee at pagkatapos nun ay nagbunga ng dalawang nilalang. Gwapo’t magandang nilalang.
Nang mauso daw ang K-Pop fever ay ipinangako ni tita Vien sa kanyang sarili na gagawin niyang K-Pop ang kanyang dalawang anak.
Simula pagkabata kase namin bihis korean style na talaga ang magkapatid na si Damien at Trixy. Bata palang din kame ang init na ng dugo sa akin ni Damien.. malay ko ba kung bakit.
Lumaki sila sa ganung istilo, tila mga K-Pop artist na dumadalaw dito sa aming lugar. Lalo na si Damien, di man mahilig sa K-Pop.. pero ang bihis niya ay ganun na talaga
Siguro nasanay na siya sa ganung mga suotin dahil na rin sa nakasanayang damit na pinapasuot ni Tita Vien.
Opposite naman si Trixy sa kanya na minana ata kay Tita Vien ang kainlaban sa mga Koreanong gwapo. At sila nga ang umimpluwensya sa akin.
Sila ang nagdala sa akin sa mundong ito. Sa mundo bilang isang ultimate FanBoy! Sa kanila ko din unang naamin yung ibang nararamdaman ko. Yung pagiging alanganin ko.
Di nila ako nilait.. tinanggap ako nila ng buo.
Pero yung tungkol sa pagkakagusto ko kay Damien. Si trixy lang may alam nun. bawal yun malaman ni Tita hmmmm baka maborjak ako.
Isa pa yun sa awtzu ee..
IT’S COMPLICATED TALAGA.
“Be ready next friday para sa ating Unit Test class.. Okay you may go now”—Wala akong close sa room. kaya solo lang akong lumalabas.
Kung meron man, siguro puro kaplastikan lang. Meron naman nakikipagkaibigan para makipagkilala daw kay Trixy, tapos yung malalantod na babae sa K-Pop ng buhay ko na si Damien.
Di yun pwede, ako lang dapat ang nagmamay-ari kay Damien. Kahit di ko siya nahahawakan o nakaka-usap man lang. Deep inside yung puso ko konektado na sa kanya.
Papunta na ako sa gate kung saan naghihitay na si Trixy. Anu nanaman kayang balak ng babaeng yun?
Di naman kalayuan yung gate kaya mabilis naman akong nakapunta. Andun si trixy, kasama yung apat nilang kaklase.
Si Karlo, Cassy, Winston at Philip.
Anong meron?
“Buti nakapunta ka kaagad”—nakangiti niya akong sinalubong. “Anong meron?”, tanong ko naman.
“Sama ka chingu.. sa birthday ni Cassy”
“Ahhhh anu kase..”
“Sama ka na please.. yan nalang bayad mo sa bigay ko.”—Di na ako nakatanggi pa sa kanya, yung matang yun na nakiki-usap sino bang di makakatanggi.
Nakayapos pa siya nun sa braso ko.
“Cassy, do you know him naman na diba? My Bestfriend Axel..”. Ngumiti naman si Cassy sa amin.
“Walang problema..”
“Asan na ba si Damien Trixy? Siya nalang kulang..”—Tanong ni Karlo. “Malay ko, baka kasama nanaman si Danica”, sabay tingin sa akin ni Trixy.
Hmmmmmmmm.. Danica! The kontrabida sa pagmamahalan namin ni Damien. Hindi ko alam kung sila na ba.. ohh panay landi parin ni Danica kay Damien.
Gurang na siya ng isang taon sa amin!
UMIWAS AKO SA TINGIN NIYANG YUN.
“Speaking of the K-Pop demon, ayan na sila”—Si Cassy na nakatingin sa likuran namin.
Sila?
So.. magkasama sila.
“Guy’s sensiya na medyo late kame ni Damien”. Bumitaw na nun si Trixy sa pagkakahawak sa aking braso at lumapit kay Danica.
