DALAWANG ARAW na ang nakalipas matapos ang hindi niya malimutang karanasan at ang binatang kapitan na bumabagabag na sa kaniyang isipan. Naroon pa na tumawag ito sa kaniya pagkadating nila ng London. Mula nang araw na iyon ay panay na rin ang kwento ng pinsan niya na ang napag-usapan lang ng mga ito ay siya. Marami itong itinanong tungkol sa personal niyang buhay. Ang madaldal naman niyang pinsan ay ikinuwento ang talambuhay niya pati ang pagiging aloof niya sa pagkakaroon ng relasyon.
Day off niya ngunit kaharap niya ang kaniyang laptop upang pag-aralan ang medical records ng isang pasyente. Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang malalim na pag-iisip nang biglang tumunog ang cell phone niya. Sinilip niya ito ngunit uknown number lang nakalagay sa screen. Wala siyang balak sagutin ngunit tumawag pa itong muli. She picks up her cell phone and slide the call button. Hindi muna siya nagsalita upang malaman niya kung sino ang nang-aabala sa kaniya.
“Bonjour! (Hello!)”
Bahagyang inilayo niya ang cell phone sa tenga niya. Ikaw na naman? Hindi niya makalimutan ang boses ng binatang kapitan.
“How are you?”
“Hindi mo ba ako titigilan?” inis niyang tanong dito.
“Unless you will go with me for a date.”
“What?! Is that what you want? Look, I don’t have a time with your playing jest, captain. Hindi ako ang babaeng dapat mong pagtuunan ng pansin. Maraming mga foreigner sa paligid mo at sigurado akong sila ang type mo at hindi ako na boring akong kasama. Tigilan mo na ako,” mariin niyang wika sa huli.
“I am not playing my own jest to you, Doc Riexen. I’m damn serious about asking for a date with you. Tumingin ka sa bintana.”
Kinabahan siya bigla. “Huh?! Anong⸻” Mabilis siyang napatayo at tinungo ang bintana. Sumilip siya sa blinds at nakita nga niya ang binata na nakasandal sa nakaparada nitong sasakyan. Abot-abot ang kaba sa dibdib niya nang makita ito roon. “Are you crazy?!”
“Hmm. I guess I am.” Hindi nito inaalis ang tingin sa kaniya sa bintana.
“You traveled for almost six hours just to be here and asking me for a date?”
“Yeah. I am not leaving here unless you come down to see me.”
“I will call the police.”
“I’m a cop.” He grinned.
Napakakuyom siya ng kamao habang pinipigilan ang sariling mainis dito. “Hindi kita kilala, captain. Could you please get out of my house?”
“I traveled for six hours and that’s what I got from you? Ganyan ka ba talaga? Hindi pa ako kumakain, doc.” Tila may tono ang boses nito ng pagkahabag.
“Kinukunsensya mo pa ako. Who told you to travel here? Wala naman hindi ba? Just wait right there!”
“All right.”
Ibinaba niya ang tawag saka siya nagmamadaling nagbihis muna bago bumaba. Pagbaba niya ay nakita niya agad itong nakangiti habang pinagsalikop nito ang mga braso sa dibdib. Siya naman ay hindi na mailarawan ang mukha sa sobrang inis dito.
“Good morning⸻”
Hindi na natapos ang sasabihin nito nang pakawalan niya ang kaniyang kaliwang kamao ngunit nasalo ito ng binata. Hinila nito ang kamao niya kaya siya napasubsob dito. He put his other hand on her waist just to can’t get away from him. Nag-uunahan na sa kaba ang kaniyang puso lalo na at halos walang pagitan ang distansiya nilang dalawa. Not just like that. Dama niya ang malapad nitong dibdib at ang mabangong masculine scent nito na nanunuot sa kaniyang ilong. They were just like embracing each other outside.
“Let me go!” Nagtatagis ang bagang niya habang nakatitig sa mga mata nito at pinipilit na makawala.
“No! I will let you go if you are willing to be with me today.”
“Nasisiraan ka na talaga!” Nakatitig siya sa mga mata nitong tila naglalarawan na hindi nga ito nagbibiro. Bumuntong hininga siya upang kalmahin ang sarili. “Okay, fine! Just for today.”
“Good.” He grinned.
Naramdaman niyang niluwangan nito ang pagkakahawak sa kaniya hanggang sa nakawala na siya nang tuluyan sa pagkakayapos nito. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan at sumenyas na pumasok siya. Napaismid na lang siya rito saka siya sumampa sa sasakyan. Hindi umubra ang katapangan niya sa isang Rendell Dela Vega. Makulit pa ito sa inaasahan niya at hindi man lang natinag sa mga masasakit niyang salita rito. Sa kabilang bahagi naman ay labis siyang nagtataka kung bakit ito desperadong makipagdate sa kaniya gayong paulit-ulit naman niyang sinabing wala siyang interes. And then she found herself dating with a stranger police man in the London City.
KATATAPOS lang nilang kumain at ngayon ay naglalakad-lakad sila sa loob ng Hyde Park. It is the famous park in London and also the largest of the four royal parks in central London. Madalas tambayan iyon ng mga lokal at ibang gustong makalanghap ng sariwang hangin. Marami-rami na rin ang mga tao sa paligid nila.
“How did you know my place?” tanong niya.
“From your cousin.”
“Madaldal talaga ang isang iyon. Last na ito, captain. Huwag ka na pumunta rito. Hindi sa itinataboy kita pero wala pa akong balak na…”
“Why don’t you give me a chance?”
Napatigil siya sa paghakbang saka marahan itong sinulyapan. “Why? Why are you doing all of this?” Hinahanap niya ang kasagutan sa mga mata nito.
He stared at her intensely. “Because I believe the words, love at first sight. I know you wouldn’t believe this, but it’s true. The world is full of mysterious emotions that you can’t resist. I am letting myself find that strange emotion in a woman to repulse and refuse to be with me. And I found that emotions in you. It sounds weird, but when I saw you again, it’s further than that.”
“Do you know how younger I am? I am just only twenty-three, and I don’t know what kind of emotion you’re referring to. I have never been into a relationship, and I am afraid I might fail. Napag-aaralan ang buong sistema ng katawan ng isang tao pero ang tinutukoy mo…I don’t really think so.”
“Are you afraid?”
She slowly nodded. Natatakot siyang magmahal sa murang edad at sa sobrang bilis ng pangyayaring may isang Capt. Rendell Dela Vega ang gumulo sa tahimik niyang mundo.
“Then let’s try.”
“We can’t work it out, captain. I am a doctor, and you’re a cop. We have a lot of responsibilities to our people. Our time never gets through at one point. We are the same working round the clock, and we don’t have much time to spend together. I’m sorry.” She turned away from him and then started to walk.
“Hey!” He restrained holding her arms.
She looked at her arms with his tightly gripped and then looked at him. Ni sa panaginip ay may lalaking magkakaganito nang dahil sa tinatawag nilang pag-ibig.
“I am sorry if I get through this in rushed. I should have taken the first step to know each other. I hope you could give me a chance to prove that I am further than that.”
“I don’t think so, captain.”
“Don’t you like me?”
Natigilan siya. Hinanap niya sa bahagi ng kaniyang pagkatao ang katanungan nito. Hindi nga ba niya ito gusto? He’s perfect for everything but she’s afraid to show what’s her real feelings to him.
“Then, if you don’t like me, I will show you how to like and love me.”
“Rendell…”
“Just give me…a chance.”
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa ngayon at masyado siyang naguguluhan. Tanging ang binata lamang ang nagtangkang gumawa ng ganitong bagay sa buhay niya. Then if it is my destiny…I should need to take this? If I will…then let the rain poured the entire place. Alam niyang imposible ang mga senyales na hiningi niya subalit naramdaman na lang niya bigla ang malalaking patak ng ulan. Huh?! Umuulan? Napatingin siya sa kalangitan.
“Let’s get out of here.”
“Imposible,” mahina niyang sambit sa sarili.
Rendell took her out of the central park while the rain started to pour out the place. And the moment they run together while holding her hand, she felt that mysterious emotions from his current gripped on her.