Someone’s POV
It’s been two hours since they entered the operating room.
Hindi lang ako, maging ang kasama ko na si Cielo ay pabalik-pabalik. We are tensed here. Hindi lang kami ang narito sa labas. Kasama namin ang mga body guards niya na nakalatag sa mga paislyo, ilang dipa ang layo sa isa’t isa.
“Pare, pwede ba kumalma ka muna. Kung hindi lang kita kilala, iisipin ko na girlfriend mo talaga siya eh.”
Sinamaan ko siya ng tingin. I am not the boyfriend type.
Inakbayan niya ako at hinila sa upuan. Ngayon ay nakaupo na kami. Ang paa ko naman ang pinapadyak-padyak ko. I am really nervous. Parang hindi ako doctor eh.
This is my first time experiencing it first-hand. Dati, ako ang nagpapakalma, ngayon, ako na ang nasa sitwasyon nila.
“Anyway, how’s the hospital?” he asked pertaining to the hospital I am working. I talked to the management already. I said there is an emergency.
“I need to go back as soon as possible.”
“How about her?”
“Iniisip ko pa nga, pare. I can’t think straight yet.”
“Grabe ang pagaalala mo sa kaniya ha,” nanunuksong aniya. Tingnan mo ang isang ito, kahit nasa ganitong sitwasyon ay may nasasabi pa rin.
“Don’t put malice on it. I am just helping her. You know, without them, I wouldn’t be able to study and achieve my dream of being a doctor.”
“I know. I was just trying to lighten up the mood.”
Tinawanan ko siya at yumuko. Magkahudpong ang dalawang kamay na nakadikit sa noo at nakatukod sa dalawang tuhod ko.
The door suddenly opened. Agad kaming napatayong dalawa. Nauna ang ibang nurse dala-dala ang mga ginamit na equipment at tools sa operasyon.
Nagtama ang paningin naming ng doctor. He smiled at us. Napahinga ako nang maluwag dahil doon.
“It went well,” Dr. Emanuel said as soon as he reached us. Kasunod niya ay ang hospital bed na tulak-tulak ng ilang nurse. On it is Shakirra, lying with bandaged eyes.
Lumundag ang puso ko nang makita siya. Nauna na sila sa amin. Kasabay namin ni Cielo si doc na nage-explain ng mga maaring mangyari kapag magising na siya.
“So what’s your plan?” Cielo asked when the doctor left us here in Shakirra’s room.
I can’t decide yet. Hindi rin naman naming alam kung kailan siya gigising.
Napahilamos ako sa mukha ko.
“Should I resign?”
“Why resign?” tanong niya, nagtataka.
“Hindi pwede na magli-leave ako lagi. It might stress other doctors or patients that I am handling. I am sure that Shakirra needs someone to take care of her for the mean time.”
“Should I hire someone to take care of her while you are away?”
Agad akong umiling sa kaniya. Another risky suggestion. “How about bringing her in my house?” he suggested again that made my eyes widen.
“No way,” mabilis kong sagot. Tumawa siya nang pagkalakas-lakas.
“You’re thinking I would bed her? Seriously dude?” napapantastikuhang aniya sa akin habang tumatawa.
“Of course not. I know how much you love your wife.”
Aside from being a good leader and friend, another thing that made me appreciate him is his love for his wife. Saksi ako roon.
“So you’re being possessive now, aren’t you?”
“What the hell, Cielo?!”
Possessive my ass. I don’t know but I wanted to take care of her on my own. No one else but me.
“Why don’t you just bring her at your house? It’s secluded and your gate is high. Neighbors are also far. No vehicles are passing by.”
“But it’s in Manila dude.”
“Nakakotse naman kayo pauwi. At saka, ipapahatid ko kayo sa mga tao ko. You will ride an ambulance again para hindi na masali sa checkpoint.”
His suggestion can pass. Wala rin akong mga katulong at kasama sa bahay. Should I?
Bahala na nga kapag magising na siya. Pero sa ngayon ay kailangan ko na munang bumalik sa Manila at magfile ng leave ko.
We talked to her doctors. I told them that I will file a leave. I know I could trust them.
May magbabantay rin sa labas na dalawang body guards ni Cielo kung sakali man na may magtatangkang pumasok na hindi naman dapat. Though this hospital is private and everyone had signed already with Cielo’s arrangement.
Inayos ko ang lahat ng kailangan na ayusin sa ospital. Kinausap ko na rin ang doctor na sasambot sa mga trabaho ko rito. I took a one month leave. Isang linggo ang tinagal niyon kaya isang linggo rin ako rito sa bahay ko.
The doctors are always informing me about Shakirra’s condition. She is still unconscious. I suddenly miss her.
I mean, I wanted to check on her. I want to be there when she wakes up.
