Naglakad lang ako pauwe. Biyernes naman na ngayon kaya wala ng dapat alalahanin pa para bukas. Ginabi na ako ng dating sa bahay kung saan makikita ko nanaman ang masaya nilang pamilya.
Makikita ko nanaman ang kontrabida sa bahay. Mga kontrabida sa akin, mga pake-alamero. Epal sa buhay.
Malapit sa dagat ang komunidad kung saan ako nakatira. Di kalayuan sa amin yung mga resorts dito kung saan merong mga dumadayo, di lang kapwa bicolano, kapwa pilipino pati narin kapwa tao sa buong mundo.. mangilan ngilan nga lang. Di pa kase masyadong kilala yung lugar na ito.
Anyway.HIGHWAY..
Huminto muna ako sa bahay ng kambal. Bukas yung ilaw sa labas, pero walang bakas na nandun na sila. Tiyak si Tita Vien at ang bunso nilang kapatid na si Timmy ang nasa loob nun.
Bandang unahan naman, siguro mga tatlong bahay ay matatagpuan naman ang bahay namin. Di kagandahan tulad ng bahay nila trixy na purong sementado, may pintura at maayos ang panlabas at panloob na desenyo.
Siguro yung sa amin ay yung mga tipikal na bahay ng isang normal na tao. May yero, hollowblocks na pader, may cocolumber na nakakabit. Basta yung ganun. Pero wag ka may second floor ang bahay namin hehehehe..
Pinagawa yun ni Mama para lang sa akin, medyo hindi kase ako komportable sa pamilya niya. Sa mga anak niya kay Tito Ambet.
Anim na taong gulang ako ng mamatay si papa sa isang contruction site. Medyo may kaya naman kame nuon dahil isang architect ang aking tatay.
Sa di nga lang inaakalang panahon, kinuha na siya ni lord. Dun nagsimula na maghirap kame ni Mama. Pero lingid pala sa kaalaman namin ni Papa ay may unang pamilya si mama, yun nga si Tito Ambet.
Meron silang anak ni Mama, Si kuya Harvey na nasundan naman ng magsama silang muli sa iisang bahay kasama ako.
Limang taon ang tanda sa akin ni Kuya Harvey. Si Oreo naman ay matanda ako ng tatlong taon at ang bunso sa pamilya ay si Ariane na kakadalawang taon palang nung nakaraang buwan.
Happy family ba?
Hindi noh. Sila lang ang masaya, sila lang ang pamilya dito sa bahay. Simula ng dumating ang Ambet na yan dito sa bahay, siya na ang prayoridad ni Mama. Siya at ang mga anak nila.
Kung may pagmamahal man siya sa akin, under lang yun sa pagmamahal na natatamasa ng pamilya niya kay tito Ambet.
Minsan tuwing kame lang ang nasa bahay, bumabawe siya sa akin. He serve me the best service of a mother to his child. A great love.. A blast of caring.
Humakbang na ako dun sa harang sa may pinto na ginawa nila para kay Ariane, para di ito makalabas ng bahay.
Nasa sala si Oreo at si kuya Harvey. Hawak nila ang mga platito na may lamang kanin at ulam. Nakakamay ang mga ito at tuwang-tuwa sa pinanunuod na basketball.
Isa pa sa kina-iinis ko ay ang sistemang yan, tuwing nandito sila sa sala at hawak ang remote ng T.V wala akong panalo, lage akong nauungusan. Lalo na na si Kuya Harvey na bida bida palage.
Palakad ako nun para tumaas na sana ng biglang may nagsalita. “Andito na pala si K-Pop boy.. May regalo ulit? Swerte mo talaga.. pakilala mo nga ako diyan sa trixy na yan ng maligawan”
Habang may laman ang bibig ay sinasabi niya yun sa akin. Inis ko lang siyang tinignan. Tumungo na ako sa sa kahoy na hagdanan papunta sa taas.
“Andiyan ka na pala, may pagkain na diyan.. Kumain kana”, Sa kusina kase yung daanan patungo dun sa hagdan na magdadala sa akin sa itaas.
Si nanay yun. Nakasalubong ko siya habang dala-dala yung platong may kanin at ulam, panigurado dadalhin nanaman niya yun sa Hari niya sa loob ng kwarto nila.
Wala akong imik, lumapit ako sa lamesa at tinignan kung anu ba yung ulam. Ginataang langka na sardinas ang sahog.
Tumaas na muna ako para magbihis.
Dito sa kwarto ko, ako lang ang bida. Di man kalakihan atleast ako lang naman ang naririto. Kasama ang mga poster ng BTS at ng mukha ni Jin. Meron din ibang K-Pop group thingy dito sa kwarto ko.