Si Damien naman ay nakapamulsa at ang sama ng tingin sa akin. Tila isang demonyong nag-aalab.
But that demon’s brought me here..
Sa lugar kung tawagin ay PAG-IBIG.
Yumuko nalang ako para makaiwas sa titig na yun, parang masusunog ata ako pag nagtagal pa ang mata ko sa mata niya.
“Hi Unnie!.. musta naman kayo ni Dam Dam?”
“Okay lang trixy..”. Sa muling pag-angat ko ng aking mukha ay nakita kong tumabi si Danica at gaya ng ginawa sa akin ni Trixy kanina.
Ipinasok niya ang kanyang sarili sa braso ni Damien. “Tara na guy’s baka gabihin pa tayo nito”—Sabi naman ni Cassy.
“Let’s Go!.. tara na best..”, sabay hawak naman sa akin ni Trixy at naglakad na ng bahagya.
“Kasama siya?”
Napahinto ang lahat ng may nagsalita sa bandang likuran. Napatingin ang lahat sa kanya.
Habang nakatingin naman siya sa akin ng masama.
“Ahh oo kasama siya ni Trixy”. aniya ni Cassy.
“Sige mauna na kayo.. di ako sasama.”—Sabay ukbit sa rope backpack sa kaliwa niyang balikat.
Arayy….
Ayaw niya ba akong kasama? (˘_˘٥)
“Eee di wag! Arte..”, sabad naman ni Trixy.
“Damien? Anong problema.. Any problem with that guy?”
“Basta ayokong sumama, pag kasama siya”. Ang sakit ulittt!! Nahihiya na ako sa kanila.
“Damien? ako dapat nagdedesisyun kung sinong pwedeng sumama sa aking Birthday Party. Okay naman siya aa.”
“Ok fine.. so I voluntary not to attend that party”, sabay ngiti at lakad na paalis. “Damien!”, sabay tingin sakin ni Danica na tila nagtataka.
“Sumama ka na..”—Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. “Hindi na ako sasama, Sorry trixy babawe nalang ako next time”
“Axel?”, Parang malungkot nitong tingin.
“So Guy’s tara na.. baka malate pa tayo sa Birthday ni Cassy..”, Naringig kong sabi niya. Oo.. si Damien ang nagsalita. Napansin kong naglakad na sila, pero naiwan si Cassy na lumapit naman sa amin.
“May problema ba?”
“Sumama ka na.. ako bahala sa mayabang na yun!”. Inis na inis si trixy.
“Trixy wag mong gawin yan, wag na kayong mag-away ng kambal mo ng dahil sa akin. Okay lang ako.. tsaka meron pa akong gagawin. Actually pumunta talaga ako dito para magpa-aalam na di ako makakasama sa gusto mong gawin ngayon”
“Nagsisisnungaling ka!”, sabi niya naman.
“Totoo yun.. sige na baka malate pa kayo. Cassy happy Birthday, kaw na bahala dito sa Bestfriend ko aa?”
“Axel?..”—Habang dahan dahan na akong lumalayo pabalik sa loob ng eskwelahan. “Okay lang ako.. wag ka ng malungkot”, sabay guhit ko ng smiley lip sa aking mukha.
Nakasimangot siyang tumalikod at sumabay kay Cassy..
Tanaw ko naman sa labas yung iba pa nilang kasama. Lalo na yung lalaking ang demonyo ng ngiti sa tabi ng kalsada.
Tumalikod na rin ako, at dun pumatak na ang konting butil ng aking mga luha. Kinuha ko naman agad yung KrimStix na nasa aking bulsa. Binili ko yun kanina sa canteen.
Binuksa ko kaagad yung tip nito gamit ang aking ngipin at agad sinipsip ang tsokolateng laman.
Please krimstix dalhin mo ako sa mundo ng imahinasyon kung saan masaya akong kasama si Damien.
Kahit five minutes lang, mapawi man lang tong sakit na nararamdaman.