ONE
"NANANG, desidido kana ho ba talaga?"
Tumango naman ang Nanay niya. "Kailangan ko itong gawin, anak. Magpakabait ka sa Tatay mo ha. Babalik din ako... Babalikan kita."
"Dimo man lang ba hihintayin si Tatay?"
Umiling ito. "Hindi na. May hahabulin pa akong Pier. Basta mag-iingat kayo dito."
"Promise yan, Nang."
Sinundan nalang niya ito ng tingin. Magtatrabaho ito sa Maynila. Alam niyang napipilitan lang din itong iwan sila.
Naghanda nalang siya ng Lulutuin. Madali lang naman ang paglipas ng mga araw. Baka magulat nalang siya na pabalik nadin ito.
Hiniwa niya ang mga kalabasa saka itinabi. Kumuha naman siya ng Tatlong itlog na lulutuin din niya.
Pumasok naman sa Bahay nila ang Papa niya. "Nasaan ang Nanay mo, Crisanta?"
"Umalis naho tay." Aniya saka nagmano dito.
"Ha? Saan naman?"
"Sa Maynila ho. Babalik din daw siya. Diho ba siya nagpaalam-"
Natigilan siya ng mabilis na lumabas ang Tatay niya. Nagtatakang sinundan niya ito.
Sumakay ito sa Tricycle na minamaneho nito saka pinasibad paalis.
Naiiling na bumalik nalang siya sa loob at nagluto na.
Pasado alas Dose na ng Tanghali, ng bumalik ang Tatay niya. Umupo ito sa Sofang Kahoy nila saka nakatulala lang doon.
Nilapitan naman niya ito. "Okay kalang ba, Tay?"
Nabigla pa siya ng yakapin siya nito. "Anak! Wala na ang Nanay mo!" Umiiyak na anito.
Hindi agad rumehistro sa kanya ang sinabi nito. "Ano ho ang ibig mong sabihin, Tatang?"
"Iniwan na niya tayo..."
"Ho? Pero babalik pa naman ho siya.." Umiling ito.
"May ibang Pamilya ang Nanay mo, Crisa..."
"Tatang naman, ano bang sinasabi mo diyaan? Kumain na muna tayo. Nagluto ako ng-"
"May Pamilya siyang iniwan sa Maynila." Matigas na anito. Doon na siya nawindang.
Pilit iyong ikinakaila ng isip niya pero di niya magawa.
"T-tay-"
"Nakita ko ang Mama mo noon sa Dalampasigan sa Isla... Nagkagusto ako sa kanya sa Unang tingin palang. Wala siyang malay noon kaya dinala ko siya sa Hospital... Pero ni isa man ay wala siyang maalala sa mga nangyari. Pinakasalan ko siya at inakong Akin. Di naman siya nagduda roon kahit may pag-aalinlangan sa Puso niya. Nabuo ka namin... Saka ko naman nakita ang Isang Litrato na kasama ng mga Gamit niya noong nailigtas ko siya... Pamilya nila iyon. Nakonsensya ako kaya inamin ko sa kanya. Dahil wala parin siyang naalala, di niya tayo iniwan. Pero habang lumalaki ka... Bumabalik na ang mga nawala niyang Memorya. At ito na ang kinatatakutan ko, iniwan na niya tayo."
Di siya makaimik. Hindi niya lubos maisip na nagsinungaling ang Papa niya sa kanya. Hindi man nagsinungaling pero itinago nito ang mahalagang bagay na iyon?
"Anak-"
"Paano na tayo, Tay?" May hinanakit sa Puso niya. "Di naba siya babalik dito?"
Umiling naman ang Papa niya. "Hindi ko alam. Ang alam kolang, babalikan niya ang Pamilya niya. Kinausap niya ako kagabi. Pero di ako pumayag. Ang buong akala ko'y ayos na ang lahat."
Tumayo siya saka tumakbo papasok sa Kuwarto nila. Sinarado niya ang pinto saka doon umiyak ng umiyak..
Desi-nuwebe na siya. Pero sa tanang buhay niya'y ngayon lang siya nasaktan ng ganito.