Pero litaw parin ang pagkagusto ko kay Jin at sa BTS. Mga larawang ginugupit, mga artikulong nakatago. Sticker’s, mga kung anu anupang kagamitang may kinalaman sa kanila.
Ang karamihan dun ay puro lang donation sa akin ni Trixy, di ko naman kase afford bumili ng ganun. Mas mainam bumili nalang ng KrimStix mabubusog ka na, mapapaimagine ka pa ng maganda.
Pero sa lahat ng koleksyon na yan. Walang tatalo dito sa larawang nakatago sa ilalim ng aking kama.
Bata pa kame nun ng nagkaroon kame pagkakataon na makuhaan ni Tita Vien. Isang nakasimangot na bata na nakatingin sa malayo at isang bata namang puno ng ngiti.
Di ko na maalala yung time na nakuha yung picture na yan, pero alam ko yung nararamdaman ng sarili ko sa mga oras na yan. Masaya ako..
Ninakaw ko lang yan sa photo album nila Tita Vien. Masama man, ginawa ko yun dahil sa sobrang pagkamangha at sa sobrang saya na meron kameng larawan ni Damien na magkatabi.
Di man siya nakangiti. Ayus lang’ magandang ala-ala parin yun sa akin. Sa aking puso na lihim na nagmamahal sa kanya.
Siguro yan ang huling pagkakataon na magdikit kame ng husto. After siguro niyan, waley na.. parang may distansiya na kame sa isat-isa.
Tulad nga ng sinabi ko di ko na ata siya malapitan higit isang metro. Ang punto ko lang naman dun ay may distansiya na kame sa isat-isa.
Parang di kame magkakilala, parang lage ko siyang inaaway, parang kriminal at masamang trao ako lage sa tingin niya.
Anu man ang mangyari.. He’s still the man of my Dream at my Life parin.
Masakit man at nakakahiya ang nangyari kanina. Nagpa-ubaya nalang ako, baka kase isipin niya masyado akong epal sa mundo niya kasama ang kanyang mga kaibigan.
Dito sa bahay di na lingid sa kanila ang pagiging FanBoy ko. Ang hindi ko nalang alam kung may naiisip na ba sila sa totoo kong pagkatao.Hindi ko alam kung nagtataka na ba sila na puro mukha ng mga lalaking Koreano ang nasa kwarto ko.
Minsan sa mga paringig ni tito ambet at harvey ay nakakaramdam akong alam na nila. Na nafefeel na nila na medyo alanganin ako. Kaya nga kung may pagkakataon, lage kong iniiwasan na makita at maka-usap sila.
Mas ayus pa si Oreo, medyo nakaka-usap ko siya ng ayos. Pero still bastos at kaugali parin niya ang kuya at tatay niya. Siguro marunong lang siyang rumespeto sa akin.
He know’s my position in this family.. In this house.
Pagkatapos kong makapagbihis ay bumaba na agad ako diretsong kusina. No choice yun ang bungad pababa nitong hagdanan na marupok ehh.
Tambak yung hugasan, buti nalang walang masyadong ipis dito sa kabikulan. Di tulad sa kamaynilaan tila mga gamo-gamo ang mga ipis.
Free to fly everywhere lalo’t pag gabi na.
Hindi ko na nadidinig yung boses sa telebisyon. Isa lang ang ibig sabihin nun, wala na yung dalawa kong step brother. Siguro nakatambay nanaman sila sa labas, sa mga tropa nito na kasing ugali rin nila.
Gabi na ang balik ng mga yan, Istorbo tuwing ang himbing na ng tulog mo. Minsan nakiki-inuman si Harvey kaya laseng madalas kung umuwi.
Si Oreo naman mas nauunang umuwe sa kuya niya. Sila yung mga walang paki-alam kung may magigising ba sa lakas ng katok na ginagawa nila sa yerong pinto namin.
Ewan ko ba kahit higit na mas bata sa akin si Oreo, nakikisama na ito sa adik niyang kuya. Sa mga kalokohang ginagawa nito. Pinabayaan lang sila ni Mama at Tito Ambet kaya wala akong magagawa kundi tiisin makasama ang mga taong tulad nila.
May itsura at maganda ang hubog ng katawan ng dalawa. Gwapo at matipuno kase si Tito Ambet, ganundin si Mama na may angking kagandahang tinataglay rin. Pero unti-unti na yung kumukupas dahil sa mga gawaing bahay at paghahanap niya ng ikakabuhay namin.