Paminsan din na bumibisita si Cielo kasama ang asawa niya roon. Isa pa, kapag pumupunta sila ay lagi siyang nagse-send ng picture ni Shakirra. Ewan ko ba sa isang iyon, iniisip na may gusto ako sa babae eh, wala naman. Nagmamalasakit lamang ako.
I prepared some of my clothes and hygiene kit. Mga pang isang lingguhan.
I drove back to Bicol. Pagkatanggap ko ng approval ay halos magtatalon talaga ako sa tuwa.
Ilang beses din akong tumigil para magCR o kumain. Nakakangalay sa kamay ang biyahe. Masyadong malayo. May nadaanan akong nagtitinda ng mga prutas at bulaklak kaya bumili ako. She should wake up by now.
As soon as I parked my car, I quickly opened my door with a basket of flowers and fruits on my hands. My heart is beating so fast, eager to see her.
I am not this eager with anyone. Just her. Siguro ay dahil sa pagaalala lang ito sa kaniya kaya ganoon.
Nginitian ko ang dalawang nakabantay sa labas ng kwarto niya.
Nang buksan ko ang pinto ay agad hinanap ng mata ko ang kinatatayuan niya. I placed the two baskets on the bedside table and went on her bed.
Pinagaralan ko agad ang mukha niya. Naghihilom na ang mga sugat niya sa pisngi at baba niya. May cast na rin ang leeg niya. Her eyes are still covered with bandage. She is also wearing a hospital gown. Nakataas din ang kanang paa niya, to lessen the distress it has. Wala ng oxygen sa kaniya. Sumasakit ang puso ko kapag nakikita ko siyang ganito. She doesn’t deserve this inhuman act.
I called Cielo, telling him that I am here na. He is in a meeting but he still answered the call. I am really thankful with him. He volunteered on paying for the bills but I said I should be the one. Sobra-sobra na nag tulong na naibigay niya sa akin.
I sat on the couch and opened the television. Para siyang kwarto sa bahay. Good for a patient’s comfort but those who have money can only access this.
Mahina lamang ang volume nito dahil baka maistorbo ang pagpapahinga niya.
Pagkabukas ay balita agad ang bumungad sa akin.
The Sebastian’s are taking over the Cheng Architectural Firm. That fast. It’s her boyfriend’s family. Wala akong alam sa business pero tingin ko ay sila ang may pinakamataas na share sa kompanya kaya sila na ang magmamay-ari noon.
Bakit kaya hindi siya hinahanap ng boyfriend niyang iyon pati ng pamilya nito? Did they really think she is the one they saw? Sabagay, sabi sa balita ay sunog daw ang mukha nito.
Kahit naman siguro sunog ay may palatandaan pa rin sila sa babae kung siya talaga iyon. At paano nila nakuha ang bangkay na iyon? Saan? It’s still a puzzle to me.
While Shakirra’s investment company is handled by her friends. Does that mean, sila na rin ang magmamay-ari nang pinaghirapan ni Shakirra?
Siguro naman ang mga ito ay papatakbuhin nang maayos ang kompaniya dahil sila ang malalapit sa puso ng mga Chengs.
Napalingon ako kay Shakirra. Paano kaya niya tatanggapin ang nangyari? Sasabihin ko ba agad kapag magising na siya?
Hindi ko alam na napatagal na pala ang titig ko sa kaniya.
Papalingon na sana ako sa pinapanood nang mapansin na gumalaw ang ulo niya. Siguro ay namalikmata lamang ako kaya lumipat na sa tv ang paningin ko.
“Hhmm.” I heard a moan.
Parang pinangilabutan ako at agad na tumayo papalapit kay Shakirra. f**k! Her fingers are moving. My heart is beating so fast.
Hinawakan ko agad ang kamay niya na gumalaw.
“Hey,” I called her. May tabon pa rin kasi ang mga mata niya.
“Thi… thir… thirs… thisty.”
Nang mapagtanto ang nais niya ay agad akong kumuha ng tubig. I adjusted the hospital bed just so she can drink.
Nahihirapan pa siyang gumalaw.
Inalalayan ko siya sa paginom. Hinawakan niya ang kamay ko nang masiguro na tama na ang paginom niya.
She moved her hand, to her neck up to her eyes. “Why?” mahina niyang sambit.
I know she is asking about her state now.
Gagalaw na sana siya nang mapaigik. I know her back and cuts on her abdomemen are not fully healed.
“What happened?” pagtatanong niya. Hindi niya ba naaalala ang nangyari?
Napatigil siya sa paggalaw. Tingin ko ay nagiisip. Maging ako ay nagiisip din ng sasabihin sa kaniya.
“No!” bigla niyang sigaw makalipas ang ilang minuto na katahimikan.
Napalapit ako sa kaniya. “May masakit ba?” paninigurado ko at baka may masakit nga sa kaniya.
“Where’s Lester?” f**k! Heto na nga.
“My mom? Si daddy? And who are you? Where am I?”
