It’s been two months when Rendell still courted her. Kahit bumalik na ito ng France ay hindi pa rin nito nakakalimutang tumawag at magtext sa kaniya. Pursigido ang binata makuha lang matamis niyang oo. Besides, he showed his best to prove that he’s sincere. Hindi na rin naulit ang nangyari noong gabing may power outage sa kanilang lugar at mas lalong naging maingat na ito. Right and then, nakuha naman nito ang tiwala niya at kinalimutan ang salitang pinaranas nitong minsan ay babae rin siya. “Riex, kumusta na pala kayo ni Rendell? Kayo na ba?” tanong ng pinsan niyang si Georgette. Nasa dining table sila at kumakain ng tanghalian. Madalas bumibisita si Georgette sa kaniya kaysa siya ang tumungo sa bahay nito. Hindi naman siya gumagala kaya malabong bumisita rin siya sa bahay nito sa kabi