Inabot niya mula sa Lamesa ang Photo Frame nilang Pamilya. Masaya pa sila noon. Ang Litratong iyon ay kuha noong makapagtapos siya sa Highschool.
Niyakap niya ang Larawan.
"Anak? Pagbuksan mo ako..."
Tumayo naman siya saka binuksan ang pinto. Saka sinalubong ng Yakap ang Papa niya. Doon siya umiyak.
"Babalikan ho tayo ni Nanay, Tang."
"Anak-"
"Maghintay ho tayo... Nangako sakin si Nanay... Di niya sisirain iyon."
Tumango naman ito saka niyakap din siya.
Sana magbalik ka, Nay...
DALAWANG linggo na ang nakalipas. Wala silang natanggap ni Tawag sa Mama niya. Tuluyan ng gumuho ang pag-asa niya, nila ng Papa niya.
Wala na ang kulay sa Pamilya nila. Nagpakalulong na masyado ang Papa niya sa Trabaho. Halos dina niya ito nakikita.
Sa Pera naman, nagtatabi ito at nag-iipon para daw sa pag-aaral niya sa College. Kinausap niya ito tungkol doon pero ngumiti lang ito saka umiling.
Pero one time, sinalubong siya ng di magandang balita. Nasa Hospital ang Papa niya.
Wala na siyang sinayang na Oras at agad ng tumungo sa Hospital.
Nakaratay ang Ama sa Hospital Bed nito. Nanghihina. Niyakap niya ito saka ito at itinanong kung anong nangyari.
Angsabi naman nito'y bigla nalang daw umikot ang paningin nito. Mabuti nalang daw at dinala ito sa Hospital ng Ihahatid nito.
Napalingon siya ng bumukas ang Pinto. Isang Doctor ang pumasok. Agad niya itong nilapitan.
"Doc, ano hong nangyari? Okay naho ba si Tatay?"
Umiling ito. "Nacheck-up na namin siya. Dahil sa sakit niya kaya siya nawalan ng malay."
"Ano hobang sakit niya?"
"Brain Tumor. Huli na para magamot pa iyon."
Tila tumigil ang Mundo niya. Alam niya ang sakit na iyon.
"T-tumor?"
"Oo, ineng. Nasa panghuling stage na ang Papa mo kaya mahirap na ang paggaling niya."
"D-doc, wala hobang paraan-"
"Meron. fifty-fifty kung magpapaopera siya. Malaki ang Bayad sa Operasyon at dipa sigurado kung makakaya ba niya."
"Doc, gusto kohong maopera-"
"Crisa, anak..." Mahinang ani ng Papa niya. "Okay lang ako."
Iniwan niya ang Doctor saka nilapitan ang papa niya. "Bakit dimo sinabi sakin, Pa?"
"Ayuko lang na mag-aalala ka-"
"Pero mas nag-aalala ako ngayon! Gagaling ka, Pa. Gagaling ka, pangako yan-"
"Anak, diko gustong magpaopera... Hindi naman sigurado kung maliligtas ako nun."
"P-pero-"
"Anak, tanggapin nalang natin ang nangyaring ito..."
Umiling siya. "H-hindi puwede, Tay... Paano na ako? Sasamahan mopa ko magpaenroll diba?"
Ngumiti ito. "Dikona iyon matutupad... Pero ipangako mo sakin na magtatapos ka..."
"T-tay." Umiyak na siya. "Diko kaya, Tay!"
"Anak, kaya mo. Malakas ka diba? Mana ka sakin eh."
Umiling siya.
Unti-unti namang pumipikit ang Papa niya.
"T-tay?"
"Inaantok ako, anak..."
"H-huwag kahong matutulog, Tay! Huwag-"
"Anak, hayaan mona ako... Itinago ko ang mga Pera natin sa Baul. Gamitin mo iyon para makapagtapos ka..."
"Tay-"
"Mahal na mahal kita, anak."
"Mahal na mahal kita, Papa." Hinalikan niya ang noo nito.
"Ipinapangako ko, Tay. Di kita bibiguin. Tutuparin ko ang mga pangarap mo sakin. Malakas ako at kaya ko ang labang ito."
Ngumiti naman ito saka tuluyang pumikit.