Her eyes widened when Rendell did that gesture to her hand. Halos bumalot sa buong pagkatao niya ang pakiramdam na noon lamang niya nadama. It was a kind of current sparks that flows to her entire blood vessels which awaken up her interest. Nalilito ang puso niya sa kaniyang mga nararamdamang kakaiba lalo na noong sinabi nito ang salitang iyon. Je vous aime! Kung hindi lang matatag ang kalooban niya baka nagpadala na siya sa mga matatamis nitong salita. But I don’t want to be a weak woman and accept him in an instant. Hindi pa kita lubusang kilala, Capt. Rendell Dela Vega. Why are you treating me like this?
“How do you feel right now?” he asked her. Hawak-hawak pa rin nito ang kamay niya.
“Rendell…” Marahan niyang binawi ang kamay sa binata. “Ubusin mo na ang pagkain mo.” Hindi niya sinagot ang tanong nito.
“If you are trying to resist me, I’ll go beyond that far.”
Sinalubong niya ang malalim nitong tingin sa kaniya. “Will you stop being like this? Ginugulo mo ang sistema ng pagkatao ko, captain.”
He smiled at her. “That’s a good sign.”
“It’s a bad sign for me,” mabilis niyang tugon. “Hindi ako makapagpigil baka bigyan kita ng dose ng anesthesia.”
He chuckles. “Ganyan ka ba kalupit?”
“Sa iyo? Oo.”
“I like the way you’re taking care of me, doc. I’m relieved.”
“Is that so? Kaya pala nakangiti ka na ngayon samantalang kanina lang nagdedeliryo ka nang dahil sa lagnat mo.”
“That’s why you change my shirt?”
She scoffs. “Yeah. I need to change your clothes. Basing-basa na ang damit mo sa pawis. I’m sorry at nakialam na ako sa gamit mo.”
“Then you saw me half-naked?” Umayos ito upang sumandal muli sa headboard ng kama.
“It’s not a big deal, captain. Sanay na ako makakita ng hubad na katawan ng tao. Patay pa nga kasama ko buong magdamag, ikaw pa kayang katawan mo lang nakita ko.” Hay, kung alam mo lang ilang beses akong hindi tumingin sa katawan mong herodes ka!
“Nagba-blush ka.”
“Ganyan lang ang mga mestisa.” Pucha naman, Rendell! Napamura siya sa isipan niya. Gusto mo atang maturukan ng anesthesia at para matigil iyang bibig mo. Madami kang napupuna!
“Matatagalan pa ba ako sa ganitong sitwasyon?”
“Ipapaubos lang natin ang isang bag ng dextrose then I will remove it.” Nagbabalat na siya ng saging at hiniwa-hiwa sa plato. “Do you have your work here in London? If yes, I will not allow you to work by then until you’re totally recovered.”
“How many days will I stay like this?”
“It depends on you, captain.”
“Rendell…”
“More or less three to four days. But it’s fine when you stay here for one week.” Kahit ayokong nandito ka.
“Then it’s okay with you that I will stay here for a couple of days?”
“Rendell, hindi kita pwedeng pabayaan. Kargo ko pa kapag may nangyari sa iyo.”
“That’s nice to hear. Makakasama kita ng isang linggo.”
“Bahala ka nga. Kainin mo na itong saging para bumalik iyang panlasa mo.”
Napapangiti lang ito saka nito kinuha ang tinidor at kumain. Bahagya rin itong nahihirapan sa pagsubo ngunit hinayaan na lang niya. Ayaw na niyang madagdagan na naman ang kakaibang damdamin niya sa tuwing nagkakadikit ang kanilang mga palad o kaya naman ay napapatitig sa mga mata nito. Mula noong nagpakita at nagparamdam sa kaniya si Rendell ng kakaiba nitong pag-ibig, gumulo na ang takbo ng kaniyang puso. She doesn’t want to believe his words but she can’t resist him. Nagtatalo ang kaniyang puso at isipan na siyang dahilan kung bakit minsan nawawala siya sa konsentrasyon.
UMAGA na ngunit tila nabalot pa rin ng kadiliman ang buong paligid. Napakalakas pa rin ang pagbuhos ng ulan kaya naramdaman niya ang lamig na nanunuot sa kaniyang manipis na suot na t-shirt. Nasa veranda siya habang nagsisindi ng sigarilyo at humithit. Yes! She smoke but on and off. Mostly when she have a certain thing to think it deeply. Nakaupo siya sa malapad na railings ng veranda niya at nakasandal sa haligi nang mag-ring ang kaniyang phone. Kinuha niya ito na nasa ibabaw din ng railings nakalagay at sinagot agad nang makita niya ang nakarehistrong pangalan ni Georgette. Ang pinsan niya.
