baGAYto #3: "s*x or DEATH?"

2165 Words
“Huy.. may bibilihin ka ba?! Bawal tamambay dito Axil!” Nagulat ako bigla ng hinampas niya yung net na harang nung munti nilang tindahan. Natulala ako kaka-isip sa kanya. Pati sa isip ko ang gusto kong bilhin ay ang puso niya. Timang na talaga ako! Buti di siya nakatingin sa akin, kung hindi baka nasunog nanaman ako sa nag-aalab at malademonyo niyang titig. Eto namang si Ana, bawal daw ang tambay pero pag si Damien ko, pinapabayaan niya lang. Lang urag man! Siguro ang ikinagagalit niya ay ang merong nakakaharang sa tanawing ikinagagalak niyang pagmasdan. “Usog nga diyan kung wala kang bibilhin!.. haharang harang ee!” “Nagbayad na ako diba? Relaks lang kase.. Ana”, mahina ko namang sabi sa kanya. “Ohh bilis malapit na kameng magsara axil!” “Axel sabe ee” “La akong pake.. the important is makabili at maka-alis ka na diyan! Alam mo naman na nandiyan ang prinsipe ko diba!”, Mahinang sabi nito habang lapit na lapit ang mukha sa akin. Sa pagitan ng bakal na net ng tindahan. “D.G”, sagot ko. “D.G? wala kame ditong Dunkin Gonuts ahhh!” “Bungol! D.G Dating Gawe.. sampung KrimStix!” “Aaa yun ba yun? Okay.. Here your KrimStix! Sige Chupi na!”—Parang ninja kung gumalaw. Mabilis niyang naibigay yung mga KrimStix. Di ko nga alam kung sakto, kaya naman naupo ako sa kabilang bangko at binilang yun. Nagamit ko naman ang pagkakataong yun para matitigan ang lalaking nasa aking harapan. Sa iba siya nakatingin, hawak na rin niyang muli yung cellphone habang nakaipit sa mga daliri ang maikli ng yosi. Sobra ng isa yung binigay ni Ana, nagmamadali kase sa sobrang kalandian. Nakalibre tuloy ng isa. “One .. Two.. Three..”, mahinang pagbibilang ko habang kumukuha ng tatlong KrimStix. Ibig sabihin nito.. I Love You. Ibigay ko na kaya sa kanya? Aist di pwede andito si Ana. Nang napadako ako ng tingin dito ay sinesenyasan akong umalis na daw ako. Ang lantod! Masyadong malantod! Anong gusto niya? Masolo niya si Damien ko? Tapos lalabas siya ng tindahan at lalandiin niya ito. May matanda namang dumating at lumapit sa tindahan. “May Paminta kayo?”, tanong niya kay Ana na medyo uminis ang mukha. Siguro natakpan ang point of sight niya kay Damien. “Sa labas po meron isa!” Napansin ko nalang na napatawa ng bahagya si Damien, di man nakatingin sa akin pero may tumatakbo sa aking isipan na ako yung pinagtatawanan niya. Pero bakit? “Asan?” “Joke lang manong.. Buo o Durug?” “Aii akala ko nasa labas talaga. Palabiro ka talagang bata ka. Durug neng.. Dalawa lang” Si Ana yung mata niya rin medyo may kakaiba, bat parang pareho sila ng kinikilos ni Damien ko? Anu bang nakakatawa? Si Manong? Sa bagay uto-uto kase si manong, kaylan pa nagkaroon ng paminta sa kalagitnaan nitong oras sa labas? Siguro sa Farm kung san sila nakalukluk ay meron. Pero dito sa amin wala namang ganun. Anu ba yan naabala ang pagpaplano ko. Habang abala pa sa pagsusukli si Ana, ibibigay ko na ito. Kahit sungitan niya ako, basta maalok o maibigay ko man lang sa kanya tong tatlong KrimStix. Tumayo na ako.. “Aaaa… Krim— “Escuse Boy..”, napatigil naman ako ng biglang dumaan si Manong. Ayyy naputol pa yung pagsasalita ko. Anu ba to. Pagka-alis naman ni manong ay nakita kong, nakatayo na rin si Damien. Sabay tapon ng pudpud na sigarilyo sa harap ko. Okay lang.. SANAY NA AKO. Shit parang gusto niyang ituloy ko yung sinasabi ko kanina. Totoo ba ito? Okay.. Hingang malalim ulit. Ohhhh.. Hahhh.. “Aaaa…--- “Ana, lista nalang muna aa, nasa bag kase yung pera ko”, Dinaanan niya lang ako. Lumapit siya sa tindera at yun ang kina-usap. “Okay lang Prince D kahit wag mo ng bayaran, tres lang naman ehh. Libre ko na yun sayo” “Talaga?”