Hindi sapat yung kinikita ng Ambet na yun sa pag-ooperate ng isang rice mill.
Yung pamilya naman sa side ni Papa, di kame sa kanila makalapit. Si mama at ako kase ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Papa.
Hindi daw tanggap ng pamilya ng Papa si Mama, ng pinapili daw si Papa ng mga magulang nito kung sino ang pipiliin niya. Kame ang pinilli. Pero dun na nag-umpisa ang pagkaputol ng ugnayan ng Papa sa pamilya nito.
Nasa kabilang bayan naman ang mga magulang ni Mama, tulad namin. Kapos din sila. Kung minsan pa nga ee pumupunta pa sila dito para humingi ng tulong kay mama.
GANUN KAHIRAP ang buhay namin ngayon.
Kaya nagpapasalamat talaga ako na nakilala ko si Trixy at ang pamilya nito, kahit paano nakakaranas parin ako ng pagiging buhay may kaya. Kahit hiram, donasyon at padanas lang masaya na ako sa mga bagay na yun.
♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨
Napakasarap ng lutong gulay ni Mama, hindi parin kumukupas. Sana andito parin si Papa para naman matikman niya ito. Pero wala..
Matagal na niya kameng iniwan. Namimiss ko na siya.. Namimiss ko na ang papa ko (・_・;)
Habang nasa lamesa ay, naramdaman ko nalang yung dahang-dahang pagdaloy ng aking mga luha.
Napapunas ako sa aking mga mata ng makaringing ako ng ingay, Ingay mula sa pintuan sa kusina, papuntang labas. Papunta sa banyo namin. Sino kaya yung bumukas?
Pero pa-pasok na kung sino man yun. Tumayo na ako at nilagay sa lababo yung plato, Patukoy ko namang pinapahid ng damit ko yung mukha ko.
“Umiiyak ka ba..?”.. Natatawang tanong ng lalaki sa aking harapan. Pagtingin ko ay bumungad sakin ang nakabrief na si Kuya Harvey. Bagong ligo siya, imbis na nakatapis naman yung tuwalya ay nakasabit ito sa balikat niya.
Aminado ako sa brief’an niya ako nakatingin, pero di ko yun sinasadya.. “Ooppss.. Oops Oops Opps..”, Bigla niya itong tinakpan ng tuwalya. Nahiya naman tuloy ako sa sarili ko at sa kanya na rin.
Nahuli niya ako. >__>
“Di pwede yan..”, Nakangiti siyang nakatingin sa akin habang inaayos yung pagtatapis nung tuwalya. Ako naman ay sa iba dinako ang tingin..
“50 pesos 1 minute eye contact”, Anong pinagsasabi ng lalaking toh?! Tinignan ko siya ng masama. Yung inis na inis.
“100 pesos naman kung hahawakan mo pero with brief pa yun aaa.. 200 pesos without brief. Kung gusto mong jakulin.. dun tayo sa kwarto mo.. 300 pesos lang. Pero kung gusto mong isubo.. 400 pesos. 600 pesos naman pag gusto mong salubutin kita”
Nag-init ang ulo ko sa mga pinagsasabi niyang yun! “Wala akong pake! Di ako interisado! Kung nakakaramdam ka ng libog. Ikiskis mo yan sa pader! .. Excuse me..”
NAKAHARANG KASE SIYA SA BUNGAD NG HAGDAN.
“Relax..”, sabay patong ng kamay niya sa aking balikat.
“Anu ba!”, masyadong mahigpit yung kamay niya kaya di ko yun naalis. Lumapit ito ng husto sa akin.
“Diba bakla ka? Aminin mo na kase .. para mapagbigyan kita. Free na tu para sayo my Step Sisterrr”, parang asong sabik na inilabas ang dila paikot na pinahid sa kanyang mga labi.
“Ano bang pinagsasabi mo? Umalis ka nga diyan.. Dadaan aku!”—Sa oras na yun ay nilakasan ko na ang pagtulak sa kanya. Kaya napalayo siya ng konti.
“Arte mo ah?! makikita mo.. ikaw na ang maghahabol at luluhod sa aking harapan para matikman mo lang ako. Pinagbibigyan ka na ang arte arte mo pa”
“Kawawa ka naman, siguro walang pumapatol na babae sayo noh? Pati ako pinagdidiskitahan mo diyan sa kalibugan mo. Huwag mo akong itulad sa iba! Hindi ako bakla!”—Galit pero pabulong kong resbak
“Di daw bakla, pero ang daming picture ng lalaki sa kwarto. Lulusot pa kase eee. Sige kung gusto mo picturan mo nalang akong nakabrief.”