“Hello?”
“Riex!”
Bahagya niyang iniwas ang tenga sa malakas na boses ng pinsan sa kabilang linya subalit panandalian lang at muling nakinig sa sasabihin nito.
“Why are you not here? Naka-leave ka?”
“Yeah.”
“May bisita ka?”
Umaayos siya ng pagkakaupo. “Huh? W-Wala,” pagsisinungaling niya.
“Wala? E kaninong kotse iyang nakaparada sa bahay mo? Do you have a new car?”
Anak ng…nakita pala niya iyon? “Sa..sa kapitbahay iyan! Pumarada lang dahil masikip na sa kanila. Dumaan ka ba rito?”
“Yes. But I didn’t drop by because I’m in a hurry. Mamaya na lang ako dadaan.”
“Sa susunod na linggo ka na lang bumisita. May kailangan akong pag-aralan at ayoko ng may nag-aabala,” pagdadahilan niya. Sana nga umubra. Hindi niya dapat makita si Rendell dito at lagot na naman ako kay daddy. Baka kung ano ang isipin niyang may lalaki ako rito sa bahay.
“Okay. Stephen and I have a date tonight. I will invite you sana.”
“Date niyo iyan. Bakit mo pa ako isasama? Enjoy the rest of the night with him, Georgette.”
“Hmp. Sinasama ka nga ayaw mo pa. Si Stephen na rin kaya ang nagsabi na isama ka,” may halong pagtatampo ang sinabi nito.
“Magsisisi ka na naman kapag sinama mo ako.”
“All right. Wala naman akong magagawa. Oh siya, sige na. See you next week. Bye!”
Ibinaba na niya ang tawag dito saka napailing. Makikipagdate ang pinsan niya sa anak ng director ng ospital kung saan sila nagtatrabaho. Matagal na rin naman itong may gusto sa anak ng director at ayaw niyang makisawsaw pa sa namumuong pag-iibigan ng dalawa. Gayunpaman, hindi naman siya nakaramdam ng inggit dahil mas naunang nakakita ito ng taong magmamahal sa pinsan niya kaysa sa kaniya. Isa pa, masyado pa naman siyang bata para lang sa tinatawag na pag-iibig.
“Nagyoyosi ka pala.”
Narinig niya ang boses ng binata ngunit hindi niya ito nilingon. Matigas din talaga ang ulo ng isang ito. Sabing huwag munang bumangon. Napapailing siyang humithit ng panghuli saka niya dinuldol ang dulo ng sigarilyo sa ashtray na naroon sa ibabaw ng railings. Binuksan niya ang isang candy na naroon at kinain saka nag-spray ng alcohol sa kamay niya upang mawala ang amoy ng sigarilyo.
“Masama ang sigarilyo sa katawan,” seryosong wika nito.
Bumaba siya sa railings at hinarap ito. “Masama ang panahon kaya bumalik ka na sa loob. Hindi ka pa tuluyang magaling.” Napatitig din siya sa mga mata nito na wari ay hindi nito gusto ang nakita.
“I want lukewarm water.”
Noon lang niya napuna ang basong dala-dala nito. Tinanggal na rin niya ang dextrose sa kamay nito kaya ito nakabangon na. She approached him and then took the glass from his hand. “Just wait in your room and I’ll get one.” Saka siya pumasok sa loob at nilagpasan ito.
Buong buhay ni Riexen ay nasanay siyang mag-isa kaya kahit anong gawin niya ay walang nagsasabi o kahit nagpapayo man lang. Ang ama naman niya ay abala sa kanilang ospital kaya wala itong masyadong alam tungkol sa kaniya. Hindi na rin niya nakagisnan ang ina niya kaya wala rin siyang ideya kung ano ang ugali mayroon ito o kung sweet ba ito sa kaniya. Kaya lahat ng mga pinapakita ni Rendell sa kaniya ay puro bago sa kaniyang pandama.
“When do you start smoking?”
Nagsasalin siya ng lukewarm water nang sumunod pala sa kaniya si Rendell. “Three years ago. I smoke occasionally.” Matapos siyang magsalin ay humarap siya rito ngunit nabigla siya nang walang pagitan ang kanilang distansiya sa isa’t isa.