—Sabi naman nito. “Oo nga.. kaw pa, malakas ka sakin ehh” “Salamat aa, bait mo talaga. Sige ganito nalang bibigyan nalang kita ng CupCakes tulad nung binigay ko sayo nung isang araw” Cupcakes? Binigay nung isang Araw? FLASHBACK: Maagang natapos yung klase ngayong Wednesday class namin. Kaya maaga ring naka-uwe.   Nakatambay kame nun ni Trixy sa ilalim ng punong talisay malapit sa Galangan Beach Resort na matatagpuan saming lugar. Labas bakod yun ng Resort. Gayunpaman meron naring buhangin sa kinapepwestuhan namin.   Dun sa ilalim ng punong talisay ay may sea sand na rin.   “Alam mo bang nagbake ngayon si Dam Dam ng Limang malalaking chocolate Cupcakes.”   “Ahh ganun ba, galing niya talagang magbake noh? Mana sa Daddy niyo”   “Sinabi mo pa”   Ang pagiging mahusay niya sa pagbebake ng pagkain ay isa sa mga abilidad ni Damien na lubos kong hinahangaan sa kanya. Natutunan niya siguro yun sa tatay niyang magaling na baker din.   “Actually yung dalawa pinapadala ko sa kanya dito. Para sakin at sayo”—Tila natuwa ako sa sinabi niyang yun.”talaga? Para sakin yung isa?”   “Oo naman.. kaya nga pinalima ko yung bake para tig-iisa tayo ni Mommy, Timmy, Ako, Ikaw at sa kanya narin”   “Apat lang ba sana?”, parang nalungkot kong tanong kay Trixy. Tumingin naman siya sa akin at inakbayan ako. “Anu ka ba Axel.. okay lang yan! Ang mahalaga kasama ka na sa bibigyan niya. Ayaw mo nun?”   “Pero napilitan lang naman siya diba?”   “Wag mo ng isipin yun”   ANG SAD NG GANUN. W__W         Di naman nagtagal ay natatanaw ko na si Damien. May dala nga siyang maliit na paper bag. “Ayan na si Dam Dam”, Si Trixy na tumayo na sa pagkakaupo sa buhangin.   Suot ni Damien ang isang puting Sando Shirt. May Drawing itong Chibi character ng isang K-Pop Artist. Nakapants din siya na kulay Itim, terno sa suot niyang sapatos.   “Cupcake mo.. pinapauwe ka na ni Mama. Walang magbabantay kay Timmy, may pupuntahan daw siya.”   “Bat ikaw?”   “May lakad kame ni Danica”, bahagyang natusok ang puso ko. Ang hurt hurt para sa akin ang dating ng sinabi niyang iyon.   “Di ka pa ba sinasagot?”   “Una na ako”, sa pagkakataong yun ay nakatingin siya sa akin ng masama. “Bat iisa lang toh Dam!”   “Bat iisa ka lang naman aaa”, sagot niya naman sa kapatid. “Yung kay Axel.. diba sabi ko limang piraso na ibake mo..”   “Lima nga..”   “O nasaan yung isa..”   “Yung isa?.. binigay ko sa mas karapat dapat”   “Ang sama mo talaga! Kainis to.. Bakit hindi ba deserve na bahagian mo ang Bestfriend ko.”   “Kung ako tatanungin mo.. Hindi. Sige alis na ako”, Sabay lakad nito palayo sa amin. Masakit na masakit ang sinabi niyang iyon. Parang tinadyakan ako sa mukha ng isang milyong tao.   “May araw ka din! Damn you Dam!”, galit naman na sigaw ni Trixy sa kambal. Tinaas naman ni Damien ang kamay niya habang nakatalikod. Parang nang-iinis pa.   “Pabayaan mo na, okay lang sa akin.. Di naman ako umaa-asa”   “Wag ka ngang plastik.. kunwari di ka nasasaktan. Pero loob naman ng puso mong yan. Umiiyak na dugo’t Sipon”   “Grabe naman yun sipon. Dugo’t Luha naman. Kilala mo naman kambal mo diba. High Blood lage sa akin”   “Kaya tigilan mo na kakahanga sa demonyong yan, wala kang mapapala sa kasamaan ng budhi ng taong yan. Kung di ko nga yan kapatid matagal ko na yan nasaksak ng kutsilyo ee. Pasalamat siya kapatid niya ang isang Trixy, Tama ba V?”   “AAaa oo naman. Maswerteng maswerte. Maswerte rin ako naging bestfriend ko ang isang tulad mo”, Sumimangot siya.   “Hanggang bestfirned lang ba?.. Pwede naman maging swerte ako sayo bilang girlfriend”   “Ha? Anong sabi mo?”   “Sabi ko hati nalang tayo nitong cupcake ng demonyong yun”, Buong buo kong nadinig yung sinabi niyang yun. Pero alam kong biro lang naman yun ni trixy. END OF FLASHBACK   “Bye my prince D!”, sigaw ni Ana sa paalis ng si Damien. Si Damien naman kumindat pa sa malanding tindera. Kaasar. Nakaka-asar talaga. Bat ganun iba ang turing niya sa akin at sa tinderang ito. Si Ana rin pala yung binigyan niya ng isang cupcake. Ibig sabihin mas kapatdapat para sa kanya si Ana na bigyan ng cupcake na gawa niya. “Yessss! Yesss! nakakakilig talaga ang Prinsipe ko! Pinansin niya ako.. My goshhh.. I wanto to Die na!” “Sana nga..” “Yes may sinasabi ka?” “May tanong ako.. alam mo ba yung MAKATI?” “Hindi ako bobo.. Oo lugar yun sa Metro manila!” “Minsan lugar.. pero minsan IKAW” “Ahhhh ganun? Ehh yung pinagtawanan namin kanina ng Prince D ko. Naget’s mo ba?”—Tanong niya habang nag-aayos sa loob ng tindahan niya. NAKAKA-INIS YUNG NGIRIT NIYA. “Si manong. Diba siya ang pinagtawanan niyo?” “Hahahaha slow ka talaga! Para naman maget’sing mo ganito nalang. Alam mo ba yung Paminta?” “Oo.. condiments siya” “Minsan condiment’s.. Minsa naman IKAW Achooooo!.. Ok babushh!”, Sabay hila niya sa kahoy na naka-alalay sa bintanang sumasara sa kanilang tindahan. Inshort.. pinagsarhan ako ng ANA-condang yun! Paminta? Minsa ako? Anonggg ibig sabihin niya! Di ko talaga maget’s! Dahil di ako mapakali kung anu ang ibig sabihin nun ay tinext ko si Trixy. Tinanong ko kung anu ang ibig sabihin pag tinawag kang isang paminta. Mabilis naman itong nakapagreply sa text ko. Trixy :) Hahaha bk8 sinong nagsabi sayu? Ako: Bt anu pang ibg sbhn nyan? Trixy :) Antagal mo na kayang Pmnta V. Ako: Anu nga yun? Trixy :) Nagtatago ng ibang pagkatao Axel. Sa madling salita. Isa kang tagong bakla best. peace .V. Napasanday ako bigla sa ilalim ng puno ng niyog sa gilid ng daan kung nasaan ako naroroon. Ngayon ko lang nalaman.. from it’s root word na Pamin na pag pinalambot ay Pamen.. Gashhhh hindi ko namalayan na pinagtatawanan na pala ako ni Ana, at ang masakit pa dun pati si Damien pinagtatawanan ako. Malungkot akong umuwe sa bahay. Hindi ko na rin nareplayan ang mga sumunod na text ni Trixy. Nakakahiya… Hooooooooo.. #♒ ____ ♒ # Wala akong kamalay malay pinagtatawanan na pala ako. Alam na siguro nila, na isa akong hamak na paminta. ☣☣☣☣☣☣☣☣☣☣☣☣     Hapon kinabukasan, habang tinatahi ko yung munting human chibi doll na ginagawa ko para sa nalalapit na kaarawan nila ay nagtext sa akin si Trixy. Kung pwede daw punta ako sa kanila. Gumawa daw ng Graham’s si tita Vien. Invited daw ako para tumikim at tumambay na rin daw dun. Samahan ko rin daw siyang manuod at magdownload ng mga K-Pop videos sa Youtube. Ako rin daw panurin ko na rin ang mga activity ngayon ng bias kong si Jin. Sumang-ayon nalang ako sa gusto niya. Masyado kaseng matampuhin yun pag hindi napagbibigyan ang gusto niya. “Okay na ang sapatos mo Dam Dam.. Siguro mamayang gabi o bukas, maayos ko na rin ang pang-ibaba