Hindi ko alam sa sarili ko, kung bakit di ko na maiwanan tong hayup na to. Naiinis talaga ako ng sobra. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko sa mga paratang niya kahit tama naman lakat.
Gusto ko ng tahimik ayoko ng ganito!
“Gagu.. wala akong mapapala diyan sa buto mong yan! Didto ka sa luwas! Maraming kukuha ng picture sayo! Wag sa akin hindi ka sikat para kuhanan ng larawan!”
“May mapapala ka dito.. kasing gwapo ko naman mga nakapaskil diyan sa kwarto mo aa. Imbis sila ang imaginin mong nachuchupa mo. Ako nalang! Anu kahit maghubad pa akong picturan mo. Okay lang sa akin Step sister”
Lumapit siya sa akin na tila aakyat din papuntang kwarto.
“Anu ba! Umalis ka nga diyan!”—Tinulak ko siya. “Gagu ka talaga noh! Tandaan mo luluhod ka rin at magmamaka-awa na matikman ako! Tnadaan mo yan .. Hinding hindi kita pagbibigyan”
“Wala akong pake! Gagu!”, Paulit ulit ang puta! Libog na Libog!
SAKTO NAMAN ANG PAGDATING NI MAMA. Tinignan niya kameng pareho, habang nasa inis na ekspresyon yung mukha ko.
“Anong ginagawa niyong dalawa? Harvey ano pang ginagawa mo dito. Dun kana sa kwarto niyo”
“Sensiya na ma.. kinamusta ko lang naman ang aking Step Brother”, may pang-iinis na sa sagot nito. Nakatingin sa akin si Mama.
Bago pa man kung anung sabihin niya ay umakyat na ako sa kwarto. “Ingat kapatid!”, sabi ng harvey ng umaakyat na ako.
Yung hugasan.
Kung hindi lang sana dumating ang gunggung na yun, makakapag-ayos pa sana ako sa kusina. Hayyy.. si mama nanaman ang gagawa nun.
Naawa na ako sa Mama ko, pagod na nga siya buong araw. Siya pa gagawa ng mga hugasin na yun.
Nakaka-inis talaga ang Harvey na yun! Anung akala niya sa akin. Porket silahis ako, kahit kanino nalang ako papatol? Tsk. Hindi ako p****k na kung kani-kanino nalang nagkakagusto at nagkaka-interes makipagbabuyan.
Kung gagawin ko man ang bagay na yun, gagawin ko yun ng may pagmamahal. Gagawin ko yun kasama ang aking minamahal.
Tanging si Damien lang ang gusto kong makasalo sa pangyayaring iyon sa aking buhay. WALA NG IBA PA.
(o゜ェ゜o) (o゜ェ゜o) (o゜ェ゜o) (o゜ェ゜o) (o゜ェ゜o) (o゜ェ゜o)
May bintana sa aking kwarto at paglabas mo nandun ang bubung ng bahagi ng bahay. Andito ko ngayon.. Dito ako madalas tumabay tuwing nalulungkot ako.
Nakikita ko ang mga bituin ang kalangitan na tila nagiging asul dahil sa liwanang ng mga heavenly bodies. Mga huni ng kuliglig, andito rin ang preskong hangin, nakikita ko mga taong nagdadaanan.
AT HIGIT SA LAHAT..
Tanaw dito sa bubungan ang bahay nila Trixy, kaya naman palihim kong napagmamasdan si Damien tuwing lumalabas siya.
Naka-upo at nakayakap ako sa aking sarili habang suot na ang sweater na bigay sa akin ni Trixy. Yung babaeng yun may regalo nanaman siya sa akin. Kahit silla tong may birthday na this coming next next week ehh.
Naiisipan parin niya na bigyan ako ng mga gusto ko, Iniispoiled ako ng bestfriend kong yun. Kaya naman pinaghahandaan ko na rin kung anong ireregalo ko sa kanya at kay Damien.
Muli akong pumasok sa loob at kinuha yung bagay na pilit kong tinatapos para sa aking K-Pop of my life.
Isang maliit na doll na tinatahe ko gamit ang mga recycled na materyales para mabuo ko ang imahe ni Damien.. Yun bang parang chibi version niya. Maliit yun kasing laki nung mga stuffed toy’s na nakasabit sa mga keychain ng Bag.
Ito ang unang pagkakataon na reregaluhan ko siya. Nuyon kase natatakot akong magbigay dahil sa lagi siyang nakasimangot sa akin.
Ayoko naman na mabadtrip siya sa kanyang birthday.
