Someone’s POV
Her bruises and wounds are healing fast. I am applying ointment on her body. Ako na rin ang nagchi-check sa tiyan at likod niya at naglalagay ng gamot. I am still a doctor. I never put any malce on what I am doing even if it means I would see some private parts of her body.
Dalawang linggo na ang nakalipas nang magkamalay siya. Matapos niyang malaman ang katotohanan at umiyak sa nangyari, nakatulog siya habang yakap ko. Dumating na rin ang mga doctor pagkatapos.
I know crying while her eyes are still not fully healed might affect her. Sinabihan na rin ako ng mga doctor tungkol doon.
Nagising siya kinabukasan, hindi nagsasalita, hindi na rin umiiyak.
Ako ang nagpapakain sa kaniya at nagiintindi sa kaniya. Hindi ko alam pero parang ang kasama ko noong nakaraan ay isang multo. Hindi ko siya maramdaman. Kahit may tabon ang mga mata ay alam ko na labis pa rin niyang kinikimkim ang sakit.
Nito lang, mga tatlong araw ang naakakaraan ay parang walang nangyari sa kaniya. Maayos na siyang kumakain, kinakausap niya na rin ako kahit papaano, nagre-react sa mga kuwento ko at mas lalong malakas na ang katawan niya na ikinakatuwa ko.
I always made her feel that she is not alone. I tell her stories. I know she is fighting on her own. She will just talk when she wants to say important things. I don’t know what’s running into her mind. Gusto kong alamin pero napaka-imposible.
Hanggang ngayon na lamang ang leave ko at bukas ay dapat na makauwi na ako sa Manila. At ngayon din, tatanggalin na ang cast at ang pagkakatabon sa mata niya. Magaling na rin ang paa niya. The doctors here are very good, even the medicines they give. Mabilis na gumagaling si Shakirra na siyang ipinagpapasalamat ko.
“Are you ready for today? Tatanggalin na ang cast at ang bandage sa mga mata mo,” I asked her when I finished feeding her.
Nakakatayo na rin siya kaya kapag iihi o dudumi ay siya na lamang magisa. Noong nakaraan ay kailangan ko pa siyang alalayan. Ngayon, nasa labas lamang ako, naghihintay. Wala na rin siyang suwero o oxygen. She just needs a body rest and daily monitoring. Now, we just need to wait for the removal of her cast and bandage and we can go home after.
“I am not. I'm afraid.”
“Don’t be. I am just here, okay?” I always remind her that I am here. Hindi ko alam, pero sa dalawang linggong lumipas, mas gusto ko na lalo siyang alagaan.
“You told me, I could get blind.”
“Yes, pero pwede rin na hindi kaya dapat, ipanalangin natin na maayos ang pagkakatanggal ng mga bubog sa mata mo.”
Hindi na siya sumagot at hinawakan na lamang ang kamay ko. Isa ito sa naging habit niya nitong nakaraan. She would ask for my hand whenever she would wake up and before she sleeps. Minsan kapag gising siya at tingin ko ay nagiisip, hawak-hawak niya ang mga kamay ko.
Okay na rin naman sa akin dahil mapaparamdam ko sa kaniya na hindi siya nag-iisa.
The doctors came. “Are you ready Miss Shakirra?”
She nodded. Nakita ko na hinahanap na naman ng mga kamay niya ang kamay ko kaya tumabi ako sa kaniya. “Just hold your boyfriend’s hand. Everything will be alright, okay?” Dr. Emanuel said.
Hindi lamang ito ang unang beses na nabanggit nila na boyfriend niya ako pero hindi rin naman niya itinatama o nagkokomento tungkol dito.
Shakirra’s POV
Hindi ako ready. It is a fifty-fifty possibility. I could be blind, I could be not. Kapit-kapit ng kasama ko ang aking mga kamay. I am really thankful with this guy. He’s been with me since I woke up. He’s been on my side when I am silently crying and grieving on my family’s death.
I am dying to see his face. Simula nang magising ako ay wala akong nakikita at ang gusto kong makita ay ang mukha niya kapag matatanggal na ang tabon sa mukha ko.
I am still mourning on my family’s death. But what stopped me from crying is the cover in my eyes. I know I shouldn’t be crying just like the doctors have said to me, it might affect my healing eyes.
Nalulungkot ako, sobra pa sa sobra.
Iyong tipong napapaisip ako kung bakit ako buhay at sila, wala na talaga. Wala na ang mommy ko, ang daddy at ang kapatid ko na pinakamakulit sa lahat. Ni hindi ko pa sila nakasama sa huling hantungan nila.
Parang ang saya-saya pa namin sa sasakyan habang nasa biyahe. Siguro nga, everything happens for a reason. Oo masakit, mahirap, pero heto ako, kailangang lumaban. May buhay pa rin ako na kailangang ipagpasalamat sa Diyos. Maybe He still has plans for me. I still have a mission in this world.
Tingin ko nga ay wala na akong inspirasyon upang bumangon araw-araw pero kakayanin ko. Kakayanin ko.
Ramdam ko na ilang beses na tinanggal nang paikot-ikot ang tabon sa mata ko.
The guy I am with, which he said, he is a doctor, is holding my hand tightly. Hindi ko alam pero napakagaan ng loob ko sa kaniya. I feel safe in his arms. I haven’t asked him his name and he doesn’t tell me anyway. Hindi ba uso sa kaniya ang pagpapakilala?
“Okay. Don’t open your eyes until I say so.”
Sobra-sobra ang kabang nararamdaman ko. I am praying I could still see.
Mukhang natanggal na nang tuluyan ang bandage sa mata ko. Ilang minuto na at hindi pa nila ako pinapamulat.
“I’m here,” said by this guy beside me. He held my back but the other hand is still holding my hands. Huminga ako nang malalim para matanggal ang kaba sa dibdib ko.
“Miss Shakirra, are you ready?”
I nodded.
“Open your eyes slowly.”
Sinunod ko iyon. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Medyo masakit. All I can see is black. Everything is dark.
“Can you see us? If not, try too close your eyes and open it slowly again.”
Hindi na ako sumagot at ginawa na lamang ang sinabi ni doc.
May madilim na parte pero ang ilan ay may nakikita na akong liwanag. “How was it? Can you see light? Try closing and opening your eyes again until your eyes adjusted.”
I did it again and again. Nang makita ang liwanag sa kwarto ay tumungo ako. I saw my hand being held by a man’s hand.
Tumingin muna ako sa mga doctor at nurse na nasa kaliwang gilid ng higaan ko.
I smiled at them, a sign that I can now see them. I then look at the person on my right side. Alam ko na hindi ko talaga siya kilala pero nang makita ko ang mukha niya, halos maiyak ako sa aking nakita.
He looks like my brother. He looks like Lester but a more matured version. Mula sa malinis na gupit ng buhok niya, ang mga mata niyang nakangiti sa akin, ang matangos niyang ilong, ang labi niyang may biyak sa baba at ang baba niya na may cleft chin. Kitang-kita rin ang umbok sa leeg niya na lalong nagpatibay sa p*********i niya. His body is masculine at tingin ko ay matangkad din siya base sa haba ng mga biyas niya. Hindi kaputian, hindi rin kaitiman. A moreno type guy. His face so beautiful. Napakaamo ng mga mukha niya.
I don’t know but there’s someone telling me to hug him and I just did. Niyakap ko siya nang napakahigpit. “Thank you so much for taking care of me.”
Hindi ko siya kaanu-ano pero kung alagaan niya ako ay parang hindi ako iba sa kaniya. Naramdaman ko na niyakap niya ako pabalik.
“No. Thank you for waking up,” he whispered and caressed my back. Parang naubos na ang mga luha sa mata ko. Gusto kong maiyak pero ayaw ng mga mata ko. Okay na rin siguro ito. Hindi man nakikita ng iba, pero nasasaktan ang aking kalooban.
Ngayon, sobrang nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil nakakakita pa rin ako.
Nagpalakpakan ang mga kasama namin sa kwarto. “Congratulations Miss Shakirra!” Sigawan nila. Napabitaw kami sa yakapan at nilingon sila. They are all smiling ang congratulating us. Hawak ko pa rin ang mga kamay niya. I just really feel safe when I am holding his hand.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang tao. Babae at lalaki. The guy look like an honorable man.
“Sorry, we are late. How is she, doc?” tanong nito bago inilipat ang tingin sa akin.
Nagtatanong akong tumingin sa kasama ko. Nginitian niya lang ako.
“Maiwan na muna naming kayo rito. Congratulations again Miss Shakirra.” Pagpapaalam nila sa amin.
“Thank you.” Sabay naming sambit ng kasama ko.
Ngayon ay kami na lamang apat ang magkakasama. Lahat sila ay hindi pamilyar sa akin pero bakit sa nakikita ko, sobra silang nagagalak sa pagkakakita sa akin at sa maayos kong kalagayan?
Sino ba kayo?
Until now, I am wondering why Justine or his family aren’t with me. Alam nila na naaksidente kami, at sabi pa nga sa balita ay sila na ang nagiintindi ng aming kompaniya. Ayaw ko pang magisip masyado kaya hindi ko na muna ito po-problemahin. Saka na, kapag okay na ako.
Ngayon, ang kailangan kong gawin ay lakasan ang loob ko para tuluyan nang gumaling.
“Hi, I’m Cielo and this is my wife, Lorraine.” Pagpapakilala ng lalaki sa akin at inilahad ang kanyang kamay. Napansin ko na may badge ang kaniyang polo ng isang pulitiko.
Nagtataka man ay tinanggap ko ang kamay niya. Masaya naman iyong pinutol ng asawa niya at niyakap ako. “I am so glad you are awake. I am dying to have spa with you,” malambing na sabi sa akin ni Lorraine. She talks like we already shared some good stuffs.
“Hay naku Raine, kailangan pa niyang magpagaling.”
“Ang damot sa girlfriend ha,” naiinis kunwari nitong aniya sa katabi ko.
Tumawa naman ang dalawang lalaki na kasama namin. Bakit ang babait ng dating nila sa akin? At bakit din ang gaan-gaan ng loob ko sa kanila? Is it because they are the ones who saved me?
Isa pa sa ipinagtataka ko ay ang kaalaman nila na girlfriend ako ng kasama ko. Hindi na lamang ako nagpo-protesta dahil wala akong lakas na alamin ang ibang bagay. All I wanted is to get fully healed and go back to my old life.
Umubo ang katabi ko kaya napalingon kami sa kaniya. “Pwede na raw tayong lumabas. Kapag nakalabas na tayo, kailangan mo pa ring magpagaling kaya napagdesisyunan ko na kailangan mong sumama sa akin sa bahay ko. Okay lang ba iyon?”
Bakit sa bahay niya ako sasama? Bakit hindi sa bahay namin?
“Why?”
“I will explain to you everything once we get home, okay? You have so many things to know. And one more thing, the only persons you can trust now, is me, Cielo and Lorraine.” Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa seryosong turan niya. He is a complete stranger but I easily decided that I will go wherever he is. Ang bilis ko siyang pagkatiwalaan.
Gusto kong magtanong. Maraming katanungan sa isip ko na gustong-gusto kong malaman.
Una,bakit ako nandito? Bakit sila ang kasama ko? Bakit ang alam nila ay girlfriend ako nitong doctor na katabi ko? Bakit walang naghahanap sa akin, sina Justine at ang mga kaibigan ko? At bakit palaging pinapaalala sa akin na huwag akong magtitiwala sa iba maliban sa kaniya? Bakit sa tingin ko ay may koneksyon ang lahat sa aksidente na nangyari sa amin?
Natatakot ako na malaman ang sasabihin niya. I also have some conclusions in my mind. Sadyang hindi ko lang matanggap ng isip ko ang mga iyon kaya hinahayaan ko na lamang muna.
Hindi na lamang ako sumagot.
“Anyway, pare, nagpakilala ka na ba?” Cielo asked the guy beside me. Ni hindi niya man lang ako iniwan simula kanina. Talagang nandito lang siya sa tabi ko, paminsan ay hinahawakan ang mga kamay ko. Hindi naman ako nagagalit, ang totoo ay gustong-gusto ko kapag hinahawakan niya ang mga kamay ko.
Umubo siya kaya humarap muli ako sa kaniya. Justine is the arrogant jolly looking guy while this guy, he looks dangerous when serious but looks like an angel when he is smiling or looking at me. Napakaamo talaga ng mukha niya. He doesn’t look intimidating. I suddenly miss my brother. May hawig sila ng kapatid ko.
“Hope. Hope Andres Laurente.”
Just like his name, I think I now found my hope.
________________❤️