mong kasuotan”—pagka-usap ko sa chibi doll version ng mahal kong si Damien. Mui ko siyang ipinasok sa cabinet at nag-ayos na ng kalat ko sa kwarto. Si Oreo ang nag-aalaga ngayon kay Ariane, Si Mama kase kasama si Tito Ambet dun sa rice milling parang tulungan siya nito. Si Harvey naman ayun, hanggang ngayon tulug pa ang batugan! Umaga na siya ng dumating dito sa bahay. Lasing na lasing. Bilang panganay na naiwan dito sa bahay, ako ang nagluto para sa aking mga kapatid. Pritong hotdog para kay Ariane, Ginisang sardinas naman sa ligaw na kamatis ang ulam namin ni Oreo. AYUN BUSOG NAMAN. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako sa kwarto. Simple lang yung sinuot ko yung T-shirt kong asul may imprentang Mayon Volcano. Wala ehhh puro labahan yung magaganda at may style kong mga damit. Bukas tutulong ako kay mama sa paglalaba sa may Sapa. Short lang din ang suot kong pang-ibaba. Pagbaba ko ay nakita ko si Oreo sa may kusina. Dala ang isang yelo at hawak naman sa kabilang kamay yung pitsel. “Bat bumuli ka ng yelo?”, tanong ko kay Oreo. “Ahhh anu kase si kuya Harvey..— “TUBIG NA MALAMIG! Puta tagal mo naman Oreo! Sapakin kita diyan ehh!”, Kinabahan ako bigla sa pagsigaw na yun. “Si Ariane?”, tanong ko naman. “Tulog na kuya Axel, nasa may kwarto..” “Sige.. alis na muna ako. Punta lang ako kina Trixy”, Paalam ko sa nakbabatang kapatid. “Aaa sige kuya.” Bago ako dumeretso sa sala, tumungo na muna ako sa kwarto nila mama upang makita si Ariane. Tulog ang maganda naming bunsong kapatid. Napakahimbing.. Kaya tuwing tumatahol ang asong yun sa sala ay naiinis ako! Baka magising si Ariane sa kakasigaw niya kay Oreo. Hindi naman porket may sama ako ng loob sa pamilya nila ay di ko na mahal tong si Ariane. Nag-iisa siyang babae sa aming magkakapatid at bunso pa. Kaya mahal na mahal ko rin ito. Lumabas na ako at dumeretso sa sala kung saan nakita ko si Harvey na nakahiga sa mahabang sofang kawayan. “Turug si Ayan sa loog, pwede man tabi pakiluway kiton boses mo” (Translation: Tulog si Ayan sa loob, pwedeng pakihinaan niyang boses mo?) “Aaaa Oo yes Mam! Yes Mam!”, Sabay tawa ng malakas. Kaasar talaga ugali nitong harvey na toh. Lumabas na ako sa bahay di na ako nakipagtalo pa. Lasing na lasing parin ang loko, Grabe parang ang tindi ng talab ng alak sa kanya. Pero bago pa man ako makalabas ng husto dun sa daan ay nagulat ako ng may yumapos aking katawan. Amoy Alak! “Miss pwede bang pakantot?!” – Hinigpitan pa lalo nito yung pagkakayakap gamit ang kanang kamay. Naramdaman kong may ginagalaw siya bandang short niya. Nakaramdaman nalang ako ng isang bagay na tinutusok niya sa pwetan ko. Isang tirik na bagay! “Aray! Anu ba! Anu ba yan?!” “Kantutin na kita miss dali.. t**i ko yan”, Kinuha niya ang kanang kamay ko at pinahawak yung bagay na yun! Medyo mainit! Oo yung b***t niya yun! Letchenggg! “Anu ba bitawan mo nga ako!”—Kakagatin ko na sana yung mga kamay niya ng idinako niya yun sa may leegan ko. “Anu di mo ako pagbibigyan? Sasakalin talaga kita! Papatayin kita!” Bigla akong napahinto at tila, naging bato. Paano nga kung tuluyan ako ni Kuya Harvey? May impluwensya pa siya ng alak, attt.. di ko alam baka pati ang droga. Baka magawa niya yun.. Baka patayin niya ako. Kumadyot-kadyot ito sa aking likuran, hindi ko na nagagawa pang umangal. “Dun tayo sa kwarto mo!”, bulong niya sa akin.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD