Napahikab si Riexen habang inililigpit ang mga gamit niya sa kaniyang table dahil patapos na rin ang kaniyang night shift. Nakaramdam na siya ng antok kaya nag-inat na lang muna siya upang magising pa. Magta-taxi pa siya pauwi dahil ginamit ng pinsan niya ang kaniyang kotse at may pinuntahang party. Mula noong bumalik ito galing Pilipinas ay panay na lang ang labas ng kaniyang pinsang si Georgette na hindi na rin naman bago sa kaniya. Patayo na siya nang biglang pumasok ang nurse na naka-assign sa kaniya at malapad ang pagkakangiti. OFW Nurse ito. Halatang kinikilig din ito na hindi niya mawari kaya napakunot-noo siyang tiningnan ito. “Doc! Are you going to leave? Sayang hindi mo nakita kanina na may biglang pumasok dito na afam na pagkagwapo! Tinanong namin siya kung may kailangan o ka