“Calm down. I am a doctor. Give me your hand,” pakiusap ko sa kaniya. She would go hysterical if I won’t do anything here. I am not a doctor for nothing.
Ibinigay niya rin sa akin ang kamay niya pero dahil hindi ako nakikita ay ako na ang kumuha nito at hinawakan nang mahigpit.
“Are you calm?”
She nodded.
“The doctors remove broken glasses in your eyes that’s why it is still covered with bandage. You have swelling on your back and abdomen kaya may cast ka rin sa leeg mo to lessen the pain it would cause. It’s been a week since you had the accident.”
“I don’t care about myself. Where are my family? I remembered how our car crashed on a tree and after that… I can’t remember anything after that. Please, where are they?”
“Calm down, okay?”
“Where the hell are my parents?! And where is Justine? Why isn’t he here? Call him! Call my parents. Tell them I am awake!”
Napalunok ako. How can I tell her? Her voice are raising now. s**t!
“Come on! What are you doing? Where are they?”
I remain calm. Alam ko na wala pa siya gaanong lakas pero medyo masakit na rin ang kapit niya sa kamay ko.
“Calm down, I will call the doctor.”
I pressed the bell. Natahimik na naman siya nang ilang segundo bago hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
“Tell me that they are okay.”
I can’t lie to her but I can’t tell her straight to the point that they are dead.
“Okay lang sila diba? Buhay pa sila diba? Diba, doc?” she desperately said. Her voice is croaking. Parang pinipiga ang puso ko.
Nagiinit na rin ang mga mata ko. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya. Patuloy ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko.
Natahimik kami kung kaya’t ang tunog ng telebisyon ang narinig namin.
“After the burial of the Cheng family, Sebastians…”
Nanlalaki ang mga mata ko at agad na bumitaw sa kaniya para patayin ang TV.
Shit! Narinig niya ba?
She then remained calm. Tahimik na siya. Hindi na rin siya nagtatanong. Siguro ay hindi niya nadinig. Naupo ako sa gilid ng hospital bed at hinintay kung may sasabihin siya.
Bakit ang tagal ng mga doctor?
Hahawakan ko na sana ang mga kamay niya nang bigla itong kumuyom. Her shoulders are moving. Kagat niya rin ang labi niya.
Shit!
Sinapak-sapak ng mga kamay niya ang hita niya. Kasabay noon ay ang mga hikbi niya. Kasunod ng hikbi ay ang mga hagulgol niya.
Naroon lang ako sa harap niya. Walang magawa. I know how painful it is.
“Bakit nabuhay pa ako kung patay na sila? Ha? Tell me? Dapat ba namatay na rin lang ako?”
Lumapit ako sa kaniya at niyakap. Maingat na yakap. Iyong yakap na kahit papaano ay makapagpapagaan ng nararamdaman niya. Ako na ang dumukwang para maidikit sa kabila ng aking ulo ang sa kaniya. Mahirap kasi siyang dalhin sa balikat o dibdib ko dahil sa cast. I wanted her to know that I am here. She is not alone.
“Patay na ba talaga sila?”
I never answered her but stared tapping her back.
“Tell me I am just dreaming! Come on,” pagmamakaawa niya pa.
Hindi na siya humahagulgol pero yumuyugyog pa rin ang balikat niya. Ramdam ko iyong sakit. Ramdam ko ang pinagdadaanan ka. Iyong tipong wala ka nang magagawa kung hindi ang tanggapin ang nangyari. Because we are just humans. We don't hold someone's life.
"You aren't. Remember Shakirra, this is the reality. I wanted to think that this is just a dream as well but it really isn't. I know it is hard and painful but always remember that it happens to all of us. May mga nawawala pero hindi ibig sabihin noon na titigil na ang mundo natin. They are gone but that doesn't mean you would wish that you must die as well. Instead, be thankful He saved you."
Kung pwede lamang higpitan ang yakap ko sa kaniya ay ginawa ko na.
She just stayed silent. I can still hear her sobs. Gusto ko siyang pigilan dahil maaaring makaapekto sa mata niya pero hindi ko na iyon makakaya. She is hurting.
"They may have left you but you can have me. I am here. I could be a family for you. So please, fight for your life okay? Don't give up please. I know you are a brave woman."
Pagpapalakas ko ng loob niya dahil alam ko na pinanghihinaan siya ng loob. She is crying silently. This is how strong she is.
Ang mga luhang namuo sa mga mata ko ay nagsipaglabasan na. Agad ko iyong pinunasan. Ang sakit niya kasing panuorin. Even her sobs affects me.
Ang mga kamay niyang nasa hita niya ay yumakap na sa akin. Mas lalo ko nang naramdaman ang pighati niya. It's really hard to accept sudden deaths of your loved ones.
"I'm here. Iiyak mo lang iyan."
_____________❤️