Sa pagbibigay ko nitong regalo, hindi nalang ako magpapakilala. Ililihim ko nalang, basta ibibigay ko sa kanya ng hindi niya nalalaman na galing sa akin. Bahala na ang puso niyang umalam at rumamdam na sa akin ito galing.
Muli ko yung nilagay at itinago sa cabinet..
“Bukas pagtutu-nan kita ng pansin Dam-Dam, matatapos rin kitang magawa bago pa man dumating ang birthday mo. I love you..” – Para akong baliw na muling kinuha yung manika na purong puti palang na nakakorteng tao. Hinalikan ko yun.
웃웃웃웃웃웃웃웃웃웃
Tumambay ulit ako sa may bubungan. Bubung yun ng munting terrace namin. Sa tinagal-tagal kong nakatitig sa bahay nila ay ngayon palang lumitaw ang mga pamilyar na tao.
Yung kambal!
Si trixy ay nakita kong dumeretso sa bahay nila, kumatok at mabilis namang pinagbuksan. Si Damien naman ay nakatayo pa sa harap ng bahay nila. Hawak yung cellphone at may katext siya.
Siguro si Danica. #@__t
Maya-maya naman ay ibinulsa na niya yung cellphone.. Naglakad ito paabante. San kaya siya papunta?
Huminto siya sa tapat ng maliit na tindahan ni Aling Yolly. “Anong gagawin niya dun?”, bulong ko sa aking sarili.
Nakita kong may binibili siya kay Ana, anak ni aling yolly. Isa sa mga madaldal dito sa aming baragay. Mabait naman si Ana, chismosa nga lang.
Kaasar! Ambisyosa pa naman yan, nakekwento niya sa akin na pinagnanasahan niya ang Dam Dam ko. Yun bang tuwing nakikita niya daw si Damien ay nalalaglag ng kusa yung panty niya.
Naupo si Damien sa isang bangko sa harap ng tindahan. Nakataas yung isang paa habang hawak niya ang isang sigarilyo Ang gwapo parin niya, lalo na’t sando nalang ang suot niyang pang-itaas.
Pinadala na rin kase niya kay Trixy yung bag niya papasok sa loob ng kanilang bahay. Nakatingin siya sa ibang direksyon habang abala sa ginagawang pagyoyosi. Si Ana naman kahit may net yung tindahan nila ay pansin kong titig na titig.
Pumunta rin kaya ako sa tindahan?
Gusto ko lang makita ang Demon K-Pop ng buhay ko ng medyo malapitan lang naman. Baka kase kung umabot ako ng isang metro.. masunog bigla ako.
Eee anung magagawa ko? Ang liit lang ng tindahan nila Ana ee. Bibii ako ng KrimStix! At lalakasan ko ang loob ko ngayon na bigyan siya.
Kaya ko to!
Agad akong pumasok sa kwarto at nagmadaling bumaba. Nakasalubong ko naman si Mama na sasaraduhan na sana yung pinto. “Gabi na, san ka pa pupunta?”, tanong niya sa akin.
“May bibilihin lang sa labas”
“Sige ikaw nalang magsara ng pinto”, Tumalikod at diretsong pumasok sa kwarto nila. Asan kaya si Tito Ambet? Parang di ko siya nakita ngayong araw.
Anu bang pake ko?! Asar..
Dahandahan akong naglalakad dun sa bako-bakong daan. Hindi pa sementado at halos puro bato at may konting buhangin mula sa dagat.
Isang bahay nalang at nasa tapat na ako ng tinadahan nila Ana. Anu ba Axel! relaks lang dapat. isipin mong yung KrimStix lang talaga sadya mo sa tindahan.
Nakatingin ito sa akin, at…
Nag-uumpisa nanaman yung simangot sa mukha niya. Iniwas ko yung tingin ko at lumayo ng husto sa kanya. Para akong timang na naglalakad sa may gilid at parang nag-iingat sa mga patibong sa paligid.
“May crocodile lang iniiwasan ang peg? Kaloka aaa.”, Yung mukha ni Ana na puno ng Ponds at nakaipit pa ang buhok. Parang payaso ang puta! Ngumiti ako sa kanya ng konti.
“Alam ko maganda ako, nahihiya ka pang magsabi noh? Don’t Worry mas bubyuti pa akey pag nabanlawan ko na ito Axil!”
“Axel.. hindi axil.”, mabilis kong puna sabay lagay ng sampung pisong barya sa may plain wood sa may butas ng tindahan.
“Anong bibilihin?”
“Pabili nga..
Isang pusong MANHID ng isang lalaki diyan sa GILID”
“HAH?!”, gulat na bulyaw ni Ana.