“I don’t want you to smoke,” he seriously said.
Napaatras siya hanggang napasandal. “Rendell…”
They are in the angle of the kitchen when Rendell cornered her. Kinuha nito ang baso sa kaniya at inilapag saka nito hinawakan ang kamay niya. Hinaplos nito ang kaniyang pisngi sa isa pa nitong kamay. She’s wondering why he’s doing this to her.
“Even if you smoke, boring or anything…still it doesn’t matter to me. I will accept who you are and what you are, Riexen. Just accept my love and care.” He whispers those words to her.
Napalunok siya. Nag-uunahan na sa kaba ang puso niya nang halos gahibla na lang ang pagitan ng kanilang mukha. Alam niyang naramdaman nito ang panginginig niya at panlalamig ng kaniyang kamay. Gusto ng tumiklop ang mga tuhod niya ngunit kailangan niyang maging matatag sa anumang susunod nitong gawin. She doesn’t have any idea on how to react and snag his charm.
“I thought you agreed that we will talk about your heart feels when you are okay. You aren’t fine.”
“I can’t wait.” Nanatili lang itong hinahaplos ang pisngi niya.
Napapikit siya upang damhin ang mainit nitong palad. Wala na itong lagnat at normal na lang ang init na nararamdaman nito ngunit hindi ibig sabihin ay magaling na ito. Muli siyang nagmulat at pinigilan nito ang kamay na humahaplos sa pisngi niya at hinawakan.
“I had a bad dream, and I saw you run away. I chased you but…you’re gone. And it would be best if you weren’t out of my sight anymore,” he said in a loving voice.
“Sumasakit ang ulo ko.” Ibinaba niya ang kamay nito ngunit hawak niya pa rin. “Isa ka rin makulit. Oo na pumapayag na ako.”
“It means…” Malawak ang pagkakangiti nito. “We are officially…”
“Of course not! Akala ko ba manliligaw ka muna? Ang gulo mo rin ‘no?” Noon niya binitawan ang kamay nito.
He chuckled. “All right. I am happy to hear that.”
Napaismid siya. “Masaya ka na⸻ay!” Nagulat siya sa malakas na kulog at kidlat. Halos nanginginig siya dahil sa lahat ng kinatatakutan niya ay ang malakas na kulog at kidlat.
“It’s all right. It’s just only a peal of thunder and lightning.”
“I-I’m afraid,” nanginginig niyang wika.
“I’m here. Don’t worry.”
Noon lamang niya napunang napayakap pala siya sa binata subalit ayaw pa rin niyang bumitaw kahit alam niyang akward ang sitwasyon nilang dalawa. Her body was shivering because of her trauma when she was seven years old and that’s the reason why she has astrophobia. Hinintay muna niyang humupa ang kaniyang takot bago siya kumawala rito.
“You have astrophobia?”
Tumango siya habang unti-unting kumalas dito. Natagpuan na lang niya ang sariling nagkukuwento rito. “I was seven years old when I have this. Nagbabakasyon kami sa Tagaytay at namingwit kasama ang aking ama. Naligaw ako sa kakayuhan nang pauwi na kami kasabay ng malakas na ulan noon. My father found me under the mango tree and crying. Hindi na ako takot basta huwag lang ganoon na biglaan.”
“You’re safe now. It’s just part of your childhood days, so don’t worry about your fear.” He smiled again. “Now, I know your weakness. I wish it would rain all day so you could embrace me tightly.”
“Ano?” asik niya. Inuumpisahan na naman siya ni Rendell.
“Let’s go. You need to check my vital signs and my medicine.” Hinawakan nito ang kamay niya.
“Para-paraan ka talaga. Bitawan mo nga ako!” Nyemas! Bakit ba ako napayakap sa isang ito?
“No. Sige ka at baka kumidlat pa.”
Muli siyang napaismid nang umalis sila sa kusina at nagtungo sa kwarto nito. Kailangan pa niyang asikasuhin ang binata upang tuluyan na nga itong gumaling. Wala sa isip niyang tugunin ang panliligaw nito ngunit wala namang masama kung pumayag siya. Kung wala naman talaga siyang espesyal na nararamdaman dito ay magsasabi na lang siya at iyon ang isa sa mga naging usapan nilang dalawa. Sa ngayon, hahayaan na muna niya ang damdamin niya ang humusga.